Napalingon ako sa grupo nila kuya ng makarinig ako ng isang malakas na tawanan.
Naagaw din nila ang atensyon ng ibang studyante na busy sa pagkain. Halos lahat ng nasa grupo nila kuya ay hinahangaan, pansin na pansin ang mga ito sa mga kanya kanyang estado sa buhay.
Ang ibang studyante ay pasilup na binabalingan ng tingin ang mga kalalakihan doon. Npaismid ako ng tignan ako ni kuya, he knows how I hate him getting attention.
Lumalaki kasi ang ulo akala mo kung sinong artista na tinitilian, hindi ko na siya masisisi dahil nabiyayaan yata ni Adonis. Ako lang yata sa pamilya Del Fuego ang walang itsura.
Pinagpatuloy ko ang pagkain ng pasta na inorder namin ni Jane kanina.
Binaling ko ang tingin ko kay Jane na tahimik lamang ito.
“Anong nangyayari sayo?” sinundot sundot ko ang pisngi ni Jane ng tulala lamang ito sa grupo nila kuya kaya hindi niya na magalaw galaw ang pagkain.
“Sinong tinitigan mo dyan?” ngumisi ito.
“Ang gwapo ni Bray,” kumunot ang noo ko.
“Sino jan? Ang daming lalaki oh”
“Yung blonde ang buhok na singkit, ang gwapo niya lalao na kapag ngumingiti…ahmmm…gummy smile” I gave her a weird look.
“Ang creepy mo,” inismiran ako nito.
Inayos ko ang pinagkainan ko ng matapos ako, sumandal ako sa upuan at kinandong ang bag saka niyakap.
Nilibot ko ang tingin ko, ang sasaya nila.
Nagawi ang tingin ko sa isang lalaki, biglang bumilis ang t***k ng puso ko.
Hindi ko alam kung anong pakiramdam ito, napailing iling ako. Bumaling ang tingin niya sa’kin, nakita ko ang lalim ng titig nito na tila tagos sa aking kaluluwa.
Napalunok ako at nag iwas ng tingin, ramdam ko pa rin ang seryosong tingin nito maybe he find me disgusting because I’m ugly and don’t have even a fashion.
Tinignan ko ulit siya, nanlaki ang mata ko ng ngumisi ito. Nakaramdam ako ng kaba. I don’t even know his name.
“Ay sorry!” napatalon ako ng makaramdam ng isang malamig na bagay na dumaloy pababa sa aking katawan, nanginig ako.
“Maicey!” napayuko ako sa lakas ng boses ni Jane.
“Ayos ka lang ba Adeline? Sorry hah….akala ko basurahan opss!” ngumiti ito.
Naagaw namin ang pansin ng ibang studyante, may mga nagtatawanan at sumisigaw.
Tila tuwang tuwa sa nakikita,nangilid ang luha ko. Why do I feel weak? Nilingon ko si kuya at akma itong pupuntahan ako ngunit isang babae ang humila sa kanya pabalik.
Napalingon ako sa isang lalaki at seryoso itong nanood.
“Adeline ayos ka lang?” no..I’m not
“Ayos lang,” ngumiti ako ng tipid, I sighed and gave Maicey an assuring look.
“Maicey ayon ang basurahan oh.”
“Sorry, akala ko kasi talaga ikaw yun,” natawanan ang mga studyante, nanginig ang tuhod ko sa mga boses, paulit ulit lamang ito sa aking isipan.
Umayos ka ng tayo, kinuha ko ang mga gamit ko at pinalibot ulit ang tingin.
Tumakbo ako palabas ng cafeteria nalaglag ang mga luha sa mata ko. Narinig kong tinawag pa ni Jane anv pangalan ko ngunit hindi ko na ito liningon.
“Loser!”
“Outcast!”
Lahat yun ay inukit ko sa urak ko.
Matapos ang nangyari ay naglibot libot lamang ako, hindi alintana ang mga susunod na klase.
Isang subject na ang nakaligtaan ko.
Napatingin ako sa cellphone nabinugay ni kuya ngunit minsan ko lang gamitin. Binasa ko ang mga text ni Jane na puro pag-aalala.
Jane; Nasaan ka na?
Jane; Ba’t hindi ka pumasok?
Jane; Ayos ka lang ba?
Pinatay ko ang cellphone ko at nagtungo sa library, inubos ko ang oras ko sa pagbabasa ng ibat ibang novels.
Napalingon ako sa gilid ng makarinig ng kaluskos. Iisa ko lamang na nandito sa libraray dahil oras ng klase ngayon at lahat sila ay busy sa kanilang classroom.
Nilapitan ko ito, sabi nga nila pa curious ka go lang.
Unting unti akong lumapit, sinalakay ako ng kaba na baka masamang tao ‘to.
Nakita ko ang isang stick na manipis kaya dali dali ko itong kinuha.
Handa na akong ihampas ito ng manlaki ang mata ko.
“Ahmm…W-Wayne…you’re so hot”
“Kiss me like that….”
Napaatras ako kaya nasagi ko ang aklat na nasa lamesa, bumagsak ito upang makalikha ng ingay.
Natigil ang tunog, nanlaki ang mata ko ng makita ko ang pamilyar na mukha ng lalaki.
Kumabog ag dibdib ko, so Wayne is his name? Napaismid ang babaeng kasama niya na inaayos ang blouse na nagulo dahil sa ginawa nila.
“Istorbo,” bulong nito ngunit hindi nakatakas sa pandinig ko. Napalunok akk ng tignan si Wayne. Tinignan akk nito mula ulo hanggang paa at napailing. Napayuko ako at napakapit sa palda.
“Wayne tara na nga,” hinila ng babae si Wayne, inismiran ako nito at binunggo ang balikat ko dahilan upang matumba ako.
“What a clumsy..I’m sorry,” napayuko na lamang ako. Isang kamay ang nakita kong nakalahad, itinaas ko ang tingin ko at nakitang kay Wayne iyon.
Inalis ko ang kabang nararamdaman ko at tumayo ng mag-isa.
“Pasensya na k-kayo,” umalis ako ng nakayuko. Nakahinga ako ng maluwag ng makalabas sa library.
Lumipas ang mga oras nang nagsilabasan na ang mga studyante.
Nagpalipas ako ng oras sa isang bench na medyo tago at doon itinuloy ang pagbabasa, hindi maalis sa isipan ko ang mukha ng isang lalaki hanggang sa nakaiglip na lamang ako.
Nagpasya akong umuwi ng makita na ang driver ni mommy na susundo sa akin.
“Kamusta ang pag-aaral mo iha?” tanong ni Manong Ernesto, ang driver ni mommy.
“Ayos lang po,” napangiti ako ng tipid, bumagsak ang balikat ni manong ng maramdaman ang wala kong ganang boses.
“Alam mo iha, hindi masamang umamin,” ngumiti ito, pasulyap sulyap ito sa akin sa rear view mirror ng kotse.
“Po?”
“Alam kong nahihirapan ka na, nabully ka na naman ba?” napayuko ako.
“Ayos lang yan iha, parte iyan ng buhay ng tao. Kung pwede walang negatibong nagyayari mawawalan saysay ang buhay. Oras na binully ka nila iparamdam mo sa kanilang ayos lang iyon. Hayaan mo sila hanggang sa mapagod dahil darating ang araw marerealize din nila ang mga mali nilang nagawa at baka sila pa mismo ang kumuhod sa iyo,” hindi ko alam kung advice ba iyon pero nakaramdam ako ng ginhawa.
Tahimik ang bahay ng makarating kami. Wala pa si kuya, siguro ay nagpapractice para sa darating na intramurals.
Sila ang pambato ng Harvord Academy para sa Basketball. Sila din ang two time defending champion kaya puspusan ang practice nila dahil hindi sila pwedeng matalo ngayon taon.
Nagtanggal ako ng salamin at saka kinuha ang twalya at nagtungo sa banyo. Bago ako dimiretso sa shower ay tinignan ko ang sarili ko sa salamin, hinawi ko anf mga strand ng buhok na tumatakip sa mukha ko.
Pinasadahan ko ng dali ko ang bawat sulok ng aking mukha, napailing iling ako. Kailan pa ako naconcious sa itsura ko? Dumiretso ako sa shower at nagtanggal ng damit. Sighed.
Tahimik ang hapagkainan ng nagdinner kami, wlang imik na namumutawi sa bibig naming dalawa ni kuya.
Minsan minsan ay sumusulyap ito sa akin.
Hindi ko alam pero hindi ako nito pinapansin, wala naman akong ginagawang masama?