bc

Missing Piece (Hope in Love)

book_age18+
2.0K
FOLLOW
9.8K
READ
dominant
kickass heroine
sweet
gxg
humorous
heavy
city
civilian
like
intro-logo
Blurb

Si Chloe ay isang photographer na niloko ng kanyang girlfriend. Si Nikee ay isang college professor na hindi pa nababusted kahit kailan. Paano sila pagtatagpuin ng tadhana? Paano paiibigin ni Nikee ang babaeng hindi nagpapakita ng interes sa kanya?

chap-preview
Free preview
MP 1-2
--1— May, 2014. Isang taon. Isang taon na ang bawal na relasyon. Out sa ilang friends naming. Pero siya hindi. Yan ang nagpapakomplikado sa lahat. Tulad ngayon kasama namin ang mga workmates niya. Naiilang ako. Wrong timing kasi tong pagbisita ko sa kanya. Yung surprise visit pero ako ang nasurprise dahil mag-o-over time pala sila. "Aiko, angtahimik naman ng friend mo." Ako ang tinutukoy ng boss niya. Isang accountant si Gemini. Nagtatrabaho siya sa BDO. "Ganyan lang talaga siya."sagot niya. "Mahiyain." Kinalikot ko ang phone ko. nagdial ako ng number ng isa sa mga kaibigan ko. "Excuse po ha?" Lumabas muna ako ng resto. Hindi pa ako nakakalabas ay pinutol ko ang tawag. Hindi ko lang gusto ang atmosphere kasama ang mga katrabaho niya. Hindi ako nagcocross dress. Babaeng-babae pa din ako manamit pero ramdam ko ang pagkailang ni Gemini kanina. Bumalik na ako sa loob ng restau nang medyo nahimasmasan na ako. "Nagsmoke ka?" "Ah? Hindi. Hindi ako naninigarilyo." Tuloy lang ang kwentuhan nila. How I wish mapagod na sila at mag-ayang umuwi. Nagpanting ang tainga ko nang mabanggit nilang may manager na nagkakagusto kay Gemini. "Ano girl? Gusto niyang kunin ang number mo."sabi ng isang kawork niya. "Ibibigay ko na ha?" Hindi! Gusto kong sabihin pero hindi pwede. Hinintay ko ngang tumanggi si Gemini pero wala. "Bahala ka. Pero hindi ko yan ientertain." Thank God! -- Pauwi na kami sa apartment na inuupahan niya. Sa Cavite kami nakatira ni Gemini pero mas may opportunity sa work dito sa Manila kaya dito siya nag-apply. Hindi kami nag-iimikan habang naglalakad. Ganito kami madalas kapag wrong timing ako o kapag pagod siya. Pero nangyari lang to nitong mga nakaraang tatlong buwan. "Nandito ba ang kasama mo sa apartment?" Tumango siya. "Bukas pa ang off niya e." Nang nasa tapat na kami ng apartment niya ay nagpaalam na ako. Hindi ako pwedeng matulog dito. "Saan ka uuwi?" "Hotel na siguro. Wala si Loida sa bahay nila e. Nakakahiya naman kay tita kung doon ako matutulog." "Pasensya na hindi ka pwede dito e." Tumango naman ako. "Ok lang. Pasok ka na." Magcocommute ako papuntang pinakamalapit na Eurotel. Nagsinungaling ako. Pinapatuloy ako ni Loida sa bahay nila pero gusto ko lang mapag-isa ngayon. Matagal pa to. Matindi kasi ang traffic. Nagsasawa na kaya si Gemini sa akin? Sa amin? Nakakatakot magtanong. Masaya naman ang umpisa ng relasyon namin e. Nagsimula lang nung nagkawork na siya tapos naging busy. Nasa kwarto na ako. Katext ko naman siya. Pero iba yung pakiramdam ngayon. Me: may problema ba tayo? Gemini: wala naman. bakit? Me: Parang ayaw mo akong kausap. Gemini: Pagod lang. Next time naman sabihin mong pupunta ka dito. Me: sorry. Gusto sana kitang isurprise. Gemini: Alam mo yung stand ko diba? Hindi alam sa trabaho na may girlfriend ako. paano kapag maghinala sila? Me: okay. Sorry. Magpahinga ka na. Parang magkakasakit ka na e. Gemini: Ok. Sensya na. Good night. Ihatid kita sa termila bukas. Off ko e. Me: huwag na. kaya ko na. Baka may makakita sa atin. Gemini: bahala ka nga. Akala ko naiintindihan mo. Noon. Inuunawa ko pero parang angsakit na kasi. Parang taken for granted ako. O yun lang ang iniisip ko? --- June 2014, Nakabase na din ako sa Manila. Nagwowork ako sa isang fashion agency. Minsan umiextra sa mga weddings kapag nirequest ako ng planner. Akala ko nga magiging okay na kami ngayong mas malapit na kami sa isa't-isa pero nagkamali ulit ako! Me: sunduin kita? Wala na akong shoot. Gemini: Magkita na lang tayo. Me: Sige. Nagpaplano na nga ako kung saan ko siya idi-date pero naunsyami nang tumawag siya. >>>Bakit? Akala ko magkikita tayo... (Be, pupunta daw kami ng pinsan ko sa mall e. Hindi ko naman mahindian...) >>>Sige. Magtext ka na lang pag nakauwi ka na. Binaba ko na ang tawag. Aalis pa din ako. Gagala sana ako mag-isa kung hindo ako tinext ng boss ko. Maglilibre daw siya ng dinner dahil birthday ng wife niya. Lahat sila may partner ako lang ang wala. "Anglalim naman ng iniisip mp Chloe!" pansin sa akin ni Kein. "Imik imik naman. parang alien e." "Pagod yan."sabi ni Boss. "Ilang oras yung shoot kanina tapos ang-arte nung model. Kaya hayaan niyo lang." "Sus! Bini-baby niyo na naman boss ha? Napaghahalata ang favorite." "Bunso e! ha ha!" Tawanan naman sila. 24 pa lang ako. Pinakabatang photographer nila. O ako ang may pinakamakapal na mukhang nag-aapply sa edad kong to. Gusto ko kasi mapalapit kay Gemini kaya pinaksiksikan ko ang talent ko sa agency. Small world! Nakita ko ang pinsan ni Gemini! Dito din sila papunta! "Uy! Chloe!" bati sa akin ni Larah. "Long time no see." Kasunod lang niya si Gemini. Hindi ko nasabing nandito ako. Kaya siguro kunot ang noo niya. "Wow chics!" sabi ni Kein. "Pakilala na yan!" Una kong pinakilala si Larah. "And this is Gemini. College friend ko." Nag-Hi naman si Gemini sa kanila. Masyado nang marami para makipagkamay e. "May kasama kayo? You can join us."sabi ni Boss. "Oo nga."sang-ayon ni Kein. "Tapos ilaglag niyong tong si bunso. Ha ha! Para kasi tong kabute na sumulpot sa opisina tapos poof! Darling of the crowd na." Sinamaan ko ng tingin si Kuya Kein. Ganyan lang yan pero binibaby din ako niyan. Nahuli niya kasi akong umiiyak minsan nasigawan ako ng manager ng model e. Nakijoin naman sila. Tuwang-tuwa sila kay Larah dahil bukod sa maganda ay walang intilihente din kung makipagkwentuhan. "Are you okay?" tanong ni boss. Tumango ako. "pagod lang talaga siguro sir." "Paanong hindi mapapagod yan? Five straight days na sa office natutulog!" sabat ulit ni kein. "Kung hindi ko pa binilhan ng damit hindi yan magbibihis before ng presentation kahapon. Parang nakadrugs e." "Hoooh! Si Kein! Pumuporma!" Kantyawan na sila. Hindi lang naman sa pagpupuyat to e. Sa pagod ng puso ko. Sa pambabalewala ng babaeng mahal ko. "May schedule ka ba bukas?" tanong ulit sa akin. Tumango ako. "2:00. Sa Tagaytay." "I will send somebody to cover it. Magpahinga ka na muna kahit two days." Mababaliw ako kung nasa apartment lang ako! "Kaya ko sir. Mas mabuburyong ako kung sa bahay lang ako." Mas mamimiss ko tong babaeng nasa tabi ko kung wala akong gagawin maghapon. Mapapaisip lang ako ng kung anu-ano. Nagsiuwian na. Kasama ko sina Gemini. "Irecommend mo naman akong model. Paextra-extra lang."Sabi ni Larah. "makita lang ako sa magazine Masaya na ako." "Sige. Sa next shoot. Irecommend kita." "Bakit parang close kayo nung Kein?" Si Gemini yan. "Ewan ko. Click lang siguro ang ugali namin." Naghihintay na kami ng bus. Busy si Larah sa kausap niya sa phone. "Nangangayayat ka."sabi ni Gemini. "Sexy na ako."biro ko sa kanya."Pwedeng sa apartment ko na muna ikaw matulog ngayon?" Nag-agree siya. Hinintay naming makasakay si Larah bago kami nagtawag ng taxi. Nasa apartment na kami. "Gusto mo ng maiinom?" Umiling siya. "Sinong kasama mo dito?" "Ako lang. Ayoko ng may kasama. Pinadalhan ako ni kuya ng monthly payment kaya keri lang kahit hindi malaki ang sweldo sa agency." "Sorry. Alam kong marami akong kasalanan sayo." "Ok na yon. Ganun talaga siguro kapag career oriented." "Ayaw na kitang iwasan Chloe. Nahihirapan din kasi ako." Parang alam ko na ang kasunod nito. "Gusto mo nang makipaghiwalay?" Hinawakan niya ako sa kamay pero binawi ko. "Matagal ko nang nararamdaman yan. Ito lang yung hinihintay ko. Yung iconfirm mo na ayaw mo na." Ginagap niya ako sa pisngi. Hindi ako tumitingin sa kanyan. "Chloe..." Hinawi ko lang ulit ang kamay niya. "Okay na tong ganito. Matagal ko na din inihanda ang sarili ko e. Sige na magpahinga ka na sa kwarto." Tumayo na ako. Pinigil niya ako ng yakap mula sa likuran. Pinilit kong kumawala at hinarap siya. "Huwag mo nang gawin mas mahirap para sa akin. Sinanay mo naman akong ilang buwan na taken for granted e. Kaya huwag nang madramang hiwalayan. Pagod na ako. pagod na pagod nang inuunawa ang pagiging closet lesbian mo." -- October 2014. "Sir, pwede ko ba kunin yung photoshoot ng isang commercial?" "Na naman?!" sabi ni boss. "Chloe, wala ka nang pahinga. Ibigay mo naman sa iba yun." "Sige na boss. Kaya ko naman e." "No." Bagsak ang balikat kong pumunta sa booth ni Kein. "Nagpapayaman ka ba o nagpapakamatay?"sabi niya. "Puro ka trabaho. Magpahinga ka naman." "Hindi mo alam kung gaano nakakabaliw ang walang ginagawa." Itinigil niya ang kanyang trabaho at seryosong humarap sa akin. "Broken hearted ka ba? O ano? Galit ka na ba sa mundo at gusto mo nang mamatay? Halos 24/7 ka na sa mga shoots. Indemand ka Chole pero huwag mo ding abusuhin ang sarili mo." Napabuntong hininga ako. "Sige. Hahanap ako ng ibang magagawa." Pagsasabihan na naman kasi ako. Umuwi na muna ako para magpalit ng damit. Maglalaboy na muna ako. dala-dala ko ang camera ko ay nagtungo ako sa church. Where I can find peace. Tamang-tama may wedding! Picture dito at picture dun ang ginawa ko. Nakuha ng pansin ko ang dalawang matandang magkaholding hands habang binabanggit ang Vows ng kinakasal. May forever. Sabi ko sa isip ko. Kinuhanan ko sila ng larawan. Nakakatuwa naman. Pabalik na ako ng apartment nang tumawag si Kein. >>>Yes? (Yung kaibigan ko naghahanap ng pwedeng magcover sa pre-nup niya. pwede ka?) >>>Kelan? (Bukas na sana. Pero Chole ang request niya lahat ng kasama sa entourage e kasama din sa prenup photos and videos.) >>>Sige. May concept na ba? (oo. so ok ka na? pwede na?) >>>Oo. Huwag mong sabihin kay boss ha. Pagagalita ako nun. -- Acuatico Beach Resort and Hotel. Nagcheck in muna ako dahil napaaga ako ng dating. Excited lang ako e! I took some pictures of the beach goers. 10:00 ko daw sila imemet sa Oceano restaurant. Napatigil ako nang makilala ko kung sinu-sino ang mga kasama sa entourage. Si Gemini at mga katrabaho niya. "Good morning!" masigla kong bati sa kanila. "Late ba ako?" "Just on time."sagot ni Menard. Yung groom. Hindi ko ineexpect na si Gemini ang nagconceptualize ng pre-nup. Kaya heto siya ang kausap ko sa mga sceneries na kailangang kuhanan. "Ito pa yung concept mo noon ah." Pansin ko sa mga drawings niya. Ito yung pinagmamalaki niya noon na ideal prenup niya. Second year college yata siya nun. "Hindi ko kasi mahindian si maam." Hindi ko na kailangan tingnan ang lahat ng images dahil memoryado ko na lahat. Nabalot na kami ng katahimikan. "Nagdeactivate ka." Tumango ako. "Lahat ng socnet accounts." "Ok ka na?" "Siguro. Buhay pa naman. tuloy pa din sa pag-iipon." Inaya ko na siyang puntahan ang mga kasama niya. Kailangan nang magtrabaho! Patapos na kami nang may dumating na lalaki. Parang slow motion talaga ang tingin ko sa kanya lalo nang nilapitan niya si Gemini at hinalikan sa pisngi. "Late ako. Sorry guys!" bumaling siya kay Gemini. "Namiss mo ako?" Tumalikod na ako. I guess this pre-nup will be hell for me! -- DOS. Ikalawang araw ng shoot. Nag-aagahan kami. Parusa ko ba to Panginoon sa sobrang pagtatrabaho? Para akong dinudurog dito sa tuwing nakikita kong Masaya si Gemini na nakikipagkwentuhan sa lalaking yon. "No wonder nirekomenda ka ni Kein."sabi ng groom. "Gustong gusto ko ang mga kuha mo. Sana hanggang wedding ikaw pa din ang magcover." "As much as I wanted to, may commitment na din kasi ako." "Barya-barya lang ang kita sa ganyang raket diba?"sabat nung lalaki. "Maganda ka naman bakit hindi ka na lang nagmodel?" Tsss. The nerves! "I have friends na rumaraket din sa mga ganito and madalas nilang ireklamo ang pera. Kung walang events walang kita." "Well, I am earning more than what I need." May halo ng kayabangan pero totoo naman. Sa dami naman kasi ng recommendation sa akin more than enough ang mga tf ko sa mga yon plus my monthly salary sa agency. "Pasensya ka na dito kay Marlon." Sabi ni Menard, ang groom. "Ok lang." Marami lang talagang hindi naiintindihan ang ganitong trabaho. Nag-struggle din naman ako pero swerte lang kasi nagtiwala sa akin ang agency. Before magstart ang shoot ay nag-ayos na muna ako. Naalibadbaran ako kay Marlon. I need to look good! Nagulat pa ako nang pagbukas ko ng pinto ay naghihintay si Gemini. "Sorry kanina..." "Saan?" "Sa inasta ni Marlon." "Ok lang. Puntahan na natin sila." Pinigilan niya ako sa kaliwang kamay. "Pwede bang maging civil naman tayo sa isa't-isa?" "Yun naman ang ginagawa ko? hindi naman kita iniiwasan. OK naman tayo." Sabay na kaming pumunta sa tabing-dagat. Ready na ang lahat. Mainam tong ganito parang tuloy-tuloy ang shoot! Akala ko kasama sa entourage si Gemini. Isinama lang pala siya para tulungan ako sa concept ng video. "Gem! Pwede na tayong mag-island hopping? Tapos ka na dito diba?" si Marlon yan. "Kaya na ni Miss Chloe yan. Diba miss photographer?" "Bestman ka diba? Pwede ka nang magready para hindi madelay ang trabaho?" "May bukas pa naman. Enjoy muna tayo diba brod?" sabi niya kay Menard. "Pwede namang tapusin na lahat ngayon para mag-enjoy na lang kayo bukas at hindi masayang ang oras ko." Mataray kong sagot. "Coz you see mister pinakiusapan lang ako dito," Wala silang magagawa! Hindi ako sanay na ipagpaliban ang mga bagay-bagay! -- Gabi na. Tapos na din ang trabaho ko kaya nag-a-unwind na ako dito sa may tabing-dagat. See foods plus wine. Mag-aalas nuwebe na din. parang ngayon ko nararamdaman ang pagod sa mga gabing nagpupuyat ako sa pagrarush ng presentations. "Hindi maganda ang uminom mag-isa." Tumabi sa akin ang isa sa mga bride's maids. Inilahad niya ang kamay niya sa akin. "Rica..." "Chloe..." "Chloe Bernadette Joves." Ulit niya. "Young wild and free." Napangiti ako. Isa yon sa mga pinost ko sa twitter ng agency. Picture ko yon nung unang araw ko sa work. Young wild and free ang caption. "Sana ni-like mo ha."biro ko sa kanya. "Shinare ko pa. dinownload ko pa nga oh."pinakita niya yung wallpaper niya na yung mismong picture. "Idol e. ha ha! Don't get me wrong huh." "It's okay. Nagwowallpaper din ako ng mga idol ko. Specially Avril Lavigne." Nabalot na kami ng katahimikan. Parang masarap lang kasing pakinggan ang hampas ng tubig at ang mahinang ihip ng hangin. "Anong nagustuhan mo sa photography?"tanong niya. "Ikaw? Anong nagustuhan mo sa mga kuha ko?" Sandali siyang nag-isip. "I don't know. Parang nagmagnet lang ako sa ganda ng mga kuha mo. parang may magic sa bawat picture." "Yun mismo. Hindi ko maipaliwanag ang satisfaction sa photography. When you capture candid shots. Iba yung feeling. " "Don't get me wrong ah. Hindi ako stalker pero parang malaki yung difference ng mga kuha mo noon kaysa ngayon." "What do you mean?" "Hindi ka na kasi nagpopost ng random pictures ng activites mo. Puro na tungkol sa trabaho. Unlike noon." "And you are not stalker huh?" "Hindi nga. Napansin ko lang." Nung kami pa ni Gemini madalas akong magpost ng mga lugar na pinupuntahan namin. Kahit sa park, sa mga zoo, beaches, fields. Anywhere basta kasama ko siya kahit hindi siya nakukuhanan ng camera ko. parang nandun na din yung memories. "napansin ko lang talaga. creepy ba?" Umiling ako. "Naniniwala ka na ang pag-ibig ay maaring makita sa mga larawan?" "Oo naman!" "Lahat ng pictures na pinost ko noon ay may kinalaman sa kanya. Sa taong minahal ko." Sandalai siyang napaisip. "San na siya? break na?" Tumango ako. "kaya puro work related na lang ang pinopost ko. Wala nang masayang moments e." "Oh I see. Gets ko na. Relate naman ako. Ghost writer kasi ako. Halos lahat ng sinusulat ko tungkol sa ex ko. hayun parang hindi ako nakamove on." "Bakit kailangan pang maging ghost writer? Hindi ka ba proud?" "Nahihiya kasi ako. Saka baka mabasa pa niya isipin niya mahal ko pa din siya." Ininom ko ang natitirang alak s a glass ko. "It's all in the mind. For all you know wala na siyang pakialam sayo.' "Grabe. Masakit yon ha." Inalok ko siya ng wine. "Mas masakit mas madaling makamove on." Parang kulang yung wine kaya bumuli pa kami ng beer. Nalasing na yata siya kasi puro na siya mura sa ex niya! "Putang ina niya. sabi niya wala siyang ibang jowa pero makita kita ko sa gallery ang mga pictures nila sa kwarto nung girl. Anong ginawa nila? Chess?! Putang ina." "Uy kumalma ka naman." Wala yatang makakaawat sa kanya. Umiiyak pa nga e. "Ikaw Miss Chloe? Madali ka bang nakamove on? Paano? Turuan mo nga ako." "Ewan ko. Basta." Hirap na hirap akong alalayan siya. Susuray-suray kasi. "Tang ina siya! Pare-pareho ang mga lalaki! Konting tukso, bibigay agad. Tang ina nila!" Nakakahiya sa mga nakakasalubong namin kaya tinakpan ko ang bibig niya. Saan ko naman siya ihahatid? Baka mangulit pa to sa kwarto nila. "Gusto mo mag-stay sa room ko?" "Tang ina...bueset sila..." Hay! Ano pa nga ba? Hirap na hirap akong ipasok siya sa kwarto. Naghanap ako ng damit ko na pwedeng kumasya sa kanya. Sana hindi siya malikot matulog. Nakamove on? I doubt it. Mahal ko pa si Gemini. Mahal na mahal pa. Good thing may work ako na pinagkakaabalahan kaya hindi ko siya gaanong naalala. -- "Miss Chloe..." Naalimpungatan ako sa boses ni Rica. "Gising ka na. May gustong kumausap sayo...." "Sino..." Bumangon ako. Si Gemini! "Balik na ako sa room namin."sabi ni Rica. "Yung damit mo nasa sofa."sabi ko naman. Nagpusod ako ng buhok bago hinarap si Gemini na salubong ang kilay. "Wow! Flavor of the month?" May galit sa tono ng pananalita niya. "Grabe Chloe. Grabe talaga!" "Anong grabe? Saka anong ginagawa mo dito?" "Titingnan ko lang kung okay ka kasi nakita kitang umiinom kagabi. Pero sa tingin ko okay na okay naman e." "Ok ako. Nakita mo na. Pwede ka nang lumabas." Pinigilan niya ako sa braso nang tatalikuran ko siya. "Anong problema mo?!" "Ikaw! Ano ang problema mo Gemini?! Huwag kang umarte na may pakialam ka sa akin. Hindi mo ako alagain dito. Kaya ko ang sarili ko." Hindi ko alam kung may gusto pa siyang sabihin pero iniiwas niya ang tingin niya. "May breakfast na inihanda sa restau para sa atin. Hintayin ka na lang namin dun." Lumabas na siya ng room. Inayos ko na muna ang mga gamit ko para makaalis na din after ng breakfast. -- Breakfast. 8:00 Nagkasabay kami ni Rica. Hindi daw niya maalala ang mga pinagsasabi niya kagabi! "Good morning."bati ko sa kanila. "Nakakahiya namang hinintay niyo pa kami." Ako lang ba o parang nakikita ko yung inis sa mukha ni Gemini. "Sorry talaga guys."sabi ni Rica. Dalawang upuan na magkatabi ang naiwan kaya automatic na dun kami uupo. Katapat namin sina Gemini at Marlon. Well practiced ang pagiging manhid ko kaya kebir lang na pinagsisilbihan siya ni Marlon. Magpakasweet lang sila kahit maghapon sa harapan ko! Siniko ako ni Rica. "Gusto mo ng Alimasag? Diet ka ba?" Umiling ako. "Light breakfast lang ako." "Sus! Try mo lang gurl. Masarap." Pagkumbinsi nila sa akin. Mahirap kasing kainin! Yun ang problema ko! Kaya ako nag-aalangan! Natawa si Rica. "Ah! Hindi ka marunong kumain nito to?!" "Ok lang talaga." Hindi na ako pinilit pero yung half ng alimasag na kinakain niya nilagay niya sa plato ko. "Thanks." Tahimik lang ako habang nagkukwentuhan sila tungkol sa wedding. Solve na ako sa food actually. Tapos yung dessert! Angsarap ng leche flan! "Miss Chloe, invited ka sa wedding ha? Bilang bisita."sabi ni Menard. "Kein will be there also. Siya na lang ang escort mo." "I'll try. Depende kung walang shoot." "Indemand."I really don't like Marlon's tone! "Siniko siya ni Gemini." "What? Sabi ko lang indemand siya. What's wrong with that?" "No worries. Totoo naman. I have a schedule abroad on December. Australia and Paris. So medyo indemand nga." Nadismaya ba si Marlon? Good! Yung sa Australia hindi pa sure pero yung Paris, first week ng December nandun kami ni Kein para sa Launching ng Persona Clothing lines. "Kukunin ko na lang ang number mo..." pahabol ni Menard. "Sa agency ka na lang tumawag if my irerefer kang work. Wala kasi akong phone." - Pabalik na ako sa room. Sinundan pala ako ni Gemini. "Chloe..." Hinarap ko siya. "Kukunin ko ang number mo. Para kapag editing na ng videos matulungan kita." "Punta ka na lang sa agency. Wala na akong phone. Sa office na lang natin gawin if ever." "Are you serious?" I nodded. "Pero tawag ka muna sa office baka wala ako dun nakakahiya naman sayo." Binuksan ko na ang room ko. "Gusto mo pang pumasok?" Umiling siya. "Sige. Ingat ka." "Thanks." Paalis na siya nang patakbong dumating si Rica. "Miss Chloe! Yung Tshirt mo. Pinadry clean ko yan ah. Nakakahiya e." Tinanggap ko naman pero nagrequest pa siya ng selfie pic sa phone niya. "Ipagyayabang ko lang sa friends ko na nameet kita." "Hindi naman ako sikat." "Akala mo lang." 3...2...1... click! "Thank you!" Para siyang teenager! Ha ha! Tagahangang teenager na malakas magmura! Ha ha. --  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Billionaire's Last Heir (Tagalog)

read
325.5K
bc

Unexpected Romance

read
38.1K
bc

STALKER_Mafia Lord Series 3

read
320.3K
bc

The Tears of Faith (Tagalog/Filipino)

read
186.7K
bc

ANG NABUNTIS KONG PANGIT

read
477.4K
bc

Stubborn Love

read
98.7K
bc

Pretty Mom (Filipino) R-18

read
26.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook