RC-2

1505 Words
RC-2             Hindi naman pala nakakabored maglibot-libot sa bookstore lalo na kung ganito kaganda ang kasama mo. Marami siyang librong binili at lahat ay tungkol sa pag-ibig. Hopeless romantic yata siya. Parang delikado ang buhay ko nito kung nagkataon.              “Book worm?’tanong ko nang nakapila na kami.             “Sort of. Kailangan ko lang magbasa nang magbasa nang magbasa.”             “Why?”             “Para sa trabaho. Newbie writer kasi ako sa isang magazine at gusto kong gumawa ng isang hit na article.”             Di na ako nagtanong pa dahil siguradong magkikita naman kami ulit. Hinintay ko lang silang makasakay ng taxi. Hindi ko na tinanong kung saan siya nakatira. Sapat na ang nalaman ko ang pangalan niya, Vivian Luis. Angcute ng apilyedo parang pangalan lang din. Sana hindi siya straight. Kung straight man siya ay makakagawa ako ng paraan pa mabaluktot ang pananaw niya sa buhay.             Railey yata to! Straight like a rainbow and can bend a gender in an instant smile.             Bumalik ako sa aking hide-out, ang Cradle’s bar. Hinango ang interior design ng bar sa isang Computer Game. Isang chatroom kung saan nagkakaroon ng pagkakataon ang mga indibidual mula sa iba’t-ibang panig ng mundo na makisalamuha sa isa’t-isa gamit ang kanilang mga Avatar.             Dumaan ako sa secret passage ko para makaiwas sa mga regular costumers na ang tanging habol ay ang makaflirt ako.             Maliit na siwang pa lang ng pinto ay naamoy ko na ang isa sa pinakaayaw kong pabango sa tanambuhay ko!             Tuluyan ko na itong binuksan at tulad ng inaasahan ko. Kunot ang noo niyang nakatingin sa akin. nakaupo pa man rin siya aking swivel chair! Oo. SA AKIN yan. Bawal upuan ng ibang nilalang sa mundo!             “You stink!”             Sinamaan niya ako ng tingin.”ano bang problema sa pabango ko?! Dior yan hype. Wala ka talagang taste!”             Sinara ko ang pinto at nilapitan siya. I drag her away from my chair.”wala akong pakialam kung Dior or whatsoever ang pabango mo. masakit sa ilong. Sho!”             Pinalo niya ang kamay ko.”angsama mo ah. Hindi mo na nga kami sinundo ni Amore sa airport pinagtatabuyan mo pa ako.”             Lumipat na siya sa sofa at nagbuklat ng magazine.”So tell me, paano mo nakalimutan ang flight namin ha?”             “Alergic ako sa airport. Alam mo yan.”Kumuha ako ng mig light in can sa red at initsa sa kanya.”treat ko sayo.”             “Gago.”ismid niya sa akin sabay bukas ng alak.”Hindi ko inakalang ganito na kasikat ang bar ah. Galing mo talaga hype.”             “Nasa charm lang yan hype.”naupo na ako sa tapat niya.”So? anong masamang hangin ang nagpalipad sayo dito? Saan si baby?”             “Nandun sa restaurant. Naiingayan na dito kaya dun muna tumambay.”             Konting kwentuhan hanggang naungkat na naman niya ang the usual pinag-uugatan ng panenermon niya.             “Kailan mo nga talaga balak itigil yan?”seryosong tanong niya.”Sa dalawang taon namin sa Italy wala ka nang ibang binabalita sa akin kung hindi yan mga pakikipagflirt mo. hindi ka nauumay?”             Lumagok ako ng alak. Bottoms up dahil nauhaw ako! “Bakit ako titigil? Naniniwala akong flirting is an art. Kailangang ina-apreciate yan Hype imbes na tinitigilan.”             Sinamaan niya rin ako ng tingin. “Ganun na lang ‘yon? Lalandi-landiin mo paasahin mo tapos iiwan mo? Magmahal ka naman na Railey.“             “Nakakatanga ang magmahal. Mas maigi na ang ganito. YOLO…you only lick once and disappear like nothing happened.”I sarcastically answered.             “Gago mo talaga.”             “Alam ko. At alam mo ring hindi na tatalab ang mga sermon mo.”Tumayo na ako.”Tara sa labas. Wala kang kwentang kausap.”             Nagretouch muna kami bago tuluyan. Dala-dala namin ang mga kupita na may alak habang nagtutungo sa mini bar. Malapad ang ngiti ni Jenuel pagkakita sa amin.             “Ayoko ng tingin mong ‘yan. Hindi kami talo.”bungad ko sa kanya.”This is Mhisty.”             Saka lang siya natauhan. Napakamot siya sa batok niya nang makilala niya si Mhisty. Naupo kami at nagmasid sa mga kabataan nagpaparty.             “For two years hindi ka nagsawa sa ganitong Gawain ha. Nakakabilib.”may bahid ng pang-aasar na komento niya sabay turo sa grupo ng mga kalalakihan na nakatingin sa gawi naming.”Marami pa rin pala ang mga lalaking tumatambay dito.”             Tinaas ko ang kanang kamay ko. mga regular costumers kasi sila na nag-aaral sa isang sikat na universiry. Mga richkids at walang alam gawin sa buhay kung hindi pasarap lang.             “Sa dami ng mga gwapo dito hindi ka nagboyfriend. Akala ko ba susubukan mo?”             Ininom ko ang natitirang alak sa kupita saka muling pinasalinan kay Jenuel.”Parang hindi ka updated sa mga lalaking halos magmanik luhod na sa akin para lang balikan ko sila.”             “Malay ko bang meron kahit isa kang minahal dun. Baka kako may nag-spark sa mga make out make out sessions niyo.”             Hindi na lang ako umimik. Paano magkakaroon ng spark kung sa una pa lang ay kitang-kita na sa ma mata ng mga akakadate ko na s*x lang ang habol nila. Of course I trust my instinct since ganun-ganun rin ang tingin sa mga babaeng nagugustuhan ko sa unang pagkikita pa lamang. Which I believe as LUST AT FIRST SIGHT.             Catching up time naming to kaya kung anu-ano lang ang mga napagkwentuhan namin. minsan napapasigaw na ako dahil sa lakas ng music.             Siniko niya ako at sinenyasan na tumingin sa bandang kaliwan ko. Five women for walking towards us. And with those outfits, It is very evident that they want more that acquaintances.             Isinandal ko ang likod ko sa upuan at inabangan ang mga babae. Umorder rin sila nang maiinom. Kunware ay hindi kami magkakilala ni Mhisty at itinuon na laman ang pansin sa pagpi-flare ni Jenuel.             “Hi…”malanding bati sa akin ng naka-red. Halos lumuwa na nga ang dibdib nito sa pagkakahapit ng tube top niya.                         Naiimagine ko ang kamay kong magiging kapos-palad sa kanyang dibdib! Sheessh. Nagpa-implant ba to? I actually I did stare at it for about three second.             “You look familiar…”actually hindi siya familiar! Haha. Gusto ko lang mag-start ng conversation just to get to know her!             “Maybe in your dreams…”hinawakan niya ako sa hita at pinisil ito.             Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa hita ko. “Nope. I think I saw you in a p**n movie.”I said sarcastically.             Angsensitive naman niya! atleast no. Sa hindi gaanong masagwang p**n movie ang tinitukoy ko! dapat matuwa na nga siya nun e.             “Tsk tsk tsk.”inabutan ako ni Jenuel ng san mig light.”Choosy ka ngayon maam ah”             “Jenuel hindi mo kasi alam ang pakiramdam e. ang katawan niya Boom, pero ang hininga niya Panes!”I seriously said.”baka mamamatay muna ako bago ko siya mapaligaya. Huwag ganern!”             Binatukan ako ni Mhisty.”hinahaluan mo na naman ng kalokohan.”             “Hindi kalokohan ‘yon. Katotohanang choosy rin ako.”winisik-wisik ko pa ang kanang kamay ko.”sagrado ang mga to no.” --             Past 11:00 pm             We took the stage after drinking a lot. Nagkunware lang naman kaming too drunk to get the attention of those men on the right corner of this club. Kasabay nang pagpapalit-palit ng kulay ng ilaw ay siya ring paglakas ng palakpak ng mga costumers na unti-unti ay pinalibutan kami ni Mhisty.             “Gago ka talaga hype. Magagalit si Fretzie nito e.”halos pasigaw na sabi ni Mhisty.             Wala akong pakialam! Sayaw lang nang sayaw! Napangisi ako nang tumayo ang dalawa sa mga lalaki at akmang lalapit na sa akin. hinapit ko sa beywang ang babae sa kanan ko at inilapit ang bibig ko sa tainga niya.             “Don’t move, Just do what I say.”             Hindi ko na hinintay na sumagot siya. Ikinawit ko ang dalawang braso niya sa batok ko at hinalikan ko siya sa labi. Hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa beywang niya nang maramdaman kong mao-off balance siya. Amateur naman tong nahila ko. Hindi naman ganun karahas ang paghalik ko sa kanya pero para na siyang matutumba!             Lumakas pa lalo ang pagchecheer ng crowd sa ginawa kong palabas. I really love when they chant my name! Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko nang ginawa to. And honestly? Parang isa na to sa mga inaabangan ng ilan sa tuwing nagpupunta dito.             Railey kissing an unknown girl and Here comes a moment of fame for that lucky woman. Or should I say unlucky woman dahil siguradong kinaumagahan ay ibabash siya ng mga babaeng minsang naging tagapagpahupa ng init ng katawan ko.             Tulad ng nakagawian ay hinigit ko siya sa kaliwang kamay at ang crowd ay nahati para bigyan kami ng madadaanan. Tulad rin ng ibang mga babae ay hindi siya nagprotesta. This is easy as one-two-three again.             Napabuntong hininga ako. Hindi ko pa rin binibitawan ang braso niya kahit nakalabas ng kami ng bar.             “Pwede mo nang bitiwan ang kamay ko.”             That voice is so familiar. Nanlaki ang mga mata ko nang nilingon ko siya. Ipiniling ko pa ang mukha niya nang makailang beses para makasigurado.             “Vivian?!”             She nodded.             “Halla! Sorry! Sorry talaga.”             Hindi ko alam kung may dapat ba akong ipagsorry dahil ilang beses ko na ngang ginagawa iyon. At hindi ko rin mahagilap sa sarili ko kung bakit ako nagsosorry dito e kanina lang kami nagkakilala.             “Ok lang.”tipid niyang tugon.”ganun pala ang pakiramdam.”hawak niya sa labi niya.”Parang hindi rin iba sa halik ng lalaki pero infairness malambot ang labi mo Miss Mabait.”             “Hindi ka galit?”             Umiling siya.”Mukhang nahanap ko na ang taong makakatulong sa akin! “ ---    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD