Chapter 2

1816 Words
Chapter 2 “Girl, marami-rami pa ring alak ah. Moving on ka na kay Prey agad? Haha!” Pang-aasar ni Oli sa kaibigan. Kumuha ng ilang larawan si Shanika at pinagpo-post ito sa social media. Inaaya nila si Sylvia pero mailap ito sa camera. “KJ mo naman, Capt. Konting bonding naman diyan,’ pang-aasar ni Shanika. “May magagalit ba? Haha!” “Ay baka may mga jowa, Girl. Ayaw malaman ang location! Haha!” Diyan magaling si Oli, sa panggagatong sa kaibigan. Maganda nga sa personal, KJ naman,” anito sa kanyang isipan. Tumikhim-tikhim si Shanika. “Hoy. Anong iinumin natin? `Yong medyo mamahalin naman.” “Panay inom niyo ng mamahalin. Mag-gin tayo! Hahaha!” Hindi makapaniwala si Sylvia na ang nilabas ni Oli sa kanyang dalang paperbag ay kwatro-kantos! She has tasted it once and she cursed it so much! “Hulaan ko ha? Hindi mo `to brand `no?” Tinaas pa ni Oli ang dalawang kwatro-kantos na parang isang modelo. “Pak! Isang lagok nito takas na ang kaluluwa mo. Haha! Tangina. Makikita mo nang very light si San Pedro!” Natatawa si Oli sa kanyang idea na patikimin ng purong gin ang piloto. “Baliw ka talaga.” Kinuha ni Shanika ang gin sa kanya. “Let’s start this na. Baka tawagan ka na ng anak mo maya-maya,” baling niya kay Sylvia. Abala rin ito sa pagti-text. Sylvia is giving heads up to her brother, Quinn, that she might come home late. And just a few seconds after sending a message, her older sister is calling. She sighed before answering the call. “Hello, Lav.” “Oh! Don’t give me the f*****g drama, Sylvia! Finorward ni Quinn ang message mo. What now? Bakit late kang uuwi?” “Sabi ko might. I’m with friends. Si Shanika.You know her, right? Kapatid ni Mauren.” “Who’s the other friend?” “My God! Ate! I’m no teenager. Hindi ako mali-late. I know naman may responsibilities. Okay? Calm down, Sis.” Lumabas pa sa balcony si Sylvia dahil hindi pa natigil sa pagsesermon ang kanyang ate. --- “Girl, mas maganda siya sa personal pero KJ talaga.” Mahinang sambit ni Oli. “Siguro gan`on talaga kapag may anak na `no. Hindi tayo maka-relate kasi wala tayong inuuwiang bata.” “Hindi pa ako ready! Haha!” Nilagyan ni Oli ng ice ang pitsel. “Siguro angganda rin ng anak niya `no?” “Ahuh! Pero sa picture ko lang nakita `yong bata. Hoy! Ang sabi mo walang involve na bata? Bakit parang crush mo si Capt? Matunaw `yan.” “Wala talaga, Girl. Pero maganda siya. Ina-appreciate ko lang ang kapwa ko babae. Girl power!” Tinaas pa ni Oli ang nakakuyom niyang kamao. “Malisyosa ka talaga.” “Mukha mo! Nakikita ko `yang mga mata mo. Kumikinang! Huwag mong hubaran sa imahinasyon! Straight ka `di ba? Haha!” “Manyak mo ha? Hindi halata sa itsura mo. Tangina. Inosens ang utak ko e binabahiran mo.” Nanahimik na ang dalawa nang pumasok na si Sylvia. “Sorry. Just my sister checking on me.” “Akala ko ay jowa.” Mapang-asar na turan ni Oli. “Ready na sana kami kung sakaling susugod e! Haha. Tangina. I plead not guilty!” “Nobody’s going to sugod here. So, shall we start?” Binulsa na ni Sylvia ang phone niya. “I have a curfew with my daughter, you know.” “Next time isama mo.” Suhestiyon ni Oli. “Para habang bata pa e sanay na. Mamulutan na lang siya. Haha!” --- Sylvia is not a heavy drinker, at least now, dahil may curfew siya sa kanyang anak. Napangakoan niya ito ng storytime kaya alalay lamang siya. Naparami na ng inom ang mga kasama niya. Kinakanta ng dalawa ang mga nausong rap noong 90’s. “Capt, secret lang natin `to ha?” Pupungay-pungay ang matang sambit ni Shanika. “Baka i-tsismis mo akong jejemon. Kampay, Capt! Ay kay Oli na lang pala.” Natatawa si Sylvia sa kakulitan ng dalawa. Nagawa pang mag-sample ng pagrampa si Oli. “Girl, tangina. Two-piece daw ang irarampa ko sabi ni Manager tapos sa dagat ang shoot. Pak! Ganito ang pose.” Si Sylvia na ang nahihiya sa mga pinaggagawa ni Oli. Nag-pose pa ito nang nakaupo na kunwari ay nasa beach. Kinuha pa niya ang bote ng alak. “Oh, Pak! Calendar girl ang peg. Kapag ako talaga maging calendar girl ng alak na `to—araw-araw akong maglalasing. Haha!” Pakiramdam ni Sylvia ay outcast siya sa trip ng dalawa. But she also feels that she has the responsibility to stay until Shanika and Oli sobers. “Captain, my captain. Hindi ka na mag-shot? Hina mo naman.” Nang-aasar na tanong ni Oli sa kanya. Nagbuhos pa ito ng alak sa baso. “Shot puno, oh!” Tinanggihan ulit ito ni Sylvia. “Magda-drive pa ako. You guys should stop na. Wala ba kayong mga work bukas?” “No worries, Capt. Behave kami `pag lasing.” Sagot ni Shanika. Ininom niya ang natirang alak sa kanyang baso. “Saka kung aalis ako? Baka bigla kong sumugod kay Prey.” “Huwag na huwag mong gagawin `yan dahil ayaw niya ay `yong lasing na kakausapin siya,” Sylvia warned. “I need to go home, Shanika. Sure ba kayong okay lang kayo dito?” “Opkors! Alak lang `to no. Girl power kami! Haha!” Mayabang na sagot ni Oli. “Ingat ka, Kapitan! Ipiloto mo rin ako minsan ha?” Sylvia seems to cut her tongue. “Ibig kong sabihin, private plane. Haha! Bastos ng bibig ko e. Sorry na, Captain, my Captain.” Sylvia stayed for a little longer. Hinintay niyang makatulog ang dalawa. Hinayaan niya lang na sa sahig sila humiga. Nakonsensya siya kaya kinumutan niya ni ang mga ito. “Tangina, alak pa!” Nagulat siya nang tinaas ni Oli ang kamay niya. “Hooh! Shot!” She’s about to walk away when Oli caught left her leg. “San ka punta? Alak pa. Tangina. Bakit ako lasing?” Iritang tinanggal ni Sylvia ang pagkakahawak ni Oli sa kanyang binti. “This Tangina Girl is really annoying.” --- Alas-nuwebe na nang nakauwi si Sylvia. Naratnan niyang naglalaro ang kanyang anak at dalawang pamangkin. “Hello, Kids! May pasalubong ako sa inyo! Sinong may gusto ng fried chicken and fries?” Walang pagsidlad ang tuwa ng mga bata—lalo na si Eiyh-Gee. Nakigulo na rin ang kanyang bunsong kapatid, Si Quinn. “Hep! Hindi ka counted diyan. May atraso ka sa akin.” Pinalo niya ang kamay ng binata. “Sinong nagsabi sa`yong iforward mo ang text ko kay Lavender?” “E, Ate, sorry na. Dagdagan daw niya ang allowance ko kapag binantayan kita e.” “Mukha ka ring pera e.” Tatawa-tawang isinangga ni Quin ang kanyang braso sa akmang paghampas ni Sylvia. “Sorry na. Gipit lang. Haha!” Dumampot na siya ng burger at drinks. “Nag-inom ka ba? Amoy na amoy!” “Just a bit.” Naupo sa sahig si Sylvia. Kinandong niya ang anak na pinagsabay-sabay isubo ang limang piraso ng fries. “Where did you learn that, my Love?” Tinuro niya ang mga pinsan, ang kambal na Kevin at Klein. Anak sila ni Lavender. “You kids ha? Don’t do that, My Love. Baka mabulunan ka. Okay?” Bumaling siya kay Quin na abala sa pagkain. “Tumawag na ba ang mga ate mo?” Ang tinutukoy ni Sylvia ay ang dalawang babaeng kapatid nila na sumunod sa kanya, sina Tres Auburn at Quartsy Rose. “Yes naman. As usual busy sila. Okay naman daw sila. Don’t worry. Buo silang uuwi after ng mga missions nila.” Ninamnam ni Quin ang burger bago muling bumaling sa kanya. “Nakipag-date ka?” Umiling si Sylvi saka niya sinenyasan ang kapatid na kasama nila ang mga bata. “Come on. They’ll understand. Kids, gusto niyo na bang magkaroon ng boyfriend si Ate Sylv?” Ginulo-gulo pa niya si Eiyh-Gee. “Bebe, what do you think? Can Mommy have a boyfriend na?” Tumingin kay Sylvia ang anak bago muling bumaling kay Quin. Nagtaas-baba naman ang kilay ng binata. “Para hindi na laging aalis ang mommy. Stay lang siya sa house with you.” Napangiti ang bata. “Yes, Tito. Want ko `yon!” Nailing na lang si Sylvia sa sagot ng anak. “I’ll think about it, okay?” pinaghahalikan niya ang kanyang unica hija. “Parang asim na ng Prinsesa ko ah. Hindi ka nag-bath `no?” Her daughter giggles. “Cold, Mommy.” It would be easy for her to find a partner. She’s a well-known pilot, rich, undeniably beautiful and more good qualities a partner would love but, she chose to be single. Iniisip niyang baka hindi makakapalagayan ng loob ni Eiyh-Gee ang ipapakilala niyang boyfriend or girlfriend. --- Kasalukuyang ka-video-call ni Sylv si Isaac. “You’re afraid, Eiyh-Gee will have hard time understanding our situation?” Tumango si Sylvia. “Hindi mahirap para sa akin ang maghanap ng partner,” Pagyayabang pa nito. “Like we are both pogi? Haha! Kidding. But with Eiyh-Gee. I don’t know. Nagda-doubt ako.” “She’s matalino. Mauunawaan niya `yan. Kita mo naman with Cleo. She’s okay with her.” Sandaling natahimik si Sylvia. She can’t figure out what’s stopping her from getting in a relationship. Obviously, it isn’t about her ex-husband. “Be honest with yourself, Sylv. Baka ikaw mismo ang takot makipagrelasyon ulit because of our failed marriage.” That hits her differently. She smiled weakly at Isaac. “Yeah. Probably. Hey, you know Shanika, right?” Tumango si Isaac. “Why? You like her?” “No! of course not! She has this friend. Gosh, Isaac! Napakalutong magmura. Nakakairita. Like every sentence na sasabihin niya may kasamang mura. It’s so not nice sa pandinig.” “Hmm? And Your point is?” “Nothing. I’m just telling you na naiirita ako.” Naikwento na ni Sylv lahat ng nangyari sa maghapon pati ang pag-iwan niya sa dalawang lasing. Tawa lang nang tawa ang kanyang kausap. “Masaya ka talagang naiirita ako? Seriously? Like what? Tangina girl is so barbaric. Lahat na lang ng sasabihin may tangina.” “Nothing. Just that sa tagal na nating magkahiwalay ngayon ka lang nag-open about a woman na nairita ka. Most of the time kasi you like them lang.” “Whatever. She’s just annoying talaga. Bukod pa doon, anglakas pa niyang uminom. You know gin? She drinks it with water lang. That’s s**t, Dude! Heavy drinker!” “Go on. I’m listening about your Tangina Girl. Hahaha!” “Gees! It’s not what you’re thinking! Not even my type!” “Okay! If you say so! But huwag kang magsalita nang tapos.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD