bc

Can't Let You Go

book_age18+
58
FOLLOW
1K
READ
opposites attract
gxg
city
like
intro-logo
Blurb

BLURB

Can’t Let You Go by DjWinter

Nagkakagusto si Oli sa babae pero hindi niya kayang pangatawanan dahil natatakot siya sa sasabihin ng nakapaligid sa kanya.

Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagkatagpo sila ni Sylvia. Isang piloto, mayaman, single mom at handang gawin ang lahat mapanatili lang si Olivia sa piling nilang mag-ina.

Ano ang gagawin ni Oli kung sa panahong nahuhulog na siya ay bumalik ang dating kasintahan ni Sylvia?

Ipaglalaban ba niya ang kanyang pagmamahal o magpaparaya siya para sa ikakatahimik ng lahat?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Chapter 1 Olivia is resting by the seashore while watching the surfers enjoy the waves. Tumatakbo si Jace palapit sa kanya bitbit-bitbit ang surfing board. “`Tol, ano `yan? Hindi ka magus-surf? Ganda ng waves. Tara na.” Panghihikayat ni Jace. “Huwag mong sabihing nagha-hunting ka ng makaka-balentayms ha?” “Gagu.” Kunot-noong sagot niya. “Tinatamad ako. Dito na lang ako. Pasilong-silong lang sa coconut tree.” Sinabayan pa niya ng kunwaring pagmomodelo. “Kapag ako may standee na sa harap nitong resort, paniguradong maraming customers ang mahihikayat pumasok.” “Parang hindi rin! Hindi ka naman kagandahan e.” “Tangina mo ka! Support naman kahit konti!” Tinawanan siya ni Jace bago ito bumalik sa mga kaibigan.   Wala sa isip ni Oli ang maghanap ng ka-date. Tama na sa kanyang mayroon siyang shoot kahit araw ng mga puso. Nag-scroll siya sa social media. Mabilis ang kanyang sa pag-scroll dahil hindi siya interesado sa mga nakikita niyang larawan at balita. Pero nahagip ng tingin niya ang isang post ng fan page ng isa sa kanyang hinahangaan, si Segun Sylvia Salazar.   Pinindot niya ang article. Past article na itong pinost ng fan page pero kinagigiliwan pa rin niyang basahin. Hinahangaan niya si Sylvia na kahit may anak na siya ay napapanatili niya ang pagiging fit ng kanyang katawan. Hindi pa siya nakontento sa pag-like ng article— pinindot rin niya ang share button. “Isang guy version naman diyan, Lord!” natawa pa siya sa hiling niya bago sinilid ulit ang selpon sa bag. “Tangina! Lovelife na lang napakailap pa!” --- Balik Maynila na si Olivia. Umagang-umaga ay binubungangaan na siya ng kanyang tiyahin. Kinu-question nito pati ang pakikipagkita niya kay Jace. "Naku, Olivia. Huwag na huwag kong mababalitaang nakikipag-boypren ka doon kay Jace." "Bakit ba ang-init ng dugo niyo sa kanya? Wala naman siyang ginagawang masama." Pigil ang inis ang pagsagot niya sa tiyahin. "Pinapaalalahanan lang kita. Aba, wala kang magandang kinabukasan sa kanya. Ano? Iaasa sa pagsu-surf ang kakainin araw-araw? Walang turista, walang ihahain sa mesa? Ganoon ba ang gusto mo?”  Binging-bingi na siya sa kanyang tiyahin. Nagtimpla siya ng kape saka pumunta sa bintana. Tanaw niya ang kalsadahan kaya dito ang paborito niyang tambayan. “Hoy!” Sigaw niya sa isang tambay na dumadaan. “Nando Boy!” Kumaway pabalik si Nando. Bitbit-bitbit niya ang timba ng biskwit na may mga nakasabit na plastic-labo. Tumigil pa ito at tumingala kay Oivia. “Uy! Pagkaganda naman ng Mayora! Good murneng!” “Kumusta na? Tagal mong hindi napadpad dito ah! Nakulong ka ba?!” “Pota naman, Mayora! Hahaha!” Kamot-ulong sagot ni Nando. “Nagbakasyon lang.” “Naku! Nagbakasyon. Baka himas rehas! Haha! Ano ba `yang `tinda mo? Teka nga at bababa ako.” Nagmamadaling bumaba ng hagdan palabas ng bahay si Olivia. Nahirapan pa siyang buksan ang nangangalawang na gate. Nakailang mura pa nga siya bago itong tuluyang nabuksan.  Pandesal ang tinda niya. “Pabili ng singkweta, Nando Boi. `Yong may cheese ha. Baka naman bato ang laman niyan. Haha! Ma-high pa ako ng wala sa oras.” Habang naglalagay sa plastik-labo ng pandesal si Nando ay may bumusinang kotse. Alam na alam ng dalaga kung sino ito, si Shanika. Isa sa mga naging kaibigan niya sa Maynila, piloto sa Oxfort Airlines kung saan dati siyang stewardess. Nakapameywang na siya bago pa man nai-park ang kotse. Naisip niyang maaga na naman ang pang-iistorbo, maaga na naman ang paggala. Bumaba ng sasakyan si Shanika pero sa may pinto lang siya. Sinuporta niya ang braso sa may ibabaw ng kotse. “Hoy, alis tayo!” “Girl, Pagkaaga-aga mong mambueset. Bored yan? Haha!” “Sobra! Kaya, tara na. Ako na magbabayad diyan. Mag-bra ka na! Haha!” Napatakip si Olivia sa dibdib niya. Nawala nga sa isip nito na hindi siya naka-bra. “Tangina. Sabi ko na may kulang e.” Bumaling siya kay Nando. “Siya ang magbabayad ha. Doblehin mo ang singil. Haha!” Nagmadaling umakyat sa bahay si Olivia. Naglinis lang siya ng katawan, binasa ang buhok at nagtoothbrush. “Pwede na. Mukha na akong naligo!” Natatawa niyang pinagmasdan ang reflection sa salamin. Nagmamadali siyang nagsuot ng fitted pants at loose shirt. “Paakyatin mo na muna si Shanika.” Rinig niyang sabi ni Aleng Sonya. “Mukhang matagal ka pa diyan e.” “Hindi na po. Patapos na rin naman ako.” Ni-lock nito ang kwarto saka nagmadaling bumaba ng hagdan. Nakasandal sab umber ng kotse si Shanika pagkalabas niya ng gate. “Hindi ka naligo `no? Ha ha!” Pang-aasar agad ni Shanika. “Grabe ka Girl. Hindi mo favorite maligo? Haha!” “Marami na akong ligo sa Baler. Haha! Saka matagal akong maligo. Baka biglang bumaba si Auntie at makipagkwentuhan sa`yo. Gusto mo `yon? Hahaha! Tangina.” “Baliw.” Shanika burst into laughter while she starts the engine. “Tiyahin mong matapobre. Haha! Umalis ka na kasi diyan. Mag-rent ka ng apartment.” “Kung may pera lang talaga ako. Ginawa ko na. Tangina. Baka ibugaw pa ako ng tiyahin ko sa Afam! Haha.” --- Napadpad ang dalawa sa tapsilogan. Agad nakikonek sa wifi si Olivia. Nakatutok na siya sa cellphone niya. Pinagche-check niya ang mga messages sa inbox at email. “Tangina. Wala man lang naligaw na admirer e.” Dismayado niyang binaba ang phone sa mesa. “Angpangit ko ba? Magsabi ka ng totoo.” “Hindi ka kukunin ng Persona kung pangit ka.” Sagot agad ni Shanika. “Saka atat magkajowa? Haha! Baka pati babae patusin mo na. Haha!” “Ano `yan? Kukuha ako ng bato para ipukpok sa ulo ko? Haha! Kras-kras lang `no. Hindi `yong jowa-jowa.” Shanika looks at her with disbelief. She’s not even convinced that Olivia will never fall for a woman. “Oh? Bakit ganyan ka makatingin?” “Wala.” Umiling si Shanika. “Feel ko lang, Girl. Mabubusog ka. Haha!” “Anong mabubusog? Masarap ba ang pagkain ditto?” “Mabubusog ka sa mga binitawan mong salita!” Mapang-asar nitong sagot. “Didighay ka pa. Haha!” “Tangina mo ka.” --- Naging abala ang dalawa sa mga cellphones nila. Panay ang scroll at share nila ng mga memes at quotes. “Tanginang buhay `to.” Wika ni Oli sa isip niya. “Shared post lang nang shared post. Lord, future jowa reveal sana kahit labi lang!” Sakto naman pag-scroll niya ay post ng fanpage ni Sylvia na creative shot sa isang magazine at labi lang nito ang ni-reveal. “Bilis naman ng ayuda, Lord.” Natatawa na naman niyang sambit sa isip niya. She shared the post with the caption “Sherep! Haha!”. But she deleted it just seconds after posting.   “Crazy. Magshi-share ka ng post ni Sylv tapos ide-delete mo agad? Haha! Buti na-screenshot ko! Tago ko nga `to for blackmail purposes only.” Naiiling pa itong pinakita ang screenshot sa kanya. “Girl! Sherep? Haha!” “Namo ka talaga! Bugso lang ng damdamamin kaya napa-sherep ako! Tangina. Yummy naman kasi talaga.” “Pinapantasya mo `no? Haha! Sayang `no? Hindi mo nakatrabaho nang matagal. Haha! Ayaw mong bumalik talaga? Tapos siya ang piloto? Haha!” “I-piloto na lang niya ako. Dalhin niya ako sa langit! Charot lang! Baka isumbong mo ako.  Swerte ng jojowain niya `no? Kapag ganyan jowa ko hindi ko palalabasin ng bahay. Maraming madadagit ampota. Sakit sa ulo.” “I can set a date for you two.” “Sa lalaki na lang, Girl. Kahit mamaya agad! Haha. Ekis sa merlat.” May nag-chat kay Shanika. Nangiti siya habang mabilis na nag-re-reply. “Tara na. Baka magbago pa ang isip nito.” “Ha? Saan na naman? `Yong order natin.” “Sa katuparan ng mga pangarap kong mapasagot ang aking love of my life!” --- “Tangina ka. Hindi mo sinabing ime-meet natin si Sylvia.” Nakurot niya sa braso ang kaibigan pagkapasok nila sa isang Korean Resto. “Naligo na lang sana ako ano?” Tinawanan laman siya ni Shanika. “Ngayon lang siya free. Kaya sinulit ko na. Haha!” Sinuklay-suklay ni Oli ang kanyang buhok gamit ang kanyang daliri. Binugahan rin niya ang kanyang palad saka inamoy ang hininga. “Hindi kayo maghahalikan. Haha! Kalma, Girl. Mestisa ang type niya hindi Morena. Haha!” Kukurutin pa sana niya ang kaibigan subalit na sa tapat na sila ng mesa na kinaroroonan ni Sylvia. “Hi. Thank you, pumunta ka.” Nagbeso sila Shanika at Sylvia. “Si Oli nga pala. Nag-work din siya sa Oxfort dati. Mas kilala siyang Axel sa Oxfort.” Tumayo si Sylvia saka inilahad ang kanang kamay kay Oli. “Nice to meet you. Sylvia.” Siniko pa ni Shanika si Oli bago niya tinanggap ang kamay ni Sylvia. “N-nice to meet you, too.” “Oh, siya tama na `yang shakehands. So, I was saying, Sylv. Game ka sa plano ko?” Ani Shanika pagkaupong-pagkaupo niya. Naupo na rin sa si Oli sa tabi ng kaibigan. Nagtingin siya agad ng menu. “Tangina naman, Shan. Umorder ka muna bago ka magplano-plano siya.” Sylvia was shocked upon hearing how Oli uttered those words. “Umorder na muna tayo,” sabi nito sa dalawa. “It’s on me.”  Pagkao-order ay sinimulan nang maglapag ng mga plano si Shanika para pagselosin ang nagugutuhan nitong babae. Hindi naman napapalampas ni Sylvia ang mga pagmumura ni Oli sa tuwing sumabasabad siya. “Prey sometimes sleeps in our house,” paglalahad ni Sylv. “Parang kapatid na namin siya.” “Small world `no? Tangina. Pak na pak sa pagseselos.” Napapalakpak pa si Oli. “How many times do you need to utter that word?” Hindi na nito napigil ang magbigay ng komento. Napansin niya agad ang pamumutla ng kausap at ang pasimpleng pagngiti ni Shanika. “Ay, wala namang nakalagay na bawal magmura dito.” Pagrarason ni Oli na lalong ikinainis niya. “Mayroon ba?” “Pilosopa,” ani Sylv sa isipian. “Kababaeng tao e.” “Lalaki lang ba pwede? Asan ang equality?” Sylv sighed in frustration. She felt relieved when Oli excused herself to the comfort room. “First impression sa friend ko?” “Taklesa!” Inis na sagot ni Sylvia. “Like how can she say that word in every sentence she utters? God! Masakit sa tainga.” “Well, if a woman does that when you’re having s*x—” Shanika gives her a malicious smile. “—Maiinis ka kaya? Haha!” “Crazy. By the way, do you know someone that I can date. Like just chill around?” She doesn’t like how the woman in front of her smiles. “Except for your friend there,” she immediately dismissed that idea she’s reading from Shanika. “Anglaki naman ng kapalit ng pagtulong mo sa akin, Capt. E angtaas ng standards mo,” reklamo ni Shanika. “Ang tanging mao-offer ko lang ay si Oli! Haha!” Sinenyasan ni Sylvia na parating na si Oli. Pigil-tawa naman si Shanika nang makaupo na ang kaibigan. “Hindi niyo naman siguro ako pinag-uusapan nang wala ako `no? Kasi kung oo—tangina. Kabagin sana kayong dalawa.” Again, nairita ulit si Sylvia sa pagmumura ng kaharap niya. Nag-ring ang phone ni Oli. Kumunot ang noo nito nang makita ang tumatawag, ang kanyang manager. “Sagutin ko lang `to. Pagkakaperahan siguro `to.” She talks to her manager in her most calm voice. Habang nag-uusap sila ay napapailing si Sylvia. “Kaya naman palang makipag-usapan nang mahinahon.” Napansin niya ang pangangalumbaba ni Shanika na makahulugan pa rin ang tingin sa kanya. She has a hint that Shanika is telling her to date Oli. Umiling siya and she mouthed “No way.” “Tangina s**t!” Nagulat si Sylvia nang napalo pa ni Oli ang mesa. “Girl! May raket nga! Haha!” Niyakap ni Oli si Shanika. “Pampaswerte ka talaga. Dahil diyan, mag-shot puno muna tayo bago ako magdiet! Haha! Saan tayo after nito? Sama ka rin Captain.” Walang salita ang lumabas sa bibig ni Sylvia. Nag-iisip na siya ng dahilan para tumanggi sa alok nito. “I ca—" “Sama ka na, Capt. Ituloy natin ang pagpaplano sa condo ko.”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

NINONG III

read
363.1K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.5K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
125.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
87.4K
bc

NINONG II

read
618.5K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.7K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook