Chapter 4

1418 Words
Chapter 4 Narating na nila ang tapat ng bahay nina Oli. Tinulungan ni Sylvia si Oli sa mga gamit nito. “Capt, madaldal ang tiyahin ko. Palabasin mo na lang sa kabilang tainga kung mabingi ka na ha.” Oli warns Sylvia bago pa sila bumaba ng kotse. “Medyo taklesa din `yon e.” Tumango lamang si Sylvia bago pa binuksan ni Oli ang gate. Inihanda na niya ang kanyang sarili baka doble pa sa pagmumura ang maririnig niya. Isang may edad nang babae ang nagbukas ng pinto para sa kanila. Nakaramdaman ng konting hiya si Sylvia nang tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. “Tiyang, Si Sylvia nga pala. Kaibigan ni Shanika. Hinatid niya ako kasi hindi ko kayang mag-commute.” “Ano ba kasing katangahan na naman ang ginawa mo?” Hindi makapaniwala si Sylvia sa tugon ng tiyahin ni Oli. “Panigurado mamamaga `yan. Pahiran mo ng langis. Hirap na hirap kang magtrabaho tapos hindi ka naman nag-iingat.” “Upo ka muna. Gusto mo ng kape?” alok sa kanya ni Oli. “3-in-1 nga lang kape namin.” “Okay. Black coffee please.” Iniabot niya kay Oli ang mga gamit niya bago naupo sa sofa. Inabala niya ang kanyang sarili sa pag-scroll ng phone. Hindi nakaligtas sa mga mata niya na sinundan si Oli ng kanyang tiyahin. “Ano bang plano mo sa buhay, Olivia? Bakit hindi ka mag-asawa ng mayaman? Wala ka bang nakikilala sa pagmomodelo mo? Nang makabayad-bayad ka sa mga utang ng pamilya mo.” Napamaang si Sylvia sa kanyang narinig. “Tiyang, hindi basta-basta ang pag-aasawa. Ayokong magpakasal dahil sa pera. Pwede ba?” “Sus! Ano? Dahil sa pag-ibig? Hindi ka pakakainin ng pag-ibig. Buti pa `yong pinsan mo. Nakahanap ng amerikano. Hayon at naka-petition na. Puta. Parang pensyonada na si Mareng niyan.” “Ginawa niyo namang gatasan `yong Amerikano.” Sagot ulit ni Oli. “Kaya angpangit ng tingin ng ibang lahi sa pinay e.” “Aba! E ano naman? Kung sa ganong makakaangat sa buhay. Sinasabi ko sa`yo, Olivia. Maghanap ka na ng matandang mayaman. Tangina. Baon na baon na kayo sa utang e. Umaksyon ka naman.” Napabuntong-hininga si Sylvia. Papalapit na si Oli. Dala-dala niya ang plato na pinagpatungan ng isang tasang kape. Kitang-kita niya ang inis sa mukha nito. “Kape ka muna.” “Salamat. Hmm. Okay na ba ang paa mo?” Alanganin na umiling si Oli. “Pero mas okay kaysa kanina.” “Olivia, nag-chat si Precy. I-add mo daw itong lalaki. Nagugustuhan ka daw.” Pakiramdam ni Sylvia at gusto niya nang sagut-saguting itong matanda. Sa ginagawa niya ay pinapahiya niya si Oli. “Mamaya. Tingnan ko `yan.” Bumaling siya kay Olivia. “Hey, you want to hang out?” mahina nitong sabi. “Not like hang-out like date huh? Just that, you’re working so hard, yet you have like her na sasalubong sa`yo.” Tinuro ni Oli ang paa niya. “Injured. Okay ka lang?” “That’s okay. I know a place.” “Wow. Daming alam na place ah?” “Of course. So? And I can’t enjoy this coffee. Masyadong masakit sa tainga e.” “Wait mo na lang ako sa ibaba.” --- “Aalis na naman kayo?” “Maaga ang call-time ko bukas, Tiyang. Pupuntahan namin si Shanika.” Chinat agad niya si Shanika na ginamit niya itong rason sa kanyang tiyahin. Tumatawang emoji pa ang reply nito sa kanya. “Tibo ba `yang Sylvia?” tanong na naman ng kanyang tiyahin. “Sinasabi ko sa`yo, Olivia. Umiwas ka sa mga masasamang tao.” “Hindi ko alam. Hindi ko na `yong problema, Tiyang. Naku! Mamaya marinig kayo e. Aalis na po ako. Baka next week na ko uuwi dahil out of town ang mga shoot ko.” Naabutan niyang nakatayo na sa may sala si Sylvia. “Alis na ba tayo? Nag-chat si Shanika e.” Tumango si Oli. “Naghihintay na `yon.” Natawa si Oli nang hindi nagpaalam si Sylvia sa tiyahin niya. Basta na lang ito lumabas ng bahay. “Bastos ng kasama mo.” Singhal ng kanyang tiyahin. “Baka pagod lang. Alis na po kami, Tiyang.” --- Nasa isang restobar ang dalawa. “Alam mo bang napakadaldal ng tiyahin mo. To the point na gusto kong sumagot kanina dahil pinapahiya ka na niya. I mean, ganun ba siya kapag may bisita ka?” “Kadalasan.” Walang emosyon na sagot ng kaharap. “Siguro nakakataas ng confidence niya kapag pinapahiya niya ako. haha! Tangina. Sila lang kasi ang mayaman sa pamili kaya hindi kami makakontra sa mga opinyonism nila e.” “You seem too cool with it.” Nilagyan ni Sylvia ng alak ang kanyang shot glass. “Sorry ha? Bastos ang tiyahin mo. Bakit hindi ka lumipat ng bahay? Rent somewhere else.” “Tangina. Kung kaya lang ng budget ko e ginawa ko na. haha! Kaso waley! Kung hindi ako makikitira kay Tiyang, baka puro nodols na lang ang ulam ko 30 araw-araw.” “You really thinking na mag-asawa ng Amerikano? Don’t get me wrong ha? curious lang ako.” Umiling si Oli. “Ano ako? Tanga? Haha! Diyos ko! AFAM ang sagot sa kahirapan? Ganern? Tangina. Pokpok lang na ibinahay ang dating e.” Nabalot na ng katahimikan ang dalawa. Nagsa-shot lamang sila habang parehong abala sa pagba-browse ng phone. Nangunot ang noo ni Sylvia nang mag-chat ang kanyang ate. Galit na emoji ang sinend nito. Kasunod ang picture ng kanyang anak na napakalat ng chocolate syrup sa mukha. “Just reminding you na may anak kang naghihintay sa`yo. Baka gusto mong umuwi na.” “In an hour. Sinasamahan ko pa friend ni Shanika.” Napunta kay Oli ang pansin ni Sylvia nang matawa ito. “Captain, mukhang kailangan mo nang umuwi.” Iniharap nito ang phone sa kanya. “Riot yata sa bahay niyo?” Picture nina Eiyh-Gee at mga pinsan nito sa kusina ang pinost ni Quinn. “Mga Ate, umuwi na kayo.” Napataas ang kilay ni Sylvia. Hindi lang naman pala siya ang problema pero kung maka-chat ang kanyang ate ay parang siya lang ang wala sa bahay. “May mapag-i-stayhan ka ba ngayon?” tanong niya sa kaharap. “I mean kahit tonight lang? na-chat mo ba si Shanika kung pwede ka sa kanyang condo?” Umiling si Oli. “Pwede ko namang i-chat `yong ibang friends ko. Uuwi na ba tayo?” “Ganito na lang. Sama ka na lang sa akin. I mean sa bahay. No malice. Paano ko ba `to ipapaliwanag.” “Okay. Sige. Huwag mo nang i-explain. Haha! Wala pa nga sa condo si Shanika e. Nakakahiya man ano? Pero tatanggapin ko pa rin ang offer mo dahil ayokong makita muna si Tiyang.” --- Nakahilera ang mga bata nang dumating sila. Maamos pa rin ang mga ito. “Quin naman. Anong pinaggagawa niyo?” “Vlogging? Haha!” natawang sagot ni Quin. “cute kaya nila Ate. Sila ang naghalo-halo ng mga ingredient. Kaso pagkalingat ko ganyan na.” “Ne hindi mo man lang sila nilisan.” “It’s part of the vlog, Ate. `Yong reactions niyo ni Ate Lavender! Haha! Angcute niyo kaya. Ewan lang kay Ate Lav. Baka biglang mag-wild `yon kahit angcute ng mga twins oh.” Napansin ni Sylvia na nakatingin ang kanyang anak kay Olivia. Nawala agad sa isip niyang ipakilala ang kasama dahil sa itsura ng mga bata. “Kids, this is Miss Oli. Pwede niyo siyang tawaging Tita Oli.” “Hi. Baka pwedeng sumama sa vlog niyo? Angcute niyo naman.” “Pwede po!” sabay-sabay na sagot ng tatlo. Napaatras si Sylvia nang biglang hinila ng mga bata si Oli patungong kusina. “Kids, may pilay ang Tita Oli. Hinay-hinay.” Paalala ni Sylvia sa mga bata pero parang walang narinig ang mga ito. naawa na lang siya dahil iika-ika si Oli sa paglalakad para masabayan ang taas ng energy ng mga bata. “Ate, ang inaasahan kong pasalubong ay doughnut. Hindi girlfriend mo.” natawang sabi ni Quin bago siya tinapik sa braso. “Tingnan kung papasa mga bata lalo kay Eiyh-Gee. “Not even my girlfriend. Stop what you’re thinking Quin. Tell Manang, paki-ready ang guestroom.” “Sylvia, sino `yon?” Parehong napalingon sina Quin at Sylvia. Si Lavender! At hindi siya nag-iisa. “Bakit kasama mo siya?” tanong agad ni Sylvia. Elaine Bermudes, Sylvia’s ex-girlfriend.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD