Alessia Pagdating namin ni Vincent sa mismong Texas ay inalis ko ang aking jacket dahil sobrang init dito. Ibang-iba ang init niya rito kaysa sa Manila dahil parang lahat ng init ay hinihigop ng mismong katawan ko. Habang hinihintay namin ni Vincent ang aming sundo ay ipinapaypay ko ang aking kamay sa aking mukha dahil sobrang init. Kung alam ko lang ay sana nagdala ako ng pamaypay ko o kaya mini electric fan para mawala kahit papaano ang init na aking nararamdaman. Nagbuga ako ng hangin sabay tumitingin sa mga taong katulad ko na naiinitan din siguro dahil sa klima. “Vincent matagal pa ba iyong tinawag mong sasakyan?” reklamo ko at napasimangot ako na wala man lang ni isang pawis sa mukha ng lalaking ito at nakasuot pa siya ng shades. “No worries. Malapit na iyon kaya kunting tiis

