Fix you 2: Mine

2845 Words
-2- NICOLE'S POV >>>Thank you Jelo. Keep me updated. (Okay Boss! Enjoy Boracay!) Binaba ko na ang call. How can I enjoy this vacation if I am with a broken hearted friend and a sister who is having her freedom flirting with every woman she sees?! "Sinong yung kausap mo Nicniclove?"Tanong ni Jasmine sabay iniakbay niya ang kanang braso ko sa kanya. She's my clingy sister."Early-early mo bumangon." "Oh anong meron at pa-baby ka ngayon ha?" "Wala. Gusto kong hugs. Nakakacomfort ang hugs." Niyakap ko na nga lang siya. "Fix yourself na. balik na tayo sa Manila." Tinapik ko ang balikat niya. "Gisingin mo na si Prey." Baliw to! Sumubsob sa dibdib ko! "Laki-laki talaga nicnic love. Di mo ko ni-share!" tapos tatawa-tawa pa. Pinalo ko nga nang malakas sa braso. "Langya ka! Sige na. Go gisingin mo si Prey." Tatawa-tawa siyang sumampa sa kama ni Prey. Hinalik-halikan niya sa mukha. E gago yang kapatid ko rin minsan e. Kung hindi lang mahaba ang pasensya ng mga kaibigan namin baka nasapak na nila yan. "Walang hiya ka! Bakit hindi yang jowa-jowaan mo ang halik-halikan mo?!" Nayayamot na pinunas-punasan ni Prey ang mukha niya. "Yuck naman. E mas lambot-lambot ng cheeks mo Precious e." natatawang sabi ni Jassy. Hindi nga pala alam ng mga kaibigan namin na magkapatid kami. Secret to be kept 'yon. Kaya madalas napagkakamalan kaming mag-girlfriend. "Yuck nito! Diyan ka na nga!"tinulak siya ni Prey nung yayakap pa sana siya. "Magbra ka nga Jassy! Kakayamot ka!" Nagtungo na siya sa Banyo. "Pikon ni Prisyus naman!" "Baliw ka kasi. Lasing kagabi yon tapos bubuesetin mo. Kakagising pa. Double kill tuloy." Inilabas ko ang bag ko. "Iayos mo tong bag ko. Mag-last minute swimming lang muna ako." Fifteen minutes won't harm naman. Kahit tirik ang araw lumusong ako sa dagat. Feeling the heat on December! Iiwan ko lahat ng stress ko sa buhay dito. Sa hindi kalayuan ay nakita ko ang isang pamilyar na hubog ng pangangatawan. Nang makaahon ako ay hinagisan niya ako ng tuwalya. "What are you doing here?"       "Swimming? Chilling? Ano pang pwedeng gawin sa Boracay?" mayabang na sagot niya. Hindi talaga nito mababago ang ugali e. He's Jacob Nevado. Anak ng isa sa mga shareholders ng SAECoM. Company na pagmamay-ari nina Jasmine. "Uuwi na kayo sa Manila?" Tumango ako. "Then we'll go back to Singapore. Still messing up with your life?" Heto na naman yung ngiti niyang nakakaloko. "Yes and No. Anyways, alis na ako." Nang makalayo siya ay nilingon niya ako saka pinormang baril ang kanang kamay. Itinutok niya ito sa akin. "Hope to see you in SAECoM. For sure taob ka sa akin." Ginaya ko rin siya. "Hambog!" We are silent rivals. Nagpaparamihan kami ng clients na maicoclose para sa SAECoM kahit hindi pa kami officially nagtatrabaho para sa kompanya. I work for tita Julia. Mom ni Jasmine. Siya ang may pinakamalaking share sa company. Mas may tiwala sa akin si Tita kaysa sa panganay niyang anak na si Jasper. Bestfriend ni Jacob. So far, lamang ako ng tatlo nung huling conference meeting. Partida pa yan dahil nagtatrabaho ako bilang isang ordinaryong engineer sa Singapore. Siguro naman naka-empake na si Jasmine. Nakakairita talaga tong mga lalaki na panay paswit at cat-call e. Miss Sexy! Miss Gorgeous! WITWIW. Seryoso. Witwiw talaga. Mga barbaric na kalalakihan to. Nakakasagad ng pasensya. "Join ka muna dito sa amin miss. Malungkot mag-isa."sabi nung nakatrunks. Okay may 8packs siya pero hindi niya kinagwapo ang pagsitsit sa akin. Hay! Limang Adan na feeling gwapo at macho! Tiningnan ko sila mula ulo hanggang paa, pabalik. "Ano miss? Tapos ka na bang icheck kami?" ngiting mayabang ni 8 packs. Lumapit ako sa kanila. Nakangisi pa ang gago. Kalma Nicole! Pero hirap kumalma kapag mukhang manyak ang mga kaharap mo! Nang akmang akbayan ako ni Mr. 8 packs ay pinilipit ko ang braso niya patalikod. Sige! Ngiwi ka pa sa sakit manyak ka! Yung mga kasama niya napaatras na e. "s**t s**t! Tangina!"sabi ni 8 packs. Tinulak ko siya kaya napasubsob siya sa buhangin. Binigyan ko rin ng masamang tingin ang mga kasama niya. "Back off..." gumilid yung lalaking naka-afro cut ng buhok. God! Tupical fuckboys! Pagbalik ko ng kwarto deretso ako sa shower room. Nakakapang-init ng ulo ang 8 packs na yon! Paglabas ko ng banyo nakapameywang si Jassy at nag-aabot ang kilay. "What?" "What mo mukha mo Nicniclove. Ano to?!" napaatras ako nang itinapat niya sa mukha ko ang phone niya. May nakakuha ng video nung insidente kanina. "sabi mo magsiswimming ka lang. bakit may bugbugan pala?" "Define bugbugan? May pasa ba ako? Wala diba? Sinuntok ko ba siya? Hindi. Tinulak ko lang. Isip-isip din Jasmine."Tatlong beses kong tinuro-turo ang sentido niya gamit ang hintuturo ko. Hinawi ko siya sa madadaanan ko. Sigurado naman ako. Ang pinagpuputok ng butse niya ay wala siya sa mismong insidente. Hindi siya nakaisa sa mga bastos na yon. -- Traffic. Pollution. Nag-aapurang mga tao. Manila na nga ito. Sa unit nina Nikee kami uuwi. Namiss naming si Professor e. kukumustahin din naming kung gaano na siya kapikon kay Serenity. Mainit dugo niya sa mga batang babae. Palibahasa brat. Feeling niya kaagaw niya ang kahit sinong baby or kid girl. "Good morning Bruh! Musta bibi gurl?" magiliw na kinarga ni Jasmine si Serenity. Nakabakasyon lang siya ng ilang araw dito. Anak siya ng pinsan ni Nikee. Nagkita ang dalawang clingy. Kaya tuwang tuwa si Jasmine nang hinalik-halikan siya ni Serenity sa pisngi. Binobola-bola pa niya ang bata. Naku talaga tong kapatid ko. Nang-uuto na naman. Naupo na ako at inatupag ang phone ko. "Dito ba ang bahay niyo?" Medyo nainis na salubong ni Nikee sa amin. "Dito talaga kayo dumeretso ha? Ikaw Prey? Alam ba ng parents mo na nandito ka?" "Yes bruh. Itong si Nicole ang tanungin mo. Hindin a yata uuwi sa kanila."sagot ni Prey. "pagkatapos niyo akong gawing yaya sa Boracay papauwiin niyo ako sa amin? Toxic din dun. I'd rather fly to Singapore asap." Sagot ko habang hindi sila tinatapunan ng tingin. Napagod akong magbantay sa kanilang dalawa. Wala rin akong balak umuwi sa pamilya ko. Ulila na akong lubos. Namatay si tatay sa isang misyon kasama ang mga matatalik niyang kaibigan. Tito Zandro, kinilalang daddy ni Jasmine at Tito Ram, daddy ni Louise isa sa mga kaibigan din namin. Christian family ang kumopkop sa akin. Kapatid ni nanay. At pag sinabi kong Christian? Kulang na lang ay basahan nila ako palagi ng bibliya at ipanalangin na huwag akong magaya sa kapatid kong bisexual. Don't get me wrong, mahal ko sila kaya kahit alam ko sa sarili ko na babae rin ang gusto ko hindi ako nag-a-out. Katakot=takot na sermon ang matatanggap ko at sisisihin nila ang mga kaibigan ko. Turing kasi nila sa pagiging lesbian ay isang epidimya na mabilis na kumakalat sa lipunan. Naputol ang pag-iisip ko nang dumating si Chloe. Bitbig niya ang tray. "Meryenda sa mainit na umaga!" "Bruh, punta tayo sa ZciaRa's mamaya. Flight na namin ni Nic sa makalawa e. Pwede naman si Serenity dun diba? Pwede ba yun Chloe?" Request ni Jasmine. Flight na nga pala namin. Kailanga kong i-meet si Jelo bago ako bumalik sa pagtatrabaho. "Sige lang. Bored na rin yan sa amin ni Serenity."sagot ni Chloe. "uy hindi ah! Masaya nga e." pangkontra ni NIkee sa kanya. Nakakatawa tong babaeng to. Basing-basa ko ang bawat ngiti niya e. sinungaling! Haha. "Isama din natin friends ko para mas masaya." Said chloe with excitement. Nagpatingin ako sa kanya. God! No! Hindi pwede! Kung accurate ang hinala ko dalawa lang ang close friends niya dito sa Manila. At hindi pa ako ready na makilala siya nang personal! Not now! Kailangan kong gumawa ng paraan. Nang magkaroon ako ng pagkakataong makausap si Chloe ay tinanong ko kung sinu-sino ang iinvite niya. nagpalusot na lang ako na kailangan ko malaman para sa reservation. "Sophie and Rica. Sana makapunta sila para ma-meet niyo na rin sila. Si Prey kasi madalas rin nila makabonding. Mababait sila lalo si Rica. May topak lang talaga minsan." "Ah sige. I'll do the reservations." Fvck. This aint the right time to meet her. Tinatawagan ko si Jelo. Tawa lang tawa. Angsarap pingutin ang tainga kung kaharap ko lang e. (Grabe! Uso din pala matorpe? Makikita mo lang! Hindi ka magpapakilala! Boss naman...) >>>Shut up okay?! Ke magpapakilala o hindi hindi pa ako ready. Ganito, magpadala ka ng free tickets para sa kanila nung mga bata. Or free dinner sa Jollibee. Just to keep her busy. Just make sure hindi siya makakadalo sa invitation ni Chloe. I'll send you money. (Okay. Susundan ko pa ba sila?) >>>No... Hayaan mo lang silang mag-enjoy. Magkita na lang tayo bukas... (Okay... copy! Bye general!! My torpe boss! Hahaha!) Binabaan ko na nga ng tawag. Napakapambueset din e. Kung anu-ano ang tawag sa akin. Minsan pa Sarhento ang tawag sa akin nun. OK. Solve. I feel relieved. -- Nasa Zciara's na kami. Sana nag-eenjoy sila ngayon. For sure! Lalo at pinakiuspan ko yung manager na sana may mascot para sa mga bata. Ginamitan ko ng kaunting drama at pambobola para pumayag. "Guys, hindi makakarating sina Rica at Sophie." Said Nikee. I know. I know. Pero bakit pati si Sophie? "Bakit daw?" tanong ko. Kunwari wala akong alam naman sa dahilan. "May mga dates daw e. baka double date." What?! Anong double date?! Nang makatiyempo ako ay nagtungo ako sa labas. Come on Jelo, pick up your phone. Nakailang attempt na nga ako. Fvck. (He...) >>>Saan ka?! Naibigay mo ba yung ticket? Bakit sabi ni Nikee she's on a date? Ano?! (uy! Kalma! Ano ba...) >>>Jelo! Walang taong kumakalma kapag sinabihan lang na kumalma! Ano na? Sagot?" (Pinadeliver ko dun sa crew ng jollibee. Para mas makasigurado sinabihan ko yung crew na padalhan ako ng pictures. Teka isesend ko sayo.) >>>Okay. I'll cut this call. Send mo kaagad. (Okay. Copy colonel!) Huminga ako nang malalim. Damn this temper! Salamat na lang sa haba ng pasensya ni Jelo. Kung hindi baka wala nang tumutulong sa akin sa ganitong mga pagkakataon. Nagsend siya ng tatlong pictures. Nasa Jollibee sila kasama ang mga bata. Jelo: okay na sarhento? Abswelto na ako? Me: OK. TELL THE CREW TO SEND PICTURES DIRECTLY TO ME. GOOD NIGHT. Jelo: Nkkduling ka magtext! Hindi ko na siya nireply. Naghintay na lang ako ng pictures and videos na isesend nung crew. Well she's having fun. Good to see her smiling and laughing with the kids. --            Kinaumagahan, after visiting Louise nagkita kami ni Jelo. Haven't seen him for months. "Libre mo to colonel ha?" binuklat na niya ang menu. "Pumayat ka. Masyadong kakaisip naman sa mga taong naiwan sa Pilipinas." He said while checking on the menu. "Nakakapayat pala ang mainlabs." "Shut up and order." Tugon ko sa kanya. Tinawag na niya ang waiter. "Boss, bigyan mo ako ng pinakamahal niyong steak. Si boss sergeant naman ang magbabayad." Tumingin sa akin yungwaiter. Japanese Premium Wagyu Tenderloin Beef. "Make it two. And wine please."Taas-baba pa ang mgakilay nitong si Jelo.  Babawi talaga sa pagkain. Malaki naman ang perwisyongnabibigay ko sa kanya kaya okay lang."So hanggang kamagtatago master? Sa tingin ko ha? Kung magpapakilala ka naman magugustuhan kaniya. isang taong nang malungkot yung tao." "May mga problema paako. Saka na muna." "Hindi namannawawalan ng problema ang tao boss. Alam mo ang kulang sayo? Tiwala sa sarili.Ewan ko ba sayo, kayang kaya mong magbabugbog ng kahit sino pero hindi mokayang harapin yung idolo mo."  He said with confidence. "May pera ka.Naibibigay mo yung mga sa tingin mo makapagpapasaya sa kanya. Pero alam mo yungmali? Nagtatago ka sa anino ni RacerKnight." Tiningnan ko siyanang walang ekspresyong pinapakita.  "Ok. Gets ko. Ayawmong pinapangaralan ka. Pero isipin mong maigi sarhento ha? Si Rica ay malungkot.Ikaw din. Kapag yun may na-meet na iba tapos lam mo na? Yung physicallyvisible? Talo ka. Mawawalan ng kwenta ang mga inipon nating pakilig." "And you really thinkpinapakilig ko lang siya? gusto ko lang makamove on siya from her ex."Tumango siya athinimas-himas pa ang baba na parang isang imbestigador. "Sabihin na nating sauna gusto mo lang siyang maging okay after siyang iwan ni Lauren pero natutuwaka sa tuwing sinosorpresa natin siya. Naadik ka na sa mga little surprises mo." Yes. It's addictingto see her smile. Yung magtataka siya na baka may nagmamanman sa kanya. Yungkapag late siya sa trabaho may papara na taxi sa mismong harapan niya to giveher a free ride to work. We did some crazy stuffs and it's ready addicting.  "You can't always  hide Nicole." Calling me with my name means this man is dead really serious."Kung ako ikaw, mag200 kph na ako bago pa ako maunahan ng kung sinong pontiopilato." "I'll think aboutit."Napalo niya ang nooniya. "s**t. Napa-english na ako at lahat hindi pa rin kita naconvince!" -- Uuwi na sana ako peroangtext ang kapatid ko na nasa sementeryo daw siya kaya heto pinuntahan ko narin. Naka-indian squatsiya nang dumating ako. "akala ko ba wala kang oras?"Nilingon niya ako.T inapik-tapik niya ang espasyo sa tabi niya. "Namimiss ka daw ni tatay oh." "Sinabihan ko nangang sumunod sa atin sa Singapore e."biro ko sa kanya. "Ewan ko sayo."Nabalot na kami ngkatahimikan.  Inisandal niya ang ulo niya sa balikat ko. "Nicniclove, anongage mo gustong mag-marry?" "huh? Bakit mo namannatanong yan?" "basta lang."Sandali akongnapaisip.  "Kapag nakilala ko na yung taong gusto kong maging asawa. Kahit next year. O kahit kapag 30 na ako. Yon." "Bakit?"Napalayo siya nangkaunti at kunot ang noo na tumingin sa akin. "Ikaw manliligaw? Ano ka ba?!Lalaki dapat manligaw sayo." "E kung ayaw akongligawan? De ako na gagawa ng paraan?" nakangiti kong tugon sa kanya."Kikilatisin ko yang lalakingyan." Lagi niya ine-emphasize ang lalaki. Alam kasi niya ang sitwasyon ko sa mga kamag-anaknaming. Kaya ganito siya. Sorry Jasmine, kahit anong pilit ko kasi sa babae parin ako nagkakagusto e. At ang malala, I can't be as proud as you. --Hiniram ko ang kotseni Chloe. I drove as fast as I can to Rica's apartment. It's almost 9:00.Bahala na. Sa tapat ng apartment niya naglalaro ang dalawang batang sinasabi niJelo na madalas bumisita kay Rica. Kung hindi ako nagkakamali, Karlo at Katrinaang pangalan nila. Anong oras na nasalabas pa rin sila. Nagsuot ako ng cap saka bumaba ng kotse. Nilapitan ko angmga ito.Kunot ang noo nungKarlo saka hinila sa likuran niya si Katrina. "Sino ka? Magnanakaw ka no?!"   "Mukhaba akong magnanakaw?" "Hindi.Nakakagulat ka lang." nakapameywang na sagot niya. "Diyan ka lang sa likodKUting. Ako ang bahala dito kay ate maganda." Pumorma siya na parangiiespadahin ako sa hawak niyang stick. Haha!Matatakot ba ako o matatawa sa batang to? Itinaasko ang dalawang kamay ko.  "Hindi ako lalaban boss." Natatawa kong sabi dito."Itatanong ko lang kung bakit nasa labas pa kayo e anong oras na. pasok na kayakayo sa bahay niyo." Tinuro ko ang apartment ni Rica.  "Ahyhindi naming yan bahay. Wala pa kasi si ate Rica. Hinihintay namin bago kamiuuwi. May sumundo kasi kanina. Hindi pa bumabalik hanggang ngayon." "Huh?Sino?"Humalukipkipsiya.  "Hindi ko alam ate maganda. Basta hihintayin lang namin siya." "Perogabing-gabi na. Ganito na lang ako na ang maghihintay. Tapos umuwi na kayo."  Tiningnanpa niya ako mula ulo-hanggang paa. "Sigurado ka ate? Hindi ka aalis hangganghindi siya nakakauwi?" Bahagya akong yumuko. "Oo. Pero mangako ka rin na hindi mo sasabihin sa kanya nanaghintay ako. Kung hindi sisingilin kita ng isang libong piso." Tumaasang kilay niya. nagkatinginan silang magkapatid. Bago siya ulit tumingin saakin.  "Deal?"nilahad ko ang kanang kamay ko.Butinstead of hand shaking, dinuraan niya ang dalawang kamay niya. pinagrub iyonat nilahad sa akin.  Medyo yuck tong batang to ha! Pero baka ito lang pwedengmakakuha ng tiwala niya. ginaya ko na rin siya pero yuck talaga! Nakipag-salivahandshake ako sa kanya. "Aregladoate Maganda." Bukod sa handshake niyakap niya din ako at tinapik-tapik anglikod ko. "Babye marekoy..." Ganundin ang ginawa ng kapatid niya bago sila umalis. Hay! No wonder gustong gustosilang kasama ni Rica.            --Inaantokna ako! Anong oras pa kaya siya uuwi? Naubos na rin ako ng mga lamok dito. Hay.Nakasandal ako sa may kotse nang may dumating na taxi. Fvck.Tinulungan pa siya ng taxi driver para makababa. Dali-dali akong lumapit.  "MAnongako na bahala sa kanya."  "Kaibiganka ba niya?"Tumangoako. "Mabutinaman. Kanina pa yan lasing na lasing e. Ako ay aalis na. Ikaw na ang bahala sakanya." Hay!Angbigat kahit maliit naman na tao. Madali ko siyang iniakyat sa kwarto niya. Sanay na sanay ako sa ganito dahil yung magaling kong kapatid madalas uuwi namas wasted pa dito. Nakapameywang ako nang maihiga ko na siya. Nagvibrate naman ang phone ko habang naghahanap ngmapagbibihisan niya. si Jassy! Naghanap ako ng pwedeng pagbihisan niya. >>>Hey,,, (where are you?) >>>Nagpapahangin lang. uuwi na ako agad. Sige na. Agad kong binaba ang tawag. Magtatanong lang yung nang walang katapusan e. Mabilis kong binihisan si Rica. Half open ang mata ko. Diyos! sa ganitong pagkakataon pa talaga kita malalapitan? Kumakanta-kanta pa habang binibihisan pero nakapikit naman. Sa wakas natapos din. Tumatawag na naman ang kapatid ko. >>>Oh nasa 7eleven ako. Pauwi na nga. Angkulit. (1:00 na. bilisan mo. Maaga pa tayo mamaya.) >>>oo na nga. Bye. Naglagay ako ng gamot sa hangover at bottled water sa may sidetable. Okay. I'm done here. Saglit akong umupo para matitigan nang mas malapit ang mukha niya. Who would have know that we'll get this closer Rica? Pinadaan ko ang likod ng daliri ko sa tungko ng ilong niya. haha. Kinamot niya tuloy ito. Cute. Makaalis na nga. Nagpatawag ako ng isang pulis para magbantay sa labas. Bago ako umalis ay tinawagan ko pa si Tito Zandro, PNP Chief General. At this time talaga. Sorry can't blame me. (I'll send two... sa ganitong oras talaga hija?) I know what he's thinking about with this favor. (Why are you doing this hija? Itong si Rica. Kaibigan mo lang ba to?) >> Yes... and tito I'm just protecting what will be mine in the future. I said in full confidence. (haha! Para ka talagang si Emil. Okay then. Pwede ka nang bumalik sa unit ni Nikee. Maaga pa ang flight niyo mamaya...) >>>Hintayin ko na lang muna yung pulis tito. Thank you.Good night po. -end of chapter 2-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD