Kabanata 2: MADONNA's POV: Ang Pagkikita ng Magkasintahan

1691 Words
Handa na ako sa pagkikita namin ni Alejandro. Hindi ko na nga masukat ang kaba na nararamdaman ko ngayon. Pinasadahan ko nang ilang beses ang itsura ko sa salamin. Naka-ponytail ako at nagsuot ako ng cap para walang makakakilala sa akin. Kulang na lang ay maglagay na rin ako ng bigote ngunit hindi pa rin ako pagkakamalang lalaki pala dahil sa dibdib ko. Sabi nga ni Sister Teri, malaking bulas daw ako. Nag-text na si Jordy. Nagmadali na akong lumabas ng apartment. Bitbit ko na rin ang eco bag na naglalaman ng food tub. Nagluto ako ng paborito ng aking mahal, pinakbet na konti lang ang sabaw! Dinagdagan ko na rin ng pritong galonggong at saging na senyorita. “Uy, may lakad ka, Ate Madonna?” tanong ni Bogart. Teenager siya na nakatira sa kabilang apartment. “Naisarado mo ba ang unit mo, Te?” “Oo naman. Saka may CCTV doon.” Biro ko sa kanya kahit wala naman talaga. “Bale. Bantay na lang ako dito. Bayaran mo na lang ako. Pangkain lang.” “Loko kang bata ka. Magalit pa ang nanay mo sa kakatambay mo kahit gabi na.” “Ate, okay lang. Pangarap ko naman maging guard e! Haha!” ikinasa pa niya ang kamay niya na nakapormang baril. “Boom! Babarilin ko ang mga magnanakaw. Ha ha!” “Pangarap maging guard pero maya-maya sigurado tulog ka na diyan sa bangko. Ilipad ka na ng mga lamok.” Saktong dumating na rin si Jordy. Bumusina siya nang tatlong beses saka binaba ang bintana ng kotse. “Mag-iingat ka Ate Madonna! Pasalubong po! Balut lang! Ha ha!” Pinabuksan ako ng pinto ni Jordy. “Kuya, mag-ingat sa pagmamaneho. Bawal magalusan `yan si Ate Madonna!” May pahabol pa talaga siyang bilin. Nakakatuwang binatilyo. “Mukhang may crush sa`yo `yong bata.” Natatawang sabi ni Jordy pagkasakay niya. “Masama ang tingin sa akin e.” “Ganyan lang `yan si Bogart. Pero hindi ako crush n`oon. Sibling love ba tawag doon? Nag-iisa kasi siyang anak. Kaya malapit sa aming mga nakakatanda.” “Too caring for a sibling love.” Pinaandar na ni Jordy ang kotse. Na-eexcite ako! Mahigpit at tinatapik-tapik ko ang kandong-kandong kong eco bag. Narating na namin ang Sun Earth Condo. Isa ito sa mga bagong at papasikat na condominium sa Pilipinas. Maraming artista ang nag-eendorso nito. Anggaganda ng mga unit dito na pinopost sa Famebook. “Ini-endorso ni Alejandro ito,” paglalahad ni Jordy. “Talaga? Hindi ko pa nakikita ang commercial niya.” “Sa mga printed ads at billboards. You’ll get to see some very soon.” Nasa fifteenth floor na kami. Nasa tapat na kami ng isa sa mga unis. Parang naririnig ko na ang kabog ng puso ko sa excitement. Ginamit ni Jordy ang key card para tuluyang buksan ang pinto. “Please come in, Madam Madonna.” Pinauna niya akong pumasok. “We’re here.” Malakas na sabi ni Jordy. Bumungad na sa amin si Alejandro. May dala-dala siyang bulaklak. Sinalubong pa niya ako ng yakap at halik sa noo. “Na-miss kita, Mahal.” Mahinang sabi nito habang yakap-yakap ako. Sumiksik ako lalo sa bisig niya. Na-miss ko siya. Sobrang na-miss ko ang boyfriend ko. Angbango naman! Tumingala ako at ngiti niya ang sumalubong sa akin. “Akala ko nakalimutan mo na ako.” kunwaring pagtatampo ko. “Angtagal nating hindi nagkita. Baka kako nalimot mo na ako.” “Pwede ba `yon? Hmm. Magdinner muna tayo? I prepared something for us. Nagluto ako pagtiyagaan mo na lang ha?” Pinakita ko rin ang dala kong eco bag. “Nagluto rin ako ng paborito mong pinakbet, Mahal! Huwag ka munang mag-diet ka? Bukas na.” Napansin kong wala na si Jordy. “Saan na si Jordy?” “Nasa kabilang unit.” Tinuro niya ang isang pinto. “Nagdudugtong `yan sa dalawang rooms. Siguro ay nagre-relax na siya ngayon. Tara na sa kitchen. Na-miss ko ang mga simpleng dinner kasama ka, Mahal.” “Ako dapat ang magsilbi sa`yo. Pagod ka na nga sa mga schedules mo tapos ikaw pa ang nagluluto diyan.” “Okay lang. Saka mabilis lang ito. Huwag kang mag-alala. Darating iyong panahon na mananawa ka rin sa araw-araw na pagsisilbi sa akin. Ha ha! Kapag magkasama na tayo sa iisang bahay.” “Sinong nagsabing magsasawa ako? Iyon kaya ang pangarap ko, Mahal. Ang pagsilbihan ka araw-araw. Alagaan ang mga magiging anak natin.” Bukod sa mga luto ko ay mayroon rin siyang inihandang sisig, lechon kawali at leche flan. Paborito ko itong panghimagas! “Angdami naman nito.” “Ubusin natin `to lahat.” Sinindihan niya ang kandila at pinatay ang ilaw. “Oh, `di ba? Sinong nagsabing pangsosyal lang na pagkain ang candlelight dinner.” “Anggwapo mo kapag medyo madilim, Mahal,” biro ko sa kanya. “Nagwo-work out ka ba ulit? Macho naman ng boyfriend ko.” “Aba! Sana ay laging madilim na lang kung ganoon. Kumain na tayo.” Naupo siya sa tapat ko at nilagyan niya ng kanin ang plato ko. “Ubusin mo `yan ha? Mukhang pumayat ka.” “Kakaisip sa mga may crush sa`yo.” Biro ko pero may konting katotohanan naman. Napupuyat kasi ako kaka-stalk sa mga nagcocomment sa pictures niya. “Ha? Sabi ko naman sa`yo, huwag mong papansinin ang mga iyon. Saka hindi ko naman sila pinapansin.” “Hindi ko maiwasan kasi.” Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil. “Mahal, hindi mawawala ang mga gan`ong fans. Huwag mo silang pag-aksayahan ng oras. Okay? Huwag kang magpupuyat. Tingnan mo ang eyebags mo. Malaki na oh.” “Pangit na ako? Malaki na ang eyebags ko?” “Palagi ka pa ring maganda kahit magkaroon na tayo pareho ng mga wrinkles sa mukha.” Napagkwentuhan namin ang ampunan, ang mga bata, sina Sister Teri at kung ano-ano pang mga nangyari sa akin. “Kaarawan mo na sa susunod na linggo. Magkakaroon ba tayo ng selebrasyon?” Nahihiya kong tanong sa kanya. Baka kasi may schedule rin siya. “Magkikita ba tayo?” “Oo naman. Pero siguro ay isang araw pagkatapos ng kaarawan ko. Magkakaroon kasi ako ng charity event sa kaarawan ko pero hindi ko pa alam kung saan.” “Nakakamiss iyong pinagdiriwang natin ang mga kaarawan natin na sakto sa petsa, ano?” Bigla akong nakaramdam ng lungkot tuloy. Mula nang sumikat kasi si Alejandro ang mga mahahalagang okasyon ay minsan maaga o late na namin nasi-celebrate. Tulad nang nakaraang monthsary namin. Pinadalhan niya ako ng bulaklak. Umasa ako na magdi-date kami pero isang linggo pa ang lumipas bago kami nagkita. “Oh? Mahal, huwag ka nang malungkot ha? Please? Kapag lumuwag-luwag ang schedule ko magbabakasyon tayo. Promise.” Tinaas pa niya ang kanang kamay niya. “Kahit saan mo gusto. Kayang-kaya na kitang dalhin doon. Malaki-laki na ang ipon natin, Mahal.” “Parang anglaki naman ng ambag ko sa ipon natin ha? Angliit kaya.” Mayroon kaming bank account na nakapangalan sa aming dalawa. Matagal-tagal na rin `yon. Noong bagong magkasintahan pa lang kami nag-open na kami para may mapaglagyan kami ng para sa aming future. “Kung kailangan mo ng pera, magwithdraw ka lang ha?” Paalala niya. “Hindi ko lang pera iyon. Pera mo din `yon.” Umiling ako. “Sapat naman ang itinatabi ko para sa gastusin ko.” “Mahal, kung may nagugustuhan kang bilhin. Kahit hindi mo sabihin sa akin magwithdraw ka. Baka may gusto kang damit, sapatos o lipstick. O kaya iyong sa pagluluto. Nagtatrabaho ako para mabigyan kita ng magandang buhay.” “Saka na, Mahal.” “Hmm. Ganito na lang. Gusto ko ibilhan mo ng mga laruan ang mga bata sa White Lily. Okay ba?” Tumango na lang ako para hindi na humaba ang usapan. Ayoko talagang mag-withdraw doon. Kung magwi-withdraw man ako ay hindi hihigit sa kung ilan ang perang diniposito ko. May listahan kasi ako para hindi ko magalaw ang nanggagaling sa kanya. Nagbuhos siya ng wine sa wineglass. “Here. I-celebrate natin ang mga new projects ko, Mahal.” Inabot niya sa akin ang wineglass. “Para sa ating future. Naiimagine ko na rin ang limang batang nagtatkbuhan sa ating garden. Ha ha!” “Lima agad? Mahal naman. Huwag sabay-sabay. Malulusyang ako n`on!” “Kahit losyang ka na, wala akong pakialam. Ikaw pa rin ang pinaka-sexy sa lahat!” Nagpatugtog siya gamit ang malaking radio. Kasama na rind aw ito dito sa incentive niyang unit. Anglayo na ng narating ng boyfriend ko. Sobrang proud ako sa lahat ng achievements niya. “Can I dance with you?” Inilahad niya ang kanang kamay niya sa akin. “Please, Mahal ko?” Matitiis ko ba naman ang siya? Tumayo na ako. “Akala mo naman ay hindi pagbibigyan, ano?” Halos magkayakap kami habang sumasabay ang mga hakbang sa tugtog. Isa itong old opm song na palagi naming pinapakinggan noon. Maya’t-maya rin niya akong ginagawaran ng halik sa labi, pisngi at noo. “Mahal, magpakatatag ka sa kabila ng mga tsismis tungkol sa akin ha? Pasensya ka na. Kailangan nating ilihim ang ating relasyon.” Tumango ako saka ko siya mabilis na hinalikan sa labi. “Alam ko namang para sa ikabubuti rin natin ang ginagawa mo. Huwag kang mag-alala.” “Uhm, may sorpresa pa pala ako sa`yo.” May kung ano siyang hinugot sa kanyang bulsa, isang susi at key card gaya ng kay Jordy. “Para sa`yo, Mahal.” Nagtataka akong tumingil sa kanya. “Para saan `to?” “Dito.” Kaswal niyang sagot. “Isa ito sa mga incentives ko. Bayad na ang kalahati nito. Huhulugan ko na lang ang natitira. Nakapangalan na rin ito sa atin.” “Talaga?” Niyakap ko siya nang mahigpit. “Halla! Mahal ko naman! Grabeng sorpresa ito.” “Lagi kang kasama sa plano ko sa buhay, Mahal.” Ginawaran niya ako ng masuyong halik sa labi. Kahit mahirap ay titiisin ko ang mga umiikot na intriga tungkol sa kanya. Pasasaan ba at matatapos din ang kanyang kontrata at magpapakasal din kami pagdating ng araw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD