Chapter 5
Clueless si Sylvia kung bakit kasama ng kanyang ate si Elaine. There was awkward silence.
“I saw her sa party.” Pagbasag ni Lavender sa katahimikan. “Come on, Sylv. You guys need to talk na. It’s been years.”
She sighed. “Not the time to talk. I have some things to deal with. Maiwan ko na kayo.”
Nagtungo na siya sa kusina. She’s imagining the worse since taklesa si Oli. Baka kung ano-anong salita ang marinig ng mga bata.
Much to her surprise, nag-eenjoy ang anak at pamangkin niya sa pagluluto ng noodles! Tatawa-tawa si Quin habang nagbi-video!
“Kunwari expensive, nodols `to. Dali! Magpose na kayo.”
Gumaya naman ang mga bata sa pagpo-pose ni Oli. Ginagaya nila ang mga commercial sa tv.
“Tata! Pose!” Nag-peace sign pa ang kanyang anak. “Like this din!”
“Oh, gayahin natin ang Printit!”
Lalapit na sana siya pero sinenyasan siya ni Oli na lumayo-layo. Tinaasan niya ito ng kilay bago sumandal sa may pinto. Humalukipkip siya habang hinihintay na matapos sila sa kunwa-kunwariang pagba-vlog.
Lumapit lamang siya nang kinawayan siya ng kanyang anak. Instant chicken noodles na nilagayan ng mga gulay ang niluto nila.
“Taste, Mom!” Hinipan pa ni Eiyh-Gee ang sabaw sa kutsara bago isinubo sa kanya. “Yummy, yes?”
“Hmm! Taste good, My Love! Galing naman ng baby ko talaga.” Hinalikan niya sa noo ang anak. “I saw kanina ha? Napagod si Tata Oli.”
“Naku! Hindi naman. Ano ba `yong lakad-lakad lang dito sa kusina niyo.” Natatawang tugon ni Oli sa kanya. “Na-exercise ang paa ko ha. Magaling na siguro `to.”
“Ate, look at the twins.” Mahinang sabi ni Quin. “Mukhang may kras sila ay Miss Oli. Haha!”
Saka lang niya napansin ang kambal na nakapangalumbaba at nakatitig kay Oli.
“May dumi ba ako sa mukhang?” kunwaring malungkot namang tanong ni Oli. “O pangit ba ako?”
“Po? Hindi ah. Checking lang po kung may hawig kayo sa mga nakilala naming Titas.”
Nanlaki ang mga mata ni Sylvia. Natawa naman si Quin.
“Titas? Marami na?” Pigil tawang tanong pa ni Oli. “Pretty girls?”
“Ahuh! Lots of girls.” Sagot ni Klein. “You’re not mestiza like them, Tata Oli.”
“And you’re not that tall too!” dagdag pa ni Kevin. Bumaling ito sa kanya. “Tita Sylv, she’s just your friend. Right po?”
Tumango si Sylvia. “She’s Tita Shanika’s Friend. New friend ko lang siya.”
“Napulot lang niya ako sa kalsada. Wala akong tutulugan kaya dinala niya ako dito.” Napatingin sa kanya si Oli habang nagkukwento. “`Di ba, Capt? Maawain kasi ang Tita niyo.”
Just on cue, naghalukipkip din ang kambal saka tumingin sa kanya. Tiningnan siya ng mga ito nang makahulugan.
“Oli? Stop making kwento na. maniniwala ang mga `to. I’m telling you. Baka kung ano-ano ang ikwento nila sa mom nila.”
---
Pinapanood lamang ni Olivia si Sylvia habang nililinis ang mga ginamit nila sa pagluluto. Ilang beses na itong humingi ng tawad sa kakulitan ng mga bata.
“So, marami na palang girls na pinakilala sa kanila ha? hahaha! Buti na lang talaga. Tropa lang tayo. Kung ako e jowa-jowa material baka kanina pa kita hindi kinausap. Haha!”
“I guess, hindi talaga magandang ideya na makilala nila ang mga naka-date ko? But that’s new huh? Hindi ka nagmura kanina kahit isa.” May halong pang-aasar nitong sambit.
“Anong akala mo naman sa akin? Walang pinipiling lugar?” Mayabang na sagot ni Oli. “Cute ng anak mo. Pero hindi mo siya hawig na hawig.”
“I know. She looks a lot like her dad. Dapat yata lakihan ko ang hingin kong sustento sa kanya `no? What do you think?”
“Goods kayo as friends?” Oli curiously asked. “Okay lang din sa kay Eiyh-Gee?”
“Okay naman. Kaysa siya rin ang magsuffer if ipilit namin ang relationship na wala nang love and trust. Co-patenting is better.”
“Sylvia, hindi mo man lang kinausap si Elaine.” Bungad agad ni Lavender nang pumasok ito sa kusina. Bumaling ito sa kanya. “Sorry ha? hindi naman kayo mag-girlfriend, right? I can talk to her naman about her ex.”
Tumango si Oli. “Okay lang po, Miss.”
Gusto sanang umalis muna ni Oli para makapag-usap ang dalawa pero tiningnan siya ni Sylvia. Parang sinasabi ng mga mata nito na mag-stay siya.
“Wala naman kaming pag-uusapan, Ate. Saka busy ako kanina. Bonding with the kids. Enjoy na enjoy nga sila e. `Di ba, Oli?”
“Ha?” she was caught off-guard. Hindi niya inaasahan na kasama pa siya sa pagpapalusot ni Sylvia. “Ah. Opo. Enjoy naman sila. Parang gusto pa yaa ng part two.”
“See? Enjoy. Bakit mo ba talaga siya dinala dito? May agenda ka `no?”
“Nothing. Nakiusap lang siya na makausap ka sana niya.”
“Hmm. I see. And pumayag ka naman without my consent.”
Kinakabahan si Oli dahil baka magkainitan ang magkapatid.
“Mag-usap kayo.” Mariin na sabi ni Lavender. “Hindi na kayo bata. Kung ano ang hindi niyo pagkakaunawaan noon ay klaruhin niyo na.”
Napainom na lang ng malamig ng tubig si Oli nang makaalis si Lavender.
“Mukhang pareho tayong may pinagdadaanan sa pamilya.” Natawang sabi ni Oli nang mapansin si Sylvia. Kakamot-kamot ito sa noo.
“Yeah. Care to have some drinks? Sumakit ang ulo ko sa Ate ko.”
---
Nasa mini bar ang dalawa. Sylvia gives Oli the shot of tequila. “Here’s your lemon.”
Nangasim ang mukha ni Oli pagkainom at sipsip sa lemon.
“Hooh! Ito na nga e. baka malasing ako sa presyo ng alak! Haha! Shot mo na, Capt! Pagkwentuhan natin ang nakaraan mo! Haha!”
“Willing to listen?”
“Oo naman, yes! Basta sagot mo ang alak at pulutan!”
Nakailang shot din sila bago nagsimulang magkwento si Sylvia. “Elaine is my ex. Mahal na mahal ko siya noon.”
“Tapos? Asan na `yong feeling ng mahal na mahal? Hahaha!”
Nag-shot ulit si Sylvia. “Mas mahal niya ang reputasyon niya e. She’s straight daw kasi. And her parents don’t like me. Kahit siguro kaya kong bilhin ang buhay nila hindi pa rin nila ibibigay ang blessings sa relasyon namin ng anak nila.”
“Uy! Bumabalik ang sakit? Hahaha! Okay lang `yan, Capt. Baka inilayo ka lang ni Lord sa kapahamakan! Charing lang. anong feeling na nakita mo siya? Kilig to the bone marrow?” pang-aasar na naman niya. “Hoy, `di ba sabi nila Love is sweeter the second time around?”
“Hindi sa lahat. Nagmakaawa ako sa pamilya niya noon. Nilihim pa namin na kami pa. tapos isang araw, poof! Sinampal ako ng mama niya ng wedding invitation nila ng husband niya.”
“Wait lang!” tinaas ni Oli ang dalawang kamay niya. “Kasal siya? Pero sumama siya dito para magkausap kayo? Naguguluhan ako ampucha!
“Patay na ang asawa niya.”
Napahawak sa puso niya si Oli. “Oh my gosh! Teka! Ibang eksena ang nasa isip ko! krimen! Hahaha! Joke lang. free-free na pala kayo e. Bakit hindi ulit subukan?”
“Shot mo na.” Sylvie gives her the shot glass. “May mga love na hindi na dapat balikan, Oli. You’ll know it when you experienced it.”
“Ayoko naman masaktan para lang ma-experience yan `no! Haha! Pretty `yong Elaine ha.”
“I’m Segun Sylvia. Hindi ako pumipili ng pangit.” Mayabang nang sagot nito. “Nga pala, would you mind if I invite often here? Mukhang gusto ka ng mga bata e.”
Mas okay sana kung gusto mo din ako. Natawa naman si Oli sa naisip na kalokohang banat.
“May bayad ba? haha! Di joke lang. Madi-diyeta ako sa pagmumura yata ah! Hoy, baka naman ginagawa mo `to para mabago mo ako ha? never nang mawawala ang pagmumura sa bibig ko! hahaha! Gagamitin mo pa yata ang mga bata. Pakyu ka. Haha!”
Lasing na siya. Hindi na niya mapigilan ang mga salitang lumalabas sa bibig niya.
“Tangina nito talaga. Shot ko na ano? Amin na.” Inagaw niya ang hawak-hawak na alak ni Sylvia. “Hindi porke sumama ako sa`yo e magtatabi na tayo ha? Inuunahan na kita. Dalagang Pilipina ang kaharap mo.”
“Hindi ka naman advance mag-isip masyado `no? Sa guest room ka matutulog. I don’t want my daughter to think anything bukod sa magkaibigan tayo.”
“Buti naman kasi marupok ako! Haha! Chariz! Tangina. Gamot ba sa pilay `tong alak? Parang kaya ko na ulit rumampa oh.”
Walang sabi-sabi ay tumayo si Oli. Mabilis siyang nilapitan ni Sylvia.
“Are you nuts? Mapilay ka nang tuluyan!”
Tinapik-tapik niya sa balikat si Sylvia. “Char lang. Inaantok lang ako kaya ihatid mo na ako sa guest room habang hindi pa ako lasing na lasing! Haha!”
Angsarap sigurong makulong sa yakap ni Capt. Hooh! Olivia! Huwag kang accla! Hindi mo `yan kayang panindigan! Friends lang! Friends lang dapat! Kahit yummy si Capt! Haha!