MP 3-4

4693 Words
Tres. -- "Forced leave? Boss naman. Marami pa akong schedules oh." "I can't sacrifice your health Chloe. Napapansin na din ng workmates mo na nag-ooverwork ka. Kung may problema ka iayos mo muna. Two weeks lang naman yan. Hindi ka naman siguro mangangalawang diba?" Hay. Ano pang magagawa ko kung si boss na nag-utos. Bumalik ako sa table ko. My God! What to do in two weeks? "Mukhang may pinagsakluban ng langit at lupa." Rinig kong boses ni Kuya Kein yon. Isa din naman siya sa mga pumipilit sa akin na magpahinga din. "Ano? Happy Kid ka na? Two weeks yun kuya. Two weeks!" exgerrated na kung exaggerated! Naglapag siya ng sandwich sa table ko. "A badly needed two weeks rest bunso." Muli akong dumukdok. Hindi niyo kasi alam ang nararamdaman ko. Sa nakalipas na mga buwan ngayon lang ulit ako magkakaroon ng ganun katagal na pahinga. Parang mas nakakapagod. "Excuse me, Miss Chloe. May gusto pong kumausap sa inyo." Si Secretary Dela Rosa yan. "Kung client yan tanggihan mo." pahabol pa ni Kein. "Pahinga bunso. Pahinga." "Sino daw?"tanong ko pagkalapit ko sa table ni Ate Raquel. "Gemini daw." Hay. >>>Hello... Bakit ka napatawag? (parang ayaw mo akong kausap...) >>>May nangyari lang. Ano palang kailangan mo? (Off ko kasi ngayon. Baka kailangan mo ng tulong sa pag-edit nung pre-nup video. Pwede kitang tulungan.) Paano ko ba siya tatanggihan? Paano ko ba sasabihing kaya kong mag-isa dahil makakagulo lang siya sa isip ko? (Chloe? Anjan ka pa?) >>>Ah oo... I'm still here... Sige... Pwedeng diyan na lang sa inyo gawin? Hindi pa ako nakakapaglinis ng bahay e. (Sige sige... See you later.. alam mo pa yung papunta dito?) >>Oo.. Sige..See you.. Napabuntong hininga ako pagkababa ko ng phone. Don't let your guard down Chloe! Kaya mo. Kaya mong ihandle ang presence niya. Kinaya mo ng ilang buwan na wala siya. -- Nililigpit ko ang mga gamit ko nang lumapit sa akin si Kuya Kein. "Bunso, magpahinga ka sa loob ng isang linggo ha? Ipahinga mo yang puso mo." "Ha?" Kinuha niya sa bulsa niya ang isang picture. s**t! Saan niya nakuha ang picture namin ni Gemini? "Nakita ko to sa mga folders mo. Since may note naman sa likod nag-stalk ako. Lilipas din yan. Huwag mong sagarin ang katawan mo." "Itapon mo na lang yan. Hindi na importante yan." "Pasensya ka na bunso. Hindi ko pa naman kasi alam na makakasama mo siya sa shoot. If I knew it all along hindi na kita irrerkomenda." "Hayaan mo na. Baka kailangan din mangyari yun. Alis na rin ako. Thank you sa advice kuya." Nag-fist bump kami bago ako umalis. Umuwi muna ako para kumuha ng ilang gamit. Maraming eksena ang pumapasok sa isip ko. Random things na what if mangyari. What if matuliro na naman ako. Or even worst what if hindi pa talaga ako ready na makita siya? Bahala na nga. Madali lang siguro to. isipin ko na lang para sa trabaho. -- Bumaba na ako ng tricycle. Same old kulay ng gate. Nung kararating ko lang ng Maynila ilang beses akong nagpapabalik-balik dito nang hindi niya alam. Chinecheck ko lang kung nakauwi na siya. Pag wala akong shoot maaga ako dito para ihatid siya ng tanaw. Napagod din ako. Nagsawa. Nagdoorbell ako. Yung t***k ng puso ko. Angbilis. Itutuloy ko ba to? Magpalusot na lang kaya ako na may importanteng gagawin kaya aalis na lang? Hindi ko yata kaya! Akmang tatalikod na ako nang bumukas ang gate. "Hi. Sorry natagalan..." "Okay lang." tipid kong sagot. Pumasok na kami. NAglinis pa yata siya. Parang immaculately clean ang living room e. "Kumain muna tayo. Nagluto si ate Larah bago siya umalis e." Nakalimutan ko nga palang kumain. Nasanay kasi ako sa trabaho na nagpapalipas na ng meal time. I make it a point na hindi niya ako pagsilbihan. "Kumusta ka na?" tanong niya. Iniangat ko lang ang tingin ko. Seryoso? Kukumustahin ako? "Ok lang. Ok na."Tipid kong sagot. "May extension ba kayo? Sa terrace ko na lang i-set up yung lap top. Mas mahangin dun e." "Meron. Okay. Ikaw bahala." Katahimikan na ulit. Binilisan ko na ang kain para maumpisahan na ang trabaho. Ayokong maabutan ng gabi dito. -- Nasa terrace na lahat ng kailangan ko. Yung mahabang mesa. Yung mga extension. Dalawang electric fans. "Anong gusto mong meryenda?" "Wala. Hindi ko ugaling magmeryenda pag may trabaho."sagot ko habang isinasaayos ang extension. "Kanina pa tayo magkasama hindi ka man lang nagsasalita." Napabuntong hininga ako. "Hindi na ako mahilig magkwento. Napapagod na ako sa trabaho mapapagod pa ko sa pagkukwento?" "Sungit." Hindi ko na siya pinansin. Naupo na ko sa harap ng laptop para maumpisahan ang trabaho. Nag-inat ako kaunti. Heto na. Trabaho na! Nagpasak ako ng earphone na konektado sa laptop. Played some love songs. I didn't hate love songs kahit broken hearted ako dati. Wala naman silang ginawa sa akin e. "Patingin ng mga pics." Naupo siya sa tabi ko. Binigay ko sa kanya ang Bluetooth mouse. "Ikaw na lang pumili ng pwedeng isama sa pre-nup. Since concept mo naman yung theme." Umusog ako nang kaunti para magawa niya ng maayos ang pagpili. Hiniram ko ang laptop niya para makapagdownload ng songs. "Same password?" Tumango siya. Okay. Internet. Google. Download. Ilang minuto pa. "Pili ka nga dito kung anong mas maganda?" Tiningnan ko yung sinasabi niyang options. Yung isang pic kasama si Rica. Yung isa siya naman ang kasama sa picture. Tinuro ko yung picture na kasama si Rica. "Favoritism." Rinig kong sabi niya. "Hindi sa ganun." "Huwag ka nang magpaliwanag. Flavor of the month mo kasi siya. Okay na. Mabilis kang magpalit ng babae." Hindi ko na nga pinatulan. Nandito ako para sa trabaho hindi para ka-immaturan niya. "Tapos ka na? Edit ko na?" "Hindi pa." Tiningnan ko ang relo ko. 3:00 na. Napakatagal niya palagi sa ganitong mga bagay bagay! Napadukdok na ako sa mesa. Ngayong ko yata inaani yung ilang linggong kulang ako sa tulog. Nabalikwat ako sa panaginip ko. Tsk! Nahuhulog daw ako sa isang gusali! "Shit."Napahawak ako sa ulo ko. Sumakit bigla. 5:00 na. Anghaba naman ng idlip ko kaya siguro sumakit na rin pati batok ko. Wala si Gemini. Pero may note sa tabi ng laptop. Bumili lang ako ng meryenda. Check mo yung video. I-polish mo na lang. Pinapanood ko ang video. Parang wala na akong iaayos naman dito. We almost have the same technique in making videos. Nung kami pa kasi nagshishare kami ng ideas kung paano mas mapaganda ang video edit. Suma-sideline kami noong college para may pandagadag allowance or date. Napangiti ako sa isip ko. Those were the days when we still have same perspective in life. Nabobored na ako. It's been months. Kumusta na kaya ang f******k ko? Here goes nothing. I activated it again. Nagpost lang ako. Chloe Joves FORCED LEAVE :( Scroll lang ang ginawa ko. Nag-pop-up ang isang message. Rica Geneses Siliman Oh my gahd! Active ka na ulit! Remember me? Sorry feeling close... Hindi ko pa siya friend sa sss. Nakafollow lang siya sa akin. Tiningnan ko ang profile niya. Pinost niya pala yung picture namin. Napangiti ako sa caption. Fangirling is real!!! Ni-like ko naman. Tapos ina-add ko na rin siya. Mamaya-maya ang nagsent ulit ng message. Rica: totoo? Inadd mo ako? Me: Oo. Rica: Nakakaistorbo ba ako? Me: No. I just wake up. Rica: good morning miss masungit! Ha ha! Sorry. Feeling close na talaga. Me: Okay lang. Mukhang good mood ka. Rica: Oo naman. Monthsary namin ni baby ko e. Greet mo naman ako! Ano ba yan. Me: Happy monthsary... WALANG FOREVER. Kidding. Stay inlove! Teka. Sa naalala ko broken hearted din yon ah. Paanong monthsary? May pumarang tricyle. Si Gemini. Sabi niya meryenda ang bibilhin niya pero isang bilao ng pansit ang iuuwi niya. Sinalubong ko na siya. Bukod kasi sa pancit may grocery bags pang dala. "Long time no see Ineng."Bati ni manong sa akin. Manong naman! Siya kasi yung madalas kong arkilahin nung pumupunta-punta ako dito. Nung stalker pa ako. "Kumusta ka na? Matagal-tagal na din nung huli kitang nakita Neng. Bakit pumayat ka yata?" "Busy na po sa trabaho manong." Nang maibaba na lahat ng grocery bags ay umalis na rin siya. "Paano mo nakilala si manong" "Nothing interesting." "Angsungit mo." Hindi ko na ulit siya pinatulan. Nasa terrace na ako ulit. Siya naman ipinasok niya ang mga binili niya. Marami na palang messages si Rica. Hay! Ito nagdadrama. Nagcecelebrate daw siya ng supposed to be monthdary nila ng jowa niyang manloloko naman. Naawa ako sa kanya. Sa dami ng messages niya isa lang ang pwedeng kong ireply. Me: Lilipas din yan. You can move on. Unti-unti. :) "Mukhang active ka na ulit ah." Si Gemini. "Gusto mo ng pansit?" Umiling ako. "Kailangan ko nang umuwi." Ililigpit ko na sana ang mga gamit ko nang may tumigil na van. Anong ginagawa ng mga to dito? Mga college friends namin ni Gemini. Excited na bumaba ang mga kaibigan namin. Shane, Liezel, Steph, Shiela, Marie Joy at si Angel. "Happy birthday tol! Namiss ka namin!" yakap nila kay Gemini. Shoot! Nakalimutan ko nang birthday niya. "Chloe?" si Angel yan. Niyakap niya din ako. "Grabe! Hindi ko ineexpect to. Kayo na ulit?" Umiling ako. "May collab lang kami. Kaya ako nandito." "Please stay. Just for tonight." Pakiusap ni Gemini. And I think wala na akong magagawa. Every year simula nung magkakilala kami, ako na ang kasama niya sa birthday niya. Just one of those celebrations. Sabi ko na lang sa sarili ko. Pinapanood ko sa kanila yung inedit niyang video. Lahat sila nag-approve. "Angperfect naman nito girl!"komento ni Shane. "Paanong hindi magiging perfect e concept niya yan."Singit ni Angel. "Diba bru?" baling niya sa akin. "Ganyan-ganyan yung theme na gusto niyo sa pre-nup niyo sana." Awkward atmosphere. Gusto kong batuhin ng babasaging baso si Angel dahil lagi niya akong inilalagay sa alanganing sitwasyon. Magbabarbecue daw kami. Amoy ewan na ako. Wala akong dalang extrang damit! Namomroblema tuloy ako ngayon. Kalalabas ko lang ng banyo. Paano ako mamaya? Angbaho ko na! "Bru..." si angel yan. Tinitiyempuhan yata talaga ko. "Uso magkwento." "Huh?" Yung tingin niya. parang sinasabing HUWAG KANG MAGMAMAANG-MAANGANG SA IBIG KONG SABIHIN look. "Maybe some other time? Huwag dito?" "Hindi ka naman nila maririnig. Bakit ka nandito? Akala ko ba move on na?" "Move on naman na. Sabi ko sayo dahil sa trabaho kaya ako nandito." "Sa birthday pa talaga niya? Seryoso?" Alanganin ang pagngiti ko. "Sa totoo lang, nakalimutan kong birthday niya kung hindi lang kayo dumating." "Awts. Masakit yung sa part niya bru." "Hayaan mo na. Balik na tayo dun." Nagkakasiyahan na sila sa labas. Tuwang tuwa si Steph kay Shiela. Inilabas niya kasi ang electic fan dahil tamad daw siyang magpaypay sa nagbabagang uling. "Tumulong naman kayo. Naiiyak na kami dito sa usok oh."Panongonsensya niya Marie Joy. "Ikaw Chloe anong tinatayo-tayo mo diyan? Picture na! It's your honor para mapicturan kami no." Mas okay nga naman ang magpicture na ako kaysa mangamoy usok diba? Tinitingnan ko ang mga pictures sa preview. Maganda pa rin si Gemini. Tumaba lang kaunti. "Matunaw yan uy..." Sino pa bang makulit? De si Angel. "Kaygandang dalaga hindi ba?" "As usual."tipid kong sagot. "Parang balik ka na sa dating Chole e. Masungit ka na naman." Ngumiti lang ako. "hindi ako masungit. Pili lang ang mga salitang binibitawan ko." "Whatever. But I can sense the tension." "Guni-guni mo lang yan." "Guys! Kakain na!" tawag ni Liezel sa amin. "Bawal diet dito Chloe ha? Cheat day ngayon!" Kumanta muna kami ng happy birthday. Hindi ko madescribe ang expressiong ni Gemini. Iniiwas ko din ang tingin ko baka mahuli niya ako. Tumunog ang phone niya. "Hello... Ha? Anong ginagawa mo diyan? Teka nga..." "Saglit lang ha?" Excuse niya sa amin. Paglabas niya ay sumunod si Liezel. Sumilip sa bintana. "s**t! May lalaki mga sis! At Gwapo. May malaking flowers pa! at teddy bear!" Nagmamadali siyang bumalik sa upuan niya. "Anong gusto niyong gawin natin?"tanong niya bigla. Saka bumaling sa akin. "Ano Chloe?" "Ha? bakit ako? Wala naman akong problema sa kanya." "Patambangan ko sa mga kafrat ko yan e."seryosong sabi ni Shane. "Tsk." Si Angel. "Ayaw ni Gemini ng surprises. Kapag yan inentertain nang super bongga yang lalaking yan I promise. Bubunutan ko ng isang kilay si Gemini pag tulog siya." "Baliw." Saway ko sa kanya. "People change. Malay mo naman. Huwag niyo na lang imention ang tungkol sa amin ni Gemini." "Tanginang martir na ex to." balik pang-aasar niya sa akin. -- Smooth naman ang dinner. Parang iniinterogate nila si Marlon. As far as I am concern naman, kung magustuhan siya ni Gemini wala na akong pakialam dun. "I didn't know you're friends with Miss Chloe." Sabi ni Marlon in between conversation. "Hindi mo nabanggit nung nasa resort tayo." "Sorry. Nawala na rin sa isip ko." sagot ni Gemini. "Not important to mention."singit ko naman. "Nandun naman tayo for work and not for acquaintance." Kwentuhan lang. Most of the time si Marlon ang nagdadala ng kwentuhan. Napapataas ang kilay ni Liezel. Nayayabangan na to. "Should we get some drinks? My treat." Sabi ni Marlon. "San mig or any?" "Alam mo?" si Liezel yan. "Hindi pa tayo close para ayain mo kaming uminom. You're not a gentleman for acting like that." "Zel..." saway ko sa kanya. "Kalmahan mo lang." "Pasensya na. I'm just trying to reach out to you dahil mga kaibigan kayo ni Gemini. I thought okay lang." Liezel rolled her eyes. Nabalot na kami ng katahimikan. Si Steph nagsimula na ulit ng new topic. About 30 minutes ay nagpaalam na si Marlon. Something na sana daw ay kanina pa niya ginagawa sabi ni Angel dahil inom na inom na siya! Sabik sa alak e. Nakikipag-inuman naman kami sa mga kaibigan naming lalaki nung college. Except kapag yung lalaki ay manliligaw pa lang ng isa sa amin. Hinintay pa nilang makapaasok si Gemini. "So shall we start the session?" sabi ni Angel. Parang hindi affected si Gemini sa pag-asta nina Liezel kanina. Sila pa ang naglabas ng mga maiinom. "Tangina ka talaga Chloe! Nagbreak lang kayo ni Gemini tuod ka na! Mula kanina parang hindi pa lumalampas sa 100 ang sinabi mo e." "Oo nga. Hindi ka ba masaya na nagkita-kita tayo?" si Steph. "Nakakahurt ah. Hindi mo kami namiss?" "Ako nga hindi niya namiss kayo pa kaya."Si Gemini. Nakarami na rin ng shot yan. Emperador naman kasi ang binili niya. "Asa pa kayo..." "Wow! Si Gemini gumaganyan! Oh Chloe hindi mo daw siya namiss.."pang-aasar ni Steph. "Yung tataa? Hindi talaga?" All eyes on me! Si Gemini hindi makatingin. Hindi kasi alam ng mga to kung bakit kami naghiwalay. Pinangatawanan ko na lang yung hinala nila na may iba ako. "Inuman lang walang iyakan." Tinaas ni Shane ang baso niya. "Happy birthday Gemini! Our Gemini!" Bottoms up daw. Nakarami na kami. Dumating na si Larah. Kumain siya nang kaunti bago nakijoin sa amin. "Angtagal mong hindi nakapunta dito Kelan pala ang alis mo?" Napa-What reaction sina Angel. "Aalis ka? Bakit? Saan? Iiwan mo na kami?" Maga lasing na talaga ang mga to. Pangteleserye ang mga tono nila e. "December pa naman. Paris may opportunity e." Samut-saring excited na komento ng mga to. Hindi ko na gaano dinidibdib kasi nakainom na sila. Mga eksaherada na. Tuloy lang ang inuman. Nakakarami na sila. Pangatlong bote na. Nagstop na ako. Mas sumasakit kasi ang ulo ko. Humiram ako ng damit kay Larah. Pati undies na rin. "May pantyliner diyan sa durabox."sabi niya. "May tampuhan ba kayo ni Gemini? Bakit hindi kayo nag-uusap?" "Wala naman. Baka moody lang kami pareho. Okay naman kami." "Maloloko niyo ang iba ako hindi." Seryoso niyang sabi. "Ikaw ha? Akala mo ba hindi ko nahahalata ang mga tinginan niyo noon? Tapos ngayon parang wala lang. Umamin ka nga. Nag-away kayo no?" Tumango ako. "Pero magiging okay din kami. In time siguro." Hindi na rin siya nagtanong pa. Kung ano man yung alam niya ayokong iconfirm. Si Gemini ang dapat na magsabi sa kanya. Nakaligo na ako at lahat hndi pa rin sila tapos. Nakikipagsabayan si Gemini naman. "Shane. Asan yung susi ng van?"tanong ko. Initsa niya ito sa akin. Agad ko namang ibinulsa. "Bukas na kayo umuwi ha? Marami na kayong nainom." Lumabas muna ako. 11:00 pa lang. Hindi pa oras ng pagtulog ko. For the past months, madalas inaabot ako ng madaling araw bago makatulog. Isa siguro ito sa mga gabing iyon. I know it's not healthy. I can't help it. I am full of random thought. Tulad ngayon. Inopen ang laptop. I need to relax! "Uy! Bakit nag-eemo ka jan? Dito ka nga!", sigaw ni angel. "Ngayon lang tayo nagkita e!" "Hindi ko na kaya bru. Papahangin lang ako." Pinapanood ko yung pre-nup video. Naupo sa tabi ko si Gemini. "Nagustuhan mo ba?" yung hininga niya amoy emperador. "Hindi ako nahirapan sa pag-edit." "Kabisado mo na kasi ang sequence. Maganda. Almost perfect." "Sorry. Sorry sa lahat." Umiyak na siya. Anong sasabihin ko? Okay lang? Okay lang yung nangyari? "Masaya ka na ba?" tanong niya. "Hindi mo na ba ako mahal? May bago ka na ba?" Nadala lang siguro siya sa dami ng nainom niya kaya ganito siya katapang magtanong. "Okay ako." sagot ko. "Dapat okay ka din dahil ikaw ang nakipaghiwalay." "Hindi ako okay." I-noff ko na ang laptop. Baka hindi pa niya mapigilan ang sarili niya ay kung ano pa ang masabi niya. "Pasok na tayo. Saka na tayo mag-usap pag hindi ka nakainom." Gaya noon. Kapag masama ang loob niya hindi niya ako sinusunod. Nanatili siyang nakaupo. Humihikbi pa rin. "Gem, Iba na ang sitwasyon ngayon." walang emotiong kong sagot sa kanya. "Okay na ako e. Huwag mo nang guluhin ang isip ko." Iniangat niya ang tingin niya sa akin. "Sasagutin ko si Marlon. Magpapakasal kami agad." "Go. Yan naman ang gusto mo diba? Lalaki para hindi ka husgahan ng nakapaligid sayo. Hindi mo na ito kailangang sabihin sa akin. Non-sense na yan. Hindi na ako nasasaktan." Palabas si Larah. Nasense siguro niya na may problema. "Ako na bahala sa kanya. Dun ka na sa kwarto ko matulog." Kung may masasakyan lang talaga aalis na ako. Nasa kwarto na ako. Ano bang gusto niya? Parang walang nangyari? Mahal pa niya ako kaya magbalikan na ulit kami? Napakakomplikado niyang tao talaga. Mag-aala dos nang pumasok si Larah. Hindi pa rin ako makatulog. "Maaga akong aalis mamaya. Baka mas makasama pa pag nagising siya e nandito pa ako." "Mas mabuti nga siguro. Ngayong lang yan. Masasanay din siya." "Alam mo ang tungkol sa amin?" Tumango siya. "Almost lahat. Minsan kasi nag-inuman kami. Hayun nagdrama. Naintindihan ko naman siya. Naiintindihan din kita kung galit ka sa kanya." "Salamat. Maybe in time magheheal din ang pain." "Sure yan. Pero sa ngayon e matulog muna tayo. Dito na ako sa baba. Good night. Huwag mo akong gisingin pag aalis ka mamaya. Nananampal ako pag hindi kumpleto ang tulog." -- --4-- Dalawang araw na rin ang lumipas. Nakatitig lang ako sa isang regalo sa mesa. Hindi ko na to maibibigay sa kanya kahit matagal ko nang nabili. Magiging conflict na naman kasi kapag nakipagkita pa ako sa kanya. Dalawang araw na rin akong nakaleave. Naubusan na ako ng gagawin dito sa bahay. Nakapag-general cleaning na ako. Pati damitan ko natanggal ko na ang mga damit na hindi ko na ginagamit. Nabuburyong na ako! Hindi pa rin ako naliligo. Nakakatamad! God! Baka pagkatapos ng dalawang linggong leave tuluyan na akong tamarin. Punta nga muna ako sa mall. Mamili ng mga bagong damit. Niligpit ko naman kasi lahat ng mga damit na regalo ni Gemini sa akin. 70% na yata ng wardrobe ko e galing sa kanya. Hay. Matagal ko na sanang ginawa to kung hindi lang ako busy sa trabaho. O kung hindi sana ako sentimental na tao. Kung ang iba hindi kayang umalis ng bahay na walang cellphone, ako naman hindi ko na yata kayang umalis ng bahay na hindi dala ang camera ko. Here it goes! Fitting room... Change mind.. Fitting room.. God! Bagay ko ba to? Bahala na nga. Nakaanim na shop siguro ako. Pwede na to. Para akong tanga dito sa restaurant. Inilapag ko kasi sa kaharap kong upuan ang mga paperbags. Ganito pala kasakit sa bulsa ang magmove on. Solo flight? No problem. Solve ang gutom. So what's next Chloe? Alangan manood ka pa ng sine.  Bad idea. Sabi ko sa sarili ko. Paano tong mga pinamili ko naman? tsk. Dapat pala nanood muna ako bago namili. Sa hindi kalayuang mesa ay may nakita akong isang familiar na mukha. Si Sophie. Nakita yata niya ako. Kumaway e. Lumapit siya. "Nice to see you again." nilahad niya ang kamay niya. "Chloe the great!" "Same here." Isa sa mga models ng Persona. Nameet ko siya sa elevator. Papunta ako nun sa isang fashion show in behalf of Kein. Nagkapower interruption. Kailangan niya akong kausapin nang kausapin dahil nagpapanic na ako. "You still look pale." Pansin niya sa akin. "Wala kang kasama?" Tumango ako. "I go solo most of the time." "Nakakalungkot naman ang ganun. Boring kaya yon." "Hindi naman. Sanayan lang." Sandali akong nag-isip. "Gusto mong kumain ulit? Kaso baka masira ang figure mo." "Okay lang. Cheat day, " nangiti siya saka tinawag ang waiter. Listener lang talaga ako. Siya naman kwento lang nang kwento. Sa work. Sa mga out of towns pictorials. "Sasama ka ba sa Paris?" Out of the blue na tanong ko. Nagtataka ang mga tingin niya sa akin. Baka iniisip nito inaaya ko siyang sumama. "Uhh ibig kong sabihin, may fashion show ang Persona dun this December. Kasama ka ba?" "Ah.. oo.. My god! Diet na naman ako bukas. Pero Paris na yon. PARIS." Excited siya. Ramdam ko. May ginawa na nga daw siyang plans para maenjoy niya ang Paris. "Maisisingit mo talaga yan ha?" "Oo naman. First time kong aalis ng bansa na walang chaperon no?" "Weh? Boyfriend perhaps? Chance to spend time na rin yon." "Ayoko. Baka hindi ko pa mapigilan ang sarili ko at may mangyari pa. Paris yon Chloe. Romantic place. Baka alam mo na?" Nagets ko naman ang ibig sabihin niya. Career oriented din pala siya. "I should be going."paalam ko sa kanya. "Inaantok na kasi ako." "May dala kang kotse?" Umiling ako. "Wala akong kotse. I mean wala pa." "Magcocommute ka dala ang mga to?" Tumango ako. "Hindi naman mabigat." "Sabay ka na sa akin. Angdami nito huh." "Nakakahiya naman yon." Dinampot na niya ang tatlong paperbags. "Nothing wrong in helping a friend. So tara na. Nang makita ko naman ang bahay ng isang Chloe The Great." "sana walang sumusunod sayong paparazzi no?" mahina kong sabi. Natawa naman siya. "Grabe? Hindi ako sikat na sikat no. Anong makukuha ng mga paparazzi kapag napicturan naman tayong magkasama?" "Malay ko. Alam mo na ang media ngayon nakakatakot na minsan." NAgrereklamo na siya dahil tahimik ako. Pakiramdam daw niya ayaw ko siyang kasama. "You know what makes you adorable?" "huh?" Nangiti siya pero nakafocus pa din sa kalsada. "Masyado kang mysterious. Para kang yung mga napapanood ko sa movie na serial killer." "Ano?" takang tanong ko sa kanya. "Serial killer na ako ngayon?" Natawa naman siya. "I'm just kidding here Chloe. Angseryoso mo kasi. Pero naniniwala akong sa likod ng katatahimik mo ay may isang kwento na ayaw mong i-share." "Ewan ko sayo..." Nilakasan niya ang music. Favorite song niya siguro to kaya sinasabayan pa e. Stitches and burns. "Pasyal muna tayo."Sabi niya. "Gusto kong pumuntang church." "Okay. Mabobored naman ko sa bahay." Walang mass. May mga mangilan-ngilan na nananalangin. Nakaupo lang kami ni Shophia. "Madalas ka dito?" Tumango siya. "Lalo pag stressed na stressed na ko. Siya lang kasi ang nakikinig sa akin." "True. Gawain ko din yan noon. Noong hindi pa ako nilalamon ng trabaho." "Bakit kasi puro ka trabaho. Ano bang pinag-iipunan mo? Sabi ni Kein e sa office ka na natutulog." Nagtataka akong napatingin sa kanya. "Huwag ka nang magtaka. Nauna kong nakilala si Kein so Naikukwento ka niya. Kung gaano ka kaworkaholic." "Ah. Kailangan ko kasi ng pamatay oras." Paglabas namin ng church bumili naman siya ng sampaguita. Cotton Candy. Tapos hihirit pa ng lobo. Ginulpi pa talaga niya lahat. "Anong gagawin mo diyan?" Pinahawak niya sa akin saka pumasok sa kotse. Kumuha siya ng tissue at eyeliner. "Wala akong papel at ballpen e. Isulat mo nga lahat diyan ang mga worries mo." "Bakit?" "Basta. Tapos i-roll mo. Bilisan mo ha? Nangangawit na ako sa mga lobo e." Ginawa ko naman. Siguro mga sampu din yun. Mga bagay na nagpapabigat sa pakiramdam ko. Last tissue. Gemini. Hay. Ni-roll ko na lahat. "Itali mo isa-isa sa mga lobo," utos ulit niya. Ginawa ko ulit . Nang maitali na ay inaya niya sa sa gitna ng parking space. "Isa-isa mong pakawalan ang mga lobo ha? Ipaubaya mo na kay Lord ang mga worries mo. Okay?" Kunot na naman ang noo ko. "Marami nang iniiintindi ang Diyos idadagdag mo pa ang mga problema ko?" "Hindi siya napapagod. Mas gusto nga niya na dumulog tayo sa kanya pag may mga pinagdadaanan tayo e. So game na ha?" "Sabay sabay na lang." "Isa-isa nga dapat." Wala daw siyang tiwala sa akin kaya iniaabot niya yung lobo paisa-isa. Mukha yata kaming tanga dito? Napakawalan na namin lahat. "Anong pakiramdam?" Nagkibit-balikat ako. "Okay lang. Hindi ko alam. Wala naman. Ganun pa rin." "Angweird mo talaga. Pero sana maging okay ka na. Tara hatid na kita." Kotse na ulit kami. "Nung bata ako ganun lagi pinapagawa ni Daddy sa akin. Sana makatulong din sayo." "Thank you." HIndi na siya sumagot. Pakanta-kanta na ulit siya hanggang makarating kami sa tapat ng inuupahan kong bahay. "Pasok ka muna?"alok ko sa kanya. "Pero kape lang ang maioofer ko sayo." Narinig lang ang kape parang nagningning ang mga mata niya. Bumaba agad. Tinulungan niya ako sa mga binili ko. Hindi naman kalakihan tong bahay pero malinis. Buti na lang naglinis ako knina. "Sandali ha? Pagtimpla lang kita ng kape. May sugar or milk or what?" "No sugar. Gusto ko matapang. Yung.." "Yung kaya kang ipaglaban?" ngiti ko sa kanya. "wow! Chloe! Mula kaninang magkasama tayo ngayon lang kita nakitang ngumiti ng ganyan!" "Ewan ko sayo."Nagtungo na nga ako sa kusina. "Sinong kasama mo dito?"Sinundan pala niya ako. Naupo na rin siya at nagpangalumbaba sa dining table. "Masaya ba mamuhay mag-isa?" "Ako lang. Masaya? In a way kasi walang papansin sa mga pinaggagawa ko. Malungkot dahil walang kakwentuhan." "Kaya ayokong kumuha ng condo e. Makwento pa man din ako mabobored lang ako." "Pansin ko nga. Oh kape mo. Nag-iisip nga ako ng gagawin bukas. Nakaleave kasi ako. Mabobored ako bukas panigurado." "Talaga? perfect!" umaliwalas na naman ang ekspesyon niya. "Sumama ka na lang sa akin. May pictorial ang Persona." "Ayoko. Nahihiya ako. Saka trabaho mo yon baka isipin ng mga photographer niyo may pakialamerang amateur." "Sus naman to. Hindi ka amateur no." Naputol ang kwentuhan namin nang may tumatawag sa akin sa labas. Parang may umakyat na malamig na hangin sa katawan ko nang marecognize ko yung boses. Lumabas ako. Si Gemini. Nakauniform pa. "Anong ginagawa mo dito?" "Dinalhan kita ng dinner."Napatingin siya sa likuran ko. "May bisita ka pala. Mukhang hindi mo na rin naman kailangan to. Uwi na lang ako." "Hindi. I mean pasok ka." Kinuha ko ang dala niya. "Si Sophie nga pala." Nagkamay sila. "Nice to meet you Gemini. But I need to go. Nagtext na kasi si Daddy. Kailangan na ako sa bahay." Inihatid ko siya sa may kotse niya. "Iba ang basa ko sa mga tingin niya sa akin. Scary."Natatawang sabi niya. "Imahinasyon mo. SIge na. Thank you sa paghatid. See you." "Soon. Kasi alam ko na ang bahay mo Chloe The Great." Nag-apir kami bago siya umalis. -- Panis na yata ang laway ko. Nasa hapag kainan kami ni Geminie. "Ano mo siya? Bagong chics? Iba pa yung sa resort?" "Hindi. Kaibigan ko siya." "Tss. Ganun ba ako kabilis palitan Chloe?" may panunuligsa na sa tingin niya. "Ano? Anong pinagsasabi mo na naman?" Kapatol-patol na tong behavior ni Gemini pero ayaw ko namang patulan. Baka umiyak na naman dito e. Magmumukha na naman akong kontrabida. "Alam ba ni Larah na nandito ka? Ne hindi ka pa nagpalit ng uniform mo." Umiling siya. "Wala pa siya sa bahay nang umalis ako." Hay! "Text mo siya. Sabihin mo bukas ka na uuwi." Kumuha ako ng damit ko sa kwarto. "Magpalit ka na muna ng damit at ilalaba ko yang uniform mo para bukas." Walang imik na kinuha niya ang mga ito. Nagtungo sa banyo. Lagaslas na lang ng tubig ang naririnig ko habang nag-uurong ako ng mga pinagkainan. God! I'm on leave but I feel more stressed! Ano ba tong pinagdadaanan kong to. Nandito yung taong sanhi ng sama ng loob ko. Deretso ako sa kwarto para iayos ang kama. Kinuha ko yung extra mat dahil sa flooring ako matutulog. Bumukas na ang pinto. "Naibabad mo na ba yung uniform mo?" Tumango siya. "Sorry. " "Hayaan mo na. Magpahinga ka na diyan. Maglalaba na muna ako. Pagamit muna ng phone mo tatawagan ko si Larah." Lumabas ako ng bahay. Kausap ko na si Larah. NAtatawa pa siya na nandito si Gemini. >>>Anong nakakatawa dito? Naabutan pa niya si Sophie kanina. (Teka sino ba yon? Chics mo?) >>>Hindi! Kaibigan ko. (Kaibigan lang pala so may chance pa yung love story niyo ni Gemini. Ituloy niyo na. Pikutin mo na." >>>Baliw! Wala sa plano ko yan. Sige na. Sumakit bigla ang ulo ko. Pumasok na ako sa kwarto. Nakatalikod siya. Baka tulog na. Inaantok na rin ako pero dahil nandito siya parang hindi ako makakatulog. Inilaba ko muna ang uniform niya. Isinalang ko sa spin dry saka itinutok sa electric fan para matuyo hanggang bukas. Maingat kong binuksan ang pinto ng kwarto. Naglalaro naman na siya sa phone niya. "Akala ko tulog ka na." "Bagay kayo." "Ano?" Iniharap niya ang phone niya sa akin. Stolen shots sa mall kanina. Nakatag pa yung fan page ni Sophia. Ito ang napapala ng hindi updated sa social media e. Marami palang followers nag babaeng yon! "Sa trabaho mo nga naman marami kang makikilang model na pwede mong jowain. Ano pang ineexpect ko?" "Napapaimpossible mo bigla Gemini. Huwag na nating pagtalunan yan. Walang kwenta naman yan e. Matulog ka na may trabaho ka pa bukas." "Dahil pinapamukha mo sa akin na madali akong palitan!" Hay. Paulit-ulit na isyu. As if may magbabago kapag ganito siya. "Hindi mo na ba ako mahal Chloe?" "Napagod na akong mahalin ka." Yan lang ang sagot ko saka ako humiga. Hindi ko siya maintindihan! Iniwan niya ako tapos ngayong nagiging okay na ako nagiging ganito ulit siya. Napakaselfish naman. Ayaw ba niya akong sumaya? --
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD