bc

North Fall

book_age16+
1.0K
FOLLOW
6.1K
READ
second chance
gxg
humorous
city
enimies to lovers
friends
like
intro-logo
Blurb

Para sa trabaho kailangang magpanggap na mag-girlfriend.

Para sa trabaho kailangang maging malambing ang isa’t-isa at ipost ito sa social media.

Paano kung ang lambingan, selosan at tampuhan ay hindi na makontol? Paano mo sasabihing mahal mo siya? Pero higit sa lahat paano mo tatanggapin sa sarili mo na nahuhulog ka sa tulad mong babae? Itutuloy mo pa ba? Bahala na?

Tara! Travel and fall in love with Chen and Blythe…

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Blythe Dating game. Isa sa mga pakulo ni Coreen sa resto niya. Gusto ko ngang umayaw pero wala na daw akong pagpipilian kasi isusumbong niya ako sa parents ko. Ito nga katatapos niyang maligo e kinukulit ko na siya. "Wala na bang ibang option? Ayokong makipag-date sa kung sinu-sinong lalaki." "Sinong nagsabing lalaki lang ang choices?" nakangiting sagot niya. "free for all preferences yon so alam mo na? Mag-eenjoy ka panigurado." "Wala nang makakapalit kay..." Dumilim ang paligid nang binato niya sa mukha ko ang towel na pinampupunas niya sa buhok niya. "Isa pang beses na marinig ko ang pangalan ng hayop na ‘yon sa’yo isusumbong talaga kita." Kainis! Kahit naman kasi anong gawin ko lagi ko pa rin siyang naalala. Pakiramdam ko walang makakapalit sa kanya. "Gago ‘yon. Two timer ‘yon. Baboy ‘yon. Okay? Baboy!" at malakas niyang sinara ang pinto. Humiga ako sa kama. Kung may reset lang sana ang puso ko matagal ko nang ni-reset ito. Nakakapagod ang pakiramdam na ganito. -- Nang makalabas ako ng kwarto ay si Shanika ang naratnan ko. Silang dalawa ni Coreen ang may-ari ng unit. Hindi ko alam ang buong kwento. "May breakfast diyan. Sabi ni Coreen mag-commute ka na lang daw kasi badtrip siya sa’yo." Tumungo na ako sa kusina. Wala akong gana. Hay! Tapsilog. The usual na breakfast namin ng ex ko. Nagpangalumbaba ako. "Hindi ka kakain?" tanong ni Shanika. "Niluto ni Coreen ‘yan e.” Nang-aasar talaga yon! "Hindi ko alam ang pinagdadaanan mo pero parang angbigat." "Medyo lang. Sa labas na lang ako kakain." Naalala ko hindi ko pala siya pwedeng iwan dito mag-isa. "Sama ka na lang sa akin. Mas malalagot ako kay Coreen pag iniwan kita e." -- Marami naman kaming pagpipilian na puntahan pero sa mall kami napadpad. Ano naman gagawin namin dito? Si Shanika lang mag-eenjoy dito e. "Shan!" Sabay kaming napalingon sa tumawag sa kanya. Mukha itong may edad na at parang isa sa mga may sinasabi rin sa lupunan. "Tito Ric!" nagbeso sila ni Shanika. "Long time no see! Kumusta po kayo?" "Good. And you? Is she your.." Ay. Haha! Parang nag-init ang pisngi ko. "No, Tito. She's a friend. She's..." "Glam." nilahad ko ang kamay ko. "Glam Ferrer." Buti na ang safe. Nakikipag-hide and seek nga ako sa parents ko ‘di ba. Kaya palit-palit din ng pangalan. Niyaya niya kaming mag-lunch. Makakatipid ulit! "Nga pala hija, magtatayo kasi kami ng kumpare ko ng negosyo. Travel and tour. Pero hindi kami pamilyar sa mga magagandang pasyalan sa norte. Baka pwede mo akong matulungan." "Anong klaseng tulong Tito?" "Kailangan ko ng pwedeng mag-try ng iba't-ibang travel and tours sa north." "Spy," hindi ko napigil ang bibig ko kasi parang ganun na rin naman yon. "Sorry." "Exactly," tugon ni Tito. "We will shoulder all expenses. May sweldo rin. Kung may kilala ka i-refer mo sa akin ha? ‘Yung mapagkakatiwalaan dapat." -- Pauwi na kami. Sinasabayan ko ang sounds nang pinatay ito ni Shanika. Tsk. Hindi naman nanlaban yung radio e pinatay niya. "Anong tingin mo sa offer ni Tito?" "Nice," yun lang ang comment ko. "Anong nice? Gusto mo ba? Ire-recomend kita kung gusto mo." "Isipin ko pa. O tapusin ko lang yung usapan namin ni Coreen para wala akong sakit ng ulo." "Okay. Sige-sige. Sabihan mo lang ako." Pagkauwi ay bagsak ulit ako sa kama. Dinampot ko ang phone ko saka nag-browse sa f******k. Hindi ko mapigilang tingnan ang account ng ex ko gamit ang dummy account ko. Heto na naman ako sa pagtothrowback e. Tigil na Blythe! Kaya ka nga umuwi dahil ayaw mo nang magpakatanga! Pinunasan ko ang luha ko nang magring ang phone ko. Ilang segundo pa ang pinalipas ko bago ko ito sagutin. Si Coreen kasi ang tumatawag baka mahalata niyang umiiyak ako. “Hello,” sinubukan kong hindi maging garalgal ang boses ko. “Umalis ka diyan sa unit. Papunta diyan ang parents mo. Bilisan mo,” sunod-sonod nitong sabi sa akin. Binaba niya din ang tawag. Shit! Nagsuot lang ako ng sapatos saka lumabas na ng kwarto. Inaabangan na rin pala ako ni Shanika. Inabot niya ang susi ng kotse niya. "Tinawagan na ako ni Coreen. Huwag kang mag-alala, ako na ang bahala sa parents mo." "Thanks. Alis muna ‘ko." -- Napagdesisyunan kong tumambay sa seaside. Hintayin ang ewan. Naririndi na ako sa mga lovers na parang nagko-contest kung sino ang tatagal na tatambay dito e. Napaka-bitter ko na yata. Angtanga ko rin. Sa sobrang pagmamadali ko cellphone lang ang dala ko. Tanging 150 pesos na nasa bulsa ko lang ang panlaban ko ngayon. Siomai at bottled water ang pantawid gutom ko. Sa dami ng nagpupunta dito, meron kayang umaasa na nandito ang kanilang destiny? Yung makakabangga ng mga nagdya-jogging, mag-i-slow motion ang paligid o kaya naman ay mahuhulog ang panyo at sabay nilang dadamputin. Haha! Korni! Sa mga movies lang nangyayari yon! Naalala ko na naman siya. Ganun na ganun kami nagkakilala e. Pero sabi niya scripted daw kasi inabangan niya ako para magkabungguan kami. Tsk! Lahat na lang Blythe! Makailang beses akong umiling-iling. Huwag mong isipin ang ex mo. "Hindi worth it! Hindi worth it!" "Hindi talaga." "s**t!" wala sa sarili kong nasiko ang lalaking nagsalita. Nanlaki ang mga mata ko nang makilala ko kung sino siya. Si Ethan! Good old friend. "Walanghiya ka! Nanggugulat ka kasi!" Hawak-hawak niya ang braso niya na natamaan ko. "Is that how you greet a friend? Nananakit ka na?" "Sorry. Nanggugulat ka kasi. Saka ano ba naman ‘yung magsabi ka na hi hello. Nandito ako," inis kong pagpapasa ng kasalanan sa kanya. Nakakainis siya e! "Okay. Sorry sorry. Nakakatawa ka lang kasi e. Nagmo-monologue. Sinigurado ko muna na ikaw talaga yung nakita ko. Mamaya e mademanda pa ako kung ibang tao pala ‘di ba?" May point naman siya. Saka atleast may makakausap naman ako dito. Naging catching up na ang kwentuhan namin. "So you're single." Nagtaas-baba ko ng kilay. "Damn single." "Ready to mingle?" Umiling ako. "No way. I'm in the healing process. Angsakit sakit ng niloko." "Hindi ka pa sanay? Lagi ka namang niloloko ng exes mo." Angsarap siguro ingudngod sa buhangin ang half koreanong ito. Alam ko naman kailangan pang ipamukha? At seryoso siya nun ha? Walang punchline. Walang joke na karugtong! "But sasali ako sa speed dating ni Coreen. Para may magawa naman ako." Sandali siyang natahimik. Nangunot ang noo. "Interesting. Pwedeng mag-join?" "Maybe. Ask Coreen." --- Chen "Chen Nicolette Diaz, kung hindi ka pa mag-aasawa sa loob ng dalawang taon tatanggalan kita ng mana!" pagalit nang sabi ni Lolo sa’kin. He keeps on telling me about marriage and having my own family. Nakakarindi na. Minsan gagatungan pa ni Daddy na parang hindi niya alam na ayoko pang magsettle. I want to explore more! Sa harap pa talaga ng ilang relatives namin niya naalala ang pag-aasawa na yan! "Lolo, huwag niyo naman akong apurahin. At wala akong boyfriend." "Anong ginawa mo sa Germany? Wala bang nanligaw sayo doon? Sa ganda mong iyan?" "Meron. Pero Lo, work ang pinuntan ko doon hindi maghanap ng asawa,” sagot ko ulit. I stayed calm. Baka bigla akong batuhin ni lolo ng tasa e. "It will come Lo. Huwag nating apurahin." "Kelan? Kapag patay na ako? Hindi mo nga siguro ako mahal dahil ayaw mong makita ko pa ang magiging apo ko sa tuhod," and the drama begins again! Paulit-ulit na lang ganito. "Dalhin niyo ako sa kwarto ko." Inalalayan siya ng dalawang tita ko. And I ruined this mini reunion again. Napailing na lang ako at hinilot ang noo ko. Favorite akong apo kaya't ganito na lang ang pagpupursige ni lolo na magkapamilya na ako. Hindi na lang siya matuwa na may isa na siyang apo na ikinasal e. Si Kuya Emmerson, pinsan ko. Ayoko na ng tension kaya pumunta muna ako sa veranda. Bahala na silang pag-usapan ako sa loob. It's not new to me. I really tried to reach out to them but they see me as that genius accelerated kid, grand parents' favorite and luckiest apo in the family. Nakakarindi! "Bakit hindi ka na kasi mag-boyfriend?" it's Emmerson. "Gustong gusto mo bang laging galit sa’yo si lolo?" "He's not mad," sagot ko naman. "Bakit pala hindi mo pa ini-anounce na magkakaanak na kayo?" Nagkibit-balikat siya. "He knew. He's not even interested. Kita mo naman ‘di ba? Apo niya sayo ang inaasam niya." Panganay na apo si kuya pero walang amor sa kanya si lolo dahil siya ang dahilan kung bakit namatay ang lola namin. Sa kwento nina daddy, inaatake daw sa puso si lola nang sinasaway niya si kuya sa kakasama niya sa mga barkada niya noon. Umuwi ng lasing si kuya at sinagot-sagot si lola. Hayun! "Kahit siguro isang dosena pa ang magiging anak namin hindi magbabago ang tingin sa akin ni lolo. Ako pa rin ang suwail niyang apo." Hindi na ako umimik. -- May mini-post-conference naman nang makauwi kami. Daddy, mommy, ako at ang kapatid kong si Dream. "Antok na ako Daddy. Pwedeng bukas na ‘to?" reklamo ni Dream. "Maaga pa ako sa school bukas." "Sige. Matulog ka na," napa-yes naman siya pero humarap sa akin si Daddy. "And you young lady, maupo ka." Siniko pa ako ni Dream saka siya sumibad. Hay! The usual! pag-aasawa na naman tong pag-uusapan namin. Naisuklay ko ang mga daliri ko sa buhok ko pagkaupo. "You do have an idea on what we're going to talk about right?" paninimula ni Daddy. I nodded. "Wala ka bang boyfriend Chen?" Umiling ako. "Girlfriend?" Kunot-noo akong napatingin kay Mommy. "Mom? Seriously?" "You're friends with Jassy. So maybe? You do have a girlfriend kaya wala kang pinapakilalang boyfriend sa amin." "Wala,” sagot ko. "Wala lang sa isip ko ang relasyon sa ngayon. Abnormal ba ako pag wala akong boyfriend?" "Naku anak! Kulang na lang magpa-advertise ako para magkaboyfriend ka," napahilamos na ng kamay si Daddy. "Kinukulit ako ng lolo mo. Gusto na niyang magsettle down ka. Alam mo namang paborito ka niya." "But that doesn't mean I will do anything that pleased him right?" kontra ko na naman. "I'll just talk to him. Kung apo lang naman ang gusto niya pwede ko siya bigyan pero not a husband or a wife." Hindi ko na hinintay ang sagot nila. Pumanhik na ako. Napaisip ako sa nasabi ko. Talaga Chen? Apo without marriage? Tatanggapin kaya ni Lolo yon? Paano naman yung wife? Crazy! -- Kinabukasan naabutan ko na sina Daddy na nag-aalmusal. "Akala ko ay wala kang lakad ngayon kaya hindi na kita pinatawag," bungad ni Daddy. "Too tired para gumala pa,” naupo na ako sa tabi ni mommy. "I'll just stay here siguro." Kung anu-ano lang ang napag-usapan namin hanggang nabanggit ni Daddy ‘yung plan nila ni Ninong Ricardo na magsosyo. It's a travels and tours business. "And I told Ricardo that you'll do the travels." "Ho? May work ako sa SAECOM Daddy. Baka nakakalimutan mo?" "Don't worry hija. Malakas pa naman ako. I can handle that. And sa June pa naman ang schedules ng travels e." Ito na naman si Daddy sa bigla-biglang pagdedesisyon. The other night sabi niya magre-retire na siya. Ngayon naman hind pa. Hay naku! "Someone will accompany you." That hits me. "Don't tell me, this has something to do with Lolo again." "Of course not!" tanggi niya agad. "It's just work. At babae ang sinabi ko sa kanya na i-hire niya. I wouldn't allow you if he'll hire a guy." Napabuntong-hininga ako. Buti naman! -- After I hit the gym, I went straight to my room. Marami na palang messages sina Noah at Ethan. Parang gusto ko silang sugurin sa oras na to dahil sa screen shot na pinadala ni Ethan! Matawagan nga. Sagutin mo Ethan! “He...” Hindi ko na siya pinatapos magsalita. “What in the world is that? Anong speed dating? Anong palagay mo sa akin? Desperada?!” “Calm down Monster.” Nagawa pa niyang tumawa? Nakakainis lalo! “Tayong tatlo naman ang magjo-join e. Saka friend ni Nicole ang may-ari ng resto. It wouldn’t hurt naman diba? Mag-chill din tayo minsan.” “Kung gusto niyo kayo na lang. Huwag niyo akong idadamay.” “Hindi ka na pwedeng magback out e. Kasi nasabi na namin kay Nicole. Alam mo naman yon pag na-let down diba? Gusto mo bang magliparan ang mga gamit sa office na naman?” Napapikit ako sa inis! Pahamak talaga tong dalawang to! Wala na naman akong magagawa dahil hindi rin biro kung magtampo si Nicole. “Fine! Lagot kayong dalawa sa akin talaga! Binabaan na ako ng tawag. Mayroon akong Lolo, Daddy at mga kaibigan na atat makitang pumasok ako sa isang relasyon! At heto ako, career oriented person at ginagamit ang utak kaysa puso.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

ANG NABUNTIS KONG PANGIT

read
477.5K
bc

The Billionaire's Last Heir (Tagalog)

read
325.8K
bc

My Secretary, Sex-etary [Lee Saunders]

read
272.9K
bc

My Ex, My Boss, My Husband R-18

read
556.4K
bc

The Sex Web

read
131.4K
bc

Wanted Ugly Secretary

read
2.0M
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
184.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook