Fix you 3: Kape

2438 Words
--3--        RICA'S POV Hindi pa ako nagmumulat kasi hilong-hilo ang pakiramdam ko. 5:30 na. Nakailang-alarm na kasi ang phone ko kaya kabisado ko na ang oras. Nag-i-snooze na naman yung fone ko. Parang nasa paanan ko yung tumutumunog. PInilit kong inabot yun gamit ang paa ko. Ini-slide-slide ko hanggang kaya ko nang damputin. Isang mata ko lang ang iminulat ko. "Tangina!" double tangina kasi mas sumakit ang ulo ko nang bigla akong bumangon. "Bueset!?" Hindi na ako iinom ng alak! Di. Joke lang. Iinom pa rin ako. Chineck ko ang sunod-sunod na dumating na messages. Si Viera nangangamusta. Kachat ko nga pala siya kagabi. Kung kay RacerKnight ako magsasabi baka katakot-takot na panenermon ang matatanggap ko. E de putangina! Enero na enero sesermunan ako. Ayaw ko naman nun. Uminom ako sa unang linggo ng Taon. Nagpakawasted ako. Ibig sabihin pa nun buong taon akong wasted? KAPITAL W-S-T-D? Wasted? Ahy tumatawag si lola Viera. Nakakatats oh. >>>Hello.. (Tangina ka. Hindi mo sinasagot ang tawag ko. Buti buhay ka pa..) >>>Sweet mo naman... baka mainlab ako sau hahaha! (Gago... oh hangover? May work ka ngayon? Anong oras na. kumilos ka na...lasengga tangina...) >>>Angharsh mo sa kin Viers...Gagayak na ako.babye... Basta ko na lang hinagis sa kama ang phone ko. Bait naman ni Bree nag-iwan pa ng gamot sa hang-over. Sa bagay ako naman ang nanglibre sa kanya kagabi. Dapat lang na asikasuhin nga ako. Give and take kumbaga, at wala nang libre sa mundo ngayon. Pati pag-ibig nabibili ng pera! Potaena! Dumeretso na ako sa kusina. sinisikmura ako pero hindi ko gustong kumain. Baka isuka ko lang. May note sa mesa katabi ng isang supot ng pandesal at palaman na yung tinitingi lang. Nakasulat ito sa papel na panggrade 3.            Ate, mag-almosal na po kayo. Pasuk na po kame.-Kuts Hay! Isinilid ko ang sulat sa garapon na nakapatong sa ref. Nagtimpla ako ng kape. Matapang na timpla yung kayang ipaglaban ang maghapon kung pakikibaka. Pagtingin ko sa relo ko mag-6:30 na. Ganun ako katagal tumunganga sa kwarto? Inubos ko na yung kape. Kailangan nang gumayak para sa ekonomiya. Makikidigma ako sa traffic! -- Naka-shades ako pagpasok sa office. Siyempre para akong artista na pinagtitinginan ng mga kawork ko. "taas ng araw sis..." "sang beach ang punta kapatid?" "Sabog ka na naman Siliman!" Ganyan-ganyan ang salubong nila sa akin. Ngiti lang ang tugon ko sa kanila kasi sa totoo lang? Sinisikmura pa ako at baka kung patulan ko sila e isang basket na mura ang lumabas sa bibig ko. Si Bree nakatutok sa laptop nakapangalumbaba. Sabog din to malamang. "Rica, to my office now." Ahy s**t! Si Miss Jewel! Mabilis kong nilapag sa table ko ang mga gamit ko. Huminga muna ako nang malalim bago pumasok sa office niya. "good morning maam..." "take your seat Miss Siliman. Pakitanggal ang shades." Hay! Kaya pala parang angdilim ng paligid e. hindi ko pa tinatanggal ang shades ko. "You're 30 minutes late Rica. Pang-ilang beses na ba to?" Lagot na po. Hindi na ako umimik dahil kasalanan ko rin naman. "Please be on time. Lahat tayo may problema Rica, pero subukan mong huwag naman gaanong maapektuhan ang trabaho mo. This is our bread ang butter. Isipin mo ang mga pamilya ng mga kasamahan mong nadedelay ang trabaho dahil sayo." Nanliliit ako ngayon. Hay! Kasi yung awra ni Miss parang kapag sumagot ako mababalikan din ako e. Never kang mananalo sa kanya. "balik ka na sa table mo. Sana huli na to Rica." "Yes maam. Sorry po." Hay! Nakahinga rin ako nang magluwag nang makalabas ako ng opisina. Io-off ko pa muna sana ang phone ko pero nagflash yung number na gamit ni RacerKnight nung new year's eve. >>Hello... (Hey...) Malungkot yung tono ng boses niya. >>>May problema ba? (Ikaw. May problem aba?) >>>Huh...wala... (Ok.) Ilang segundong nanahimik sa kabilang linya. >>>Uy ano na? tatawag ka para manahimik? Yayamanin ah! (Wala nga. Sige na. Sa pagbalik ko magkikita na tayo. Bye!) >>>uy! Ano?! Wala na! Binabaan na ako ng tawag. Sinubukan kong tawagan yung number pero unattended na. Anonymous RichKid something siguro yun. Taong galit sa pera. Travel nang travel. Siguro brat din. Delikado yata ang lagay ko. Hindi malayong kilala na niya ako e. Paano naman ako? Potaena baka isa dito spy niya? O baka may spy din siya sa bahay? O baka psycho killer siya? OA na naman ng mga naisip ko. Balik trabaho na nga lang. "Maam delivery po para sa inyo." Nag-angat ako ng tingin. "Pa-sign na lang po dito." Teddy Bear and Chocolates. "kakaumpisa pa lang ng taon valentines na ah!" "Haba ng hair gurl! Gang EDSA! Ikaw dahilan ng traffic!" "Next time sabihin mo yung pakainin naman ang team. Pa-cater na lang. parang yayamanin e! haha!" Mga loko-loko sila. May kumanta pa ng happy birthday! HInablot ni Bree ang note. "Can we talk later?-Laurence" Binasa niya ito nang malakas. "Wow Gurl! Parang may magbabalik!" Exaggerated na sabi ni Bree. Binalik na niya ang note. "For sure. Itetext lang yan kung mahal mo pa siya o tanga ka pa. Ingat sa mga ganyan Gurl." "I know." Walang emosyon kong sagot sa kanya. May number pala sa likuran ng note. Tawagan mo ako. Sunduin kita. -- Palabas na kami ni Bree ng building. Hindi ko pa rin tinatawagan yung number. "Tinawagan mo ba girl?" Umiling ako. "Wala naman dahilan para tawagan ko." "Sasabay ka ba?" "Hindi na. May bibilhin pa ako e." Taxi or Uber? Isip Rica! O baka natetempt kang itext si Lauren? Hay! Makagala na nga muna wala namang gagawin sa bahay. Naghihintay ako ng taxi nang may tumigil na kotse sa harapan ko. Biniba nito ang bintana. Sumilip na naman ako. Hindi na ako nag-isip na baka masamang tao to. Tanga mo rin Rica e! s**t! Ah pero mukhang hindi. Inabutan niya ako ng card. "Unlimited ride.-RacerKnight" Seryoso? "Sakay na maam. Bayad po ako ni Miss RK." "Kuya ha? Baka kidnapper ka." "Wala kang pampiyansa miss. Hindi kita kikidnapin." Ahy! Harsh naman nito! Nakakainis! Ininsulto mo ako nang slight! Pero may point siya. Bumaba siya para pagbuksan ako. Medyo matanda na si kuya. Siguro nasa mid 40's na siya. "Sakay na maam." Nagring ang phone ko. Messenger. Si Lauren. "Pwede bas a frontseat?" Umiling siya. "istrikto po si Miss RK. Sa likod daw po kayo dahil kliyente ko po kayo." Sumakay na lang ako baka nasa paligid lang si Lauren kasi. Bumalik na si Kuya Drayber sa driver's seat pagkasara ng pinto. "Koya, ano bang pangalan mo?" "bawal pong sabihin maam. Saan po tayo ang firt destination natin?" "Ihatid mo na lang ako sa bahay ko. Pagod na ako at inaantok." Grabe tong RK na to ha. Mahilig siguro siya magbasa ng mga Mainstream pop-fictional stories sa LiveRead kaya may mga ganitong paandar. Gosh! Anglakas maka-rich kid! "Kuya, kilala mo ba personally si RK?" "Yes po maam. Famly driver po nila ako noon." "Oh bakit noon? Ano na ngayon?"pasasaan ba kuya at magkukwento ka rin. Yan mga tipo mo e parang maraming alam sa kanya e. Yung feeling ko a close sila ni RK. Parang father figure ba? Nasabi kasi ni RK noon na ulila na siya so baka lang naman tulad ng mga kwento e si kuya ang susi sa aking curiosity. "On call driver na lang po maam simula nung umalis siya ng bansa." "ay talaga? Maganda ba si RK? Mabait ba siya? may kapatid ba siya?" "pasensya na po maam. Mas maigi po siguro na siya magkwento." "E wala naman kinukwento yun e. sige na kuya. Mamamatay ako sa curiosity e. Hindi naman niya to malalaman." "Pasensya na po talaga. Baka kasi may kinabit yung kaibigan niya dito e. baka naririnig niya po tayo ngayon." What?! Ilang sandali lang nag-notif ang messenger ko. RacerKnight: Huwag nang magtanong. Loyal yan si Manong. "naririnig mo ako Racerknight no?! Creepy nitong paandar mo ha! Sige kapag hindi ka nagreply tatalon ako dito!" Napakamot sa noo si Kuya. Oh may notif ulit. Racerknight: ANONG TANONG MO? WALA NAMAN, ANONG REREPLYAN KO? "Ay wow! Capslock. Intense! Para kang tanga siguro diyan na tumatawag no?! kasi pinaglalaruan mo ako dito." RacerKnight: HINDI KITA PINAGLALARUAN. "Kung hindi. Magpakilala ka na kasi. Angdaya naman diba? Kilala mo ako. Ikaw hindi ko alam ang mukha mo. Baka scammer ka. Baka masamang tao ka. O kaya killer."            Nagsend nga siya ng picture pero mata lang! "Pamysterios tayo teh? Mata lang? Anong gagawin ko dito?" RacerKnight: PANAKOT SA DAGA! REREKLAMO KA PA. BUTI NGA MERON E! Me: Meron nga. Piraso lang. madaya ka pa rin. RacerKnight: NAHIHIYA PA AKO. SOMEDAY SOON. GTG. NAIINIS NA KAPATID KO. BYE. Hindi ko na nga nireply. Binalik ko na sa bag nag phone ko. "Kuya, pakisabi sa boss niyo madaya siya ha? Sobrang madaya sarap kunyatan." Natawa si Manong. "Naku maam, baka pag makita niyo siya hindi niyo magagawang lapitan." "HUH? Bakit? Dragon ba?" "Tigre maam! Tigre yun kapag wala sa mood." Itinigil ni Manong ang kotse sa tapat ng isang coffee shop. "Saglit lang maam. Pick up ko lang yung reservation para sa inyo." Nagmadaling bumaba si manong. "Hoy! RK! Alam kong Rich Kid ka pero huwag mo na tong uulitin ha? Para akong nasa loob ng kwento e! hindi ako prinsesa para bigyan mo ng ganitong treatment! Kagabi naglasing ako. Kasi yung potaenang ex ko gustong makipagbalikan sa akin kahit may asawa na siya. Alam mo yung nakakainis? May Namimiss ko na siya. tangina diba? Madali akong mag-advice sa mga readers ko pero kapag lovelife ko na natatanga na ako. Ano ba naman to para akong tanga dito."pinunasan ko ang mga luha ko. "Nakakainis kasi. Ganito siya kapag wala an asawa niya dito. Ako daw ang mahal. Kailangan lang niya yun si Menard para hindi pagtsismisan. Nakakainis! Nakakainis talaga!" Tuloy-tuloy na ang pagtulo ng luha ko. Bueset kasi siya. Pero mas bueset ako kasi gahibla na lang ang pagitan ng pagtutol ng isip ko at pagpayag ng puso ko sa gusto niyang mangyari. -- Malapit na kami sa bahay. "Maam may bisita po yata kayo." Kotse ni Lauren. Hay! Pi-nark ni manong ang kotse saka bumaba para pagbuksan ako. Pagtataka ang nakita ko sa mukha ni Lauren nang makita ako.    "Susunduin ko po kayo bukas maam." "Ho? Huwag na manong. Nakakahiya na e." "Bilin po ni RK na sunduin ko kayo habang wala siya sa Pilipinas e." "Huwag na manong. Ayokong maging abala sa inyo. Kakausapin ko na lang siya." "Kayo po ang bahala maam. Basta kapag walang utos si RK, susunduin ko po kayo bukas." Magalang niyang tinanguan si Lauren bago siya umibis ng kotse. Nagbusina pa bago tuluyang umalis. "Sino yung RK?" "Kaibigan ko."sagot ko."anong ginagawa mo dito?" "hind mo ba ako papapasukin? Kanina pa kita hinihintay." Hays! Pinapasok ko na lang din siya. "So sino yung RK? Bakit hindi mo ako tinext para ako ang susundo sayo?" Nilapag ko ang bago ko sa mesita bago siya hinarap. "Naririnig mo ba ang sarili mo? Para kang girlfriend na nagseselos. Ireremind lang kita Ren, wala na tayo matagal na. may asawa ka na. at kontento na ako kung ano ang meron ako ngayon." "bakit? Anong meron ka? Wala naman diba? Dahil ako pa rin ang mahal mo. Kahit ilang beses mong i-deny. Sa sarili mo alam mong ako pa rin ang mahal niyan."turo niya sa tapat ng puso ko. "Yun na nga e! Tangina! Okay na ako! Bakit babalik-balik ka pa? Ito ba ang gusto mo? Yung paulit-ulit akong mahuhulog sayo? Gusto mom aging dependent ulit ako sayo? Tapos ano? Kapag nandito ulit si Menard, wala ulit ako sa ekseana?! Nakakapagod Ren! Sobrang nakakapagod!" frustrated ko nang panunumbat. Pati mga luha ko nag-uunahan na naman. Hindi pa pala ako nauubusan ng luha para sa kanya. Tangina! Niyakap niya ako."Mahal kita...Please tama na..."Ginagap niya ang pisngi ko. Walang pahintulot na hinalikan niya ako sa labi. Isang halik na naghahanap ng tugon. Pinilit kong kumalas sa pagkakahawak niya sa akin. "Please! Tama na!" sigaw ko na ikinagulat niya. "Umalis ka na." Lumuhod pa siya habang hawak-hawak ang mga kamay ko. "Please Rica, huwag mo akong ipagtabuyan. Mahalin mo na ako ulit. Ikaw pa rin ang mahal ko..." ilang beses niyang hinalikan ang likod ng palad ko. "Please..." "Tumayo ka diyan..." Umiling siya nang paulit-ulit. "Sabihin mong mahal mo pa rin ako. Sabihin mong tayo na ulit." "Hindi. Hindi na pwede." Hirap akong itinayo siya. "Huwag mo nang ibaba ang sarili mo Lauren. Please, hindi ito yung Lauren na minahal ko." "Ako pa rin to! Pero nababaliw na ako sayo." Umiiyak niyang sabi. "Dapat masaya ako diba? Dahil masaya ang pamilya ko pero Ikaw pa rin ang mahal ko. Sa tuwing inaangkin ako ni Menard, ikaw ang iniisip ko." "Hindi mo na kailangang ikwento yan. Ayoko nang malaman. Umuwi ka na. Wala nang patutunguhan to." Marahan ko siyang tinulak palabas. Napasinghap ako nang hinarap niya ako at muling inangkin ang labi ko. Ilang segundong paghalik na muntik nang mawala ang katinuan ko. "Mahal mo pa ako." Sumilay ang ngiti sa mga labi niya. "Hindi ba? Kahit sino pa ang darating sa buhay mo ako pa rin ang pipiliin mo. Babalik ako bukas. Ako ang susundo sayo hindi yung driver ng RK na yon." --0— "Diba? Nakakagago? Anong gusto niyang papel ko sa buhay niya?" inis na inis kong pagkukwento kay Chloe. Nang makaalis si Lauren ay pumunta na ako dito. Ayoko sa bahay. Baka uminom na naman ako hanggang madaling araw. "Isipin mo na lang dalawa kayong nakakasex niya."sabat ni maam Nikee. "Just dial don't talk! Haha. Medyo awkward." "Yang bibig mo naman!" saway ni Chloe sa kanya. "Ang-ano mo din minsan e no?" Nagpeace sign si maam. "Sinasabi ko lang. imagine kasi. Diba? Kaya mas okay na yung dial lang. kaysa talk. Hahaha!" "Hindi ito joke time. Magluto ka na lang kaya dun." Tinaas ni Maam ang dalawang kamay niya. "Buti pa nga. Baka masapok ko pa tong babaeng to e. Kapag ikaw pumayag maging kabit, sinasabi ko sayo Rica. Kakalbuhin kita gang pempem mo!" Binato siya ng throw pillow ni Chloe pero binato niya pabalik sa akin. "Hindi ako nagbibiro! Patanggal ko sa trabaho yang asawa niya e para walang oras lumandi!" "So? Paano mo yan sosolusyunan? Alam ko naman na mahal mo pa siya." Nagkibit-balikat ako. "Hindi ko to ikinaganda. At lalong hindi ko ikakaganda kung magiging kabit ako." "Buti alam mo..." "Pero chloe..." naiiyak kong titig sa kanya. "Pero mahal mo..." Tumango ako. "Tangina kasi to. Bakit hindi pa ubos ang pagmamahal ko sa kanya." "Ewan ko. ikaw lang ang nakakaalam niyan. Ikaw magdecide para sa sarili mo. Yung hindi mo pagsisisihan." "Ewan ko! magkakape na muna ako." Nagtungo ako sa kusina. naglagay ng mainit na tubig sa tasa. Kape! Gusto ko ng konting tamis. Angpino ng asukan nila. Yayamanin talaga tong si Maam Nikee. Kapag yayaman ako ng ganito bibili ako ng coffee farm! "Pang-ilang kape mo na yan sa araw na to?"tanong ni Maam. "Pang-lima."sagot ko sabay simsim ng kape pero s**t! Naibuga ko ito. "Tangina! Ano ba lasa ng kape niyo!" Tawa nang tawa si maam. "masarap no? Asin kasi yung nilagay mo." "E alam mo naman pala maam e. hindi mo ako pinigilan. Tangina. Ang-alat!" "Gaya sa sitwasyon mo ngayon. Hindi ka naming pipigilan bahala ka sa consequence ng magiging desisyon mo. Maalat na katotohanang kabit ka lang at hindi ka niya mamahalin nang buo. Think it over Rica. For sure naman may mas matimbang nang desisyon sa puso mo. You just need assurance na may susuporta sayo." "Nakakainis kausap ang teacher talaga. Ibabalik lang ang tanong sa akin e." --End of Chapter 3--  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD