bc

Railey's Cradle

book_age16+
2.2K
FOLLOW
10.4K
READ
second chance
arrogant
gxg
bisexual
humorous
serious
city
first love
sassy
like
intro-logo
Blurb

YOLO! You Only Lick Once! Dapat alive, alert, awake, enthusiastic tayo kapag may oh so sexy na chic!

I’m Railey. Hindi ko kailangan ng commitment. I enjoyed being single. Walang mangungulit kung anong oras ako uuwi, walang gigising sa akin para lang magshopping, walang magseselos sa dami ng kaibigan kong babae.

And one more thing, walang magdedemand ng oras dahil sa love love na yan. Coz for me? Love is a just a joke with no punchline

chap-preview
Free preview
RC-1
RC-1 Hapong-hapo akong nahiga sa tabi niya matapos naming pagsaluhan ang isang mainit na tagpo. Yumakap siya sa akin at tuluyang pumaibabaw. She grins at me. She started planting small kisses again on my neck while grinding herself on my thigh. Inilapit niya ang labi niya sa tainga ko and whispered the most stupid joke on earth. "I love you Railey..." I stopped her from what she is doing. She gave me a confused look. "Sorry? Did I just hear you right?" She sweetly smiles as if anticipating the same response from me. Dumistansya ako sa kanya,umahon sa kama at dinampot ang mga saplot kong nagkalat sa sahig. "Anong ginagawa mo?!"tangkang pagpipigil niya sa akin. I don't care if I am naked infront of her. "Sinabihan na kita noon diba? Attraction is normal. s*x is normal but you falling for me? That's the end of this." Namanhid ang kaliwang pisngi ko sa lakas ng sampal na dumapo dito. "So hanggang I like you lang ang kaya mong sabihin ganun? Hanggang s*x lang? Railey, kailangan ko rin ng pagmamahal mo!" I sighed as I put on my shirt."Sorry. Hindi kita kayang mahalin." Hindi ko na siya muling sinulyapan bago lumabas ng unit niya. Nasa elevator ako nang makatanggap ako ng text galling sa kanya. "Please come back. Mahal na mahal kita." She must be joking. We were just dating for about three weeks, NOT EXCLUSIVELY DATING ON MY PART THOUGH, and she loves me already? I must have given her good rounds of s*x. I wanna pat my shoulders for that reason. Bago ko inistart ang engine ay nagpadala muna ako ng message sa kanya. "You'll soon forget that feelings. I hope we could be friends." Napabuntong hininga ako habang pinagmamasdan ang repleksyon ko sa salamin. Namula ang pisngi ko ah. Nag-ring naman ang cellphone ko, nagsumbong naman siya agad sa bestfriend ko. >>>oh bakit? Maka-international call ha? Mayaman. (gago. Katatawag lang ni ano..ano nang pangalan niya?) Natawa na lang ako dahil sa dami na yata ng mga naging flings ko ay hindi na naiya maalala. >>>Cheska... (oo siya... ano? Mahal na mahal ka daw. Kausapin daw kita na balikan mo siya.) >>>hahaha. So tumawag ka lang para diyan? Kilala mo ako mhisty, sayang lan gang laway mo. bye! Pinatayan ko nga siya ng call. Nagsasayang lang siya ng pera niya. Hindi ko kailangan ng commitment. I enjoyed being single. Walang mangungulit kung anong oras ako uuwi, walang gigising sa akin para lang magshopping, walang magseselos sa dami ng kaibigan kong babae. And one more thing, walang magdedemand ng oras dahil sa love love na yan. Coz for me? Love is a just a joke with no punchline. -- After three months. RAILEY’s pov     “Good afternoon maam.”     Iniangat ko ang tingin ko mula sa mga resibong nirerebisa ko.     Si Vida. Dala-dala niya ang pile of folders. Nilapag niya ang mga folders sa mesa ko.     ”Chineck ko na lahat yan. Halos lahat ay sss friends mo at hindi na ako nagulat nang pagbukas ko sa account mo e nag-appear ang mga pangalan nila sa inbox mo. Malandi ka talaga.”     I just ignore her and took my time browsing some of the files. Familiar faces but not significant para matandaan ko ang mga pangalan nila.     “Sinu-sino dito ang mga naka-date ko na?”     “You have dated Ynez, Farah…”bawat pangalan na sinasabi niya ay inihiwalay ko hanggang sa limang folders lang ang natira. “sila lang naman…”     Napailing akong sumandal sa swivel chair.”Sampu sa labing lima? Not bad.”     Kinuha niya ang sampung folders.”Naku Railey, Hindi medals ang mga babae para kolektahin mo ha. Hindi ka na bumabata para paglaruan ang pag-ibig.”     “Whatever.”ipinikit ko ang aking mga mata. Alam na niyang ayaw ko na ng mga pangaral niya. sukang-suka na ako sa bawat araw na ginagawa ng Diyos lagi na lang niyang ipinupukpok sa isip ko na tigilan ko na ang pagpapaasa ng mga babae o lalaki na nagkakagusto sa akin.     “Yan ka na naman. Para kang bata. Tigilan mo na to bago ka pa karmahin ha.”     “Vida, sila ang lumalapit sa akin. pinagbibigyan ko lang sila. Masama bang maging good Samaritan?” I said with a grin.     Napailing siya at kinuha ang sampung folders.”iuuwi ko na to pangningas ng apoy.”pero bago pa siya lumabas ng opisina ko ay nakuha pa niyang magbiro.”Matuto ka namang magmahal Railey hindi ‘yong puro libog lang.”     That’s Vida. Isa sa mga pinagkakatiwalaan ko dito sa bar. Siya ang nagmamanage sa restaurant sa kabilang street na pagmamay-ari ko rin. Siya rin ang tumatanggap ng papeles ng mga gustong magtrabaho sa bar.     Kung isa lang itong kompanya ay masasabi kong siya ang best secretary ever! Siguro kaya secretary ang tawag sa mga secretary ay dahil sila ang nakakaalam ng mga SECRETS ng kanilang boss. Secret agenda after work. Haha.     Nag-alarm na ang phone ko. Alas kwatro na at kailangan ko nang magbreak sa kakarebisa ng mga gastusin sa bar. May duty pa akong kailangang puntahan.     “Jenuel, aalis na muna ako. ikaw na bahala dito ha?”     Sumaludo ang mahusay kong bar manager.     So I went straight to my car and drove to Producer’s Bank. Matiyaga akong naghintay hanggang pumatak ang alas singko. Nang magsilabasan na ang mga empleyado ng bangko ay nagretouch na rin ako. inilugay ko ang aking buhok at naglagay ng kaunting lipstick. Double check on the mirror and put on my confidence.     Bumaba ako ng kotse para salubungin siya.     “Hey…”ngiti ko sa kanya at sa mga kasama niya.     Mukha namang nagulat siya sa presence ko. She kissed on my cheek.”Akala ko hindi mo na ako susunduin.”     Nginitian ko lang siya.”surprise? date tayo.”     “Ang lagay ba e siya lang ang ididate mo?”pahaging ng isang kaibigan niya. I forgot her name thought. Sheryl? Shirley?     “Ask her first…”I am referring to Jasmine.”Kung ako walang problema e. Kahit saan niyo pa gusto.”     Pa-good shot rin kapag may time! Pero alanganin yata kay Jasmine. “E kasi…”     Inakbayan ko naman siya.”sorry guys. Gusto akong masolo e. Next time na lang ha?”      Dahil ayaw ko namang sabihin nilang masama akong tao, nagbigay ako ng pangmeryenda nila. double pagood shot! Kasi cute nung isang katrabaho niya, angtipid ng ngiti tapos iniiwas niya ang tingin niya kapag ngingitian ko siya.     Dinala ko si Jasmine sa Tokyo-Tokyo. Ako na rin ang nakipila. Sumisikat na rin ba ang chain na ito at dumarami na rin ang costumers nila? it must be because of that Brazilian endorser. Yung dinadaan na lang lahat sa ngiti. Hay. Pang-anim pa ako sa pila!     I got my phone to check on Jenuel. Mag-6:00 na rin kasi, opening na ulit ng bar. So while I am texting nahagip ng tingin ko ang isang costumer naiinip na rin. Bale pang-wala siya sa pila dahil may lalaking mukhang bisugo na nasa pagitan namin.     Pasimple ko namang siyang tiningnan and poof. She is indeed pretty! Panay ang tingin niya sa relo niya at sa isang table sa hindi kalayuan. May isang batang nakaupo at nakapangalumbaba. Anak niya kaya ‘yon.     I took a deep breath and put some confidence in my aura. Let’s rock.     “Excuse me?”mahinahon na kong sabi sa kanya.”are you okay? Parang kanina ka pa balisa.”     “Nag-aapura kasi kami. Kanina pa nag-aalburuto yung pamangkin ko.”     Ting! Pamangkin lang niya. Siguro mukha talaga akong mabait dahil hindi niya sinunod ang number one rule never talk to strangers. Mabuti na rin ‘yon. Napakaangelic rin ng face niya. damn. Ito na naman ako e.     “Kung gusto mo palit na lang tayo. Kawawa naman ‘yong pamangkin mo e.” with my all so sweet voice and charm!     “Sure ka? Nakakahiya naman sayo…”     “Yap.”     So nagpalit kami. Paki ko sa damuhong lalaking to na maka-mata sa damoves ko? Nagthank you naman siya at isang ngiti lang ang tinugon ko sa kanya. nainis na yata si manong bisugo kaya lumipat sa kabilang counter kung saan kakaunti ang nakapila. Kaya heto magkasunod na kami ni Miss Maganda na may gwapong pamangkin.     Buti na lang at hindi mga pangmaramihan ang inoorder ng mga nauna sa amin. Si Jasmine na ang nasa counter. Matagal-tagal pa naman ang turn ko kaya tinawagan ko pa si Vida.     (Himalang nangangamusta ka ah…)     >>>talaga? nice to hear that…     (gago! Anong pinagsasasabi mo?!)     >>>hahaha… hindi kaya… i am not committed… mukhang matatagalan pa…     (hahaha…libog mo na naman…! Potaena yang Railey may prospect ka na naman diyan? Hahahaha)     >>>sige na po tita..uuwi akong maaga..bye bye.     (namo! Tita mo mukha mo…)     Ibinulsa ko ang phone ko pagkababa ko ng tawag. Panigurado na naman ang sermon mamaya pero ok lang. Sanayan lang yan.     Tapos na si Miss Maganda at turn ko na!     “Thank you talaga.”pahabol pa niya.     “No Prob…”     Nang turn ko na ay sinalubong ako ng ngiti ng crew. “What’s your order maam?”     “Regular costumer ba ‘yon dito?”     Tumango siya.     Nag-order muna ako. Inabot ko ang 1000 sa kanya.”keep the change. Dating gawin ha? PM mo ako sa FB.”     “Sure maam…”     Salubong na ang mga kilay ni Jasmine nang bumalik ako sa table namin.”sorry, haba ng pila e.”     “Ok lang. Masaya ka naman sa kakalandi mo e.”she said in her annoyed voice.”akala mo hindi ko nakita yong ginawa mo.”     “What? Masama bang makipagpalit kasi gutom na yong pamangkin niya? gagawin ko yong sa kahit sino. Kawawa naman yong bata.”pagrarason ko siyempre.     I love kids. So makakalusot ako dito.     “Naku naman. Kumain ka na nga gutom lang yan.”     Hindi siya umiimik habang kumakain. Medyo patay gutom ako ngayon dahil sa layo ng binyahe ko kaya hindi rin niya ako makakausap.     “Jasmine?”Parehong napaangat ang tingin namin sa isang lalaki.     “Shayne…”     Napatingin ako kay Jasmine na parang binubuhusan ng malamig na tubig at namutlang bigla. So I guess this is trouble.     “Sabi mo uuwi ka na kasi masakit ang ulo mo tapos makikita kita dito?”     Ting! Sounds a boyfriend manner of questioning to me.     “Let me explain babe…”     Confirm! Tumayo ako at inilahad ang kamay ko sa kanya.”Hi, ako nga pala si Railey. Pasensya ka na Shayne, ako kasi ang nagyaya sa kanya. wala siyang kasalanan.”     Tiningnan niya ako sa mukha at sa kamay na inilahad ko sa kanya. “Railey Nicole Garcia?”     Wow! Complete name ko pa talaga! nice one boy! At parang nakikinita-kinita ko na ang susunod na mangyayari.     “Huwag dito Babe. Please…”     “Bahala ka sa buhay mo…”     Honestly? Ito na ang pinakaboring sa lahat ng breAK up na nasaksihan ko! well, I assume magbebreak rin sila afterwards.     “Know what? If you love him sundan mo siya. I can manage here.”     “Pero Railey…iba na kasi ang sitwasyon e.”     Not again! Napabuntong hininga ako at lumagok ng tubig. “I am giving you this last chance to follow him. You must have told her something about me so he walked out. You know my rules jasmine.”     “Pero…”     “Go…”     Alam kong nainis siya pero hinayaan ko siyang umalis. Hay. Hindi pa man rin tumatagal ang paglolokohan namin nahuli na siya agad ng boyfriend niya. hayaan na nga. Life is too short to be wasted.     Binilisan ko na agad ang pagkain ko. Mukha na kasi akong tanga na may pangdalawang order dito. At dahil sensitive ang aking pandinig ay nauulinigan ko ang kwentuhan ng ilang sa paligid ko.     Anglakas daw ng appeal ko. I WAS JUST KIDDING. Pinag-uusapan nila yung eksena kanina. Hindi ba sila aware na naririnig ko ang mga panlalait nila sa akin. Napakajudgmental talaga ng karamihan sa lipunan.     I don’t feel like working tonight so I spent some more time in National Bookstore. Pagkukunwareng matalino muna ako. nagtingin-tingin ng interesting books na pwedeng bilhin at iregalo sa mga bookworms na kaibigan.     “love at first sight…”tag line ng isang romance novel.     Too impossible. Lust at first sight pwedeng-pwede pa! Binalik ko ang libro at nagtingin sa children’s section. Ibibilhan ko na lang ng story books ang mga pamangkin ko sa probinsiya. Lumapad ang ngiti ko nang Makita ko ang isang pamilyar na bata!     Nagtitingin naman siya ng mga coloring books.     “Hey… anong maganda diyan?”     Tiningnan lang niya ako.”I don’t talk to strangers.”     How adorable this kid! “I’m Railey…”lahad ko ng kamay ko sa kanya. napanood ko ang ganitong style sa isang old movie. Malay mo mauto ko itong bata diba?     Tiningan niya ulit ako at ang kamay ko.”Aaron.”nakipagkamay naman siya.”pwede mong abutin yon?”     Nice! Close kami agad. Kinuha ko ang Ben10 na coloring book. Kumuha pa ako ng dagdag na dalawang coloring books. Transformers at dragon ball naman.     “Ron! nalingat lang ako nawala ka na.”     At hindi yata niya napansin ang presence ko!     “Tita, she’s tita Railey.”turo sa akin ng bata.     Nag-wave hi ako sa kanya at siguro ay unti-unting nagregister ang sitwasyon sa kanya. hello! Tipid lang akong ngumiti.     “Miss Mabait…”sa wakas naalala niya naman!     “Tokyo-tokyo girl…”pang-aasar ko naman sa kanya.”nice to meet you again…”     Kung alam ko lang na mangyayari ito at muli kaming magkikita kinuha ko na sana ang sukli ko kanina! Sayang rin yon! But nevermind, what’s important is Miss Angelic Tokyo-tokyo girl is infront of me right here and right now! --    

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Their Desire (Super SPG)

read
962.6K
bc

ANG NABUNTIS KONG PANGIT

read
477.5K
bc

The Sex Web

read
131.3K
bc

NINONG II

read
618.5K
bc

Wanted Perfect Yaya

read
241.5K
bc

My Secretary, Sex-etary [Lee Saunders]

read
272.8K
bc

My Husband's Mistress

read
297.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook