Chapter 3

1987 Words
June Chen's pov I can't believe it! Dad filed a leave for me. Indefinite leave pa! Heto ako at nagliligpit ng mga gamit ko sa office. "Wala ka talagang magagawa kapag si Tito na ang magdesisyon ‘no? Yung tigre naging kuting," tatawa-tawang sabi ni Noah. "Sabihan mo lang kami kapag ipapakasal ka ha? Itatakas ka namin." "Tigilan niyo kaya ako? Kanina pa kayo e." "Gaano kaya katagal ang indefinite leave mo?" sabat ni Nicole. "Alam mo na ba kung sino ang makakasama mo sa tour?" Umiling ako. "Hindi ko pa nga nakakausap si Ninong. Ngayon pa lang hindi na ako natutuwa sa idea." "Boring naman ang buhay mo Princess kaya it's about time you'll get a surprise, ‘Di ba?" Ethan puts some of my things in the plastic box. Naunang lumabas ng office sina Ethan at Noah. May ilang files pa akong kailangang i-turnover kay Nicole kasi. "Parang hindi ka masaya na makakapagpahinga ka ah," pansin niya sa akin. "Hoy hindi lahat may pagkakataong mag-leave lalo sa atin." "Indefinite leave, sinong matutuwa dun. Baka nga totohanin ni daddy yung banta ni Lolo na tanggalan ako ng mana." "Takot ka?" "Konti. Kulang pa ang ipon ko e," natawa ako sa rason ko. "Angdami kong naiisip na rason sa leave na ito baka biglang sabihin chen ipapakasal ka namin kay ganito. Ganyan. Alam mo na?" "We have your back. Don't worry," binalik niya sa akin ang hard disk. "O sige na. Alis na. Ingat ka." -- Sa bahay ni Ninong Ricardo ako dederetso. Ako ang representative ni Daddy sa business na ipu-put up nila. Dito ko na rin yata makikilala kung sino ang makakasama ko sa tour. Sana naman mabait siya. Sinamahan ako ng kasambahay nila patungo sa mini office ni Ninong. Sobrang late ko na yata. Anim ang naratnan kong ka-meeting niya. Isang pamilyar na mukha ang nagpakaba sa akin. May isang buwan na ang lumipas pero hindi ko malilimot ang babaeng to. Si Blythe. Humingi ako ng pasensya kay Ninong dahil na-late ako. Nagpakilala kami sa isa’t-isa. Harvie and Mavie, twin vloggers. Suzie and Loridel, they're a couple. And Kiko, anak ni Ninong. Naupo ako sa tabi ni Blythe. "First stop is in Pangasinan," said Kiko. "This would be fun. Right Mavie? Dapat pogi ako sa mga shots mo ha." "Hindi naman tayo magkakasama," sagot ko. "Anong region ang pupuntahan ko?" Binigay sa akin ni Ninong ang mga brochures. "Sa Region I ka." "Sayang naman," reklamo ni Kiko. "Pero pwede tayo magmeet sa Baguio diba? Hehe. What do you think?" "Kayo na ang bahalang mag-usap-usap," sais Ninong. "Don't forget to update me. Lalo ka na Kiko. Huwag na huwag kong malalaman na mambababae ka lang sa mga pupuntahan mo." Napakamot sa ulo si Kiko. "Grabe naman Pa. Sa pogi kong ito." Iniwan kami ni Ninong para pagplanuhan ang mga tours na gagawin namin. The twins have gone to many places so they led is planning. Napapatingin ako sa couple. Sa Cordillera Region ang pupuntahan nila. Inggit nga si Kiko kasi dun ang gusto niyang puntahan. Pero hindi na rin siya lugi dahil sa may Baler siya pupunta. "Lugi yata ako dito," reklamo na naman niya. "Uuwi ako agad e. Kayo baka-bakasyon pa." "Kay sir ka magreklamo," sagot ni Harvie. "Sunod ka na lang sa amin para masaya sa vlog." Walang imik ang katabi ko. Ano nga pala ang plano namin? "How about you guys?" baling sa amin ni Loridel. "May plans na kayo?" Umiling ako. "We just met. Unlike you guys kaya hindi pa namin napapag-usapan kung ano ang mga gagawin," tumingin ako kay Blythe na nakapangalumbaba. "Do you have plans?" Nagkatitigan kami. Napaiwas ako ng tingin. "Wala. Hindi maganda ang magplano. Let's just go with the flow." "Ok." Kaya ang nangyari wala kaming naipresent! Hay! I am bothered nahihiya ako kay Ninong dahil wala akong masabing plano. Disappointed ako sa sarili ko. Pinaiwan kami ni Blythe. "Pasensya na hija at hindi kita nasabihan nang maaga. Request din ng Daddy mo. Here are the gadgets that you will use." Yeah. Akala ko ako pa bibili. "Here's your card," inabot niya kay Blythe ang atm card. "’Yun sa'yo Chen ay ang daddy mo na daw ang magbibigay. I hope to see videos on social media as soon as you start the tour." -- Makakauwi na kami. Wala naming dalang sasakyan si blythe. Saan kaya siya uuwi. Baka sa condo ni Coreen. "Pwede ba nating pag-usapan muna kung saan ang unang pupuntahan natin? Search ng tours? Hindi ako sanay na walang plano e." "Sige, saan?" "I know a place." I brought her to one of my favorite restaurants. Gutom na rin kasi ako kaya dito ko napiling pumunta. "Mahal yata ditto. Hindi ko afford," sabi niya pagkababa ng kotse. "It's on me." "E hindi pwede. Sa iba na lang kasi ako magti-treat sayo. Pambawi sa pabor na hiningi ko noon." So she remembered. Biglang nag-init ang pisngi ko. "I thought you forgot it." "Hindi ko malilimutan kasi nasaktan ako noon," natawa siya. "Nevermind. Next time na lang kita ilibre. Nagugutom na rin naman ako." I ordered kare-kare, sinigang na hipon and crispy pata. Cravings ko na ito nang ilang araw. Parang hindi siya naniniwala na inorder ang mga to. "Hindi uso ang diet?" Umiling ako. "Cheat day. Kain ka na parang hanggang ngayon lutang ka pa rin e. Lovelife problem pa rin?" "Ayokong pag-usapan," kumain na rin siya. May kinuha siya sa bag niya. "Look. These are the places na magandang puntahan sa pangasinan." I look into the pictures. "Looks nice. May travel and tours ka nang nakita?" She nodded. "Nandiyan lang sa ibaba." 3 days, 2 nights. "Pero alam mo kulang yan para mapasyalan yung mga tourists spots. So malamang we will spend more than a week. Nakapagpabook na ako. Sabi ko sa agent girlfriend ko ang sa kasama ko para makadiscount." "What?!" Tiningnan niya ako na parang wala lang yung reaction ko. "What what? Nagtitipid ako Miss Diaz kaya kailangan dumiskarte sa discount. Ah irephrase ko. Sabi ko nililigawan ko yung kasama ko." I sighed. "Naniwala naman sila sayo ha." "Oo naman," she handed me another envelope."Check those pics." Whattahell?! Edited pictures naming na para nga kaming close na sa isa't-isa. "Pwede kitang idemanda sa dito ah." "But you won't kasi sasabihin ko lang naman na part iyan ng trabaho na binigay sa akin ni Sir Ricardo. At may basbas yan ng Daddy mo at ni Sir." "You had talk to my Daddy? Kailan?" "Last week. Kaya huwag ka sa akin magalit. Okay? Empleyado lang ako," kinuha niya ulit ang mga pictures. "Kumain ka na. It's just pictures." "It's big deal for me," i said seriously. "Ano ba tong pinasok ko." Hindi siya umimik. Siya kasi out na nakikipagrelasyon sa babae. Paano naman ako? For sure issue ito sa family ko. Paano si Lolo? Hay! -- Sambakol ang mukha kong umuwi. Nandito si Lolo. Ano pa bang hindi magandang mangyayari sa araw na ito? Nagpatulong ako kay Tiyang Lolita sa mga gamit ko. Pinuntahan ko sila sa veranda. Favorite place ni Lolo dito. Nagche-chess sila ni Daddy nang maratnan ko. "O nandito na ang Prinsesa ko," said Lolo. Good mood siya huh. “Kumusta ang last day sa work?" "Lolo, leave lang iyon. Babalik pa rin naman ako," sabi ko sabay mano. "Sinong kasama mo Lo?" "Iyong driver lamang. Nagtatampo na kasi ako dahil hindi ninyo ako dinadalaw." "Baka kasi mag-aaway lang tayo kung dadalawin kita," pagrarason ko. Bumaling ako kay Daddy. "nga pala Dad na-meet mo na pala yung kasama ko sa travel. Bakit naman ganun?" Nagtatakang papalit-palit ng tingin sa amin si Lolo. "Ano bang nangyari?" "Tungkol sa bagong negosyo," sagot ni Daddy. "Sir nandito na po iyong hinihintay ninyo," si Tiya Lolita yan. Inalalayan ni Daddy si lolo. "Sumunod ka sa amin," utos niya sa akin. Sino namang bisita yan? -- Gustong-gusto kong maglaho sa oras na ito! Lamunin na lang ako ng lupa! Lalaki ang bisitang kanina pa nila hinihintay. Inaanak ni Daddy. Inimbitahan ni Lolo na pumunta dito to meet her favorite apo daw! My god! Masyadong bini-build up ni Lolo itong si Arnold. Bored na ako kung pwede lang umalis na e. Masasabihan na naman akong bastos. "What do you think Chen?" baling sa akin ni lolo. "How about a date with him? Angtagal na rin nung huli kayong nagkita e." "Po? Tingnan ko po." Kaya nga Lolo, angtagal na noon. Bata pa kami at wala akong pakialam kung nagkita kami ulit. "Uhh Chen, baka pwede tayong lumabas minsan?" "Seriously asking me infront of Lolo huh?" "Chen..." saway sa akin ni Daddy. Binalikan ko ng tingin si Arnold. "Okay. May time pa naman. Ngayon na. Dahil busy akong tao. Wait for me outside." In-excuse ko ang sarili ko para makapagready na. Badtrip ako! My god! -- Bihis na ako. Sinisipat ko na lamang ang repleksyon ko sa salamin. Daddy knocks. Pinagbuksan ko naman siya. "Anak pasensya ka na sa Lolo mo." "Palagi naman e. Pati ikaw Daddy. Bakit ka pumayag sa pictures na in-edit ni Blythe. Inisip mo ba ang magiging reaksyon ni Lolo? God! Baka itakwil na ako ng tuluyan." "’Di ba sabi mo naman kahit itakwil ka niya okay lang sa'yo?" Naisuklay ko ang daliri ko. "Itatakwil ako dahil sa kasinungalingan? My god! Ilang beses na kayong nag-meet ni Blythe dad?" "Thrice. Why?" "Nothing. Baka ireto mo rin sa akin yon. Huwag na huwag mong gagawin dahil hindi ako napatol sa babae." -- It's a boring date! Mas madaldal siya sa akin. He's bragging all his out of the country trips. Hindi naman nasabi ni Lolo na mahangin pala tong nirereto niya sa akin. Napansin ko ang isang babaeng panay ang tingin sa amin. Anong problema nito? "Chen? Are you listening?" "Huh? Sorry. May nakita lang akong familiar." "As I was saying. Buti at nabigyan ako ng chance na makita ka ulit. Matagal na kasi kitang gusto. Siguro pwede na kitang ligawan." Bumuntong hininga ako. "Alam mo kasi wala pa sa isip ko yan e. Pumayag lang naman ako sa date na to dahil ayokong mapahiya ka kay lolo." "I know pero hindi naman ako nawawalan ng pag-asa." Akmang hahawakan niya ang kamay ko na nasa ibabaw ng mesa pero mabilis akong tumayo. "Cr muna ako." -- Naghuhugas ako ng kamay nang pumasok iyong babae sa kabilang table. Iyong panay ang tingin sa amin. "Iba pa rin pag lalaki no?" sambit niya. "Ha?" i confusedly look at her. "Excuse me?" She smiled. Wait. Hindi ako natutuwa sa expression niya. "Ikaw yong kasama ni Blythe nung nakaraan. You're so sweet and yet here you are with a guy. Lagi pa rin talaga tayong babalik sa lalaki." "Sorry? How dare you to say that? Huwag mo akong itutulad sayo." Nailing-iling pa siya. "Don't worry. Naintindihan kita. Blythe can't give us what men can." At dun na talaga uminit ang ulo ko. Gusto ko siyang sampalin pero ayokong ibaba ang sarili ko. Think chen! Think! "Tama ka. Babae kasi siya pero wala akong pakialam. Hindi kasi s*x ang habol ko. So sorry ha? Hindi ako tatablan sa mga sinabi mo," tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. "One more thing, buti na lang iniwan mo siya dahil mas mapapabuti siya sa akin." Inaya ko nang umuwi si Arnold. Hindi na ako nagpahatid. I took a cab. Badtrip ako sa babaeng ‘yon! So ano ‘yon? Nang nakita niya kami ni Arnold ini-imagine niyang nagse-s*x kami ni Blythe at inimagine din niyang nagsex kami ni Arnold? f**k! Maaga pa naman. Ayoko pang umuwi. -- I end up calling Noah and Ethan for a drink. Kinwento ko ang nangyari sa restaurant. "Yung Arnold ba mas pogi sa amin?" "Hindi nga umabot sa hintuturo niyo e. Pero mas mahangin." Natawa si Ethan. "E yung babae sa cr? Maganda?" "Walang ganda. Pangit ang ugali," lumagok ulit ako ng alak. "Nakakaawa si Blythe. Gano’n lang pala ang tingin sa kanya." "Nag-e-exist talaga ang mga ganoong tao. Huwag mo nang stressin ang sarili mo princess." "I wonder kung mahal pa rin ni blythe yon. Nung nakaraan kasi ramdam kong head over heels pa siya e." bumaling ako kay noah. "Tingin mo?" Nagkibit-balikat pa siya. "Why interested princess?" "Nothing. I know she's in pain last time. At mahirap makamove on lalo pag sobra mong minahal ang isang tao. At least that is how i see it in movies." Inakbayan ako ni ethan. "princess, iba sa movie at sa totoong buhay." "Yeah." sang-ayon ni Noah. "Mas painful sa totoong buhay. Sa movies, you can see their pain in minutes pero sa realidad? Araw-araw mong mararamdaman ang rejection, kakulangan at panliliit ng pagkatao mo lalo kung third party ang dahilan ng hiwalayan." "Then, I don't want to fall inlove," sabi ko na lang at lumagok ulit ng alak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD