“Basura!”
“Umalis ka na nga dito!”
“Talaga bang kapatid yan ni Bryce?”
“Siguro ampon ka lang no?!”
Napayuko ako ng tamaan ako ng isang malagkit at basang bagay, nanghihina ang tuhod ko ng unti unting dumami ang nakikiusyuso.
I despise being the center of attention, bakit ganito sila sa’kin?
Naglalakad ako may corridor ng bigla akong hinarang ng mga stdudyante .
Lagi nila itong ginagawa sa’kin, why?
Because I’m a nerd and just an outcast. In their eyes I’m a trash, kasalanan ko bang ganito ako?
“Adeline!” napalingon ako sa isang boses na palapit , tumigil ang lahat ng biglang nagsitahimikan.
I smiled bitterly, nahawi ang daanan at nakita ko ang isang pamilyar na mukha, bakas ang pagaalala sa mukha nito. Dali-dali itong pumunta sa harap ko at dinaluhan ako.
“Sinabi ko naman sayo na sabay na tayo eh,” nailing iling ito, napangiti ako ng ramdam ko ang kanyang awa although, I hate these feeling yung may naaawa sa akin.
It feels like ang hina hina ko, na hindi ko kayang ipagtanggol ang sarili ko.
Inalalayan ako nitong tumayo, hawak niya ang dalawang balikat ko habang binalingan ng tingin ang mga studyante. Bakas ang pagkadismaya sa mukha nitoo.
“Ilang beses ko na kayong binalaan, kung hindi niyo siya kayang respetuhin tulad ng pagrespeto niyo sa akin hindi alo natutuwa sa inyo,” naramdaman ko ang kamay nitong hinawakan ang kamay ko.
“Pero kasi-“
“Ano?”
“Kuya tama na…” I whispered tumango na lamang ito.
“Excuse us,” ramdam ko ang mga matatalim na tingin na ibinibigay ng mga babae sa akin, iniidolo nila si kuya dahil ito ay may magwaping mukha.
But kuya is very disappointed every time he saw me being bullied by those students. I feel ashamed to those stufents dahil mismong idolo nila ang may ayaw sa kanila.
“Pumunta ka muna ng cr, mag ayos ka doon bago ka pumasok sa classroom mo,” tumango ako.
“Mag ingat ka, sabihin mo sakin kapag may nangbully ulit sayo,” napangiti ako sa sinabi ni kuya, ngumuso ako. Inayos nito ang salamin kong nagulo.
“Salamat kuya, ingat ka rin,” I wave my goodbye and walk towards the comfort room, napatingin ako sa relo ko at may 10 minutes pa naman bago ang klase, I sigh.
Nang makarating ako sa comfort room ay napatingin ako sa salamin.
I smirk, look what they’ve done? Nobody threats me like this. Inalis ko ang salamin ko at naghilamos, dinaluhan ko ng basang panyo ang dula ng palda ko kung saan nalagyan ng itlog na ibinato sa akin kanina.
Binasa ko rin ang parte ng buhok ko na malagkit. Pagkatapos kong mag ayos ng sarili ay napahinga ako ng malalim, Malaking damit? Well this is me now.
Pinasadahan ko ng huling tingin ang sarili sa salamin at lumabas.
Pagkapasok ko ng classroom ay sumalubong sa akin ang napakagulong room, nililibot ko ang paningin ko.
“Adeline!” napangiti ako. Nabaling sa akin ang tingin ng mga studyante ngunit agad din akong binalewala na parang hangin, okay na rin ang balewalain kesa tapun-tapunan ng kung anu-ano.
Yumuko ako at tinungo ang upuan ko sa bandang likuran.
“Uy nabalitaan kong binully ka na naman daw kanina,” tumango lamang ako.
Umopo ako at pinabayaran lamang si Jane na nagkwento ng kung anu ano. I sighed.
She is my bestfriend ever since, Jane Angela Adisson, compared sa akin walang wala ako. She has a classic fashion. May taste sa pananamit at magaking magdala ng sarili, always confidence at may magandang pagmumukha.
Maraming lalaki ang nagkakagusto sa kanya, she’s a princess and I’m an outcast nerd. Nobody likes me while everybody kneel on her. I feel proud because she is my bestfriend.
“Bakit kasi hindi ka lumalaban e balita ko pinag-aral ka ni Tito Congrad ng martial arts?” nanlaki ang mga mata ko, kinurot ko ang tagiliran niya kaya napaigkit ito. Masyadong madaldal eh.
“Pag lumaban ako lalaki lang ang gulo at saka Martial Arts? Anong gusto mong gawin ko pagsisipa at suntukin ko sial?” she pouted.
Napatawa nalang ako ng mahina.
Natigil ang pagkukwentuhan namin ng biglang dumating si Prof. Apollo.
“Good Morning”
“Good morning prof,” nagsi upo kami ng tumango ito.
“Get 1 whole sheet of paper and I want you to write an essay about the society nowadays,” maraming kaklase ko ang umangal.
Naglabas na lamang ako ng papel at nag umpisang magsulat. Society? Alam na alam ko yan dahil kahit ako mismo kabilang sa bitima ng mga iyan.
“Adeline panggawa mo nga ako,” napakunot ang noo ko sa sinabi ni Jane.
“Bawal,” I mouthed.
Napapadyak ito “wala akong maisip eh,”
“May isip ka ba?” napairap ito sa tinuran ko. Tsk.
Lumipas ang minuto nagsalita na si prof na ipasa ang mga papel, inisa isa nito ang bawat papel at napatango tango.
Tumigil ang tingin nito sa isang papel at napakunot noo. Napalunok ako ng titigan ako nito nag iwas ako ng tingin.
“Goodbye,” hindi pa kami nakakatayo nang biglang jmalis si prof.
Dumating ang next subject at napakaboring nito. Alam ko na iyong ibanag tinuturo dahil nakapag advance reading na ako but I also take notes dun sa mga nadagdag na kaalaman.
Nag ayos ako ng gamit ng napag alamang break time, hinintay ko si Jane ng makitang hindi pa ito tapos magsulat.
Nang matapos ito’y nagmadaling mag ayos saka hinila ako palabas ng classroom at tinungo namin ang cafeteria.
Puno ang cafeteria ng dumating kami, sa kabilang gilid ay kita ang isang grupo ng mga studyante na nagtatawanan at nagkakantyawab namataaan ko si kuya isa siya sa mga nandoon.
Naramdaman yata ito ang titig ko kaya bumaling ito ng tingin sa akin, kumaway ito at ngumiti.
Npayuko ako ng bumaling din sa akin ang ibang kasama niya, nakuha naman ng atensyon ko ang isang lalaki sa tabi ni kuya na seryosong nakatingin sa akin napalunok ako.
Nag iwas ako ng tingin at hinila si Jane para makahanap ng magandang pwesto.
Tumingjn ulit ako sa gawi nila kuya at nagbalik sila sa tawanan, I bet they are all Grade 12.
Nagawi ulit ang tingin ko sa isang lalaki at tahimik na lamang itong nakikipagkwentuhan sa mga kasama.
“Order lang ako ng atin ha” napatingin ako kay Jane ng magsalita siya.
“Sama na ako”
“Tara,” hinawakan nito ang kamay ko at hinila sa counter. Namili ako ng mga pagkain na alam kong makakabusog sa akin at inumin.