Story By mixup15
author-avatar

mixup15

ABOUTquote
Mixup15. FB: https://www.facebook.com/wintermerida/ Twitter: https://twitter.com/mixup15 Teacher. Author since 2012 Kakalipat sa Dreame noong 2020. I write novels with the following contents -Romance -Suspense (Soon) -Fantasy -Love-hate relationship -frenemies -unrequited love
bc
Give Me Your Forever
Updated at May 18, 2023, 05:18
“`Ddy, ayokong pang magpakasal! Saka bakit sa babae naman?” “Dahil `yon lang ang paraan para makabayad tayo ng utang na loob. Please. Para sa amin ng Mama mo.” Napabuntonghininga ako sa hiling nila. Alam naman nilang hindi ko sila kayang tiisin. Pero kaligayahan ko ang nakasalalay dito. Hindi ako interesado sa babae pero heto ako mapipilitan pa yatang magpakasal. “Ano na lang ang sasabihin ng mga katrabaho ko sa university?” “Anong ibig mong sabihin? Ikinahihiya mo rin bang tulad namin ang magulang mo?” “Hindi! Hindi ganon.” Frustrated na ako. Parehong babae ang magulang ko. Wala naman akong problema sa kanila e. Ako lang talaga `yong iniisip ko. Ayokong danasin ng magiging anak ko ang mga dinanas kong pangungutya. “Bigyan niyo pa ako ng time, please.” “Sa ayaw at sa gusto mo, Freen. Magpapakasal ka sa kanya. Patinuin mo siya, baka sakaling magbago ang isip ni Tina.” “Ipapakasal niyo na nga ako sa babae, tapos hindi ko pa nakikita. Grabe namang `Ddy. Pambayad utang na nga guidance counselor pa?” “Siguradong magugustuhan mo siya. Mabait si Rebecca. Magkakasundo kayo.” “`Ddy, kung mabait siya hindi niya kailangan ng arranged marriage para may magpakasalan sa kanya.”
like
bc
Singles
Updated at Feb 1, 2023, 03:01
Ang “SINGLES” ay isang reality tv show kung saan ang mga napiling bachelors at bachelorettes ay titira sa iisang bahay, susundan ng mga cameras at bibigyan ng mga tasks na karaniwang ginagawa ng magkasintahan. Sa ikatlong season ng programang ito ay mapapabilang ang isa sa mga hinahangaang bachelors sa businessworld, si Jan Michael Reyes. Kilala siya sa pagiging modelo, professional nurse at magaling na businessman. Being in his early 30s ay marami na ring mga babaeng na-link sa kanya pero ni isa sa mga ito ay wala siyang ipinakilala sa publiko bilang kasintahan niya. Will love find its way as he gets along with the simple and jolly yet millionaire hater lady, Katelyn Roque? Or will they end the season with being strangers again?
like
bc
Two Hot to Handle
Updated at Jan 30, 2023, 05:15
Rich, famous and single—that’s me! I get what I want—from business to luxury. And I want her! Only her! My charm ain’t working. Why is she resisting the Pauleen Chantice Vanguardia? But that won’t take long. She’ll surely be mine. Whether she likes it or not—Nah, I’ll make sure she’ll lick...like it.
like
bc
Can't Let You Go
Updated at Dec 24, 2022, 00:42
BLURB Can’t Let You Go by DjWinter Nagkakagusto si Oli sa babae pero hindi niya kayang pangatawanan dahil natatakot siya sa sasabihin ng nakapaligid sa kanya. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagkatagpo sila ni Sylvia. Isang piloto, mayaman, single mom at handang gawin ang lahat mapanatili lang si Olivia sa piling nilang mag-ina. Ano ang gagawin ni Oli kung sa panahong nahuhulog na siya ay bumalik ang dating kasintahan ni Sylvia? Ipaglalaban ba niya ang kanyang pagmamahal o magpaparaya siya para sa ikakatahimik ng lahat?
like
bc
Heartless Love (Darlentina AU)
Updated at Dec 13, 2022, 07:13
Nakatanggap si Jane ng imbitasyon para magsanay upang maging bodyguard ng isa sa mga promeninteng pamilya sa bansa, ang mga Vanguardia. Isa siya sa mga naatasang maging personal bodyguard ni Regina—ang bunso at ang itinuturing na henyo pagdating sa negosyo, ang pinakamasungit at pinakapihikan sa magkakapatid. Gagawin rin niya ang lahat makuha lamang ang kahit anong makapukaw ng interest niya. Paano mapagtatagumpayan ni Jane na protektahan si Regina kung siya mismo ang gagawa ng sarili niyang mga kapahamakan? Higit sa lahat, paano niya poprotektahan ang kanyang sarili kung nahuhulog na ang kanyang loob sa kanyang boss na kapareho niyang babae?
like
bc
My Fairytale
Updated at Sep 13, 2022, 07:41
Masaya na sina Ecka at Belle na namumuhay kasama ang dalawa nilang anak. Isang mabigat na desisyon ang kailangang gawin ni Belle para sa ikabubuti ng kanilang pamilya. Paano maapektuhan nito ang pagsasama nilang dalawa? Totoo kayang hindi kumukupas ang pag-ibig sa paglipas ng panahon?
like
bc
Memories of a Murderer
Updated at Sep 12, 2022, 05:36
Maganda siya. Anak ng prominententeng tao sa bansa. Mapagmahal na kaibigan. Maalalahaning anak. Pero paano kung ang kanyang magandang imahe ay may natatagong nakaraan? May pag-asa pa bang naghihintay sa kanya? Siya si Coreen at may alaala siyang hinding-hindi niya matatakasan…
like
bc
Madonna
Updated at Sep 9, 2022, 08:40
“Nabasa mo na kamo ang script ng pelikula?” Tumango siya. “Bakit?” Inilapit ko ang aking bibig sa kanyang tainga. “Gawin mo sa akin ang eksenang iyon. Please, Mahal. Ako muna, bago sa pelikula.”
like
bc
SE7EN : The Prophecy
Updated at Jul 27, 2022, 08:25
Isang nilalang mula sa nakaraan ang magiging dahilan ng pagkasira ng balanse ng mundo. Magigising ang kapangyarihan ng mga taong ganid at sakim na siyang mas magpapasiklab ng digmaan. Manganganib ang mga mahihina at maghahari ang mga mas nakakaangat. Ang tanging pag-asa ng sangkatauhan ay nakasalalay sa kamay ng prinsesa at ng pitong gabay. Ngunit paano niya ito maisasakatuparan kung nakasalalay rin ang kanyang kaligayahan…
like
bc
Only Be Pretending
Updated at Jun 2, 2022, 06:35
She's Jemimah. One of the precious students of Mhie Zhou University. A member of the elite Reyes family. She gets what she wants with all the money she has. She believes that man is only for woman. But, what if her heart beats the weirdest thing she'll ever feel? How can she ignore the person who makes her feel secured and loved?
like
bc
Spike That
Updated at Mar 13, 2022, 09:14
Magagarang kotse, mamahaling kagamitan. you name it i can have it. Kabilang ako sa mga sikat na pamilya sa lipunan. Pinalaki na halos abot-kamay na ang lahat ng bagay. I grew up in a life of luxury. Sanay sa luho at karangyaan. But this lifestyle sucks... this surname sucks... and i am quitting it... I wanna be just a normal teenager... for my own satisfaction... or maybe for her... ---Mika Aereen
like
bc
11.11 Make a Wish
Updated at Oct 18, 2021, 09:27
Magdadalawang buwan na ring ganito ang routine ko. Susunduin ko siya sa taping o kaya ay magkikita na lang kami sa Workshop ng Persona at ihahatid ko siya. Makakatulog siya sa byahe hanggang sa makarating kami sa bahay nila. Tulad ngayon, marahan ko siyang niyugyog upang magising. “Why?” Tanong niya na namumungay pa ang mga mata. “Nandito na tayo.” Sagot ko saka ko pinakita ang cellphone ko. ”Lapit na rin oh.” Isang ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi nang makita ang oras sa screen ng cellphone ko. Nilabas rin niya ang phone niya na naka-synchronized ang oras sa phone ko. Tumunog ang alarm ng mga phones namin. Hindi ko rin mawari kung bakit nakigaya na rin ako ng alarm tone sa kanya, Make a Wish na isang Taiwanese song. Pinagmasdan ko lang siyang nakapikit habang mataimtim na humiling. Sa pagmulat ng kanyang mga mata ay sumilay na naman ang mga ngiti sa kanyang labi. “Matanong ko lang, natupad na ba kahit isa sa mga wishes mo?” Tumango naman siya. ”Kahit papano. `Di ba nga sabi ko sa`yo, noon nagwish ako na makamove on na ako? Unti-unti nangyayari na. Salamat na rin sa`yo.” “Mabuti naman kung gan`on…” “E ikaw ba? Ano na ang wish mo ngayon? Gan`on pa rin ba sa dati? May pag-asa na bang magkatotoo?” Umiling ako. “Nothing is happening…” “Tiwala lang. Hindi lang kasi basta wish, dapat may effort rin para magkatotoo.” Bumukas na ang gate. Hudyat na rin na magkakahiwalay na kami sa gabing ito. Bumaba na siya at nag-wave goodbye bago tuluyang pumasok. Napabuntong hininga ako at idinukdok ang ulo sa manibela. Nothing is happening. Stupid liar. There is something magical that is happening to me… to my damn heart… She is my 11:11 wish.
like
bc
Horizon
Updated at Oct 9, 2021, 08:52
Totoo bang basta seafarer womanizer? Naniniwala ka bang basta piloto nang-iiwan sa ere? Paano mo liligawan ang isang taong inis na inis sa'yo? Paano pag nalaman mong konektado ka sa babaeng una niyang minahal? Paano na lang si Shanika na inlove na inlove kay Prey?
like
bc
North Fall
Updated at Dec 31, 2020, 05:00
Para sa trabaho kailangang magpanggap na mag-girlfriend. Para sa trabaho kailangang maging malambing ang isa’t-isa at ipost ito sa social media. Paano kung ang lambingan, selosan at tampuhan ay hindi na makontol? Paano mo sasabihing mahal mo siya? Pero higit sa lahat paano mo tatanggapin sa sarili mo na nahuhulog ka sa tulad mong babae? Itutuloy mo pa ba? Bahala na? Tara! Travel and fall in love with Chen and Blythe…
like
bc
Be There in a Hearbeat
Updated at Sep 14, 2020, 04:06
Life is not about getting, it is also about giving and making sacrifices for the ones you love. Just like someone rightly said, "If equal affections cannot be, let the more loving one be me! " Paano mo papaniwalain ang mga tao sa paligid mo na ok lang ang lahat? Paano mo papatunayan sa pamilya mo na kaya mong pangatawanan ang desisyon mo? When you thought they will support you but the other way around happened? Kung ang mga nangyayari sa paligid mo ay taliwas sa inaasahan at pinapangarap mo? Kakapit ka pa ba? Makokontento ka na lang ba sa LOVE na nagtatali sa inyong dalawa? It is never easy… It will never be… Can love really conquer all?
like
bc
Railey's Cradle
Updated at Aug 17, 2020, 22:32
YOLO! You Only Lick Once! Dapat alive, alert, awake, enthusiastic tayo kapag may oh so sexy na chic! I’m Railey. Hindi ko kailangan ng commitment. I enjoyed being single. Walang mangungulit kung anong oras ako uuwi, walang gigising sa akin para lang magshopping, walang magseselos sa dami ng kaibigan kong babae. And one more thing, walang magdedemand ng oras dahil sa love love na yan. Coz for me? Love is a just a joke with no punchline
like
bc
Status: in FLIRTationships
Updated at Aug 9, 2020, 02:56
“SA PANAHON NGAYON KAHIT HINDI KAYO KAILANGAN MONG MAG-MOVE ON” Hindi naman naging kayo diba? bakit ganyan ka magreact?dinaig mo pa ang nagkipagbreak. E sa minahal ko nga e. sabi ng ng puso mo. Hihintayin ko siya dagdag pa nito. UNTIL YOU GOT TIRED OF WAITING, LOVING AND CARING FOR HER. Pakiramdam mo wala ng nagmamahal sayo. you’re left alone. Dumped, rejected and promised not to love that much again. You’ll wander and find that love you’ve wanting for a long time. And you’ll change your status: In FLIRTationshipS --- sequel po ito ng STATUS M.U.
like
bc
Status: M.U.
Updated at Aug 8, 2020, 22:37
“life is full of uncertainties. Ngayon mahal ka niya, e mamaya kaya? Paano mo masasabing wala na kayo when in the first place hindi ka nga sigurado kung naging kayo nga?” The relationship is fake but the pain is real. Eva Justine: mahal kita… Ray anne: mas mahal kita… Sapat na ba yung pagmamahal? Hindi na ba kailangan ng commitment? Eva Justine: ano ka ba?! Napakademanding mo sa oras! Hindi mo ako girlfriend ray anne para maging ganyan ka. Hanggang kailan mo titiisin ang sitwasyon na ikaw lang commited sa kanya? Ray anne: e ano tayo? Eva Justine: M.U. I guess? ANO BA ANG M.U.?? ---
like
bc
Missing Piece (Hope in Love)
Updated at Aug 7, 2020, 04:34
Si Chloe ay isang photographer na niloko ng kanyang girlfriend. Si Nikee ay isang college professor na hindi pa nababusted kahit kailan. Paano sila pagtatagpuin ng tadhana? Paano paiibigin ni Nikee ang babaeng hindi nagpapakita ng interes sa kanya?
like
bc
Back to You
Updated at Jul 18, 2020, 07:41
Papayag ka bang pakasalan ang nabuntis ng kuya mo para lang isalba ang kahihiyan ng pamilya mo? Paano kung bumalik ang lalaking dahilan ng paghihiwalay ninyo? Kakapit ka pa rin ba obligasyon mo? O ipapaubaya mo ulit siya kahit nakasalalay dito ang kaligayahan mo?
like
bc
Fix You
Updated at Jul 12, 2020, 08:00
Paano mo maipaparamdam sa kanyang mahal mo siya kung nagtatago ka sa ibang katauhan? Hanggang kailan mo titiisin ang katotohanan na may mahal siyang iba at pumayag siyang maging kabit? Nasa kanya na ang lahat. Magandang, Matalino at mayaman pero hindi makuha-kuha ni Nicole ang pag-ibig na nais niya. Hanggang saan ang kaya niyang gawin para sa pag-ibig?
like