bc

Be There in a Hearbeat

book_age16+
487
FOLLOW
2.1K
READ
forbidden
friends to lovers
kickass heroine
confident
LGBT+ Patimpalak sa Pagsulat
gxg
like
intro-logo
Blurb

Life is not about getting, it is also about giving and making sacrifices for the ones you love. Just like someone rightly said, "If equal affections cannot be, let the more loving one be me! "

Paano mo papaniwalain ang mga tao sa paligid mo na ok lang ang lahat?

Paano mo papatunayan sa pamilya mo na kaya mong pangatawanan ang desisyon mo?

When you thought they will support you but the other way around happened?

Kung ang mga nangyayari sa paligid mo ay taliwas sa inaasahan at pinapangarap mo?

Kakapit ka pa ba? Makokontento ka na lang ba sa LOVE na nagtatali sa inyong dalawa?

It is never easy… It will never be…

Can love really conquer all?

chap-preview
Free preview
1
Btiah 1 Mika’s pov “miss mali tong binigay mo sa amin!”Sigaw nung lalaki sa table number 7. Nagmadali akong lumapit sa kanila at chineck yung resibo. Tsss. Mali nga ang naibigay kong order. Cheeseburger dapat pero cheesdog ang naibigay ko. “sorry sir…” “ang-tanga naman.”Narinig kong sinabi nung kasama niya. Nagpanting ang tainga ko pero hinayaan ko na lang. Huminga ako ng sampung beses at nagbilang hanggang sampu bago ko ulit sila hinarap. “sorry po ulit sir.” Kinuha ko yung cheesedog at bumalik sa counter. “bakit?”Tanong ni arden. “cheeseburger dude..mali yung nailagay.tss..gusto ko ng patulan e…akala mo kung sino..”Pigil ko ng inis ko. Nilagay niya yung cheesbyrger sa tray.”Calm down mika…”ngisi nito.”Tandaan mo yung mukha…ako bahala jan mamaya.” Napailing na lang ako. Pagbalik ko sa table7 ay nakangisi yung lalaki. I wanna hit his fuckin face! Nakakaloko na e. “Here’s your order sir…”i humbly said. ”Diba tomboy ka? Anak ka ni don miguel reyes diba?” Ngumisi ulit ito. ”Ah…itinakwil ka na pala…” sabay tawa nito. Kalma lang mika. Hindi ka pwedeng ma-lose ng temper. ”Okey na po ba ang order niyo sir?” Kukunin ko na sana yung number pero hinawakan niya ako sa braso. “I want you to be my girl. Gagawin kitang tunay na babae…”nakakalokong ngiti nito. God! Hindi ko na po kakayanin tong kabastusan ng lalaking to. Iwawaksi ko na sana ang kamay niya pero biglang may kamay ni humawak sa kamay nung lalaki at hinila ito. Napatayo yung lalaki sa sakit ng pagtwist sa braso niya. It was arden glaring at him.”Don’t you dare do that to any woman…”galit na pagbabanta niya dito. “Tanga ka ba? Pwede kang matanggal sa trabaho mo sa ginagawa mo.”Yung mga kasamahan niya patayo na rin pero may mga kaibigan si arden na costumers rin dito at nagsitayo rin sila. “tsss… Hell i care? Wanna die?”Pabulong pero mabalasik nitong sabi sa kanya. “Tol awat na…” saway nung kasama nung lalaki. ”Si arden yan… “ Binitawan siya ni Arden. Hinila niya ako pabalik sa counter. Actually sa quarters ng mga employee. “hey okey ka lang?” Tumango ako.”Thank you…muntik ko nang patulan…” “Ok lang… Bakit kasi naisipan mo pang magworking student..e pwedeng pwede ka namang suportahan ng pinsan mo…” pangangaral niya. Ngumiti ako.”Sense of independence?” Ginulo niya ang buhok ko. ”Loko… ok lang..pag natanggal tayo dito lipat ulit tayo ng ibang trabaho.” Then bumalik na siya sa station niya. Tamang break time ko na rin. Nakadalawang lipat na nga pala kami ni arden ng trabaho. Nagresign siya sa kwikness dahil sa akin. Kailangan ko kasi ng part time job. Kailangang kumita e. Nag-apply rin ako dun. Natanggap ako pero unang araw ko pa lang nagkaroon nan g hindi magandang pangyayari. Yung isang costumer kasi na may pagkabarumbado binasto ako. Pinagsalitaan ako ng hindi magaganda. Nangangapa pa lang kasi ako nun sa pagkuha ng orders kaya namali ako. Pagkarinig ni arden sa pagmumura sa akin nung lalaki ay agad niya itong sinuntok. Hayun nagkagulo sa kwikness. Iba na yung manager kaya agad kaming tinanggal. Kung bakit kasi hindi rin niya makontrol ang init ng ulo niya. Sighed. Laging ganun ang nangyayari. Pakiramdam ko tuloy pabigat ako sa kanya dahil napapaaway lang naman siya sa pagtatanggol sa akin. Sighed. Kumusta na kaya si ara. Nasa probinsya pa yun e. Mamaya ko na lang itetext pag tapos na ang shift ko. Ipinikit ko ang aking mga mata ang magnanakaw muna ako ng konting tulog. Arden’s pov Bumalik na ako sa station ko. Dito nga pala ako sa quick eat nagtatrabaho. Simpleng fast food chain. Pangatlong inaplayan namin ni mika. Pasalamat nga kami at kahit hindi maganda ang naging background ng mga past works namin e tinanggap pa rin kami. Sabi nung manager mula nang dumating daw kami dumami ang costumers nila. Panung hindi e sinabihan ko yung mg aka-frat ko na dito na kumain at tulungan kami sa pagpromote ng foodchain na to. Ah yeah. Bumalik ako sa frat. Pero hindi na dating puro basag ulo ang inaatupag namin. May mga community services na rin kami ngayon. Pero hindi pa rin maiiwasan ang mapaaway. Kasama na sa buhay frat yun e. Muntik na naman pala akong mapaaway kanina. I will never regret it though kahit matanggal ulit sa work. “Muntik ka na naman dun Arden.”Narinig kong sabi ni sir luis. Manager ng qe. Napakamot ako sa ulo ko. ”Bastos sir e…” Napailing ito at pi-nat ako sa balikat.”Next time tuluyan mo na.”Then he left. Ha? As in? Pwede?hahaha. Huwag ko na ngang seryosohin yung sinabi ni sir luis. Control control ng temper ang gagawin ko. Tutal may mg fratmates rin naman akong nakatambay madalas dito. Just for back up oh de sila ang makikipagbugbugan na lang. Matapos kong ibigay ang order ng table number 10 ay oras na rin ng break ko. Naabutan ko si mika na nakasandal sa mesa at natutulog. Hay. Ayaw talagang patalo sa tatay tong si mika. Pangangatawanan daw niya ang pagiging independent. Fine. Nandito naman kami para tulungan siya e pero pag financial daw hindi niya tatanggapin. Kasingtangkad niya ang pride niya pagdating sa pera. “Gising ka hoy.”Yugyog ko sa balikat niya. “Huh? Ako na ba ulit? Wait lang.”Tatayo sana siya pero pinigil ko na. “Nanaginip ka na naman? Workaholic mo talaga.”Biro ko dito. Napakusot pa siya sa mga mata niya.”Sorry… “ “Tara labas muna tayo… pinagpaalam na kita kay sir…ilang araw ka ng over time e…magrelax ka naman…” “Pati ikaw?”Tanong niya. Tumango ako.”Pareho tayo ng schedule diba? Sabay tayong nag-a-out…oh de over time rin ako…” Nagbihis na siya. Actually kakausapin ko pa lang si manager. Haha. Habang nagpapalit si mika ay kinausap ko sa si sir luis. Pumayag naman ito agad e. Tsk. Basta mika-arden payag yan. Lucky charm niya yata kami no. Kahit sa byahe ay tulog na naman si mika. San ko naman kaya ipapasyal tong si tangkad. Ginising ko ulit siya. “Toks…” tulak ko sa balikat niya. Walang pansin. Tulog pa rin e. “Toks…Gising..San mo gustong pumunta?” Naalimpungatan na siya sa wakas. “Ha? Uhm.Ikaw nagyaya diba?” Sagot niya. Then nagring ang phone nito.”Hello? Uhm..opo punta na ko diyan…”pagkababa niya ng phone ay bumaling siya sa akin.”Toks… punta tayo sa office ni ate may… “ So off we go to miss may’s office. Medyo awkward pa rin kung ate may ang itatawag ko sa kanila though yun daw dapat ang itawag ko. Nervermind. May sasabihin pa sana ako kay mika pero hayan tulog na naman. Mika’s pov Deretso na kami sa office ni ate may. Abala ito sa rereview ng ilang papeles. “Good morning po.”Bati ko sa kanya. “Hello miss may…”said arden. Tiningnan lang niya kami at sinenyasang umupo. “Alam mo naman na siguro kung bakit kita pinapunta dito?” Umiling ako.”I forgot?”Alanganin ngiti ko sa kanya. Natawa naman ito.”You’re too busy huh? Alalay lang sa pagtatrabaho mika…” “Yun nga po ang sabi ko sa kanya e pero ayaw papigil.” Sabat ni arden. Sinipa ko siya sa paa.”Ano na nga yun ate?” May inabot siyang folder sa akin. ”Two competing products…gusto nilang makuha ang suporta ng kompanya para sa commercial… and all you need to do…” “Ookrayin ko na naman sila.haha” Tumango siya. I look over the folder. Sports shoes. Uhm. Tinawag niya yung secretary niya. May dala itong dalawang kahon ng sapatos. “Two weeks…pwede na?” I nodded. ”Kahit isang linggo lang may “say” na ko agad diyan,” pagyayabang ko. Humuhugot ito ng pera sa wallet niya. “Saka na ate. I still have my budget.Pag natapos ko na tong pinapagawa mo sa akin saka na kita sisingilin.”Ngiti ko sa kanya. “Paano ako?” kunwareng pagtatampo ni arden. “Oh bakit?” Ngiting nakakaasar ni Ate May. Nag-peace sign na lang si Arden. ”Joke lang.” “You also have one… Yung kuya zean niyo e… mapilit… “ pumasok ulit yung secretary. Soccer shoes naman ang dala niya. Kailangan rin ng “say” ni Arden dito. ”Si zean ang kausap mo diyan ha? Siya ang magbabayad sayo.” Paninigurado ni ate may. Sumaludo si arden sa kanya.”Yes Maam.” Paalis na kami ng building nang akmang makakasalubong ko sina papa. Napatigil ako. “Kaya mo?”Pag-aalala ni Arden. Hindi ko na to maiiwasan. Nung nasa harapan ko na sila ay yumuko ako bilang paggalang. Tuloy-tuloy lang silang naglakad kasama ng mga delegates niya. Nilampasan nila ako na parang walang nakita. Nung nakalayo na sila ay pi-nat ni arden ang balikat ko.”Maayos rin ang lahay mika.” “Alam ko…Pero masakit yung hindi ka pinapansin ng magulang mo arden…” I sighed and smiled. ”Kaya ko to… they won’t see me cry… push natin to Arden…” Natawa naman siya bigla at napailing. ”Ewan ko sayo Reyes…iba ka talaga…” Reyes yata to no. Inaamin kong mahirap pero ayokong ipamukha nila sa akin na tama sila simula’t-sapul without even trying to fight. “San mo pa gustong pumunta?” Nag-isip ako saglit. ”Sa condo ni Cobie…” Agad kaming nagtungo sa condo niya. Iniwan niya sa akin ang susi before she left. Gagala na naman sa ibang bansa titingin ng subject for his hobby at titingin ng chics. Mapadalhan nga ng message. Me: hoy…are you in the middle of toot toot > ;p Natawa ako sa text ko. Pag-aaksayahan ko talaga ng load ang pambubueset sa cobie na yun e. Siguro ay mga sampung minuto bago ito nagreply. ***********: hoy gago..anong toot toot ka jan..ito nga at puro gandang hipon e. Tapon ulo kain katawan.haha. Oh nakaalala ka? Hindi ako nagreply. Napa-smirked ako sa isip ko. 10… 9.. 8 7 6 5 4… Nagring na ang phone ko. Hahaha..sabi na nga ba e. Tatawag siya. >>>Oh..di mo ko matiis no?umamin ka may pagnanasa ka sa askin coleen?hahahahha (Gago! So what’s the matter? Napatext ka ng wala sa oras?) >>>uhm..Pwedeng mag-stay sa condo mo ngayon? Im stress at the dorm e… wala pang training kasi..Wala akong kasama.. (Gamitin mo lang… hahaha. You know naman hindi ko gaano ginagamit yun..) >>>i know right daddy’s girl.hahaha Binabaan niya na ako ng tawag. “toks… bili tayo food? Tapos movie marathon…” Hindi na ako bumaba si arden na lahat ang bumili ng mga kailangan namin sa condo. Hindi ko pa rin pala natatawagan si ara. Ang sabi naman niya kaninang umaga may family outing sila kaya hindi ko na rin muna iistorbohin. Nakarating na kami sa condo ni cobie. Humilata agas si arden at tinawagan si ate cha. Magrereport sa commander. Hahaha. Nanonood kami ng one piece series. Oo na.trip ni arden yan e. Dami ko daw utang na loob sa kanya kaya pagbigyan ko siya sa trip niya. Ako yung chichiria ang inatupag ko. Kahit papano nakakalimutan ako ang mga problema ko pag ganito. “toks….”Tawag sa akin ni arden.”Hindi ka pa napapagod?” “Tsss.hindi no…  buwan pa lang naman ang nakalipas..pagod agad?” “Yun nga e… Isang buwan pa lang..pero naka-tatlong palit na tayo ng trabaho.” Tawa niya. ”Yaw mong magpatulog kay Miss Jm?” Umiling ako. ”Maaga pa para sumuko sa laro ni papa… kaya ko to.. May dapat pa akong patunayan sa kanila ni mama.” “Alam na ni ara?” Umiling ako. ”Baka sisihin pa niya ang sarili niya pag sinabi kong itinakwil ako nina papa.” “Toks… Sabihin Mo Sa Kanya. Mmaiintindihan ka niya. Huwag mong ulitin ang pagkakamali mo noon…” Hindi na ako makafocus sa pinapanood ko. “Toks? Sa tingin mo hindi niya ako iiwan pag nalaman niyang itinakwil ako ng pamilya ko?” “Hindi yun toks… Mahal ka ni ara… Magtulungan kayo. Hindi yung ikaw lang ang lumalaban without her knowing… “ Ayos kausap talaga tong tukmol na to e. Sighed. Papa, sorry. Alam mo naman kung gaano ka kappa-saway ay doble ang anak mo diba. Hindi kita susukuan. Devil smile. Bzzt..bzzt..bzzt.. Moy: i love you moy… miss na kita… balik na sa training next week… -tbc  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Ex, My Boss, My Husband R-18

read
556.2K
bc

Wanted Perfect Yaya

read
241.4K
bc

Unexpected Romance

read
38.1K
bc

Mr. Miller: Revenge for Love -SPG

read
308.6K
bc

Mr. Moore: The Monster of my Life (book 1) - SPG

read
684.2K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.1K
bc

My Stranger Husband

read
7.2M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook