MP 5-6

4653 Words
--5-- November 2014. Balik trabaho na ulit ako. Halos balik na sa dating routine ang buhay ko. Tulad ngayon katatapos lang ng shoot namin ni kuya Kein para sa isang magazine. Kids naman ang mga models ngayon. Inaayos na niya ang mga gamit. Nagchecheck naman ako ng preview sa camera. "May kaibigan ako.." pag-uumpisa niya. "Please huwag mo akong umpisahan sa ganito kuya. Yung huling pinakilala mo sa akin puro politics ang alam." Natatawa siyang humarap sa akin. "Paano ka makakamove on kung lahat na lang hinahanapan mo ng negative side?" "Dahil hindi ko kailangang makipag-date para makamove on. And I am okay." "Sabi mo e..." Hindi yata kapani-paniwala na okay ako? Mula nung nalaman ni Kein na nagkakagusto ako sa babae ay excited siyang magpakilala ng kung sinu-sinong babae na baka magustuhan ko daw. At lahat sila? ayoko nang maulit na i-date. Nagsasayang lang ako ng oras at pera. "Meryenda muna tayo bago i-meet yung isang client." Yaya ko sa kanya. "Gutom na kasi mga alaga ko." "Ayos yan. Atleast marunong ka nang kumain. Isa na lang ang kulang e." Tingin lang ang tugon ko sa kanya. "Phone. You need a phone Chloe. Necessity na ang cellphone ngayon. Alam mo yan." "Paulit-ulit na lang tayo sa isyu na to kuya. Hindi mo ako makukumbinsi." Hindi ko na ulit siya kinibo. Nasanay na rin naman akong walang phone. I only communicate with some friends kapag nakapag-online ako sa laptop. Primitive? Somehow I feel like I have better privacy. Kaysa maya't-maya ay may magmemessage kung may phone ako. -- Pizza! Nakaapat na slices na ako. "Alam mo natutuwa ako na matakaw kang kumain." "Next time ikaw din manglibre." "So ituloy mo na yung kwento mo." nakakaloko na naman ang ngiti ni Kuya. Sabi na nga ba. Hindi pa tapos nag story telling session namin ni kuya. Kumindat-kindat pa siya. "So? Mahaba-haba ang oras natin." Sabay tingin pa niya sa relo niya. "If Gemini is here anong gusto mong sabihin sa kanya. Bukod sa pagod ka nang mahalin siya?" Uminom muna ako ng softdrinks. "Sasabihin ko lang naman na, suportado ko pa rin ang desisyon niyang magboyfriend." "Paano kung irequest niyang ikaw ang maging photographer sa wedding niya? or yung dumalo ka lang sa wedding." "Hindi ako dumadalo sa kasal ng kahit sinong ex or minahal ko." sagot ko kaagad. "Bakit?" Nagkibit-balikat ako. "Dalawang exes ko kinasal. Ininvite ako hindi ako pumunta. Respeto lang din siguro. Or wala lang akong ganang makita sila. But it doesn't mean affected pa ako." Tumatango-tango lang siya sa explanation ko. "At sa tingin ko, bakit mo pa iinvite ang ex mo sa wedding mo. Unless hanggang sa huli gusto mong ipamukha sa kanya na wala siyang kwenta kaya pinalitan mo siya." "Good answer. Pwede ka nang magsideline na Dj." "Chloe!!!" Napatingin ako sa tumawag sa akin. Mga tatlong mesa lang ang layo. Si Rica. Kumaway ako sa kanya. Tumikhim si kuya. "Bata pa ah." Mahina at natatawang sabi niya. Inirapan ko nga siya. Kasama na namin sa mesa si Rica. "Akalain mong makikita kita dito." Jolly niyang sabi. "Kumusta na?" Inilahad ni Kuya ang kamay niya. "Kein. And you are?" "Sorry sorry." Napakamot pa sa ulo si Rica. "Sorry talaga. I'm Rica." "Gaano na kayo katagal magkaibigan ni Chloe?" "Bago pa lang. Nameet ko siya sa pre-nup shoot."Yung mga kaibigan niyan tinatawag na siya. "e kailangan ko na balikan ang mga friends ko. Chat na lang tayo Chloe ha?" Tinanguan ko naman siya bago siya umalis. Hindi ko gusto ang mga tingin ni Kuya sa akin. "Black and white." Tugon ko sa mga mapagtanong niyang tingin. "Pero may possibility?" Umiling ako. "Napakamalisyoso mo naman kasi kuya. Hindi ako flirt na. Ano ba yan." May halong pikon ko nang sabi. "Nagbibiro lang ako bunso. Ang sa akin lang huwag mong iyakan si Gemini. Palitan mo."sabay tawa pa. Buti na lang hindi naman homophobic tong si Kuya Kein. Yung kapatid ng tatay daw niya e may karelasyong babae din kaya hindi na siya nahirapang intindihin ako. What if dumating nga yung time na ikasal si Gemini at imbitahan niya ako? Dadalo kaya ako? O snubbin ko na lang siya. "Hoy!" pumitik-pitik sa tapat ng mata ko si Kuya. "Day dreaming na naman!" "Sorry..." itinuloy ko na ang pagkain ko. Mauubos ko to! Tataba rin ako! pachecheer ko sa sarili ko. -- Yung meeting with the client naging date! Nakakabueset! Kaya pala angbait-bait nitong si kuya ipapahamak na naman pala niya ako. Iniwan ako e! Nag-excuse lang na mag-c-cr tapos hindi na bumalik. Trina ang pangalan nitong ko. "Are you okay?"tanong niya. "You're zoning out." Tumango ako. "Sumasakit lang ulo ko. Alam mo ba tong pinapasok mo?" Direct to the point kong tanong sa kanya. Siguro naman matuturn off na to kung maging rude ako sa kanya. Nangiti naman siya at hinawi ang naligaw na buhok sa mukha niya. Okay lang ang looks niya. Hindi gaanong stunning pero hindi rin pangit. "I'm curious. And I trust Kein. Hindi naman siguro niya ako ilalagay sa alanganin." Ako ang nilagay niya sa alanganing sitwasyon! Gusto kong isagot pero huwag na nga lang. Nurse. 23 years old. Nagkaroon ng dalawang boyfriend. Tino-time siya pero move on na daw siya. Pinipigilan kong humikab sa mga kwento niyang panghospital. Hindi sa hindi ako interesado. May di-nate na rin kasi akong nurse noon. Almost naging kami, so medyo natabangan ako sa kanya. parang nagflashback yung mga pagpapaasa sa akin e. "Alam mo bang nagduduty ako ng 12 hours minsan tapos bangag na bangag ako..." Pansin ko nga sa eyebags niya kahit nakaconcealer ay halata pa rin. "Kailan ka huling nagrelax?" wala sa isip kong tanong sa kanya. Napaisip siya. "hindi ko na alam e. Parang matagal na rin." At para makabawi naman sa pang-aabalang ginagawa sa kanya ni Kuya Kein ililibre ko siya sa spa. Kailangan ko na rin yata e. --- Nilalakad na lang namin papunta sa spa. Sa kabilang street lang naman. Hindi maarte si trina. Madaldal lang talaga. "Naiirita ka na sa kadaldalan ko no?" Umiling ako. "Hindi lang ako sanay sa madaldal na kasama. Pero okay lang pramis." "Pwedeng magtanong? If you don't mind? Okay lang talaga kung hindi mo sasagutin." "Game..." "Nabobored ka ba ngayon?" Napatigil ako sa paglalakad. "Bakit mo natanong yan?" Napayuko siya. Nahihiya yata. "Kasi kanina pa ako kwento nang kwento parang hindi ka naman interesado. Boring ba akong kasama?" Masasapak ko talaga si Kuya Kein. Now I feel so guilty. Baka maging worst date ni Trina to kung sakali. "Huwag kang mag-over think. Tara na. Body massage lang kailangan mo." Hinigit ko siya sa kaliwang braso. Binitawan ko din naman agad nang nasasabayan na niya akong maglakad. Charge this to experience. -- Kinabukasan sa agency. Natatawa si kuya Kein nang kinukwento ko sa kanya ang "Date" namin ni Trina. "Maganda naman siya diba? Mabait yung si Trina. Kaibigan siya ng kapatid ko." "Kuya hindi porke alam mo ang preference ko ay ipapakilala mo na ako sa kung kani-kanino. Grabe! Nakakahiya dun kay Trina. Feeling niya boring siyang kasama." "Pero ikaw talaga yung boring kasama." Pang-aasar niya. "Come on Chloe, Chill lang. Hindi din naman porke nasaktan ka ng isang babae ay wala nang chance na magmahal ka ng iba. Kaya okay lang yang makipag-date." Talo na naman ako sa argumento namin. Kakausapin ko na si boss para sa Project Persona. Kahit papano ay nai-excite na rin ako. Naghintay lang ako ng ilang minuto bago pumasok sa office niya. Kararating lang din kasi niya. "Sir, may update na po ba sa project persona?" Nakangiti siyang iniabot ang isang folder sa akin. "Yan ang mga schedules, Profiles ng models, themes and other concerns. Nandiyan na rin ang ticket mo, Miss Ingrid gave you extended days in Paris for vacation." Binuksan ko ang puting envelope. "Dalawa?" "You can bring someone if you like. Yung ticket mo pauwi ng Pinas ay si Miss Ingrid na ang magbibigay." Lumabas na ako ng office. Binigyan pa ako ng problema ni Sir sa ticket na to. Sino naman ang isasama ko? Sayang din naman tong ticket. If only kami pa ni Gemini siguradong excited yun dahil gustong gusto niyang pumuntang Paris. Hay. Gemini na naman! -- Nakwento ko kay Kuya Kein ang napag-usapan namin habang papunta kami sa isang shoot. Tulad ng inaasahan ko, hindi matino ang advice niya sa akin. Magdrawlots daw ako sa mga nai-date ko kung sino ang isasama ko. Project ni kuya Kein tong pinuntahan namin. Nakiki-usyosyo lang ako. Ituturo na daw niya sa akin ang mga techniques niya dahil sooner ay aalis na rin siya ng bansa. Pang-men's magazine tong shoot! Almost naked na tong mga kababaihan dito. Inihahanda na ni kuya ang camera niya. "Hindi ka ba nakakuwan sa mga ganitong shoot?" curios kong tanong. Nakakaloko ang ngiti niya. "Anong kuwan?" "Eeee! Arte-arte mo naman. Alam mo na yon. Oh halos hubad na ang mga models. Yun kuwan." Natawa na siya nang tuluyan. "Ikaw ang tatanungin ko, affected ka ba sa mga nakikita mo dito?" Nahihiya akong tumango. "Pero hindi sobra. Naakit lang. slight." Yung tawa niya nakakainis! Manyak na ba ako dahil sa weird feeling na to? Tinapik-tapik niya ako sa balikat. "Masasanay ka rin. And sa tanong mo? Minsan affected, minsan hindi. Kadalasan iniisip kong trabaho lang." Oo nga naman. Isipin na lang e trabaho. Hiniram ko ang laptop ni kuya. Nag-log in ako sa f******k. Unang bumungad sa akin ang post ni Larah. Nagresign na pala si Gemini. Hay. Anong naisip naman kaya niya. Maganda naman ang pasalary sa bank. Nabored? Nagsawa? Nakitsismis ako sa comments. Hindi naman siya nagcomment back sa mga nakapost. Sense of privacy din siguro. Nagpop up ang message ni ate Larah. Larah: Kapatid may time ka? Me: ha? bakit? Larah: Dalawin mo naman si pinsan. Ilang araw nang nakaconfine e. Me: ate naman. Alam mo naman sitwasyon namin. Larah: please? Saka may pasok na ako bukas. Walang magbabantay sa kanya. Me: hindi ba lumuwas sina tita? Larah: Hindi alam sa kanila. Ayaw niyang ipasabi e. Sige na Chloe. Me: ok. --- Pagkatapos na pagkatapos ng shoot ay umalis na rin ako. Kumuha ng ilang damit damit, Bumili ng dinner at deresto sa hospital. Naratnan ko pa si ate Larah. Tulog pa si Gemini. Bakit ko ba to ginagawa? Ex ko na to babantayan ko pa. hay. "Thank you ha? hindi na kasi ako pwedeng umabsent. Nakakaawa naman si Gemini kung walang magbabantay sa kanya." "Yung si Marlon na lang. Hindi pa ba dumadalaw?" Nangunot ang noo niya. "Dumalaw na e ayoko namang ipagkatiwala sa kanya tong pinsan ko no. Mas gusto pa kita kaysa dun. Lam mo yan." "Baliw. Binigyan nga ni Gemini ng chance dapat bigyan mo din." "tss. Mainit dugo ko sa tulad niya." Umalis na si ate Larah. Kung girlfriend ko pa si Gemini siguro kinikilig na ko e. Pero ngayon parang nakakaewan sa pakiramdam. Bakit ko aalagaan ang taong nagbigay ng malaking sama ng loob sa akin. hay. Inabala ko ang sarili ko sa pagbabasa ng magazine. Nagising na si Gemini. Nagulat pa siya na ako ng bantay niya. "Anong ginagawa mo dito?" "Tinawagan ako ni ate LArah. Wala daw magbabantay sayo. Kaya heto." Katahimikan sa paligid. Pumasok na ang nurse dala ang dinner ni Gemini. Hindi pa daw siya pwede sa ibagng foods bukod sa sineserve dito kasama sa healthy diet. "Kaya mong kumain mag-isa?" Tumango si Gemini. Isinaayos ko ang tray para makakain siya. Nakaupo ako sa may kama. "Bakit ka nagresign?" Tiningnan lang niya ako. "Ano? Bakit?" "Pagod na ako. Baka hindi yun ang calling ko. Balak ko kumuha ng masters degree." "ok." Hindi nga yata magandang idea tong magbantay sa kanya. Parang ang-awkward. Hindi kami nag-uusap. Nanonood siya. Ako naman ay nagbabrowse ng pictures sa camera ko. Isabay na lang ang trabaho sa boredom. "Kumusta ka na?" Napatingin ako sa kanya. "Ok lang. Trabaho lagi." Katahimikan na ulit. Angbagal ng oras. Panay ang tingin ko sa relo ko. Hindi rin ako dalawin ng antok. "Napilitan ka lang na bantayan ako. Kung gusto mo nang umuwi, pwede mo ka ng umuwi." Hindi ko siya tinapunan ng tingin. "Sa tingin mo uuwi ako? Wala kang kasama dito." "Parang wala din naman akong kasama. Panis na panis na ang laway ko." Inilapag ko ang camera at naupo sa tabi niya. "Game magkwento ka." Inirapan niya ako. "angliteral mo naman e. Nakakainis ka lalo." "Wala pa akong gingawa naiinis ka na. Ewan ko sayo. Pwede naman kitang iwan dito pero hindi ko gagawin kasi hindi ako yung taong nang-iiwan." "Ito na ba yung part na isusumbat mo sa akin ang mga pagkukulang ko sayo?" Umiling ako. "Ito yung part na kailangan mo nang magpahinga ulit." Tumayo na ako. "Hindi naman kita pwedeng iwasan palagi. May mga common friends tayo. Masasanay ka rin na ganito ako." Inihiga ko rin baka sakaling makatulog rin ako. -- Kinailangan kong umalis kinabukasan dahil sa trabaho. Hinintay ko lang si Larah. Tulog si Gemini nang umalis ako. Isang aburidong Kein ang sumalubong sa akin. "Sambakol ang mukha mo. May nangyari ba?" Tumango siya. "Yung kapatid ko kasi. Natanggap sa isang university dito sa manila." "Tapos? Anong problema mo dun?" "Dahil hindi sila magkasundo ng girlfriend ko. Hindi siya pwede sa tinutuluyan ko." "Sinong mag-aadjust? Girlfriend mo o kapatid mo?" Napabuntong hininga siya. "Chloe..." "Shit..."hinawi ko siya harapan ko. "Parang alam ko na ang iniisip mo at ayoko. Hindi pwede." "Sige na bunso. Ayaw mo nun may kahati ka sa babayarin sa apartment mo. Please naman, Para friendship natin." Hinarap ko siya. "Tinatakasan ko ang problema mo sa kapatid mo tapos ipapasa mo sa akin? anong advantage ko dito?" Ngumiti siya. "hindi na kita ipapakilala sa ibang babae. Pramis." Tinaas pa niya ang kanang kamay niya. Mapanuri ang tingin ko sa kanya. Pinapakiramdaman ko kung seryoso siya o hindi. "Seryoso?" Tumango siya. Inilahad ko ang kamay ko sa kanya. "Sige. Kausapin mo landlady. Ikaw makipagdeal sa kanya." Tuwang tuwa ang loko! -- --6-- - Bukas ay lilipat na dito ang kapatid ni Kuya Kein. Kaya heto nililigpit ko na rin ang ilang gamit ko.  "Thank you talaga sa help. Lalaki muscles mo niyan.""biro ko kay Sophia. "Libre na lang kita sa spa." "Spa na naman?" tawa naman siya. "Okay lang to. Libre gym." Ang-alikabok! Naging busy ako sa kakaraket kaya pati simpleng paglilinis ng bahay e hindi ko na nagagawa. Nakakahiya naman dito kay Super model. "Sino palang isasama mo sa Paris?" Nakwento ko na kasi sa kanya na dalawa ang binigay na ticket sa akin. "Wala pa akong naisip. Siguro ibabalik ko na lang din. " "Isama mo kaya yung ex mo."may halong panunuya na naman siya. "Siyempre joke lang yun. Baka seryosohin mo." "Ewan ko sayo. Saka paano ko naman yun aayain kung sakali? Sige nga?" Sandali niyang itinigil ang pagliligpit nga mga kahon. "Ganito. I know this is inappropriate pero pwede ka bang sumama sa Paris? Kunwari tayo pa rin. Tapos spend lang natin yung time. Pramis pagdating dito kakalimutan na kita." Napakunot ang noo ko. "Baliw ka ba?" Natawa naman siya. "Ano ka ba! Malay mo marealize niyang mahal ka pa niya. Nabasa ko lang yun. Somewhere." Napailing na lang ako sa suggestion niya. Hindi magandang idea! "Pero alam mo Chloe the Great? I admire you. Angstrong mo. Kung ako yan baka lunod na ako sa alak." "I don't have a choice."sabi ko na lang. "At hindi ko din kayang magtanim ng sama ng loob sa kanya." "Strength and weakness. " sabi lang niya at itinuloy ang pagliligpit. Maya-maya ay dumating na rin si Rica. Something na ipinagpasalamat ko ay may strong support group ako sa dalawang to. Though kakakilala lang din nilang dalawa. Nung minsan kasing online ako gumawa ako ng group chat para maipakilala ko sila sa isa't isa. Click naman agad. Except lang pag may topak si Rica. "Paumanhin ako ay nahuli ng dating."nilapag niya ang dala niyang pizza. "Oh dumating ka pa. Patapos na kami." pagkukunwaring inis ni Sophia. "Anong dahilan mo ngayong miss writer?" "Wow miss super model! Angdungis mo." tawa naman nito. "binilhan ko lang naman kayo ng pagkain. HIndi niyo man lang naapreciate?" Nag-cr muna si Sophia. Nakatingin sa akin si Rica na parang may gustonng itanong. "Ano yun?" "tapos na ba ang pagbabahay-bahayan?"nakangisi nitong tanong. Gusto ko siyang ibaon sa kinatatayuan niya. Next to kuya Kein ay isa pa itong malisyosa. Minsan nagsisisi ako na nagconfess ako sa kanila dahil abot langit na pambubully ang nararanasan ko. Nagmemeryenda na kami. Nakadalawa na nga si Sophia. "Uy diet ka diba?" paalala ko sa kanya. "Cheat day."sagot naman niya. "Nakakahiya naman dito kay miss writer kung hindi ako kakain diba?" Pero tulala si Rica. HIndi pala tulala. Tutok lang siya sa phone niya pero parang naiiyak na. "Mahuhukay pa ba yan?" pansin ko sa kanya. "huh?" "Yang iniisip mo. Mahuhukay ko pa ba sa lalim?" Binaba niya ang phone niya. "Sorry sorry. May nakita lang akong post." Siguradong tungkol sa ex niya ulit ito. Nagmahal siya e, kaya naiintindihan ko naman. After ng kaunting chit-chat ay itinuloy na ang paglilinis. Yung dalawa? Knock out sa sofa. Isinasaayos ko ang mga gamit sa bedroom ko naman. Nahulog mula sa isang bag ko ang lumang phone ko. Nandito lahat ng memories namin ni Gemini. Ibinalik ko na ito sa bag. If gusto mo makamove on iwawaksi mo ang mga bagay na makapagpapaalala sayo sa lahat ng sakit na naramdaman mo. Hay. Paano ko ba to malalampasan? Lahat naman kasi ng narating ko ngayon ganitong-ganito ang plano namin ni Gemini dati. Maging successful sa work. Makapagtour. Then hopefully magsama kami kapag may sapat nang ipon. Hay. Enoung na Chloe. Kaialngan mong magsimula ulit. Stronger Chloe! "Chloe may bisita ka!" si Rica yun. "May atraso ka yata oh! Baka nakabuntis ka!" Gago yun! Nagmamadali akong lumabas. Si Angel pala. Kaya pala malakas ang loob ni Rica na magbiro kasi anglakas makalalaki ng porma nitong si Angel. "Tol, pasok ka. Anong ginagawa mo pala dito?" May dala siyang grocey bag. "E pinaggrocery na kita. Galing ako sa hospital e. Sabi ni Gemini wala ka daw kasama dito kaya hayan. Nautusan pa ako. Pero may chics pala." Nag-hi sina Rica at Sophina. Pinakilala ko naman din sila. "Naks, Hashtag Gemini Cares."pang-aasar ni Rica. "So ano to? Trying to win chloe back ang peg?" "Hindi siguro." Sagot ko naman. "Thanks sa mga to ha? madali ka talaga mapasunod ng pinsan mong hilaw." Natawa naman si Angel. "Siyempre. Nasanay na ako sa kakasunod sa kanya kahit wala na kami ng pinsan niya e. Baka batuhin pa ako ng oxygen tank nun kung sakala." Isinabay na ni Angel si Rica pauwi. Kami naman ni Sophie ay pupunta sa isang dinner kasama ang ilan sa mga makakasama namin sa Paris. -- Si Sophie ang nagdadrive. Ako naman ay nakatanaw sa labas. "o baka hanggang mamaya e tatahimik ka na naman."pansin niya sa akin. "Grocery lang yun. Huwag kang kiligin." "Hindi naman e. Iniisip ko lang dpat hindi na niya gawin ang mga ganito. Diba?" Tumango-tango naman siya. "tapos na kami. hindi ko na siya mahal." "Let me correct that. Sinusubukan mong hindi na siya mahalin. Still in the process." Kainis to! "Mahirap naman sa una. Lalo may mga paramdam na naman siya. Huwag ka lang magpadalos-dalos. We will still support you at handa naman kami ni Rica na batukan ka kapag nagtanga-tanga ka na naman." "Salamat ha? PAg nasa Paris tayo lumayo-layo ka sa akin baka may machics ako dun." Tumawa naman siya. "Good luck sayo. At sa ichichics mo." "So hindi ako good catch ganun?" Red light. Napatingin siya sa akin. "actually physical features? Good catch ka naman e." "pero lesbian ako kaya nakakawalang gana mahalin?" Umiling siya. "I don't know. Pero kung gaano mo minahal si Gemini? Sigurado akong mahihirapan ang susunod na magmamahal sayo." "Whatever..." "But for now Chloe the Great, focus muna tayo sa trabaho. Chill muna ang lovelife, okay?" -- Kasama ni Sophie ang mga kapwa niya models sa isng table. Kami namang mga photographers and designers ay kasama si Miss Ingrid. Parang strikto si Miss Ingrid which is good para kahit nagtatrabaho ako ay may natutunan din ako sa pamamahala niya. "My niece here will join us. Siya na ang bahala sa inyo doon. Don't worry mabait naman to. If you have any inquiries huwag kayong mahiyang magtanong sa kanya. Roxie Ico. Slim, kulay blonde ang buhok, mukhang mabait naman. "magcooperate po tayo para madaling maapos ang trabaho at makapaglwatsa tayo agad." Nangingiting sabi ni Roxie. "But siyempre im just kidding. Gawin natin ang best natin para maging successful ang event." Naupo na siya. Natawa ako nang mahagip ng tingin kong inirapan siya ng tingin ni Miss Ingrid. Ako lang ang babaeng photographer dito. At mukhang lahat sila ay matagal ng pro. I know some of them, mga famous na. Bigla akong nailang. Baka nagkamali lang sila? baka hindi naman talaga ako ang para sa trabahong to? Nag-excuse ako na magpupuntang cr muna. Nagretouch ako. "s**t!" Muntik ko nang mahulog ang lipstick ko nang pumasok si Miss Roxie. "sorry sorry..." hingi ko agad ng tawad. Natawa naman ito. "Magugulatin ka pala miss Chloe." Paano niya nalaman ang pangalan ko? oh angtanga mo Chloe malamang pamangkin siya ni Miss Ingrid. Kilala niya ang mga kasama sa project. Inilahad niya ang kanan kamay niya sa akin. "Roxie Ico. Magkakatrabaho tayo and hoping na hindi mo sapawan ang s*x appeal ko." "huh?" Natawa naman siya. "Nagbibiro lang ako. Bakit parang uneasy ka dun kanina? I can read minds." "talaga?" "Ha ha! God! Nagbibiro lang ako. Napansin ko lang." "Sorry. Wala naman. Nanliliit kasi ako dun. Baguhan lang kasi ako sa work na to tapos ako pa ipapadala ng sa Paris. Parang hindi ko deserve." "Chloe Joves. Young wild and free. Taking random shots about nature, family, kids and love? Inaral mo ang photography for the love of it. Youngest in the agency but with the most potential. Ano pa bang pwedeng kong sabihin para maflatter ka?" Nang-iinis ba to? "Pinagtiripan mo ba ako?" Pamangkin siya ng boss pero napipikon na ako sa kanya agad-agad! Itinaas niya ang dalawang kamay niya. "Don't get me wrong. What im trying to say is, lahat ng nandito ay pinili ni tita at nakaabot sa standards niya kaya huwag mong maliitin ang sarili mo. Kahit ako? Halos magkaedad tayo pero naiinggit ako sa mga kuha mo." Hindi ko na siya pinatulad baka joke na naman niya. "I'm serious here Miss. Hindi basta-basta naghahire si tita. And the fact na nakuha mo ang slot means may tiwala siya sayo." Hindi na ako sumagot. "Pero ireremind lang kita." "Saan?" "Bawal ang romance sa work." "ano? Anong romance?" "Sophia the model and you. Nagtrending kayo nung isang araw so malamang mainit ang mata sa inyo ng ibang kawork. Lalo sayo. " "Pero wala naman. Balik na ako dun maam." Palabas na ako ng makasalubong ko si Sophia. "Akala ko ay kung anong nangyari na sayo. Angtagal mo e." may pag-aalala sa tono ng pananalita niya. Napansin niya si Miss Roxie na kasunod ko. binigyang galang niya ito saka ulit napunta sa akin ang pansin niya. "may masakit ba sayo? Hindi mo ba gusto ang food dito?" "nagretouch lang ako. Kinakabahan kasi ako."Palusot ko naman. "Akala ko kung ano na. Balik na tayo dun." -- Pagkatapos na pagkatapos ng dinner ay nagsi-uwian na kami. Ilang buwan na akong walang kasama sa apartment. Panibagong adjustment ulit sa pagdating ng kapatid ni kuya Kein. Ka-video call ko na si kuya. Nasabi ko na yung tungkol sa kapatid ni kuya Kein. Kuya: Yung mga gamit mo diyan, huwag kakalat-kalat. Mahiya ka naman. Me: inayos ko na ho. Hindi naman ako makalat. Maalikabok lang. Kuya: Huwag kang masungit diyan ha? baka mamaya tarayan mo yang kapatid niya. Me;: kuya? Mukha ba akong mataray? Tumawa naman siya. Kuya: kung alam mo lang kung ano ang comment ng mga katrabaho ko sayo. HIndi ka daw magkakaasawa dahil masungit ka. Baka wala daw manligaw sayo. Me: E ano naman? saka alam mo naman diba? Diba? Napakamot siya sa batok niya. Kuya: baka mas maganda pa shuta mo kaysa mga shuta ng mga to e. ha ha! kumusta na pala kayo? Muling ibalik na ba? Umiling ako. Me: Focus muna ako sa sarili ko kuya. Huwag mong sabihin kay nanay ha? Baka sumugod bigla dito yun. Lalo kay tatay, baka ihanapan ako ng lalaki bigla. Tong kuya ko talaga, tinawanan lang ako. Kuya: Umuwi ka na nga muna dun bago ka pumutang Paris. Miss ka na ng mga yon. Me: Hindi kaya ng schedule naman kasi kuya. Busy sobra. Kuya: Magpapasko na. Umuwi ka muna. Kahit dalawang araw lang. wala ka sa pasko at bagong taon. Natahimik ako. Sabi ko kasi sa kanila hindi ako uuwi hanggat hindi ko pa napapatunayan na kaya kong ipaglaban si Gemini. Na may mararating ako. Kaso wala na pala akong ipaglalaban. Kuya: natahimik ka... Me: Wala. May naalala lang. Sasaglit ako dun sa makalawa. Sabihin mo e wag nang imbitahin ang mga kamag-anak nating mayayabang baka pagsasampalin ko sila ng limang libong buo! Ha ha ha! Ganito kami mag-usap ng kuya ko. Madalas may kalokohan. Humiga na ako. Kung noon hindi ako makatulog dahil may kausap akong girlfriend, ngayon hindi na ako makatulog dahil sa dami ng bumabagabag sa akin. Napaupo na ako. God! Heto na naman po ba tayo? Aabutin na naman ba ako ng madaling araw nito? Buti na lang din at wala akong phone, Kung hindi ay isa kay Rica at Sophia ang iistorbohin ko. Hindi naman kasi pwedeng sina Angel ang tawagan ko dahil malalaman at malalaman ni Gemini. Magmovie na lang ako. Bahala nang makatulugan ko to. -- Kinaumagahan. Bandang 10:00 nang dumating sina Kuya Kein. Akala ko ay estudyante pa lang yung kapatid niya. Teacher na pala siya at natanggap siyang instructor sa university. Mas matanda lang siya ng isang taong sa akin. Nakakahiya ako. Nakakahiya yung mga naisip kong pagbabantay sa kanya kung sakali. Nag-aakting ate pa naman ako. Yung pala mas matanda sa akin? Baka ako pa bantayan nito e. Nag-aapurang umalis si Kuya Kein dahil may shoot pa siya kaya heto inoorient ko si Nikee sa mga pasikot-sikot nitong bahay. Hope Nikee (NAY-KI) Ballesteros Montemayor. Yan ang pangalan ni maam. Pag-uusapan namin ang mga do's and don'ts ngayon. Mukhang hindi naman mahirap kausap si Nikee or makakapag-usap ba kami ng matagal? Parang tahimik na tao kasi siya. May papel pa talaga. Ino-note niya yata lahat ng mapag-uusapan namin. "Sa bills naman dito sa bahay, maghati na lang tayo? Or take turns monthly?" tanong ko. "Malakas ka bang gumamit ng kuryente? Tubig?" Hindi ko din alam e. "Hindi ako sure maam." Tiningnan niya lang ako na parang hindi nagustuhan ang sagot ko. "Wala naman tayo sa school. Drop the formality." "hindi lang ako sanay, saka mas matanda ka sa akin." Mas sumama yata ang dating ng tingin niya? Anong sinabi ko? baka isa din siya sa mga teachers na terror? In and out of the classroom? Bumuntong hininga siya. "Okay okay. Never mind. Sa bills, maghati na lang tayo. Would you mind if I will invite friends sometimes? Sleep overs?" Umiling ako. Nilalabanan ako ng englishan ni madam naman. "Not at all. Okay lang." "Good. Do you have a boyfriend? Dumadalaw ba dito?" "ha?" anong paki naman nitong si madam kung may boyfriend ko. "Siyempre, pag bibisita siya aalis ako. Bibigyan ko kayo ng privacy. Alam mo na. Do you get what I mean?" Angprangka! "Wala akong boyfriend." Sagot ko naman. "so ganun din ako if ever nandito ang boyfriend mo? Aalis din ako?" Tumango-tango lang siya. Okay. HIndi ako sanay makipag-usap sa mga ganito ka-straight forward parang nauubusan ako ng vocabulary. "sa foods naman,kanya-kanya na lang tayo ng preparations. Kabisado ko kasi work mo parang si kuya minsan late nang umuuwi. So better na kanya-kanya tayo sa part na yon." "Okay." Idinagdag niya ulit ito sa notes. "Music person ka ba?" Tumango ako. "But don't worry. Hindi heavy metal ang trip ko. Saktong pampatulog lang." Tumango naman siya. "Kapag may nirarush lang akong paperworks madali mairita." "Okay. Copy." Idinagdag niya ulit ito sa list. "Na-iintimidate ka no?" Yes! Sabi agad ng isip ko e pero walang salitang lumabas sa bibig ko! Para akong nasa harap ng isang tigre na anytime ay pwede akong kalmutin. Worst lapain! "Sort of. O dahil hindi pa nagsisink in sa utak ko na may kasama na ako dito." "Magrerequest ako sa kaibigan ko na lagyan ng CCTV yung harapan at likuran nitong bahay."sabi niya. "Ano? Bakit?" "Pareho tayong babae dito. Kailangan lang din yon. Ipapadouble lock din natin yang mga pinto for our safety." "Teacher ka ba talaga o pulis?" Nangiti naman siya. "Ganito rin ang sasabihin ni kuya kaya inuunahan ko na siya. Sagot naman ni kuya ang mga yon e. Iinstall lang ng kaibigan ko." Hiniram ko ang phone niya. Hindi ko pa nasabi kay kuya Kein na uuwi ako sa probinsya bukas. (Hello.oh bakit? Problema?) >>Chloe to. Uuwi akong probinsya bukas. Walang kasama si Nikee dito. Baka gusto mong diyang muna sau ng two days. (Hindi na. diyan na siya. Kaya na niya yan. Don't worry. Bigay mo na nga phone sa kanya) Lumabas ng bahay si Nikee. Okay Chloe? Matuto ka nang makisama sa ibang tao. And maganda naman kapalit nito e. hindi na ako ibubugaw ni kuya Kein sa kung sinu-sinong babae. Medyo bossy lang si Nikee. Hay. Anyways, hindi naman ako 24 hours dito kaya keri na. Tapos na silang mag-usap. "hindi pa ako nakapagluto ng lunch. Kain na lang tayo sa labas? Pawelcome ko na sayo." Yaya ko sa kanya. "Masyadong mainit. Magluluto na lang ako. Hindi pa ako nakapaggrocery anong meron sa ref mo na pwedeng iluto?" Naalala ko yung mga dala ni Angel kahapon! Buti na lang! Thank you Gemini. Okay. Gemini ulit. Hay. Chineck niya ang mga ito. "Okay. So pwede na siguro ang calderatang BaNaKuLa." "anong Bala?" Kinuha niya ang karne sa chiller. "Bahala Na kung Ano ang Lasa." Sabay ngiti naman niya. "Tulungan mo na lang ako sa pagprepare para hindi lang ako ang malason kung sakali." "Yes maam. Heto na." --      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD