Chapter 2

1630 Words
At Treasures & Memories Chen's POV This is a nice restaurant. It’s showcasing the culture of Thailand. Ethan and Noah are excited with this dating thing. Nicole is also here. She's teasing me to be prepared. I might end up dating a woman. Siniko ako ni Noah. "Ano princess? Excited?" "No. Nahiya pa kayong dalawa. Kayo ang excited dito. Isinama niyo lang ako e." Tumawa naman siya. Sinuklay niya ang kulot niyang buhok. Feeling sexy naman to sa kakahawi ng buhok niya. "Hoy, paano pag babae maka-date ko?" "Hindi mo talaga alam ang ganito? Magdi-date lang kayo kung nag-agree kayo. Kung hindi de walang date." 8:00 pm. It's about to start. That's Coreen, friend ni Nicole at may-ari nitong resto, on the mini stage. "Sure kayo lahat kayo dito single ha! Haha!" Sigawan naman ang mga excited na participants. Looking around parang ako lang talaga ang walang pakialam. Go on. Go on. "Okay guys, each table has a timer. May five minutes kayo to get to know each other. If you think you found your ideal date pwede niyo nang i-ignore ang timer. Finders keepers guys. Respeto sa bawat isa. This dating game knows no gender. So yeah. Respeto lang. We'll start in five minutes!" Magkakatabi kami nina Ethan. Ang nakaka-stress inilista nila ako sa masculine side! Tatawa-tawa pa sila. Sinabihan ko si Nicole na kung pwede ilipat ako sa feminine pero wala na daw siya magagawa. Nakahilira ako sa mga lalaki at butch! Huhu. Gosh! "I'll get even with you..." Umakbay sa akin si Ethan. "Princess? We got your back. Think, you'll get to date a bisexual woman or a man o a butch?" "Fine." Bumuntong-hininga ako. Ten pairs. Pinasadahan ko ng tingin ang mga makaka-5 minutes talk ko. Nakuha ng pansin ko ang dalawang babae. Parehong silang mestisa. Short and long haired din. ‘Yung isa parang napakapayat at ‘yung isa naman well-toned ang katawan. Mukhang hindi siya uma-absent sa gym. Si Miss short hair ang tinutukoy ko. Ilang oras kaya siya nagwowork out. Sabay sa pagtugtog ng timer ay pagsisimula na rin ng speed dating. Una, pangalawa at pangatlong nakausap ko ay straight kaya madalas ay kinukwestiyon nila bakit ako bi. Haha! Nakakatawa! Nag-imbento na lang ako ng sagot ko. Fourth lady. Angely ang name niya. Unang tanong agad niya bakit ako bisexual. Haha! "Does it matter? ‘Yun pakiramdam ko e." "Ah. Angganda mo. Parang wala kang pores." "I'll tell you my beauty secret," biro ko na lang sa kanya. "So? Straight? Anong pinagkakaabalahan mo?" "Wala. Ito, dating kasi broken. Baka mahanap ko dito ang bubuo sa akin." "Na sisira ulit sayo," isa said casually. Naging gloomy siya. "Sorry. Dapat happy lang pala dito," napakamot ako sa ulo ko. "Hindi mo makikila dito kapag nasasaktan ka pa," payo ko sa kanya. Tapos na ang five minutes. Yung isang mestisa na ang kaharap ko. Yung long hair. She smiled upon sitting.  "Hi. Francine nga pala." "Nicolette," nag-shakehands kami. "Real name?" I nodded. "Brave." she stared at me. She's acting weird. "Ah you're pretty pero mas pretty ‘yun oh." ngumuso siya sa kaliwang side. Napatingin din ako. "Diba? She's pretty." "You like here? Diba tapos na kayo kanina?" Malungkot siyang tumango. "Pinindot niya yung buzzer e. So hindi niya ako type. Sad. Baka yung kausap niya type niya." Yung isang mestisa. Yung toned ang muscles na parang masarap haplusin. Damn?! Am I complimenting a woman?! Erased! "Whoy...!" she waved her hand in front of my face. "Type mo din si Miss?" "Ha? No. I just feel tired actually. Ikaw?" "Nakausap ko na yung crush ko e. Ayoko na ‘no," lumapit siyang kaunti. "Saka hindi ko na type mga next. Hihi. Afraid." "Hmm. Pero you didn't end up with her. Sayang no?" Nang matapos ang five minutes hindi ko pinindot ang buzzer. Pati pala yung crush niya hindi na. So she chose miss toned muscles. Nagserve ang mga waiters ng drinks. Itong si Francine panay tingin dun kay Miss Crush niya. Hay! Ito yung best example ng no choice. Haha! "Gusto mo lapitan natin sila?" "Huwag na. Mukhang enjoy naman siya sa ka-date niya." Magaan naman kausap si Angely. Mekaniko daw siya. Napa-wow nga ako e. She idolized her lolo daw kaya kahit ayaw ng tatay niya e nag-pursue siya ng mechanics. "Iniisip mo siguro pasosyal ako no?" Tumango ako. "Judgmental," biro din niya "pero okay lang ganyan lagi first impression sa akin e. Pang-beauty queen pa daw ang ganda ko. Hindi sa pagyayabang ha?" "Pero ganun na nga?" "Oo naman. Hayaan mo na. Basta hindi ako mayaman pero kumakain ako ng sapat." "Let's not talk about yaman or anything." Hindi ko na namalayan na tapos na yung speed dating. Haha! Marami kasing kwento itong si Angely. "So? Musta Princess?" yung dalawang kolokoy ang tumabi sa akin. "Hi miss,” baling nila kay Angely. "Noah..." "Ethan..." "Guardian Devils ko." I jokingly said. "Workmates ko sila." "Francine..." "Ah nga pala princess. Naalala mo yung naging karibal mo sa germany? Yung muntik makasulot ng project mo?" "Oh bakit?" naalala ko yung engineer na magaling din. Nasagad nga ang diskarte ko noon e. Buti na lamang at sa akin pa rin pumabor ang boss namin. "Bakit parang excited ka naman?' "She's here! Hayun oh." Tumingin ako sa direksyon na inginuso niya. Seriously? Yung crush nitong si Angely? Bakit parang hindi naman siya. "Hindi naman siya yan." "That's her. Pustahan pa. Teka tawagin ko." Lumapit siya sa table nila. Parang positive nga. The woman is smiling at him. "Parang swerte ka pa rin," bulong ko kay Francine pero namumutla na siya. Haha! Ninerbyos pa kasi papalapit na yung dalawa sa amin. -- Nicole reserved a table for us. Naging instant bonding na lang ang nangyari. Maliban siguro dito sa katabi ko na parang tense na tense pa rin. "Are you okay?" Lalo siyang natense kasi si Diane ang nagtanong sa kanya. "You look pale." "Believe me she's okay," tugon ko. "Nasobrahan sa suka yata kaya ganyan." "Ah oo. Ganun nga,” sang-ayon ni Francine. Blythe. ‘Yon ang pangalan ni Miss Toned Muscles. Tahimik lang siya. Hindi siya kumakain. Maya't-mayang sumasandal sa balikat ni Nicole. "Did you enjoy the speed dating guys?" excited na tanong ni Coreen. "Yeah," sagot ni Blythe. "Sobrang enjoy," gusto kong matawa. Haha! Sobrang enjoy pero walang expression ang mukha niya. "Nahilo ako sa hininga nung isa. Saka sa putok nung naka-checkered. Next time naman Coreen bigyan mo sila ng pabango o mouthwash naman." "Yan na ang lagi niyang reklamo kanina," said Diane. "Nakiusap nang huwag na akong mag-buzzer. Nagmakaawa na." Siniko ko si Francine. May chance siya! Hindi naman pala type e. Napainom siya ng juice. Kinikilig siguro ito. Inilabas ni Francine ang cellphone niya. Ilang sandali siyang tumutok dito at nagtype. "Susunduin daw ako ng kuya ko." "Wow ha. Prinsesa," komento ni Noah. "Paano ba yan chen? Yung date mo susunduin na?" "Tumigil na nga kayo. Baka mailang to. Kalokohan niyo lang naman na nilista niyo ako sa side niyo e." "Sisihan pa kayo. Ang importante enjoy! Let's drink to that!" said Coreen. Tuloy lang ang kwentuhan. Parang angbigat ng dinadalang problema nitong Blythe. Yung wine lang ang laman ng tiyan niya mula kanina. Anyway. Naiihi na ako! -- Napaatras ako ng cubicle nang makita ko si Blythe na nagreretouch. "O para kang nakakita ng multo." "Ah. Sorry. Wala kasing tao kanina." Hindi naman siya umimik. Nagretouch na rin ako. Hinihintay ba niya ako? Humalukipkip kasi siya habang pinapanood ako. "You done?" Nilagay ko sa bag ang lipstick. I nodded. "Okay lang namang mauna ka na." "Actually, kailangan ko ng tulong mo." "Ha? Bakit?" "Pinsan pala ni Francine yung ex ko. Kilala ako nung kuya niya." "And? Anong kinalaman ko diyan?" "Basta. Sabayan mo lang ako paglabas." Huminga siya nang malalim. Hahakbang na sana ako palabas pero bigla niyang hinawakan ang kamay ko. What the hell? I confusedly looked at her. "Basta ride ka lang. Smile lang ang gagawin mo." Ride? I can't even explain why I feel tense! Nakafocus sa kamay namin ang tingin nina Ethan at Noah. Nahihiya ako. Ano ba to? Parang gets ko na. Pahamak! "Bakit ako? Andiyan naman sina Ethan." "Coz my ex knows I'm serious with women than men." Hay! "Hi..." pagbati niya sa kuya ni francine "Sorry matagal kasi to magretouch." Nabaling sa akin ang tingin nung lalaki. Sa akin at sa kamay namin. "Si Chen nga pala. Kaibigan ko. Good friend." We shokehands. "Nice to meet you." Ngumiti siya. "Same here." "Kuya, bakit ikaw lang?" "Nandiyan na rin sila. May dinaanan lang." Napahigpit ang hawak ni Blythe sa kamay ko. Sinundan ko ang direksyon na tinitignan niya. May pumasok na babae at lalaki. Magkahawak-kamay. "O nandito na pala sina Sam. Sa taas na kami. Sunod ka na lang ha?" So that must be the ex. Siyempre yung babae. She's pretty pero may iba akong nase-sense sa personality niya. Nagawi siya ng tingin sa amin pero parang wala lang na magkahawak kamay kami ni Blythe.  -- Diane left. Coreen and Nicole are in the office. Yung mga kolokoy naman binalikan ‘yong mga naka-date nila kanina. There is silence between us. "What now?" i asked. "Hindi mo ba bibitawan ang kamay ko?" Nakahawak pa kasi ang kamay niya sa akin habang nasa ibabaw ng mesa. "Hayaan mo lang. Nababawasan ang kaba ko pag ganito." Ako ang kinakabahan. Well-known kami nina # sa business world. Baka may paparazzi ditto at mamaya ay trending na ako! Nakayuko siya pero kita ko ang pagtulo ng luha niya. "Kung iiyak ka huwag naman ditto. Baka mabuking tayo," pinahid ko ang luha niya. "This is weird. Should I act manly? Ano dapat kong gawin?" Natawa siya. "Wala. Halata ngang straight ka. Kumain ka na lang." "E kung umalis na lang tayo? Ihatid kita sa inyo. Dun ka na lang umiyak nang umiyak." "I live with Coreen. Sa kanya muna ako nakikituloy." "Ah ok." I never bother talking to her. Hawak-hawak niya kamay ko. Nakapangalumbaba naman siya sa kaliwang kamay niya. "Thank you nga pala. Bawi na lang ako sayo kapag nagkita ulit tayo. Siguro naman hindi impossible kasi we have mutual friends." "Maybe." She intertwined our fingers. "She's looking at us. Please, smile..." Ngumiti ako. Hindi ko inaasahan ang sumunod na ginawa niya. Dumukwang siya. Nakatapat sa noo ko ang labi niya. I could smell her scent! Sa anggulo na makikita ng ex niya ay hinalikan niya ang noo ko dahil na rin sa buhok niyang nakaharang. "Sorry. I'll make it up to you talaga." "Uh. Ok." her lips landed on my forehead. Whatta hell!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD