bc

The Abandoned Wife

book_age18+
49
FOLLOW
1K
READ
revenge
love-triangle
HE
neighbor
drama
small town
like
intro-logo
Blurb

LIMANG taong nagsama si Melody at Benjie sa isang bubong, kailanman hindi sila nabigyan ng isang supling para maging simbolo ng kanilang wagas na pagmamahalan. Naging mahirap ang buhay para sa kanilang dalawa kaya nagpasya si Benjie na mula Cebu pumunta ng Manila para maghanap ng magandang trabaho iniwan ang pangakong babalik ito sa piling niya para sa mas magandang simula ng kanilang buhay mag-asawa. Isa, dalawa, tatlo hanggang sa umabot ang limang taon walang Benjie ang bumalik sa buhay ni Melody, d'on siya naglakas ng loob para hanapin ang lalaki sa malawak na siyudad. Mahirap man para sa kaniya ang naging buhay wala siyang magawa. Naisakatuparan ni Melody na mahanap si Benjie. Pero ang hindi niya inaasahan at hindi niya kailanman naisip na may ibang babae sa buhay nito; isang mayaman, edukada at wala siyang sinabi balik-baliktarin niya man ang mundo. Ipaglalaban ba ni Melody si Benjie? O tatanggapin sa sariling inabandona na siya ni Benjie na mas kilala na sa tawag na Benjamin Gonzaga sa bagong mundong ginagalawan nito kasama si Prianka ang kaniyang amo.

chap-preview
Free preview
ACCIDENT
THE ABANDON WIFE || "PANGAKO MO SA AKIN, BENJIE NA AKO LANG HA.." bulong ni Melody sa asawang si Benjie. Limang taon na rin silang nagsasama sa isang bubong, kasal na lang talaga at supling ang kulang sa kanilang dalawa. "Walang iba sa buhay ko, Oddy. Ikaw lang. Mahal na mahal kita." Maingat siyang inayos ng higa ni Benjie mula sa pagkakahiga niya sa braso nito sa papag ng maliit nilang silid. "Jie, hindi pa tayo kumakain," nakangiti niyang bulong dito. Hindi naman ito nagpapigil sa kaniya; hinalikan siya nito sa ulo niya, sa nuo niya, sa gitna ng ilong niya, sa magkabilang-pisngi hanggang sa sakupin nito ang labi niya. "J-Jie.." sambit ni Melody sa pangalan ng asawa. "Mahal na mahal kita, Oddy. Ikaw lang," ganting bulong sa kaniya ni Benjie. "Gusto ko magkaroon ng maraming maraming anak sa iyo, Mahal. Gustong-gusto ko na," aniya pa. Hindi siya nagtangkang pigilan ang mga plano pa nitong gawin sa gabing madilim na may malamig na klima dahil unang linggo ng Disyembre iyon. Hinubad ni Benjie ang suot niyang bulaklaking blouse na paborito niya dahil bigay ito sa kaniya ni Benjie nang sumapit ang kaarawan niya dalawang buwan na ang nakalipas. Napadaing si Melody nang pumailalim ang kamay nito sa suot niyang pangloob-pambaba. "B-Benjie.." "Tayo lang dito, Mahal. Okay." Nakangiting saad sa kaniya. Alam niya naman sarado na ang buong bahay nila kaya wala siyang dapat ipag-alala sa kung ano man ang mangyari sa kanilang dalawa. Isa pa, tulad nga ng sabi niya kasal na lang naman ang kulang at mag-asawa na silang matatawag na dalawa. Pero kahit naman hindi pa sila kasal para sa lahat ng nakakilala sa kanila ay mag-asawa na nga silang talaga. Uso naman iyon sa probinsya nila marami naman ang nag-li-live-in d'on. Hindi na kailangan ng kasal, sa hirap ba naman ng buhay ngayon uunahin pa ba nila ang kasal? Wala pa naman silang anak ni Benjie, iyon ang palagi nilang sinasabi sa isa't isa pinagkakasunduan nila. Wala na sila halos silang saplot sa katawan nang muling pumaibabaw si Benjie sa kaniya. "Sasabayan mo ako ha?" Alam niya ang tinutukoy nito. Gusto na nga talaga siguro magka-anak ng loko. Bumaba sa katawan niya si Benjie, malayang pinagmasdan muna nito ang malusog niyang dibdib hanggang sa sakupin ng bibig nito, hinayaan niya ang lahat ng ginagawa ni Benjie sa hubad niyang katawan habang magkadaup-palad ang kamay nilang dalawa. "Ohhh! Ohh.." Hindi niya napigilang palayain ang ungol niya sa sensasyon kiliti na binibigay sa kaniya ng lalaki. Hanggang sa naramdaman niya na lamang ang pagpasok nito sa kahubaran niya't magkalapat pa rin ang labi nilang dalawa. Kapwa sila hapong-hapo nang maramdaman ang mainit na likidong sabay na lumabas sa isa't isa. Hinihingal pa siya nang bumalik sa pagkakahiga si Benjie sa tabi niya. "Gusto ko baby boy, Mahal. Tapos magpapakasal na tayo." "Nag-usap na tayo hindi ba?" "Mahal, gusto ko na." "Pero, Jie. Aalis ka na bukas. Hindi ba aabutin muna natin pangarap natin bago ang kasal?" Tiningnan siya nang mariin nang lumingon ito sa kaniya. Hindi niya alam kung ano ang nararamdaman niya sa sandaling iyon. Malungkot siya dahil sa desisyon nitong sumama sa ilang kababata para magtrabaho sa Manila bilang construction worker; ayon sa mga ito malaki daw ang magiging sahod at kontrata lang kaya babalik din agad ang asawa niya sa Cebu. "Basta pagkatapos ng trabaho ko sa Manila pakakasalan na kita. Ayaw ko na nang maraming hadlang, Melody. Tapos babalik tayo d'on at doon tayo mamumuhay," sabi nito. "Mahal, marami pa ang mangyayari. Ang gusto kong gawin mo ay mag-ingat ka ron at bumalik ka sa akin ng buong-buo. Okay?" "Pangako. Mag-aaral ka ulit at magiging architect ka samantalang ako itutuloy ko iyong pangarap kong maging engineer." Napangiti na lamang sila sa isa't isa dahil sa mga sinabi ni Benjie. Hindi naman malayong matupad nila ang lahat ng iyon, pareho silang matalino. Huminto lang naman sila sa pag-aaral dahil nag-live-in silang dalawa na pareho nilang pinili, dahil na rin sa naging hirap ng buhay kaya mas pinili muna nilang magtrabaho at mag-ipon. "Engineer Benjamin Gonzaga and Ms. Architect Melody Zamora Gonzaga, bagay na bagay, Mahal.' "Oo nga. Bagay na bagay pareho sa atin, bagay na bagay tayo," tugon nya rito. Sa bahagi ng puso niya nandoon ang lungkot na magkakalayo na sila ni Benjie pero sa kaliwang banda kailangan niyang tanggapin na para sa kanila ang lahat ng iyon at babalik din naman ito sa kaniya. ___ UNANG araw ni Benjie sa Manila. Alas-nueve ang flight nila nang mga kasama. Hindi na siya nagpahatid kay Melody dahil malulungkot lang ito kapag nakitang papasok na siya ng paliparan. Heto nga ngayon at nagpaalam siya sa foreman nila; naghahanap siya ng payphone para matawagan si Melody at sabihin ditong nasa maayos siya na nakarating na sila. Ang sabi ng foreman sa bahagi ng Tagaytay ang project na hotel ng construction company na pinagtrabahuhan nito. Halos wala siyang matanaw na tindahan dahil mukhang pribado ang lugar na iyon. Kanina pa siya naglalakad; nakaramdam na rin nga siya ng gutom. Pero kailangan niyang tumawag kay Melody ayaw niyang mag-aalala sa kaniya ang asawa niya. Walang lingon-likod na tumawid si Benjie, hindi alintana ang isang sasakyang mabilis na nagpapatakbo. Hanggang sa bigla na lamang siyang tumilapon sa gitna ng kalsada; manhid ng buong katawan ang naramdaman niya. "Oh my god! Oh my god!" Mabilis na bumaba ang sakay ng sasakyan at tiningnan kung ano ang nangyari. Hindi man lang namalayan ng babae ang lalaking tumawid sa kalsada. Hindi niya na nagawang makapag-preno huli na dahil tumilapon na ito sa lakas ng impact ng pagkabangga niya. Duguan ito nang pagmasdan niya. Napatingin siya sa assistant niyang si Mae. "What I will do? I don't mean it, Mae.." natatakot niyang sambit dito. Sa mukha nito nandoon din ang takot sa nagawa niya. Taas-baba ang pintig ng puso niya. Nakadilat pa ang lalaking nasagasaan niya pero sa dugong nakita niya sa nuo nito mukhang malakas ang tama nito. "Ma'am, iwan na lang kaya natin..." mahinang bulong ni Mae habang tumingin-tingin sa paligid nandoon pa rin ang takot sa mga mata. Umiling-iling siya. Umupo siya sa gawi sa gawi ng lalaki. Pinulsuhan niya ito. Buhay pa ang lalaki, sigurado siya ron. Architect siya kaya wala siyang alam sa kahit na anong first aid ang pwedi niyang gawin dito. "Call help, Mae. He need it! He need helps.." "Pero, Ma'am Prianka. Baka mapano ka kapag may masamang mangyari diyan." "Call help, Mae. Please..." Utos niya rito. "I will, Maam Prianka." 'Melody...' Iyon ang huling salitang narinig ni Benjie bago siya tuluyang mawalan ng malay dahil sa matinding sakit na naramdaman sa buong katawan niya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
75.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.5K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
101.6K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.5K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook