5 Years Ago
HI, LUKE.
5 years ago is the most happiest day of my life when I met you in cruise; pero hindi ko aakalain na ito rin ang magiging pinakamalungkot na sandali ng buhay ko.
Because now, I decided to leave you, Luke. At kung tatanungin mo ko kung pinag-isipan ko ba itong desisyon ko, I just want you to know yes, even it's hurt, kahit na pakiramdam ko pinapatay ako ng paunti-unti.
Minahal kita, Luke at sarili ko sigurado akong mahal kita. At kung bakit humantong tayo sa sitwasyon 'to hindi ko alam, ang alam ko I just have to chose the right thing ito lang alam kong tama, Luke . But I want you to know na— hindi lahat ng nang-iiwan hindi nasasaktan, Luke— dahil masakit, dahil walang katumbas na sakit. Dahil mahal na mahal kita.
I'm leaving, Luke... And, I'm pretty sure that I will not turning back gaya ng pag-alis ko ngayon habang mahimbing kang natutulog, Mahalko.
Ang hirap, Luke. Sana mapatawad mo ako pagdating ng panahon— at sana ipagkaloob mo sa akin ang hiling ko na kung magkita man tayo sa muling pagkakataon— pwedi bang umiwas ka, Luke.
Bye, Luke.. And, I'm sorry!
Cielo.
_______
3 Years After— St. Therese University.
"Hi, Rosie.. How are yah? Parang ang dami naman ng ginagawa mo ngayon," untag ng kaibigan ni Rosie na si Chandria— kapwa sila graduating student as management student sa university na ito.
Pinagmasdan niya ito habang inisa-isa ang mga nakasalansan na notes na ginagawa niyang report.
Parehong na-late sa pagkaka-kolehiyo kaya heto at kahit na pareho na silang bente cinco tinutupad pa rin nila ang pangarap nilang dalawa heto nga malapit na silang magtapos, natutupad niya na ng paunti-unti ang pangarap nilang dalawa lalo na minimithi nilang makapagpatayo ng sarili nilang negosyo.
"Gusto mo bang iwan muna kita? Para naman magawa mo na iyan at makakain na tayo—"
"Mauna ka na, Chan. Okay lang ako, tatapusin ko lang 'to. Hindi pa naman ako nagugutom eh. Tsaka may baon ako incase na magutom ako maya-maya."
"Sige. Call mo lang ako if you need me ha, alam mo naman one call away lang ako, Rosie."
Ngumiti siya sa kaibigan nang tumayo ito sa harap niya, hinatid niya ito ng tingin hanggang sa makalabas sa library. Library na ang naging buhay ni Rosie sa loob ng apat na taon sa pribadong unibersidad na ito bilang iskolar ng isang pribadong tao.
Napasinghap siya ng maalala ang nakalipas, tatlong taon na ang nakaraan; maayos ang buhay ni Rosie nang nabuhuhay pa ang mga magulang niya lahat ng gusto niya nasusunod, lahat ng nais niya nabibili niya, mga lugar na gusto niyang puntahan napupuntahan niya at iyon nga ang huli nang iregalo sa kaniya ng parents niya ang cruise ship tour halos labing limang bansa din ang naikot niya n'on sa edad na labing anim na taong gulang siya.
Pinikit ni Cielo ang mga mata niya; pilit winawaglit sa isip ang nakaraan. Ilang beses niya nang sinubukang kalimutan ang lahat ng iyon, ginustong ibaon sa hukay kasama ng mga magulang niya ang ala-alang iyon.
'Hindi na iyon babalik!' malungkot na bulong ni Rosie sa sarili.
Sa totoo lang hindi naman siya nawawalan ng pag-asang bumalik ang buhay na nakagisnan niya, kaya niya naman kung tutuusin.. masipag siyang tao, matalino kung diskarte lang din ang pag-uusapan kaya niyang makipagsabayan sa mga ka-batch niya n'ong matagumpay na sa buhay ngayon.
Masaya naman siya sa mga ito, wala siyang nakakapang inggit sa puso niya para sa mga naging kamag-aral, kaklase o kaibigan niya n'on.
'Nauna lang sila, susunod din ako—' puno ng pag-asang sambit niya sa sarili.
Binalikan niya ng tingin ang mga ginagawa, ang ibang notes na iyon sa mga kaklase niyang nagbabayad sa kaniya, ito na rin ang nagsisilbing extra job niya sa school— sayang din ang perang binabayad sa kaniya nagagamit niya itong pambayad sa boarding house nila ni Chandra iyong sobra pinambibili niya ng mga kailangan nila since lahat ng kung ano'ng gamit niya sa universidad na iyon ay libre naman na mayroon siya.
Malaki ang pasasalamat ni Rosie sa hindi nakilalang sponsor niya kung makikilala niya lang ito magpapasalamat siya ng sobra dito dahil kung wala ito sa buhay niya siguro nandoon pa rin siya sa karenderyang pinagtatrabahuhan niya n'on pagkatapos niyang umalis sa bahay nila dahil nililiit na ito ng bangko na pinagkautangan ng papa niya.
'You're my guardian angel,' dugtong niya pang bulong sa sarili.
Naalala niyang kahit kasarian nito ay hindi niya alam, ang sabi sa kaniya ni Sister Anna huwag niya na lang daw alamin at tunay na pribado ang taong iyon; nirespeto naman ni Rosie ang desisyon ng mga ito tiwala din naman siyang darating ang panahon na makikilala niya ang tao o mga tao sa likod n'on.
Sa ngayon pagsisikapan niya ng sobra ang tulong at tiwalang binigay ng mga ito sa kaniya.
Para sa kaniya mabilis na lang siyang makakabawi kapag nakapagtapos na siya ang pangarap niyang events planner business ay matutupad niya na rin, pasasaan ba't magiging tanyag siyang event planner— sa weddings, baptism o kahit na ano'ng okasyong kailangan ang serbisyo niya.
Iyon ang matagal na nilang pangarap ni Chandra at tiwala sila pareho sa sariling mangyayari iyon, kaya nga kahit sa tingin ng iba huli na para mag-aral silang muli ng kaibigan; mas marami siyang matututunan kung sa paaralan mismo nila mapag-aaralan iyon naniniwala siyang mas magiging matagumpay silang dalawa kapag nagkataon dahil sa friendship nila subok ng, 'walang iwanan silang dalawa.
Makakabawi din siya.
Wala sa sariling napatingin sa labas ng bintana si Rosie, napawi ang ngiting kanina lang sumilay sa labi niya nang may naalala.
'It's been three years, Luke. Kamusta kana kaya? Napatawad mo na kaya ako? May pumalit na kaya sa akin sa buhay mo? Sana mayroon, sana iyong mas mahalin ka, sana iyong hindi ka iiwan kahit na gaano kahirap, Luke.. Ako okay lang ako, pero si Cielo? Wala na siya, Luke.. Wala ng Cielo! Kasama ko siyang iniwan nang iwan kita!' naiiyak niyang kausap sa sarili.