Chapter 3

1693 Words
Chapter 3 Ilang araw pa ang lumipas, magkikita ulit sina Sylvia at Shanika. Maagang siya dumating sa restaurant. Panay ang tingin niya sa entrance. Naiinip na siya. Nangunot ang kanyang noo nang mag-chat si Shanika. “Mali-late akong konti. Chikahan muna kayo ni Oli.” Kalakip nito ang tatlong tumatawang emoji. Tumunog ang chimes sa entrance. Napatingin siya doon. Napabuntong-hininga siya nang pumasok si Oli. “Captain!” Kumaway pa si Oli bago siya nilapitan. “Morning yoh! Si Shanika?” Tanong agad ni Oli saka umupo. “Mali-late daw.” Sagot ni Sylvia. “Tangina naman `yon. Akala ko nandito na. Nag-apura pa naman ako. Kainis.” Nagbuhos siya ng tubig sa baso. “Kanina ka pa ba dito?” Umiling si Sylvia. “About ten minutes lang. Pwede ka nang umorder.” “Kape lang. Diet kasi ako. Lintik na Shanika `yon. Naisahan pa yata ako.” Nagpanting na naman ang tainga ni Sylvia sa choice of words ni Oli. “Can you not talk without those words?” “Hindi.” Sagot agad ni Oli. “Bakit ako mag-a-adjust para sa`yo. Ano ka? Gold?” “Tsk. Umorder ka na.” Inabot niya ang menu kay Oli saka niya inatupag ang kanyang phone ulit. She ranted at Shanika. She knew, pinlano niya ito. Napansin niyang nangungunot ang noo ni Oli habang tumitingin sa menu. “Don’t you like the foods here?” “Angmamahal naman dito. Wala bang mas mura? Wala si Shanika e. Sabi niya kasi KKB. Angmahal dito ha? Tangina oh, 600 pesos `yong kape. Anong kape ba `to?” Naalarma si Sylvia dahil napalakas sang boses ng kaharap. “Could you please lower your voice? Nakakahiya. Naririnig ka ng crew.” “Ayoko dito. Angmahal. Lipat tayo sa mas mura namang resto.” Nahihiya si Sylvia nang tumayo na si Oli. Wala siyang choice kundi mag-iwan ng tip para sa oras na pamamalagi niya doon. “Why are you too arrogant?” inis nitong komento pagkalabas nila ng resto. “Lakas pa ng boses mo.” “E ayoko ng mga tingin nila e. Bakit ba?” kaswal na sagot ni Olivia. “Ewan ba kay Shan. May bad experience na nga kami sa resto na `yan, diyan pa niya bet magyaya. Tulig talaga `yon minsan.” “What? Anong experience?” “E de ganito `yon. Kumain kami dito. Pinagkamalan kami mag-jowa. Nag-cr ako. Narinig ko na pinagtsi-tsismisan kami. Hindi maganda sa tainga. Tangina talaga. Kumukulo ang dugo ko tuloy.” “Fine. I know a place. Chat mo na lang si Shanika na doon na sumunod.” --- Nagtungo sila sa StarsTrail—pinoy resto na pagmamay-ari ng isang kaibigan ni Sylvia. “It’s on me,” said Sylvia. “Nag-reply na ba si Shanika?” Makahulugan siyang tiningnan ni Sylvia. “Wait ha? Miss mo na ba siya? Hoy! Kalma. Iba ang type ni Shanika. Huwag ganyan. Bad `yan. Ako na lang. Haha! Joke!” “I’m just helping her. And you? No way.” “Wow ha! Feeling mo naman, Captain ha? Hindi din kita type `no. Straight kaya ako.” Natawa si Sylvia sa isip niya. “Why so defensive, Miss? May problema ba sa gender preference?” “Wala. Sinasabi ko lang para hindi ka umasa. Tse. Tangina nito.” Dinampot ni Sylvia ang kanina pa nagpa-vibrate na cellphone. Kumunot ang noo niya nang mabasa ang chat ni Shanika. Napairap si Sylvia saka binaba ang phone. “Sa Persona na daw tayo magkita-kita sabi ni Shanika.” “Take out na lang natin `to? Baka importante ang pag-uusapan niyo.” “Nah. Let her wait.” Inis na sagot ni Sylvia. “I don’t have anything to do naman today.” “Okay. Take out ko na lang `tong iba. Hindi naman siguro `to mapapanis gang dinner.” “Huh?” “Hakdog!” Nainis na naman siya sa sagot ng kausap. “Can you please speak nang maayos? I don’t understand your choices of words.” “Wala! Kako iuuwi ko na lang `to kasi nagtitipid ako. Napakasungit sa personal. Grabe! Turn off! Haha!” “I’m not even trying to impress you.” --- “You did it on purpose!” Panunumbat ni Sylvia kay Shanika pagkarating ng Persona. “Ha? Hindi ah. Marami lang talagang pinakiusap si Ate Z. So, how’s your mini date?” Nagtaas baba pa ng kilay si Shanika. “Did you get to know her more? Hmmm?” “No. And I have no plans of doing so. She’s just malayo sa gusto ko. Kaya huwag mo nang ipilit.” “Sus! Ipagpi-pray ko pa rin ano. Siya lang talaga pamalit ko sa pagtulong mo sa akin! Haha! Uy, marunong magluto si Oli. Akala mo ha.” “Do I need a kasambahay? Kung marunong siya. Pwede na.” “Marunong saan?” Siniko-siko pa ni siya ni Shanika sa tagiliran. “Saan marunong dapat? Hahaha!” “Oh My God, Shanika! Kung ano-ano ang naiisip mo.” “Well, baka pareho tayo ng naiisip. Haha! Puntahan nga natin siya sa shoot niya today. Baka sakaling magbago ang isip mo e. Sexy kaya si Oli. Haha!” “Parang bina-bargain mo ang kaibigan mo.” --- Ongoing na ang shoot. Nasa gilid lang sina Sylvia at Shanika. Brand ng isang perfume ang photoshoot ni Oli ngayon. May kapareha itong modelo na tomboy fashion ang pino-portray. “Baka itakwil ng mga kamag-anak niya si Oli.” Natatawang sabi pa Shanika. “Capt, alam mo ba? Breedwinner `yan si Oli?” “Why do I get this feeling na bini-build-up mo si Olivia sa akin?” “Well. That’s how bridges do `di ba? Give it a chance. Pareho naman kayong single.” May mga good things pang sinasabi si Shanika na hindi na pinapakinggan ni Sylvia. Nakatuon na laman ang pansin niya sa mga modelo. For her, okay naman si Oli maliban lang talaga sa pananalita nito. Naalarma sila nang matapilok si Oli. Napakapit siya sa braso ng kanyang kapareha. Lumabas na naman sa bibig nito ang malulutong na mura. Napabuntong-hininga si Sylvie. “Bad habits are really hard to break.” sabi nito sa kanyang isipan. “Gosh! Gurl! Anyare sa`yo?” OA si Shanika. Hinila pa niya papalapit si Sylvia kay Oli. “Hoy! Gutom ka ba? Oh si Captain na lang bahala sa`yo.” “Ha?” nagtatakang bumaling si Sylvia kay Shanika. “Whattaheck, Shan?” Narinig na naman niyang nagmura si Oli. Pakiramdam niya ay sobra itong nasaktan sa pagkakatapilok. Napabuntonghininga siya saka naupo para maabot ang paa ni Oli. “Sobrang sakit ba?” “Gagu ka ba? Siyempre! Magmumura pa ako kung hindi?” “Can you shut your mouth up?!” Bulyaw ni Sylvia. Tinanggal nito ang sandals ni Oli. “Kung hindi ka naman kasi aanga-anga hindi ka matatapilok.” --- Napamura sa kanyang isip si Oli nang hinihilot ni Sylvia ang kanyang paa. Nakatuon ang pansin niya sa kanyang kamay—sa mga mahahaba nitong daliri, maugat na likod ng kamay at ang malalambot nitong palad. Iba ang kanyang nai-imagine kaya inilayo niya ang kanyang paningin. Sa malas naman niya ay nagkatinginan sila ni Shanika. Inirapan niya ito nang binigyan siya ng makahulugang ngiti. “Kaya mo pa bang ituloy ang shoot?” tanong ng kanyang kapareha. “Malayo naman sa bituka `yan.” “Opkors! Saglit lang. Upper lang naman mga shots `di ba?” Binigyan sila ng sampung minutong break. Nahihirapan pa rin si Oli na igalaw ang kanyang paa. Inis siya na nakapameywang si Sylvia sa harapan niya. “Anong problema mo? Bakit ganyan ka makatingin?” “Your foot is swelling. You should see a doctor.” “Sus! Ice-ice baby lang yan mamaya.” “I’m just saying. Kung pababayaan mo `yan baka mas mamaga.” “Doktor ka ba?” humalukipkip pa siya. “Mas marunong ka pa sa may katawan e.” “Whatever. Careless.” Pinagsuot na si Oli ng flat footwear para hindi na masyadong sumakit ang kanyang mga paa. Agad siyang tumayo nang tinawag sila para ipagpatuloy ang photoshoot. Napangiwi siya nang sumakit ang kanyang paa. Agad siyang inalalalayan ni Sylvia. “You okay?” Umiling si Oli. “Pero ituloy na `to. Nakakahiya kung ma-postpone pa dahil sa akin. Patulong na lang papunta doon.” Inalalayan siya ni Sylvia patungo ginawang set up ng shoot. Naiinis siya sa bawat mura ni Olivia. “Bawas-bawasan mo `yang pagmumura mo. Bibitawan kita dito.” “Tangina naman. E sa masakit nga.” Kumapit siyang maigi kay Sylvia dahil baka totohanin nito ang sinabi. “Masyado kang HB naman Captain, My Captain. Kalma naman.” Magsisimula na ang shoot. Nagtataka si Oli dahil nasa gilid lang ng set up si Sylvia. Binigyan niya itong ng nagtatakang tingin. “I’ll just wait here. You might get clumsy again.” Hindi niya alam kung kikiligin siya o maiinis sa sagot nito. --- Natapos na ang shoot. Hirap pa rin sa paglalakad si Oli. Dumagdag pa sa inis niya na nauna nang umalis si Shanika. Problema niya kung paano siya makakauwi. Inaayos na niya ang kanyang mga gamit. Hinihintay din niya ang reply ng U-Grab driver na kinontak niya. “You done with the shoot?” “Ay pota!” Napalingon siya sa nagsalita. “Naman! Captain! Bakit bigla-bigla kang sumusulpot?” “My bad. So, you’re done? Ihahatid na kita?” “Ha? Ihahatid mo ako? Bakit?” “Seems, mahihirapan ka kung magta-taxi ka. And your foot is swelling pa. Don’t think of other things, Miss. I’m just doing Shanika a favor. Siya sana ang maghahatid sa`yo pero tinawagan siya ng Ate niya.” Tatanggihan sana ni Oli ang offer ng kaharap pero hindi na rin niya kaya ang pagkirot ng paa niya. “Papa-gas-san ko na lang ang kotse mo.” sabi nito saka ikisukbit ang bag. “Tara na.” “Lemme help you with that.” Kinuha ni sa kanya ni Sylvia ang bag. “Daan na rin tayo sa pharmacy. You need some bandage for your foot. Or whatever na mag-ease ng pain.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD