bc

Madonna

book_age18+
66
FOLLOW
1K
READ
billionaire
HE
heir/heiress
drama
bxg
scary
loser
witty
secrets
musclebear
actor
selfish
like
intro-logo
Blurb

“Nabasa mo na kamo ang script ng pelikula?”

Tumango siya. “Bakit?”

Inilapit ko ang aking bibig sa kanyang tainga. “Gawin mo sa akin ang eksenang iyon. Please, Mahal. Ako muna, bago sa pelikula.”

chap-preview
Free preview
Kabanata 1: MADONNA'S POV: Agam-agam
Kayganda ng umaga dito sa White Lily Homes. Very fresh ang hangin dahil sa mga puno at mga halaman. Nakaka-relax ng isip. Nakakalimot ng mga problema. Kahit sandali. Mukhang problema ako ah. “Good morning sa lahat! Magandang umaga sa`yo, Rosal! Aba naman! Angganda ng bulaklak mo!” Hinipan-hipan at winisik-wisikan ko ng tubig ang mga bulaklak. “Mamulaklak ka pa, ha? Nang humalimuyak dito sa harden.” “Hindi ka na nagbago. Matanda ka na at lahat ay kinakausap mo pa rin ang mga bulaklak.” Naiiling na komento ni Sister Teri. Trese anyos pa lang ako nang dumating sa ampunan si Sister. Siguro nasa twenty-one o twenty-two pa lang siya noon. Parang nakatatandang kapatid ko si Sister Teri. Pati mga crush ko ay alam niya. Buti hindi madaldal ang mga madre. Safe na safe ang sekreto ko sa kanya. Hihi. Nakukurot lang niya ako minsan kapag nahuhuli niya akong panakaw-nakaw ang tingin sa crush ko habang nagbabasketbol sila sa court. “Sister, kailangan kausapin ang mga halaman para mamulaklak pa sila. Kung pwede nga sayawan ko pa ang mga ito. Kaso baka hindi na sila matuwa kasi hindi na po ako cute. Ha ha!” “Aba! Huwag mo nang sayawan at baka hindi na nga mamulaklak.” Sinayawan at kinantahan ko pa rin ang mga bulaklak. Aliw na aliw nga rin si Sister Teri kahit hindi niya aminin. Ginaya ko iyong nauusong cha-cha dance sa tv. May kagat labi pa nga. Ganito kaya ang ginagawa ko noong bata-bata pa ako. Kung ano `yong usong sayaw sa tv at radio ay isinasayaw ko sa mga bulaklak. Nilapitan ko si sister. “Sister, sabayan mo rin ako para mamulaklak lalo sila. Ikaw rin pagagalitan ka ni Mother Superiora kapag puro dahon na lang ang makikita niya dito. Ha ha!” “Huwag mo na akong idadamay sa mga kalokohan mong bata ka. Naku! Magdilig ka na lang.” Haha! Killjoy naman ni Sister kahit kailan talaga. Inambahan pa ako ng tubig sat abo e. Napagod na rin ako sa kakaindak kaya tumigil na ako. Nahahapo na ako pero enjoy naman. Sana natuwa ang mga bulaklak. Ituloy na lang ulit ang pagdidilig. Pumunta ako dito para kahit papa`no ay sumaya. Pero ganoon pa rin ang nararamdaman ko. Parang kulang na kulang ako sa kasiyahan. Hay! Buti pa ang mga halaman. Naghihintay lang na madiligan. At buntonghininga ako ulit. Sabi nila kapag bumubuntonghininga ka kahit papano mare-relax ka. Pero bakit ako? Hindi ako nare-relax. Mas dumarami pa yata ang isipin ko. “Sige na. Makikinig ako. May problema ba?” “Wala po. Napagod lang.” “Sus! Sa akin ka pa magsisinungaling, ha? Ibaba mo na muna `yang tabo ay pag-uusapan natin kung ano ang bumabagabag sa`yo.” Tumigil na nga ako sa pagdidilig. Tama naman kasi si Sister Teri. Punong-puno ng bigat ng kalooban ang puso ko. Mukhang magha-heart to heart talk na lang kami. Baka sakaling maibsan ang asking sama ng loob. Sa mahabang kahoy na upuan, sa tabi ng mga nakapasong halaman kami naupo. Nagpalinga-linga muna ako sa paligid baka may ibang tao. Mukhang wala naman. Safe sa tsismosa. “Ganito kasi `yon, Sister. Masama kasi ang loob ko. Sobrang sakit parang kinukuyumos na papel.” Minuestra ko kung paano `yong pagkuyumos sa aking kamao. “Hindi lang kinuyumos sister. Tinapon pa sa basurahan ang feeling.” “Saan o kanino? Ano ba ang dahilan na masama ang loob mo?” “Sa boyfriend ko.” “Kay Alejandro?” “Sshh.” Mabilis kong tinakpan ang bibig niya. Napalakas ang boses ni Sister e. “Baka may makarinig sa`yo, Sister. Sekreto lang natin `yon. Saka siya lang naman po ang boyfriend ko. Si Sister naman kung makatanong.” Tatlong taon ko nang boyfriend si Alejandro. Pogi `yon, katamtaman ang katawan, mas matangkad sa akin, saka laging mabango! Artista siya at sikat lalo sa mga kababaihan. Boyfriend ko pero hindi alam ng fans niya. Baka kasi masira ang career niya kung nalaman nila na may girlfriend na siya. Higit sa lahat laking ampunan pa. Pamilya niya, ako at si Sister Teri lang ang nakakaalam. Tinanggal ko ang pagkakatakip ko sa bibig ni Sister Teri. “Hehe. Sorry. Gulat lang ako.” “Bata ka. Ang-alat ng kamay mo.” Pinalo pa ako sa kamay e. Nagulat nga lang ako. Grabe naman sa carried away si Sister. “Wala namang ibang tao dito e.” “Sorry na.” Pinahid ko na nga sa t-shirt ko ang palad ko. “Ito na nga po, Sister. Nagseselos kasi ako. Angdaming babae ang nagpapapansin sa kanya. Nakikita ko sa TweetTalk at sa Famebook. Nakikita ko doon `yong mga babae. Nagcocoment. Sabi pa ‘Anakan mo ako Bebeko!’. Grabe sila.” Naiinis talaga ako kapag nakikita ko ang mga comments ng mga fan girls niya. Kagigil. Natuto pa akong gumawa ng dummy account para ma-stalk ang mga magagandang nagcocomment. Naging pampatulog ko na rin yata ang pang-i-stalk sa mga nalilink sa kanyang girls e. Anggaganda nila. Nasa kuko ng paa nila ang level ko. Nakakapanliit! Kaya kadalasan masama ang loob kong matulog e. “Napag-usapan niyo na ba `yan ni Alejandro?” Umiling ako. “Hindi kami nakakapag-usap dahil sa mga schedules niya. Sa tv ko na nga lang siya nakikita e.” Humalukipkip akong humarap kay sister. “Magsabi kayo ng totoo, Sister, ha? `Yong totoong galing sa puso mo. `Yong totoong-totoo po ha? Sumumpa kayo sa krus na inyong kwentas.” No choice si Sister Teri kundi sumumpa sa kanyang kwintas. Sa ganitong ko lang nakakasigurado na sasabihin niya ang totoo e. “Nangangako akong magsasabi ng totoo. Okay na ba?” Hinawakan ko ang mga kamay ni Sister Teri. Bumuntonghininga muna ako. nakakahiya kasi ang itatanong ko pero kailangan kong malaman ang sagot. “Sabihin mo nga ang totoo, Sister. Maganda ba ako?” “Oo naman. Maganda ba. Alaga kita, e.” Sagot niya agad. “Kapalit-palit ba ako?” “Ano ba `yang mga tanong mong bata ka.” Marahan niyang winaksi ang kamay ko. “Kung ano-ano na lamang ang pumapasok sa isip mo.” Hay! Miss na miss ko na si Alejandro. Pakiramdam ko kasi makita ko lang siya mawawala lahat ng agam-agam na nararamadaman ko ngayon. “Paano kaya kami makakapag-usap? Hay! Hindi naman siguro niya ipagpapalit ang ganito kaganda sa kung kani-kanino lang `no?” “Hindi ko masasagot ang mga katanungan mo. Ikaw lang sa puso mo ang makakasagot niyan.” Pinatong ko ang kanang palad ko sa tapat ng aking puso. Pinakiramdaman kong maigi ang tinitibok nito. Mahal ko si Alejandro e. Kailangan kong magtiwala sa kanya. “Sabi ng puso ko, Sister. Magtiwala ako kay Alejandro kasi para sa future rin namin ang kanyang tinatrabaho.” “Kung ganoon ay panatagin mo na ang sarili mo. Day off mo ba ngayon? Dito ka ba magtatanghalian?” Halla! Oo nga pala! May trabaho pa! “Naku, Sister! Aalis na ako. Nawili ako sa pakikipagkwentuhan.” Lakad-takbo ako patungo sa kwarto na aking inookupa sa tuwing dumadalaw ako dito. Nakiki-high-five ako sa mga makakasalubong kong bata. Nakakatuwa na marami ang nag-i-sponsor na rin dito sa White Lily Homes. Maraming ulila ang natutulungan. Tumigil lang ako sa pagtakbo nang makakasalubong ko si Sister Luna. Siya ang nangangasiwa sa ampunan. Nasa Singkwenta na ang edad niya. “Good morning po,” bati ko agad sa kanya. Ang-amo ng mukha ni Sister Luna at wala rin akong masabing sa kabaitan niya. “Araw-araw po ay gumaganda kayo.” “Nambobola ka na naman. Nagmamadali ka yata?” “Opo. Mali-late na ako sa trabaho e. Balik na lang ulit po ako sa susunod na linggo.” “May bago ka bang number, Hija? Tatawagan kita kasama ng mga ka-batch mo dito dahil may bisita sa susunod na linggo. Kung wala kayong gaanong ginagawa ay maari niyo kaming tulungan sa pag-asikaso sa mga bata.” “Mayroon po. Ite-text ko na lang po si Sister Teri. Anytime, Sister Luna. Tawagan niyo lang ako. Pupunta po ako agad.” “Maraming Salamat, Hija. Sige na at baka iliban ka pa ng boss mo.” “Naku. Hindi `yon. Mabait `yon si Ma’am Jessica. Sanggang-dikit kami noon. Joke lang po.” Palusot ko agad. Baka kurutin ako sa singit ni Sister Luna e. --- Inabot ng bente minuto ang byahe ko. Pumupugak-pugak na kasi itong scooter ko. Palibhasa secondhand lamang. Pinakaiingatan ko ito dahil regalo ni Alegandro sa akin `to n`ong unang anibersaryo namin. Sakto. Nagbubukas pa lang ng store si Eljay. Pinark ko lang ang aking scooter, isinukbit ko rin sa salamin ang aking helmet saka ko siya tinulungan sa paglilipat ng mga ididisplay na bulaklak sa harapan. Natapos rin ang pagdidisplay sa labas. Isinunod ko naman ang mga mamahaling bulaklak dito sa loob. Ini-spray-han ko ang mga ito ng tubig. Hindi ko na sila sasayawan kasi hindi naman sila mamumulaklak. Tumunog ang chimes. May customer! “Welcome po sa YuriCa!” Masigla ang aming pagbati. Kailangan may kasiyahan at maramdaman ng customer na good vibes lamang ang hatid ng store. “Just tell us the occasion and we do the flower arrangement.” Natameme ako. Akala ko’y ordinaryong customer lamang, si Jordy pala. Ang personal assistant ni Ajelandro. “Hi. Oorder sana ako ng bulaklak para sa mother ko. Gusto ko iyong simple lang.” “Anong pong bulaklak—” “Ako na.” Pigil ko kay Eljay. “Ituloy mo na `yan.” Tatlong sunflower ang kinuha ko. Alam na alam ko na kung ano ang oorderin niya. Kulay rosas rin ang wrapper. Nilagyan ko na rin ng ibang dahon na palamuti at nagprint ako ng card. Okay na `to. “Heto na po ang inyong order.” “Thanks.” Tugon ni Jordy. “Here. Keep the change. Pangmeryenda niyo na lang, and here.” Inabot niya sa akin ang bayad na may kasamang papel na kulay berde. Ang ganitong design ng papel ay sobrang pamilyar sa akin! Galing kay Alejandro ito! sigurado ako. Nagtataka akong tumingin kay Jordy. Ngumiti siya at tumango. “Thank you ulit. Magugustuhan ito ng nanay ko.” Binuksan ko agad ang papel pagkaalis na pagkaalis niya. “Mahal ko, pwede ba tayong magkita mamaya? Ipapasundo kita kay Jordy. I-text mo lang siya kung pwede ka ha? Hindi ko kasi nachecheck lagi ang phone ko kaya sa kanya na muna magtext. Miss na miss na kita, Mahal. Hope to see you.” Kinuha ko agad ang cellphone ko saka ko hinanap ang number ni Jordy. Angbilis kong magtype namamali pa ako sa ibang spelling. “Jordy, sunduin mo ako mga 7:00 mamayang gabi. Salamat sa pagdadala ng mensahe niya. Mag-iingat at pakamusta sa mother mo.” Sa wakas ay magkikita kami ulit ni Alejandro. Hmm, ipagluluto ko siya ng paborito niyang pinakbet na walang sabaw! --- Mapagsisilbihan ko ang aking si Alejandro. Bumalik ang sigla ko. Iyong mga agam-agam ko ng ilang araw ay nawala na. Magiliw kong binabati lahat ng customers. At sinusundan ko ito ng offer ng aming best-selling flower arrangement. Angdami naming paorders ngayon! For sure matutuwa si Ma`am Jessica. Heto nga katatapos ko lang ng isang order. Para sa birthday naman ng asawa. Angsweet naman noon. Isang dosenang red roses ang ibibigay ni Mister sa kanyang Misis. Nakakatuwa si sir. Kahit sampung taon na silang mag-asawa ay may pa-flowers pa rin. Sana ganoon din kami ni Alejandro kahit ilang taon na ang lumipas. Hindi pa rin magbabago ang pagmamahalan. Kung magbago man ay sana iyong mas pa na pagmamahalan. “Thank you po, Sir! Sa uulitin po!” Inabot ko na ang bulaklak kay sir. Mukhang nagustuhan niya ito. “Angganda. Mukhang uulit akong oorder dito. Ikaw ulit ang gagawa ha?” “Naku, Sir. Sure po. Anytime po. Pwede rin kayong umorder online sa amin store. Pero payment first po `yon ha? No pay, no flowers. Alam niyo na, Sir, marami kasing scammerist sa panahon ngayon. Nag-iingat lang.” Natawa si Sir. “Totoo `yan. Ito pala ang business card ko para sure kang hindi scammer ang tatawag,” biro pa ni Sir. Inabutan niya ako ng card. “If you need help, feel free to call me or magdrop kayo sa office.” Attorney Marcelo Teodoro ang pangalan niya. E aanhin ko naman `to? Wala naman akong kaso na kailangang ipanalo. Inilagay ko na sa wallet ko ang business card. Malay naman natin baka kapag nakabili ng ari-arian ay kailanganin namin ni Alejandro ang tulong ng isang abogado. Umalis na si Sir Marcelo. Lumapit agad sa akin si Eljay. “May tip ba? Ha ha! Joke lang.” “Wala. Nagbigay lang ng business card. Abogado pala si Sir.” “Gaga! Hindi mo kilala? Si Attorney Teodoro `yon! Iyong nagviral ang video last month kasi libre ang serbisyo niya sa mga factory workers. `Yong sa Sublite Plastic Manufacturing.” “Oh? Hindi kasi ako nanonood ng balita.” “Naku. Manood ka rin ng tv minsan. Mamaya sinakop na tayo ng alien wala ka pang balita. Halla! May guesting ngayon si Alejandro sa Whatta Show!” Nagmamadali niyang dinukot ang kanyang cellphone sa bulsa. “Idol ko `yon e. mapanood nga.” Ito `yong binibida niyang nabili niya n`ong nakaraan sa overpass. Two thousand five hundred lang daw niya nabili. May tv at radio pa nga e. Hinugot niya ang maikling antenna nito. Pinindot niya ang icon ng tv at `yon na nga! Nilagay niya sa channel 4 kung saan mapapanood ng sikat na noontime show na “Whatta Show!”. “Girl! Sakto! Si Alejandro na ang magpeperform!” Pinatong niya sa mesa ang kanyang cellphone. Ginamitan niya ito ng vase para sandalan saka kumuha ng upuan. “Wala pa namang customer. Panoorin muna natin si Bebeboi.” Kunwari ay hindi ako interesado pero tutok na tutok rin ako sa kanyang cellphone. Kumakanta ang aking boyfriend. Kilig na kilig naman ang mga kababaihang nanonood. Maliban dito kay Eljay na nakahalukipkip. “Kanina lang excited ka. Ngayon naman parang nasasayangan ka sa oras na nanonood ka.” Pansin ko sa kanya. “Nakakunot pa ang noo mo.” “Gagi. Sinusubukan ko lang tingnan kung saan ang parteng hindi siya perfect. Ha ha!” Ewan ko kung matutuwa ako o maasar sa sinasabi niya. Parang hinahanapan niya ng mali ang boyfriend ko ah. “Tingnan mo ha? Iyong katawan niya, katamtaman lang. Pogi siya. Angkinis pa ng mukha. Parang angbait-bait pa.” Proud naman ako sa part na mabait talaga si Alejandro. Walang itulak kabigin sa ugali niyang `yon at `yon ang isa sa mga nagustuhan ko sa kanya. “Anggaling pang umarte. Kahit walang luha nakakaiyak iyong mga drama scenes niya. Pakiramdam ko swerte ng magiging asawa niya. Marami na siyang ipon e. Ha ha! Angdami kaya niyang projects.” Swerte ko naman talaga! At siyempre swerte rin si Alejandro sa akin `no. “Huwag lang talaga siyang matsismis na may girlfriend. Ha ha! O kung mayroon man sigurado mas tanggap ng mga fans niya kung iyong ka-loveteam niya.” Wait lang. Anong ibig niyang sabihin doon? “Hater ka ba ni Alejandro?” “Gaga. Hindi. Sa dami lang ng mga nasubaybayan ko nang sikat na actors, Girl. Sa jowa talaga sila nagkakaproblema. Iyon kaya iyong number one na ikinababagsak ng career nila. Girls, girls, girls lalo kung hindi pabor ang fans. Naiiwan sila sa ere.” Hay! Iyon nga ang rason kung bakit inilihim namin ni Alejandro ang aming realayon. Para walang hadlang sa pagsikat niya. Tapos na ang performance ni Alejandro. Papanoorin ko na lang mamaya baka may replay. Hindi kasi ako maka-pokus. Nag-exit na sa app si Eljay. Binulsa na niya ang cellphone niya. “Alam mo? Feeling ko? May jowa `tong si Alejandro e. Secret nga lang.” “Weh? Judgmental mo naman.” “Hindi ako judgmental. Hinuha ko lang naman iyon. Sa pogi niyang `yan ha? Saka basta. Naba-vibes ko. May jowa `yan. Gaya ng ibang sikat e patago din. Kaya hindi rin ako masyado nagfa-fan girl sa kanya e. Ayoko maging delulu! Ha ha!” “Anong delulu?” “Iyong mga fans na feeling totoong buhay na yong loveteam-loveteam ng mga artista. Mga desisyon sa buhay ng iba. Basta iyong mga unang nagre-react kapag nali-link sa iba ang idol niya. Ha ha!” “Fantards?” Nabasa ko lang `yong term na iyon minsan sa social media. “Pwede-pwede. Basta marami sila. For sure `yong mga number one fan ni Alejandro, sila din ang number one delulu! Ha ha!” Ilan kaya silang fans na ganito mag-isip kay Eljay? At sigurado rin akong napakarami iyong sinasabi niyang delulu fans. “Kapag nag-jowa reveal si Alejandro, doon ako hahanga nang sobra sa kanya. Iyong hindi pa-showbiz na jowa. Ha ha! Pero sa hula ko ay matagal-tagal pang mangyayari iyong dahil nasa rurok pa siya ng tagumpay kumbaga.” “Sa tingin mo ba makakasira sa career niya kung may girlfriend siya?” “Depende sa kung sino ang girlfriend. Kung magugustuhan ng fans niya o hindi. Imagine kapag talikuran siya ng fans niya? Susunod na ang mga endorsements niyan tas mga projects.” “Ganoon ba? Grabe rin ang buhay ng mga artista `no?” Kunwaring pakikisipatya ko kay Alejandro pero ang totoo ay nalulungkot ako dahil baka magkatotoo nga na dahil sa akin ay masira ang career niya. “Kapag ako may jowa na sikat? Gabi-gabi akong magnonovena. Ha ha! Pero Malabo pala mangyari `yon kasi wala naman akong kilalang sikat. Ha ha! Gutom lang yata `to. Tara mag-lunch na tayo.”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
42.5K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
235.9K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
8.0K
bc

Bedroom Series 1: IKAPITONG LANGIT (Rated SPG/ R18+)

read
35.1K
bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
67.6K
bc

The Blind Billionaire (Las Palmas Series 2)

read
90.7K
bc

The Mayor's Secret Obsession (SPG)

read
45.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook