bc

Fix You

book_age16+
1.7K
FOLLOW
11.3K
READ
billionaire
forbidden
confident
drama
gxg
betrayal
cheating
like
intro-logo
Blurb

Paano mo maipaparamdam sa kanyang mahal mo siya kung nagtatago ka sa ibang katauhan? Hanggang kailan mo titiisin ang katotohanan na may mahal siyang iba at pumayag siyang maging kabit?

Nasa kanya na ang lahat. Magandang, Matalino at mayaman pero hindi makuha-kuha ni Nicole ang pag-ibig na nais niya. Hanggang saan ang kaya niyang gawin para sa pag-ibig?

chap-preview
Free preview
Fix You 1: Thoughts
-1- EAT'S THE SEASON TO BE CHUBBY! Yan ang caption ng memes na naka-tag sa akin. Ni-like ko pero hindi ako nagcomment. Nag-log out na ako. Binalikan ko na ang article na ginagawa ko. Masaya ako dahil natanggap ako sa CKM magazine kung saan nagtatrabaho ang iniidolo kong manunulat. Si Miss Jewel. Kilala siya noon bilang "Bejeweled". "Rics, hindi ka pa kakain? Ala-una na gurl." Isinukbit ni Bree ang bag niya. "Sabay ka na sa akin." "Sige. Saglit lang." Hindi ko na masundan ang mga kinukwento ni Bree. Tungkol ito sa ex niya. May bago na daw kahit isang linggo pa lang silang naghihiwalay. "Nakikinig ka ba? Kanina pa ako salita nang salita dito e. May sakit ka ba?" dinama niya ang noo ko. "Wala naman..." "Wala lang ako sa mood." "Wow! Bago yan gurl ha? Wala sa hulog ang hyper queen. Tell me? Love life yan no?" Tiningnan ko siya. "Sa tingin mo bakit ka iniwan ng ex mo? May clue ka ba?" Nalungkot naman siya. "Hindi ko alam. Ano bang mali sa akin? Bakit niya ako iniwan?" "Ewan ko. Hindi kita najowa kaya hindi ko alam." Sumubo na ako ng kanin. "Pero alam mo? Siya ang may mali. Ano pang hahanapin niya sayo? May jowa na siya may kama pa." saka ako tumawa nang malakas. Mataba kasi si Bree. Sinasabihan ko nga to na magdiet dati kasi baka hindi mabuntis. Dapat daw mabuntis siya para hindi siya iwan nung boyfriend niyang fuckboy. E kasi wala. Kahit daw nagbali-baliktad nas ila hindi siya nabuntis. So goodbye boyfie. Umirap lang siya pero okay lang yan si Bree. Sanay na siya sa akin. Kung hindi ako balasubas magsalita mas nababagabag siya. "Oh anong ginawa mo sa mga couple shirts niyo? Penge nga nang gawin kong basahan sa apartment ko." Pang-aasar ko sa kanya. Hilig kasi nila sa couple items hayan. Makapagpapaalala lang yung sa mga happy moments nila ng ex niya. "grabe ka sa akin. Pero sa next ko talaga hindi na ako magreregal ng couple items. Baka sumpa yun." "haha! Hindi! Sadyang hindi kayo bagay! Saka next time nga bili ka ng couple shirt yung kidney ang design. Lam mo na Bree? Kapag nawala yung isang kidney functioning ka pa rin. Tingnan mo ikaw ngayon. You are so tumaba na kasi nag-i-stress eating ka. Ginawa mo kasing mundo ang dapat tao lang...." "Yuck to gaya-gaya ng linyahan sa movie." "Paano mo nasabing ginaya ko yon? what if naisip ko na yon bago niyo pa napanood sa pelikula? oh judgmental to." Natatawa kong kontra sa kanya. Sarap patulan ni Bree e. Wala kasing panabla sa akin. Haha! Tulad ngayon bumuntong hininga lang siya. "Saan mo pala balak magcelebrate ng pasko?" "Wala. Ano ba yung pasko?" "Naku! Bitter ka pa rin! Leche ka! Move on ka na nga. Masaya na yun si Laurence! Dapat happy ka na rin." "Kung lahat ng taong sinasabihan ng magmove on na ay nakakamove on agad angperfect na ng mundo. Utopia love na Bree! Wala ng kwenta ang salitang Pain. Ipapatanggal ko na sa diksyonaryo!" "Ewan ko sayo. Lahat na lang may pangontra ka e." itinuloy niya ang pagkain niya. Natakam na rin ako. Umorder pa ulit ako ng value meal. Pero take-out na. sa office ko na kakainin. Plus dalawang chuckie! Pwede na to sa maghapon. Pagbalik ko sa table ko may card na nakapatong sa laptop ko. Christmas Card ang laman nito. Bukod sa usual note ng card may hand written din. "If ever you're not happy this season, please think of your readers who are smiling with every story you write. Merry Christmas ColdRighter! Hoping to see you soon." Luh! Sino naman to? Pinicturan ko ang card at pinost sa account ko na ColdRighter. Dati ghost writer lang ako ng isang author. Si Racer Knight pero nang nakumbinsi niya akong magsulat para sa sarili ko pinost ko gumawa na ako ng sariling account sa LiveRead. Isang online site para sa mga amateur authors. "Thank you but who are you?" Yan ang caption na nilagay ko. Binalikan ko na ang trabaho ko. Napatingin ko sa mini calendar sa tabi ng monitor. December 17th. Hay! Isang taon na rin ang lumipas matapos ikasal si Lauren. Gusto ko na ngang sabihin kay Bree minsan na babae yung ex ko e. Alam ni Bree ang tungkol sa kanya, gusto nga niyang iconfront si Lauren noon e. Patikimin lang daw niya ng isang wallop. Sinimulan ko nang kainin yung ti-nake-out ko. Nalulungkot ako! Gusto kong uminom! Pero makakarinig na naman ako ng pangaral galing kay Chloe o kaya ay kay Sophie. Mas nakakatakot kapag si Maam Nikee ang mangaral sa akin baka may kasamang sapok na. -- "Jingle bells! Jingle bells! Jingle all the way! Oh was pan arestoran. In a wan so pens lay..." Nakasandal ako sa may gilid ng gate. Natatawang pinapaulit-ulit sa kanila ang jingle bells. Itong mga batang to talaga! Pang-apat na gabi na silang nangangaroling sa tapat ng apartment ko. Hanggang ngayong hindi pa rin makuha ang tamang lyrics e. "Bakit may dagdag yata sa tropa niyo ah." Pansin ko sa mga ito. Walo na kasi sila ngayon. Parang kagabi lang e lima sila. "Paano yan? Parang kulang yung pagkain na binili ko." "Okay lang yun ate. Share share na lang kami." Pabibong sagot ni Kuts. Lider nila. "Para mas happy. Bonding diba mga tols?" Nag-agree naman ang mga tropang asmatik! Haha. Yan tawag ko sa kanila dahil parang may mga hika lagi e. Kaypapapayat pa. "Oh tuloy na muna kayo. CAYGO tayo dito ha? Ayoko ng makalat kumain." Inihanda nila ang plastic na mesa sa terrace. Pagsasaluhan namin yung pancit na inorder ko. Ito request kasi nila. Nagsawa na daw sa sandwich na lagi kong pinapakain. Diba? Nagchoosy ang mga bata. "Nga pala ate. May nagpapabigay sayo oh." Kinuha ni Kuts sa bulsa niya ang maliit na kahon. Nakabalot ito sa kulay berde na wrapper. "At huwag mo nang tatanungin kung saan galing yan dahil hindi ko rin kilala. Okay?!" E kung ibaon ko tong batang to sa lupa! Napaka-judgmental e. "Mamaya mo na buksan yan ate. Magdasal muna tayo." Sabi ni Kuting. Kapatid siya ni Kuts. Haha. Mukha kasi siyang pusa. Si Kuts naman. Pinaikling Kuto kasi maraming kuto ito nung unang nakilala ko. Kinalbo ko nga e. haha! Pagkatapos magdasal kumain na kami. Pinanood ko lang sila. Angtatakaw na ng mga to. May mga magulang naman sila pero napapabayaan na dahil sa hirap ng buhay. Kaya heto sila dumidiskarte para mabuhay nang maayos. Nag-aaral din sila at nakakaloka tong si Kuts! Ako ang nilagay na guardian. Pinatawag ako nung teacher niya minsan e. Nakipag-away kasi. Anghaba-haba ng pag-uusap naming nung teacher buti maganda. Wala akong reklamo haha. Kamukha nung artistang si Lovi Poe. Mestisa lang si Maam Lyndsay. Pagkatapos nilang iligpit ang mga pinagkainan naming kinuha ko yung mga libro na binigay ni Maam Nikee. Children's books. Puro English stories. Nang mahasa naman ang English ng mga batang to. Ayaw pa nilang umuwi. May kuryente kasi dito mas madali daw magbasa. Hinayaan ko na lang muna. Inilabas ko na rin ang laptop ko para makapagtrabaho. Nagtuturuan sila ng tamang pagbasa. "Ate ano to sa tagalog?" Tinuro ni Kuting ang salitang forever. "Kasinungalingan lang yan." Natatawa kong sagot sa kanya. Nangunot tuloy ang noo niya. "Joke lang. Ano walang hanggan. Walang katapusan." "ah yung parang I love you forever ate?"tanong ni Carmi. Sampung taong gulang naman siya. Pinakamatanda sa kanila. "Nabasa ko dun sa waiting shed yan yun. Mark loves Lucy. I love you forever." "Parang ganun." Sagot ko na rin. "Pero huwag niyo nang problemahin yun. Magbasa na alng kayo diyan. 8:30 e umuwi na kayo baka hinahanap na kayo ng mga magulang niyo." Yung regalo nga pala. Binuksan ko na. Isang flashdrive! "Merry Christmas! In case you're not going anywhere for Christmas. Enjoy the movies!" Yan lang ang nakasulat sa note. Isinaksak ko sa laptop ang flashdrive. Puro superhero movies ang laman! Naku! Kung sino man tong nagbigay nito gusto ko nang yakapin! Haha! Kumpleto lahat ng gusto kong xmen movies e! Makisama ka sa kain eyebags! Be good! Huwag masyadong lumaki! Huwag manganak! Pwede ko nang sagutin ang tanong ni Bree! Saan ako magkichristmas? SA BAHAY! SA HINDI REALIDAD PERO MASAYANG MUNDO! -- Nakabalik na ng bansa sina Chloe at Maam Nikee! Pwede na ulit ako makitambay sa unit nila. Naabutan kong naglilinis ng camera si Chloe. Photographer kasi siya. Peymus to si Chloe. Peymus din si maam Nikee. Racer kasi siya. Ako? PEYMWHORE. Haha. Joke lang. Kaibigan ako ng mga peymus people of the republic of the Pilipins.            "Mahal na mahal mo yang camera mo no? yan ba yung ginamit mo sa pre-nup ni Lauren mylabs?" Tiningnan lang niya ako. "Mylabs talaga?" "Oo. Saka tayot-tayo lang naman dito. So yan nga yon?" Tumango siya. "Bakit ba?" "Ilang okasyon na ang napadaan ng camera mo Chloe?" "Marami na. bakit nga kasi?" Tuluyan na akong humiga sa kama niya. "Hindi ba napapagod ang lente niya? Hindi bay an nalulungkot kapag nagppicture kayo ng mga ikinakasal pero hindi naman nila mahal ang isa't-isa? Sa tingin mo nag-uusap din kaya ang mga camera kapag busy kayong mga photographers?" "Ewan ko sayo. Angdami-dami mong alam." Umayos naman ako ng pagkakaupo. "Nagtatanong lang naman." "E yung laptop mo? Hindi pa ba nagsasawa sa mga sad love stories na sinusulat mo?" "Weh? Gumaganti. Sanay na yon no. Pero siguro nga pagod na rin yon kung tao lang siya. Pagod na siyang making sa mga problema ko no? tingin mo? Shot na? haha! Shot tayo chloe!" "Gago. May alak dun sa ref. shot ka mag-isa mo. Huhugot ka na naman. Magpaligaw ka na kasi o manligaw ka na para hindi ka na bitter." "Alam mo yung feeling inubos ni Lauren ang kakarampot na tiwala ko sa pag-ibig? Ganun yon Chloe kaya wala akong time sa love ngayon."sagot ko sa kanya. "Love is an engraved invitation to grief." "Bakit ganyan kayong mga manunulat? Lahat na lang may hugot. Weird ninyo. O baka ikaw lang? minsan baliw ka. Minsan hindi. Pero madalas baliw." "E de wow! Dami-dami mo ding alam. Haha! Ganun talaga. Minsan hindi ko na rin alam. Dalawin mo ako sa Mental kapag hindi na alam ng utak ko ang realidad sa imahinasyon ha? VIP Room ang kunin mo para sa akin. Yung may aircon. Haha! Para chill kahit baliw..." Paglabas ko ng kwarto siya namang pagdating ni maam Nikee. Fiancé siya ni Chloe. "Uy aalis ka na agad?" "Oo e. May babalikan ako sa office kasi. Naiwan ko yung charger ng laptop ko. E tinotopak na yun. Madali ma-lobat." "Ah saglit.May kunin lang ako sa kwarto."mabilis siyang natungo sa kwarto niya. pagbalik niya may bitbit na siyang laptop. "Sayo na lang tong laptop ni kuya. Wala naman ng gagamit diyan. Pinareformat ko na rin." "Sure? Hindi nga maam?" "Yeap. Wala ring gagamit niyan e." Wow! Yayamanin talaga si maam! Namimigay ng gadgets! Dahil diyan hindi na ako aalis! Naisip ko lang ulit. Hindi kaya malungkot si Ronix, yung laptop ko, kapag nalaman niyang may bago akong laptop? Oh my gosh! Sino ang mga to? Yung wallpaper ng desktop sina maam Nikee at yung Prey. Saka yung dalawang magagadang dilag! Teka? Pamilyar tong picture na to. Naala ko na! Ito yung cover ng isang sports magazine! Nikee, Precious, Jasmine and Nicole: future of Philippine Car Racing. Naks! Famous talaga! -- Christmas Eve. Hindi na ako nagluto. Wala rin naman akong kasama dito sa apartment. Ang pamilya ko ay nasa Bagiuo. Ako lang ang matigas ang ulo na manatili dito sa Maynila. Dito kasi ako nakaramdam ng kalayaan. Dito ako naging totoo sa sarili ko. Gusto nila akong pauwiin pero nagdahilan na lang ako. Mas okay na tong mag-isa kaysa kasama ko sila pero magulo rin naman. Nag-iisa akong anak. Hiwalay ang mga magulang ko. May kanya-kanya na silang pamilya. Kahit kanino sa kanilang dalawa ako uuwi hindi ko rin maramdaman na kabilang ako sa pamilya. Masaya na sila. Yon naman ang importante. Sabi ng tita ko, pinilit daw naman nilang ayusin ang relasyon nila para sa akin pero hindi na talaga kaya. Kumbaga hindi ako sapat para magkaayos sila. So ano kaya ako? Produkto ng pagmamahalan o kalandian lang na naramdaman nila noong magsyota lang sila? Maghapon akong nagmovie marathon. Nasa pangatlong xmen na ako. Nakatulugan ko to kanina e. Pinapapunta ako ni Sophie sa condo niya. Dun na daw ako magcelebrate ng Christmas pero nakakatamad magbyahe. For sure traffic! Nakataas pa ang paa ko habang nanonood. Nakatatlong popcorn pack na rin ako. Feeling ko nga sugat-sugat na ang gilagid ko e. Ganda kasi nitong movie. Hays! Hapdi na talaga ng gums ko! Naglog-in ako sa f******k. Kung isa man sa mga mambabasa ko ang nagbigay nitong flashdrive super thankful ako sa kanya. Pinicturan ko yung TV, Popcorn at paa ko na nakapatong sa mesita. "Thank you sa movies! You made my Christmas worth staying at home. Pakita ka na pleash...hende ne eke gelet....hahaha! Merry Christmas ebrebadih! Cold not so Cold tho." Dumaan sa newsfeeds ko ang family picture nina Lauren. Inunfollow ko ulit siya pati kuya niya. May kirot pa talaga sa puso ko! Tangina naman oh! Manood na nga lang ulit ako. Minsan gusto ko yung powers ni Professor X e. Kaya mong pasukin ang isip ng ibang tao. Kaya mo silang kontrolin. Sa ganung paraan kaya hindi na ako iiwan ng mga taong mahalaga sa akin? Pero nakakadrain din yon no? Iisa lang ang utak ko tapos kokontrol pa ako ng ibang tao. Nakakapagod naman yon. geh wag na nga. -- Halos araw-araw akong nakakatanggap ng mga Gif at pic messages sa Messenger. Pare-pareho lang naman. Okay lang sana kung MRY XMAS... o HNY basta personalized e. wala lang arte ko lang siguro. Gusto ko kasi ine-effortan din ang greetings para with feelings. Hay! Kape! Gusto ko ng kape! Kakaalis lang nina Kuts. Nagsindi sila ng lusis sa labas. Para daw mawala yung mga bad spirits. Dumayo lang talaga sila para gawin yon dahil alam daw nilang tamad ako. Haha. Hay! Disyembre 31. Magpapalit na naman ang taon. Same old me pa rin ako. Makikita ko na naman ang mga yearly generic post na Hello 2016 please be good to me. Yung taon ba ang hindi naging good sa atin o tayo mismo ang hindi naging good sa sarili natin? Hay. Ako ba? Naging good naman siguro ako sa sarili ko nitong 2015. Hindi naman ako nagwalwal. Minahal ko naman ang sarili ko. Ano bang naganap sa buhay ko? Nagkatrabaho. Nagkaroon ng mga bagong kaibigan. Nagkaroon ng abs. joke lang. mabilbil ako. Drawingan ko na lang ng pentel ang tiyan ko para sa abs nay an. May natanggap ulit akong regalo galing sa hindi ko pa ring kilalang indibidwal. Limang facemask. At isang libro na blank pages naman ang laman. Pero may title huh. Genesis and Victory. Anong gagawin ko dito? Saka ko na iisipin yan. "Mausok mamaya. Suutin mo pag aalis ka ng bahay. Happy New Year!" 11:30 na. May 30 minutes pa ako. Baka sakaling may major plot twist na mangyayari sa buhay ko. Umasa pa talaga ako? Hay! Badtrip! Pati mga magulang ko hindi na ako naalala! Malaking kawalan ba sa oras nila ang tawagan ko o kaya ay imessage lang ng happy new year? Nakakainis! Nagsuot ako ng facemask bago umakyat sa rooftop. Hindi naman rooftop to kung tutuusin. Sinadya lang to para gawing sampayan namin. Hooh! Malamig! Maraming excited sa paligid! Nagpapaputok na sila. May mga nagvivideoke na rin. Play awi skaylayn pijum play daw. Haha! Dabest talaga ang mga tambay kapag ganitong okasyon e. mapapaisip ka na lang kung pandinig mo ba ang mali o pati ikaw ay lasing na rin sa pinagkakakanta nila. Gaya ng nakagawian ko makikinood na lang ulit ako sa mga fireworks display. Titingalan sa langit hanggat mangawit at tutungo ulit. Titingala ulit kapag kaya na. IIbig. Masasaktan. Iibig ulit. Buiset. Humugot na naman ako. "Happy new year Rice!" sigaw nung kapitbahay ko na nasa rooftop din nila. "New year lang hindi happy!" ganting sigaw ko sa kanya. "Baliw! Oh shot mo!" malakas niyang hinagis sa akin ang san mig light in can. "Cheer para sa new year!" "Cheer!!!" 5... 4... 3... 2... 1... HAPPY NEW YEAR!"     Hayan na ang walang habas na putukan! Naging mas makulay ang langit! Samu't-saring kulay ang gumuguhit sa langit na animoy canvass na panandaliang pinipinturahan ng kulay Pula, dilaw, berde, asul! Ilang minuto bang ganito? Sampu? Labing lima? Kapag natapos na ang fireworks display babalik ulit sa dating madilim na langit. Sumasakit na ang batok ko. Ilang minute na ba akong nakatingala? Limang minuto lang yata. Sampung minute makalipat ang alas dose. January 1 na. Nagring ang cellphone ko. Unregistered number. >>>hello... (Hello...Happy New Year...) >>>Teka... Racer Knight?! Tiningnan ko ang number na gamit niya. >>>Ikaw ba to? Hoy! Sagot! Nasa Pilipinas ka?! (Yes...Nanonood ka ng fireworks display?) >>>Oo. Pero masakit na ang batok ko... bababa na ako... (Nagustuhan mo yung regalo ko sayo? Yung libro?) >>>Sayo galing yon? e wala namng sulat. Pinaglololoko mo naman ako. (haha! No! Dati nangako ako na isusulat ko ang kwento mo. Na hindi ka lang option. I changed my mind. Hindi ko na isusulat. Ipaparamdam ko na lang sayo. The simplest way possible. Happy New Year Rica Genesis Siliman.) Binaba na niya ang call. Pero nagtext naman siya. "SAVE THIS NUMBER. I'LL CALL YOU ONCE IN A WHILE. TAKE CARE GENIUS. SEE YOU AROUND!" Dapat kabahan ako diba? Dahil creepy na tong alam niya ang full name ko pati address ko, paano kapag mamamatay tayo pala tong racerknight na to? Pero bakit parang mas natuwa ako na heto ulit siya may makakausap na ulit akong makakaintindi sa akin. Replyan ko nga. "Ok." Yan lang para hindi niya isipin na close na kami agad. --End of Chapter 1-

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My virgin bedcretary ( COMPLETE )

read
1.2M
bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
1.9M
bc

ANG NABUNTIS KONG PANGIT

read
476.8K
bc

My Secretary, Sex-etary [Lee Saunders]

read
271.5K
bc

The Sex Web

read
127.3K
bc

My Ex-convict Wife ( R18 Tagalog)

read
245.6K
bc

MELISSE: The broken wife ( TAGALOG) (Completed)

read
215.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook