bc

Spike That

book_age16+
528
FOLLOW
2.8K
READ
friends to lovers
brave
confident
heir/heiress
comedy
gxg
campus
city
athlete
like
intro-logo
Blurb

Magagarang kotse, mamahaling kagamitan. you name it i can have it. Kabilang ako sa mga sikat na pamilya sa lipunan. Pinalaki na halos abot-kamay na ang lahat ng bagay. I grew up in a life of luxury. Sanay sa luho at karangyaan.

But this lifestyle sucks...

this surname sucks...

and i am quitting it...

I wanna be just a normal teenager...

for my own satisfaction...

or maybe for her...

---Mika Aereen

chap-preview
Free preview
1

--1--

Mika's POV

COMMONER. Ako yan. Yung tipong hindi napapansin kahit mag-absent sa klase. I love being a commoner. Walang inaalagaang image. I can do what I want. I can eat street foods anywhere I want. Pwede akong mangulangot sa public nang hindi tinatambangan ng mga paparazzi. At kung sinumang mahilig mangialam sa buhay.

Ganyan ako… NOON. Ganyan pa rin naman ako ngayon. Or sa pangarap ko na lang yan.

Nakapasok lang ako sa Mhei Zhou university dahil sa paglalaro ng volleyball. Marami palang benefits to. Free ang tuition fee, may allowance, may dorm. Makakatipid ang mga magulang ko nito. Hihi.

Maraming sikat ang nag-aaral ditto. Yung masasabi mong..DUH volleyball player ka lang. kami miyembro ng mga elite sa siyudad.

OO. I hate them. They who think they could buy someone’s life. Yung kung umasta kaya nilang bilhin ang buhay mo at ng pamilya mo isama mo na ang mga ninuno mo at magiging apo mo sa kuko. Pssh. Stupidity. Umuusok na naman ang ilong ko.

“Ara… baka gusto mong isubo yang nasa kutsara mo?”

Nagising na lang ulit ang diwa ko sa pagpansin sa akin ni ate Kim. “ha?? Ah sorry…Lutang lang e…”

Ara here. Freshman at Mhei Zhou University. As I was saying kung walang volleyball hindi ako makakapag-aral ditto.

“gisingin mo na kaya yung isa?”suhestyon niya.

“hayaan mo nga siyang ma-late sa klase niya. Panay ang puyat e..napapala niya.”

“aba kayo ang magkasama sa kwarto. Dapat pagsabihan mo…”

Padabog akong tumayo at tumungo sa kwarto. Kakatok pa lang sana ako ng bigla na itong bumukas. Bumulaga sa akin ang higanteng kapre na to. Anghaba naman kasi ng binti pero yan ang asset niya e. pupungay pungay pa ang kanyang mga mata.”anong oras na?”

“7:00 in the morning…”mahina kong tugon sa kanya para hindi siya mabigla.

“whoooahhhh? Why didn’t you wake me up... im so damn late…”

(=_=)and I hate it when she speaks like that. nakakainis. She acts as if like those people I hate much.

“hoy ikaw Mika Marcaliñas,,, may cellphone ka naman..i-set mo sa mas maagang oras okei? Hindi yung maninisi ka ng iba sa katakawan mo ng tulog..”bulyaw ko sa kanya.”saka pwede ba?tigil-tigilan mo yang kaka-nag mo…nakakainis e…”

“nag-aaway na naman kayo diyan..”sigaw ni ate kim.

“ito kasing higanteng to…”saka ko siya tinalikuran.

“ara…”

Nilingon ko siya.”ano?”

“sorry po?”

Tinanguan ko na lang siya. See? Bipolar yata. Kanina lang kulang na lang magwala e. tapos ngayon. Psssh. Kung di ko lang kaibigan yan kukutusan ko e kahit hindi ko abot ang tuktok niya.”geh na… bilisan mo na lang maligo.. sabay sabay na tayo  nina ate kim…”

Sumaludo siya at saka ako nagtungo sa kusina.

“naku…para siyang anak mayaman umasta kahit kailan… sarap kutusan…”

“bakit ba galit na galit ka sa mga mayayaman ha? Inaapi ka ba nila?”

Bumuntong hininga ako.”wala.ewan. mataas lang talaga ang BP ko sa kanila…”

Hindi na kumibo si ate Kim. Matapos kumain ay tumungo ako sa kwarto para kunin ang mga gamit ko.”ye… ano na mauna na kami… “

“saglit lang kasi…”sigaw niya.

Nasa labas na kami ni ate kim at hinihintay siya.”bilisan kasi…”sigaw ko ulit.

Hingal kabayo siyang lumabas ng bahay.

O_O- kami.

?_? siya

“halika nga ditto…”tawag ko sa kanya.”yuko konti naman dre…hindi abot e…”

Yumuko siya. Inayos ko yung buhok niya. Sa kakaapura kasi para itong pinamugaran ng ibon e. “hihi..thanks…”

“so tapos na kayong maglambingan?pwede na tayong pumasok?”sabat ni ate kim.

“lambingan your face kimikimi…”pagsusungit ko ditto. Pinagitnaan naming si Mika habang naglalakad. Mukha tuloy kaming accessories lang. anglaki niyang tao. Kakatakot.”bakulaw…”I softly said.

“what did you just said?”biglang tumigil sa paglalakad si Mika.

“ulitin mo nga yung sinabi mo?!”

“ewan ko sa inyo…kung hindi pa kayo tapos mag-away bumalik na lang kayo sa dorm..hindi yung pagtitinginan kayo ng mga estudyante ditto…”

Nahiya naman daw ako dahil nagtitinginan na nga ang mga nakapaligid sa amin. Biglang itinakip ni Mika sa mukha ko yung panyo niyang HIGANTE rin.”oh nagbablush ka na naman..”

Humiwalay na rin si Ate kim. Kasama ko na tong bakulaw much na to. As if may choice pa ako diba? “kaninong klase ang mauuna?”tanong ko sa kanya.

“ikaw yata…”tugon niya.

Naglalakad na kami ngayon sa hallway ng department ko. naka-post ditto yung mga pictures ng mga teams ng univ na nagkamit na ng championships.

Nangunguna ang basketball team na halos taon-taong nagchachampion. Nakatingin lang ditto si Mika.

“tssss…”singhal ko.

“why? Dapat mas marami pa sa trophies nila ang maiuwi natin.”saad niya.”anggaling ng mga to talaga…mhytical team… epic wins para sa university lagi ang laro ng mga to.”

Lumapit ako at tiningnan na rin yung picture. Binasa ko kung sinu-sino yung mga yun.”Accel Jaifer Gomez, Raychel Sy Villanueva, Xhana May Vergara, Louselle Mercado, Aica Mikaela Santos and Jana Marie Reyes…psssh..ang-aangas nila ah..”komento ko.

“bakit ayaw mo sa kanila?”

“balita ko kasi bukod sa pagbabakesball wala na silang alam gawin kundi makipagbasag-ulo. Laman ng mga bars… pasalamat sila mayayaman sila e… Lalo na yang Reyes… I hate her… I hate them… mga tulad nila..naku…parang bibilhin ang kaluluwa ng tao e…”

Mika’s pov

Bago pa tuluyang bumuga ng apoy tong si Ara ay inilayo ko na siya. Mahirap na no? She hates her? She hates them? sighed.

Ang pinakakinagagalitan niya si Jana Marie Reyes. Ang kwento niya na-expell daw sa MAMURU ang kuya niya dahil sa kanya. At kahit kailan hinding-hindi niya mapapatawad ang pagiging immature ni JM. Dahil kasi dun nawalan na ng pagkakataong maging scholar ang kuya niya kahit saan eskwelahan at mas nahirapan ang tatay niya sa pagtustos sa pag-aaral nito. Well I don’t know the exact story anyways.

Nakakaloko nga ito e. makarinig lang ng ganung apilyedo umuusok na ang ilong. Napaka-ewan na dahilan.

“oh ditto na tayo… pasok ka na pandak..”tulak ko sa kanya.

“huwag kang matutulog sa klase Marcaliñas!!”pahabol pa niya.

Tinanguan ko lang ito. Bumuntong hininga lang ulit ako. Ako nga pala si Mika Aereen. Hindi ako agad nagtungo sa klase ko. tumambay muna ako sa canteen. Gutom na gutom na gutom na kasi ako.

Commoner lang ako ditto. I am enjoying this kinda low profile lifestyle.

“miss chicken sandwich please…”

Naupo ako sa pinakadulong table. Kung saan peaceful ang buhay. “tita anong ginagawa mo dito?”sabay upo ni Jmay sa tapat ko.

“ikaw? Bakit nandito ka? Wala ba kayong canteen sa elem ha?”

Tumayo ito at nameywang.”di mo ako namiss? Di ka na pumupunta sa bahay e..isusumbong kita kay mommy…”

“luuhh..sorry na baby…” naku. Ayokong isinusumbong ako dun no?warfreak kaya yun.gosh. it will be like hell pag nagalit yun.

“im not a baby anymore tita…11 years old na ako tapos tatawagin mo akong baby? Like dduuuhhhh…”

Nahaluaan na ng kaartehan tong batang to. “uhm sige na..saka pwede bang huwag mo akong tatawaging tita ha?”

“oh tito…”snag-bleh siya abay takbo nito.

Psssh. Lokong bata yun. Napagtripan pa ako tuloy. Patungo na ako sa classroom ko ng magtext si Ara.

Vic: ui… bakit taong gala ka na naman diyan?

Patay na naman oh. Nakita na naman niya ako. Psssh. Kung makaasta parang nanay e, pero nakakatuwa rin naman yung way ng pagkicare niya.

Me: just grab some food :’)

Vic: ah ok. Geh. Bye na.

Class is so boring. As in BORING MUCH. Muntik lang ako makatulog e. pigil pigil rin baka batuhin ng libro ni maam.

“class dismiss…..”

“HOOOOOOHHHHHHHH…..”TAYUAN lahat at akmang lalabas na rin ako ng tinawag ako ni Maam Xerelyn.

“stay for a while Mika Aereen…”she seriously said.

Napalunok ako. Anong atraso ko naman kaya?

“dalhin mo to…”turo niya sa books.”come to my office…”

Luuuhhh…nakakatakot na tong aura ni Maam Xerelyn.

“maupo ka…”utos ulit niya.

Naupo ako sa tapat ng mesa niya.”bakit po maam?”

Nabalot ng katahimikan ang paligid. Then she smiled.”ibang-iba ka talaga sa kanila…”

“po?”

Umayos ito ng upo. At may inilabas ng envelope. “ito na yung pinapaayos mo. Im just reminding you…”

“hindi tama ang ginagawa ko at dapat ko ng itigil to.”inulit ko lang yung sinab niya sa akin noon.

“mismo… pero ginusto mo yan… magkasingtigas rin ng ulo e… naku..”saka siya tumayo.”sige na… go ahead akala ko mababawasan na ako ng sakit ng ulo pagkagradute nila e… heto ka naman..”

Lumapit ako ditto at niyakap.angsaya ko lang kasi.”thank you maaaammm..tama nga sila.. hihi…”

“sige na…sige na…”

Natutuwa akong lumabas ng office niya. Agad kong nilagay sa bagpack ko yung envelope. Lunchbreak na. kainan ulit. I so love this time. Umuwi ako ng dorm. Susulitin kong kainin yung breakfast ko dapat.

Pagbukas ko pa lang ng pinto nadisapoint na ako.

“hheeellllloooooooooo Miikkkkkkkkaaaaaaaaa….”bati sa akin ng kambal na sina Camille at Cienne.

“tara kain tayo oh…”

Nanlumo ako. Kinakain kasi nila yung supposed to be breakfast ko.

“why?”asked Cammile.

“bakit niyo kinain yaaaannnn?”simangot ko sa kanila.

“e nagutom kami e… saka sabi naman ni Kim ok lang daw kainin…”

“e pagkain ko yan eee…!”

“anglayo ko pa lang ang-ingay niyo na ah…”biglang sumulpot si Ara at Kim sa likuran,

“e itong kambal e..kinain yung pagkain ko…”pagmamaktol ko.

“tss..parang yun lang Mika? Magluto ka na lang ulit…”nilampasan niya ako.

“ipagluto mo ako…”I softly said. Referring to ara.

She eyed me.”hindi mo ako katulong ok? Hindi ka ba marunong magluto? Ilang buwan ka na ditto ne minsan hindi kita nakitang magluto.”

“hindi nga ako marunong e..!”

“ano ka? RICHKID?”Singhal na naman niya.

“tssss…”padabog akong nagtungo sa kusina. Nagbukas na lang ako ng tuna at ito ang inulam ko.

“hindi ka magsishare?”sulpot naman ni Kim.

“what? Kung gusto mo magbukas ka rin ng tuna…”

Naupo ito sa tapat ko.”umayos ka nga… lagi mo na lang ginagalit si Ara e… “

Nag-make face ko.”de magalit lang siya… “

“talaga? Hindi na nga daw siya kakain e..hayun..nasa kwarto… ikaw kasi..sigaw ka ng sigaw dun sa tao…”

Napatigil ako sa pagkain ko.”am I that rude to her?”

“yeah… hindi mo napapansin? It’s in your blood Mika Aereen.”ngisi nito.

---

Pinuntahan ko si Ara sa kwarto. Nakahiga na nga ito at nagbabasa. Naupo ako sa tabi niya.”ui bansot sorry…”

Hindi siya umimik.

“sorry na po?”ibinaba ko yung libro niya at nagpuppy eyes ako.”sorry sa paninigaw..sorry sorry sorry….”

Tiningnan lang niya ako. At binalik ang pansin sa pagbabasa.

“Pag hindi mo ako patatawarin tatalon ako mula sa third floor.”

“huwag mo akong ibablackmail gaya ng ginagawa ng ex mo sayo okei?”pagsusungit na naman niya.

“so bati na tayo?”

“oo na… huwag ka lang istorbo nagbabasa ako e…”

So I did. Pinapanood ko lang siyang magbasa.

“anong makukuha mo sa kakanood sa akin diyan?”biglang niyang sambit.

“ha? Uh wala… pabasa na nga rin…”tumabi ako sa kanya.

Sabay naming binasa yung Twilight. Ipinahawak niya sa akin yung libro pero maya-maya nakaidlip naman na siya. Nakanganga pa man din siya oh. Sarap picturan. Pero baka batuhin ako ng vase nito e. inayos ko lang yung pagkakahiga niya bago ako bumaba.

“ok na ba?”asked Kim

Tumango ako.

“sorry mika ha?”said Camille.

Tumango ulit ako.

“hala?di nga??? Ok na?”ulit ni Ciene.

“oo na nga..tulog na siya e…solve na yung paggising niya.”

Nanood lang kami ng tv nang nagring ang phone ko.

 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Womanizer's Property (TAGALOG)

read
1.2M
bc

A Wife's Secret (Tagalog) COMPLETED

read
8.7M
bc

My Stranger Husband

read
7.2M
bc

Aerin Hamilton and The Assassin Girl (Tagalog) Book 2 COMPLE

read
7.6K
bc

My Secret Agent's Mate (Montenegro Series 2)

read
103.3K
bc

Stan's Obsession (Last Story of Womanizer)

read
68.1K
bc

WIFE SERIES: Tears of a Wife

read
161.0K
dreame logo

Download Dreame APP

download_iosApp Store
google icon
Google Play