RC-3

1652 Words
RC-3             Para akong tangang nakangisi. Nag-bo-ballpen spin at nakapatong ang mga paa ko sa mesa ako habang hinihintay si Vida sa opisina ko. Ano kayang flavor ng lipstick ni  Vivian. Parang nalalasahan ko pa rin kasi.             “Parang kang tanga diyan. Balita ko nagshow ka na naman kagabi ah?”             Binaba ko ang ballpen saka ko siya binalingan.             “Yang mga ngiting yan.”komento niya pagkapatong ng pagkain galing sa resto na kakompetensya namin. “Nasarpan ka no? So? Is she interesting?”             Tumango ako.”At ang maganda diyan magkikita kami ulit!”             Tinaasan niya ako ng kilay.”Agad-agad? Iiskor ka na naman?”             Umiling-iling ako saka tumayo.”Kailangan niya ako e. Kailangan niya ng mga taong higit na nakakaalam tungkol sa bawal na pag-ibig.”             Naconfuse ang reaksyon niya.             “Writer siya. Gusto niyang magsulat ng tungkol sa mga lesbian. Particularly lesbian relationships. The Hows and whys and anything under the rainbow sky!”pagyayabang ko pa sa kanya.”hindi ba’t swak kami? Matutulungan ko siya?”             “Nagkamali nga siya ng nilapitan. Anong alam mo sa relationship? E puro ka s*x and go.”Panunuya naman niya.”angyabang nito.”             “Excuse me? May alam ako sa love no. Obsulete nga lang.”tawa ko naman sa kanya.”Huwag ka ngang kumontra. She is a beauty Vida. Kakaiba.”             “Beauty rin yung huli mong naka-one night stand no? gusto mong ipukpok ko sayo tong vase?”amba niya sa akin ng flower vase sa ibabaw ng mesa ko.             Hindi ko na pinahaba ang argumento namin. Good mood ako ngayon. sa sobrang good mood ko kahit maamoy ko ang pabango ni Mhisty ay okay lang! Iisipin ko na lang nakatambay ako sa isang five star hotel comfort room!             “Anong masamang hangin ang nagdala sayo dito?”             “Wow ha? Ganun lang? hindi mo man lang ako kakamustahin?”             Inihagis niya sa akin ang isang malaking chocolate.”Hindi ako nagluto. Yan na lang ang pagtiyagaan mo.”             Hersheys din to no. Angsharap kaya nito! “Bakit? Marunong ka ba nun? Kumain lang ang alam mo no.” I said with a grin.             Berde much alert ang tingin niya sa akin.             “What? Tama naman diba? Puro ka kain! Ikaw na lang lagi ang kumakain!”pang-aasar ko sa kanya. nag-de-kwatro ako at sumandal like a boss.”Magpakain ka rin hype. Kahit minsan lang.”saka ako bumunhalit ng tawa.             “Tang-ina mo Railey!”Hagis niya sa akin ng throw pillow.             Natatawa kong iniharang ang mga braso ko. “Grabe to. Totoo naman ah! Siya lagi ang nagluluto. Ikaw kain ka nang kain!”             “Oo nga baby!”sang-ayon ni Fritzi. Kakalabas lang niya ng kwarto na nakapantulog pa.             Sumipol ako na may halong pang-aasar.”Mas seksi ka talaga baby no? Itong kaibigan ko puro LOVE THE CARBS.”             “Kain kasi nang kain.”             Saka niya ito kinindatan. Hoho! Usapang kainan!! Hindi makaporma si Mhisty sa tandem naming ni Fritzie talaga.             Dahil hindi ko naman isusugal ang lagay ng tiyan ko sa luto ni Mhisty kaya’t pinilit-pilit ko si Fritzie na magluto ng tanghalian namin. kaya heto kami ni Hype nasa mumunting living room nila at may kanya-kanyang mundo sa internet browsing.             Nagrerefresh ako ng kaalaman ko tungkol sa HELL OF ROMANTIC LOVE and HAPPY EVER after lesbian love stories. Kailangan may maisagot ako kapag nagtanong si Vivian. Dapat magmukhang alam ko lahat ng essential facts . pa=good shot ba!             “Ha ha ha! Potaena oh!”             “Problema mo?”             Tawa pa rin siya nang tawa habang nakatutok sa Tab niya.             “Kausap ko si Simsimi Hype.”iniharap niya sa akin ang tab.”Swak na swak e no?”             Q: Kilala mo ba si Aster Railey?             Simsimi: yung mahilig sa uminom? Magaling pumatong ‘yon!             Buset to!             “Namo.”             Tawa na naman siya.”Uy sinagot lang ako ha. haha. Potaena magaling pumatong. Ha ha ha!”             Nakakagago tong si Hype. Topic of the day niya ang app na yan e. Kulang na lang ay ipost niya sa f******k.             Nagyaya naman si Fritzie na magshopping. Actually, kaming dalawa lang ang available. Tinotopak ng saltik kasi si Mhisty dahil sa frustration niyang magluto.             “Hindi mo man lang siya susuyuin?”             “Magiging okay rin siya mamaya.”natatawang sagot ni Fritzie habang tumitingin ng mga off shoulder blouses.”Kung ako sayo bumili ka na ng diatabs dahil mapapalaban tayo sa luto niya mamaya.”             Pareho pala kami ng sintimyento. Diyos ko Lord! Sana ay hindi gaanong sasakit ang mga tiyan naming mamaya. Nakadalawang sign of the cross pa ako kaya mas natawa siya.             Tell me what is with chinitas? O sadyang ang mga tao dito sa PIlipinas ay fan ng mga taong LIIT KITA kaya marami ang napapasecond look kay Fritzie.             Tulad ngayon na kumakain kami.             “Matanong ko lang Fritz, Paano mo napagtitiyagaan ang minu-minutong sumpong ni Mhisty? Nakakainis kaya ‘yon.”             Sumubo muna siya at sandaling nag-isip saka siya nagkibit-balikat.”Siguro kasi mahal ko? ah hindi siguro. Yun nga ang dahilan. Mahal ko e. Bakit?”             Umiling ako.”Boring naman ng sagot mo. Dahil mahal mo lang iintindihin mo na lahat?”             “Bakit? Ganun naman dapat talaga diba? Mahal mo kaya intindihin mo. hindi yon pilitin mong magbago.”             “Pero deep inside, Gusto mong magbago siya. tama?”             Bingo! Hindi siya nakaimik.”Kahit anong paliwanag ang gawin ko hindi mo naman mauunawaan e.”depensa niya na naman.”Saka diba nga sabi mo wala na sa vocabulary mo ang love kaya hinding-hindi mo magegets ang point ko.”             “Whatever.”             Angtagal ko na ring binura ang love-love na yan. Pero hindi naman ibig sabihin nun na hindi ko naiintindihan ang mga ka-ek-ekan nilang dalawa. I just think it is not a thing for me.             “Bigla kang tumahimik. May naalala ka?”             “Marami.”sagot ko nang nakangisi.”sa dami anggulo-gulo-gulo na ng isip ko.”             “Love, s*x, marriage ba yan?”             “I prefer love s*x and move on.”malamig kong tugon sa kanya.”Nakakahalata na ako sa inyo ha? Lagi niyo na lang idinudukdok sa akin ang love na yan. Mapapagod lang kayo promise.” -             Sumakit na ang binti ko pero hayun pa rin siya nagsusukat na naman ng mga pantalon! Balance of nature rin pala silang dalawa e. Isang hindi magaling magluto at isang sobrang tagal magshopping! Pantay lang ang damage sa bawat isa kung sakali.             Uubusin ko na lang muna ang oras ko sa pag-obserba ng mga tao dito sa mall. Gawain naming ito noon kapag wala nang magawa o kapag pagod na kaming maglakad-lakad.             Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. Tumayo na ako para maglakad-lakad na muna. Tinext ko si Fritzie na mauuna na lang umuwi kung hindi niya ako mahihintay. Pakiramdam ko ay kailangan ko ng quality time para sa sarili ko.             Natagpuan ko ang sarili kong nakatayo sa harap ng Arcade. Hindi ako nagpalit ng pera, aksaya lang naman. Nagkasya na lang ako sa panonood sa mga nagkakasiyahang magbabarkada. Hindi napalampas ng mga mata ko ang couple na sweet na sweet pa sa basketball area.             Pati mga teens na imbes na nasa eskuwelahan ay nandito ay kaagang lumalandi. Hay! Nung ako ang nasa edad nila problema ng algebra at chemistry ang inaatupag ko pero sila problema sa paglalandi ang inuuna.             May batang kumalabit sa akin. Bahagya akong yumuko para maabot ko siya.             “Why?”             Pinakita niya yung anim na coins niya saka tinuro ang basketball area. Wala na kasing bakante, paano naman kaya to.             “Kanina ka pa ba naghihintay?”             Tumango ang bata.             Anim na booths. Apat na lalaki, dalawang babae. Yung isa mukhang hipon, aws sayang ang effort ko diyang kung sakali. Sinuri ko ang babae na naka-blue na blouse. Anglamya niyang magshoot mukhang natripan lang talagang magsayang ng pera dito.             Hinintay ko siyang matapos saka ko nilapitan. Kaya naman pala hindi makashoot e! Hindi na makahinga sa sout niya. In fairness naman makinis pero nakakalula!             “Yes?”             Flirt. Gusto kong isupalpal sa mukha niya. kababae kong tao parang ino-offer pa niya ang pinagpala niyang hinaharap sa akin.             “Pwedeng sumunod rin tong bata? Kanina pa kasi siya.”             Anak ng isang libong pokpokita! Yumuko pa siya para i-pat sa ulo ang batang musmos. Tuloy parang naluwa ang mga mata ng mga kabataang lalaki sa kabilang boot.             “Gusto mong maglaro?”             Tumango ang bata. Pero miss Please lumayo-layo ka baka mapagkamalang bola ng basketball yang ano mo. hays!             “Pamangkin mo?”tingala niya naman sa akin.             Umiling ako agad. Iginiya ko ang bata sa booth para makalaro na siya. Akala mo naman kung sinong kamag-anak ang babae na panay ang palakas ng loob sa bata.             Naubos na ang mga coins. Maunti lang ang tickets dahil mas marami siyang sablay. Kapos nga halos lahat ng tira niya.             “Thank you po.”natutuwang pagpapasalamat ni Cedric. Humarap rin diya sa akin at nagpasalamat.             Tumakbo na siya dala-dala ang mga tickets niya. Tanaw ko pang sumugod siya ng yakap sa isang babae na naka-uniporme ng pangmunisipyo. Nice view.             “Hmmm…”             Nilingon ko si Miss Futuristic. “Yeah?”             “Ako pala si Yvette.”nilahad niya ang kamay niya.”Diba ikaw yung may-ari ng Cradle’s Bar?”             Feeling famous na naman ako! kaya siguro pinagbigyan niya ang bata kasi kilala niya ako e. Tumango naman ako.  Nakipagkamay naman ako sa kanya pero saglit niya.             “Sige ha? Salamat ulit. See you around.”tumalikod na ako at naglakad papalayo pero muli ko siyang binalikan.             Lumapad naman ang ngiti niya.”May nakalimutan ka ba?”             “Kindly tell your boobs, stop staring at people.” Kaswal kong sagot saka tuluyang lumabas ng arcade.             Parang gusto ko ulit bumalik ng arcade ng ma-caught off guard ako ng isang taong hindi ko inaasahang Makita sa mall na to at hindi ko rin sana gustong Makita. “Railey!”sinugod niya ako ng yakap at hindi na ako nakapalag.”loko ka ha. Hindi ka nagpaparamdam.”sabay palo pa niya sa braso ko.             “Kailan ka pa dumating?”             “Kahapon. Wala na yung old number mo?”             Tumango ako.”nahulog sa kanal yung phone ko e.”             “amin na ang phone mo bilis.”             Inabot ko naman ang cellphone ko sa kanya. ilang Segundo lang ang kinailangan niya saka muli itong binalik sa akin.             “Naka-save na diyan ang number ko. tatlo yun ha? Saka new f******k account ko. add mo ko ha?.”parang paglilitanya pa niya.”May pupuntahan pa ako. Text and call na lang huh?”             Isang tango lang ang naitugon ko sa kanya. Nagmamadali rin siyang umalis nang kinawayan siya ng mga kasama niyang naka-kpop outfit. Nahilig pa rin pala siya sa kpop.             Tiningnan ko ulit ang screen ng phone ko.             Gemmy.             Ulit ko sa isip ko. Saka na lang kita itetext. __    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD