Chapter 4

2377 Words
NF 4 BLYTHE Bukas na ang simula ng travel work. Nag-eempake na ako ng mga gamit ko. Swerte ko nga kasi magbibyahe lang ako sa iba't-ibang tourists spots, may pera na ako e. Hindi lahat may ganitong pagkakataon. "Gaano katagal kang mawawala?" Si Shanika yan. Kinakalikot niya iyong mga gadgets na pinahiram sa amin. "Umalis na nga si Coreen tapos aalis ka rin. Paano na ako? Sad naman." "Hindi ko alam. Ikaw pa malulungkot? De solo niyo ni Precious itong unit." Nangiti naman siya. "Oo nga `no? Huwag ka nang bumalik." Angbilis magbago ng isip niya `di ba? Basta involve si Precious. Kanina pa ring nang ring ang cellphone ko. Si Papa yan. Mula nung natunton nila ako ay pinipilit niya akong bumalik sa bahay. "Hindi mo ba sasagutin?" Umiling ako. "Pare-pareho lang naman ang pinag-uusapan namin e. Pinapauwi ako sa bahay. Gustong mag-asawa na ako. E, hindi nga nila tanggap na babae ang gusto ko." "Hindi mo ba sila namimiss?" Bumuntong hininga ako. "Hindi uubra ang pangongonsensya mo, Shan." Dahil sa totoo lang abot langit ang galit sa akin ng daddy ko. Hindi na nga ako nagtataka kung sa anak niya sa labas ipamana ang lahat ng pera niya. Wala rin akong pakialam doon. Pera niya yon. Wala akong ambag sa kompanya. Speaking of the devil. Tumatawag si Avo. Sinagot ko naman ito. “Hello.” Walang amor ang pagsagot ko dito. “Let's meet.” Kung makapag-utos akala mo bayad niya ang bawat oras ko ah. “Ok. Text mo na lang kung saan.” Pinutol ko na ang tawag. "Aalis muna ako." "Saan ka pupunta?" "Ime-meet ko si Avo." "Hindi kayo magkasundo n`on `di ba? Gusto mo samahan kita?" "Hindi na. Kaya ko na `to." -- Pagdating sa restaurant, nakita ko agad siya. He’s my half-brother and favorite ng papa ko. Angbait-bait daw kasi niya. Bakit hindi ko daw tularan. My God! "Bakit? Anong pag-uusapan natin?" "Kumain ka muna kaya?" "I'm good. Ano bang pag-uusapan natin?" "Pinakiusapan ako ni Papa na kausapin ka. Miss na miss ka na niya." Sabi ko na nga ba e. Heto na naman kami. "May trabaho ako. At magsisimula na bukas. At hindi naman nila ako tanggap para saan pa ang pag-uwi ko? Yung araw-araw na ipapamukha sa akin na abnormal ako? Na salot ako? Pwede ba." "Hindi sa ganun. Unawain mo naman sila." Matama ko siyang tinitigan. "Bakit mo ba ginagawa to? Masyado mong pinapabango ang pangalan mo sa kanila. Kulang pa ba na sa`yo na pabor palagi ang mga magulang ko?" "Bakit minamasama mo ang pagtulong ko?" Humalukipkip ako at sumandal sa upuan. "Okay na sana e, kung hindi ko nalaman na malaki ang nawawalang pera sa negosyo at may bagong account na nakapangalan sa nanay mo." Umismid ako na mas ikinaputla ng mukha niya. Salamat kay Coreen at nabigyan ako ng kopya ng mga iyon. She's really my savior. Tumayo na ako. Lumapit ako sa kanya. Bahagyang yumuko para maabot ang tainga niya. "Hinay hinay. Impossibleng hindi alam ni Papa ang kalokohan mo. Ako nga natunton niya. Yang kalokohan mo pa ba?" Iniwan ko na siya. Sayang ang oras ko e. Maaga pa naman. Bisitahin ko si Mama. Kailangan ko munang masigurado na wala sa bahay si Papa para hindi na kami magkasagutan pa. -- Nagtatanim si mama nang dumating ako. Ito ang pampalipas niya ng oras. Marami nang namulaklak sa mga tanim niya. Kinakausap na naman niya ang mga ito. Nagpapatugtog pa nga si mama ng classical music. Minsan tinutugtugan niya ng violin ang mga tanim niya. "Mamulaklak kayo nang marami ha. Araw-araw ko kayong didiligan at patutugtugan." "Baka kumanta na rin ang mga yan." Natatawa kong sabi dito bago ako lumapit. "Marami na silang bulaklak. Benta na natin." Tinanggal niya ang gloves niya at niyakap ako. "Thank God you're here 'Nak." Pinisil niya ang magkabilang pisngi ko. "Kumusta ka na? Parang pumayat ka. Kumakain ka ba nang maayos?" "Oo naman. Masarap magluto si Shanika e. Ikaw ‘Ma? Kumusta dito?" "Malungkot. Wala ka e. Huwag ka nang umalis ‘Nak." "Ang totoo niyan `Ma. Nandito ako para magpaalam ulit sa`yo. Magsisimula na ang trabaho ko bukas." Confused na tumingin sa akin si Mama. "Saan ka magtatrabaho? Aalis ka na naman ba ng bansa?" "Secret muna ‘Ma. Basta ang importante may trabaho na ako." Dinalhan kami ni Manang ng mamemeryenda. Nagkwento si Mama. Baka daw kay Avo ipamana ni Papa ang mga ari-arian niya. "Anak naman hindi mo ba ipaglalaban ang karapatan mo?" "Hindi ko naman kailangan `yon `Ma. Ayoko nang may isumbat pa si Papa sa akin. He never loved me like a daughter. He never loved us." Or maybe he did but he loves the other family more. Nalungkot si Mama. Masasabi kong isang martir si Mama. Alam naman niyang mas mahal ni papa ang nanay ni Avo. Iniuwi pa siya ni Papa diba? Angkapal ng mukha ng tatay ko e. Imagine? Ang bunga ng kataksilan ay inuwi sa tunay na pamilya? Anglakas makapagsabi na immoral ako dahil nagmahal ng kapwa ko babae e siya nga hindi marunong sumunod sa sampung utos ng Diyos. Nakiapid. Inuwi pa ang anak. Leche! E mahal ni Mama si Papa kaya naging manhid na lang siya. Hay naku! Pag-ibig nakakatanga talaga. Ilang sandaling umalis si Mama. Pagbalik niya ay may dala siyang envelope. Inabot niya ito sa akin. "Bago kami ikinasal ng papa mo ay may kasunduan na ang aming mga pamilya. Ang aking ari-arian ay mananatili sa pangalan ko. Ganun din siya. Itago mo ang mga dokumentong `yan dahil sayo ko ipapamana ang lahat." "Bakit?" "Anong bakit? Anak kita. Dugo at laman. Marapat lang na sa`yo mapupunta ang kung anong meron ako." "Anong kondisyon?" Ginagap niya ang mga kamay ko. "Wala. Gusto ko lang ay mapa-sa`yo kung ano ang nararapat, Blythe." Tumingin siya sa relo niya. "Kailangan mo nang umalis `Nak. Baka dumating na ang Papa mo." -- Tulala ako habang pinangmamasdan ang mga papeles na inihilira ko sa kama. Saan ko naman `to ilalagay? Ka-video call ko si Coreen. “ Huwag mong iiwan diyan sa condo,” paalala niya. “Saan ko naman ilalagay? Aalis na ako bukas e.” “Papupuntahin ko diyan si Ellen ngayon. Siya na ang bahala.” “Thank you talaga.” “Wala `yon. Magtrabaho ka na lang nang maayos. Perfectionist `yon si Chen.” “Mukha nga. Parang hindi kami magkakasundo.” Tinawanan niya ako. Parang guhit na naman ang mga mata niya. Pagkalakas ng tawa e. “Hindi `yon makwento kaya siguradong panis ang laway mo.” -- CHEN Tinutulungan ako ni mommy sa pag-eempake. Isang malaking backpack lang ang dadalhin ko. Bahala na kung paano ilalaba ang mga ito. Dalawang pirasong pantalon nga lang ang dalawa ko e. Lahat shorts na. "Mag-iingat kayo ha? Baka kulang itong mga damit mo." "Okay na `yan Mmy. Don't worry. Kaya ko naman e." "Hindi ka naman marunong magcommute anak. Kaya ako nag-aalala." Isa pang problema ko iyon. I suck in public transpo! Though mag-aavail kami ng mga promos paano kapag kailangang magcommute lalo at magpapaiwan kami sa mga destinations namin? "Magkotse na lang kaya kayo nung partner mo?" "Bini-baby mo na naman si Chen." Si daddy `yan. Nakasandal sa may pinto at humihigop ng kape. "Let her explore life. Ready ka na ba Chen? Free ka sa dates niyan." At `yon ang tanging magandang maidudulot ng travel na ito. Walang pilitang date! Tuluyan nang pumasok si daddy. "Tawagan mo lang kami ng Mommy mo kapag nagkaproblema ha?" Nagtaas-baba ako ng kilay. "Hindi ako tatawag. Kaya ko ang sarili ko." "Ate! Oh, dalhin mo `to." Dalawang powerbank na pink. "Solar `yan kaya isabit mo lang sa bag mo para hindi ka ma-deadbatt." "Thanks. Bakit dalawa?" "Para dun sa kasama mo." "Mommy magluto tayo ng masarap na dinner,” suggested Dream. "Baka puro instant at hindi healthy na kainin ni ate sa travels niya." -- "Pasensya na Chen. Ito kasi `yong naisip kong paraan para kahit papano ay hindi ka i-set up nang i-set up ng lolo mo sa date." "Magsasawa din naman yon Dad." Bumuntong hininga siya. "Sa totoo lang ay hindi ko rin alam. Mukhang may napipisil na naman siyang ipagkasundo sayo." "Ano?! God! Itakwil na lang niya ako Daddy." Nailing si dad. "Ikaw talaga. Hayaan mo at palagi kong kakausapin ang Lolo mo." "Sana naman makinig siya sayo. Hindi ako susunod sa kahit anong gusto niya." -- Nandito sina Noah, Ethan at Nicole. Para naman sa napakalayong lugar at matagal akong mawawala. Akala mo hindi na ako uuwi ah. May nalalaman silang despidida daw. Inakbayan ako ni Ethan. "Mamimiss namin ang kasungitan mo. Ano ka ba. Dapat bini-video mo ito e. " Tinawag niya si Dream. "Video mo bilis. First time magtravel ng ate mo na iba kasama dali." Game naman si Dream sa pagvideo. True to what he said, first time ko ang gantong travel na hindi sila kasama. Kinakabahan nga rin ako. "Kayong tatlo, matagal ninyo nang kaibigan si Chen. Wala ba kayong alam na kasintahan nito?" Natawa sila Ethan at Noah. As usual poker face si Nicole. "Marami ang nag-attempt pero walang pumasa,"sagot ni Noah. "Workaholic nitong anak niyo Tito. Paano magkakalove life?" "Nicole?" Napatingin siya kay dad. "Yes po?" "Baka may sekreto kayo nitong si Chen? Baka naman may natitipuhang babae itong prinsesa ko." Muntik ko nang maibuga ang kinakain ko. Napuno sila ng tawanan. Nakakainis si Daddy! Umiling si Nicole. "I'll tell you immediately if meron Tito." "Good good. Kami ay nababahala na at walang pinapakilalang kasintahan tong anak namin. Baka mapaglipasahan na ng panahon." Kung alam ko lang na ganito ang kahahantungan ng usapan pinaalis ko na sila kaninang pagdating nila e. -- Tumambay muna kaming magkakaibigan sa veranda. Nag-iinuman sina Noah at Ethan. Kami naman ni Nicole ay inaayos ang isang presentation para sa meeting kinabukasan. "Gustong-gusto ka na talaga nilang magsettle down `no?" "Malapit-lapit na nga sa pambubugaw ang ginagawa nila," biro ko. "Si lolo kasi ang mapilit. But si daddy nauunawaan ako kahit papano." "Pero nag-aalala na rin siya. Siyempre gusto nila may makasama ka sa pagtanda." Bumuntong hininga ako. "Hindi naman yan nawawala sa plano. But I haven't met that ONE I guess." Lumapit ang dalawa sa amin. "Groufie tayo guys. Baka last pic na natin `to na single si Chen. Pag-uwi nito baka naka-arranged marriage na." Ethan said with laughter. Hinampas ko siya sa braso. "Gago ka ha!" We took some pictures. These three really are the best buddies. Hindi ko mawari kung ano ang trip ni Noah. Nagpatugtog siya ng slow music. "Isayaw natin dalawang prinsesa." Yaya niya kay Ethan. Game din naman si Nicole sa trip niya. Partner ko siya. One Friend is now playing on the background. "Para namang hindi na ako babalik." Reklamo ko sa kanya. "Nakainom lang kayo angdrama niyo na." Ngumiti siya. "Hindi na tayo bumabata Chen. One way or another magkakaroon tayo ng sarili nating mga pamilya. Tini-treasure lang namin ni Ethan ang mga pagkakataon na kami ang number one boys sa inyong dalawa." "Napaka-sentimental niyo talaga..." Sa kalagitnaan ng kanta ay nagpalit kami ng partner. Ang malokong si Ethan nag-bow pa bago ako isayaw. "Baliw." Pinalo ko siya sa braso. He just let out a smile. "Baka may bilin ka rin?" "Just enjoy your vacation Princess. Bumalik kang hindi na workaholic. May time na sa ibang bagay lalo sa lovelife." Tumawa na naman siya. The point is, love like ko talaga ang pinoproblema ng mg nakapaligid sa akin! -- 3:00 AM. Hihikab-hikab pa ako. Buong pamilya ang maghahatid sa akin sa meeting place namin ni Blythe. Sa Cubao daw maghihintay `yong van na sasakyan namin kasama ng ibang turista. "Hindi ka na yata natulog." Pansin ni daddy. "Excited?" "Alam mo naman Dad kapag may importanteng pupuntahan hindi ako nakakatulog. At hindi ako excited." "Ate huwag mo kalimutan ang pasalubong ko ha?" "Bakit may pinadala kang pera?" Sumimangot siya. "Kuripot nito." "Joke lang. Siyempre may pasalubong ka. Hingi tayo kay Dad ng budget." Kunwari ay bulong ko sa kanya pero sinadya kong marinig ni Daddy. Hayan at nailing-iling lang siya. -- Malapit na kami sa meeting place. Nakita ko na si Blythe. Kasama niya sina Shanika at Prey. Nauna pang bumaba si Dream kaysa sa akin e. Mabilis siyang nakipag-apir kay Precious. "Naks, buong pamilya ang naghatid." Biro ni Precious sa akin. Bumeso siya sa mga magulang ko. "Parang hindi kayo tumatanda Tita ah. Parang laging bente anyos." Pinisil ni mommy ang pisngi niya. "Bolera ka pa ring bata ka. Ah ito ba si Blythe? Iyong makakasama ng anak ko sa byahe?" Si Daddy ang nagpakilala kay Blythe kay Mommy. "Si Shanika ang nagrekomenda sa kaya kay Ricardo. Don't worry mahal, hindi niya naman pababayaan itong si Chen." "Daddy ginawa mo naman akong bata para alagaan. Pasensya ka na Blythe. Parang laging first time kong umalis e." Ngumiti naman siya. "Wala yon. Cute nga e." Dumating na rin ang van at ang ibang turista. Kinakausap pa ni Blythe si Daddy. Maya't-maya ay napapatingin sila sa'kin. Parang ako pa yata ang topic nila. "`Yan daddy mo nagwoworry rin. Siguro ay maraming bilin yan kay Blythe,” said Mom. Nagshake-hands pa sila bago lumapit ulit sa amin. "Tara na?" Nagpaalam na kami sa mga naghatid sa amin. Si mommy talaga ang mangiyak-ngiyak. Natatawa ako sa kanya dahil nasa Pilipinas lang naman ako e! Naku siya! Baka magulat na lang kami ni Blythe nasa harapan na siya ng hotel room. "Ingat ha? Ingat kayo. Iba-ibang klase ng tao ang makakahalubilo ninyo. Be humble ha? Huwag masyadong masungit. Baka pairalin mo yang taray mo na naman." See? Napakarami niyang bilin. Like kulang na lang isulat niya sa papel at ipabaon sa akin. "Ako ang bahala sa kanya Tita." Sabad ni Blythe. "Tara na..." Hinigit niya ako sa kaliwang kamay patungo sa tourist van. Yung kanina na sa wrist ko lang nakahawak ang kamay niya ay ngayon naka-intertwined na sa mga daliri ko. Oo nga pala dapat magpapanggap kaming mag-girlfriends. Napamura ako sa isip ko nang paglapit namin sa ibang turista ay parang naasiwa sila sa amin. Nagpabalik-balik ang tingin nila sa mga mukha namin at sa mga kamay namin. Oh f**k! What’s with those stares? It’s nakakapanliit ng pagkatao ang tingin nila sa amin. Hindi niya binibitawan ang kamay ko habang hinihintay naming maiayos ang mga bagahe. "Sorry," bulong niya. "Gusto ko marelax kaya hindi ko binibitawan ang kamay mo. Baka kasi dumapo na palad ko sa mukha nung lalaking panay din tingin sa hita mo." "Okay lang." Napayuko ako. Blythe chose the seats at the back. Sa gilid ako pumwesto. Katabi niya yung lalaki na kinaiinisan niya kanina. Seems like he's with friends. "Hindi yata ako matutulog nito." Mahinang sabi ni Blythe. "Buti na lang maayos ang tulog ko kagabi." Naglagay ako ng neck pillow. "Hindi ako sanay bumiyahe na ganito." Mahina kong sabi sa kanya. "Naiirita ko." Natawa naman siya. "Paano ba `yan? Ilang ganito ang pagdadaanan mo. May plastic ako dito. Sumuka ka lang kung upset ang sikmura mo." Inilagay niya sa ibabaw ng hita ko ang jacket niya. "Paano ka?" Inilapit niya ang bibig niya sa tainga ko. "Sanay ako sa lamig simula nung nanlamig ang ex ko sa akin." Saka siya tumawa. Naalala ko na naman yon insidente sa pagitan namin ng ex niya. Looking at her now, I think she had moved on.      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD