“Grabe naman sa security. Hindi naman sila gold. Tindi naman n`ong guard ah! Anong tingin sa atin? Terorista?” Nagbubunganga si Eljay kahit ilang minute na rin kaming nakapasok sa mall. Pinabuksan pa kasi `yong bag niya. Kinalkal maigi ang laman. “Buti na lang hindi ko dala `yong mini balisong ko! Haha!”
“Trabaho naman nila `yon. Hayaan mo na. Bili muna tayo ng maiinom. Libre kita.” Hinila ko siya sa Buko ShakeShake. Angcute naman ng logo nito. Nakembot na buko! Haha! “`Yong maliit lang, ha. Hindi pa ako mayaman.”
Marami na kaming napapadaan na mga fans ni Alejandro. `Yong tshirts nila may print ng mukha niya. Daig pa niya ang kandidato! Grabe!
“Hindi ako aabot sa ganyan.” Natatawang komento ni Eljay. “Matindi naman sa suporta! Hindi na ako magtataka kung pati panty nila may mukha ni Alejandro! Haha! Sa tapat pa ng buhay ng tilapia!”
`Yong hagalpak pa niya napaka-eskandalosa.
“Hoy! Bibig mo naman!” Napalo ko nga siya. “Marinig ka nila e.”
“Okay lang `yon, Teh. Baka totoo nga e. Haha!”
Nakakaloka naman `yong ganong pagpa-fan girl! Adik na adik na kay Alejandro ko. Naghanap na kami ng mapu-puwestuhan. Napakahirap makipagsiksikan! Buti magaling bumalya itong si Eljay. Nakarating kami sa railings nang hindi ko inaasahan!
“Ganda ng view! Boss! Nagtutulak sila dito oh!”
Grabe siya. Nagawa pa niyang tawagin ang atensyon ng guard. Napagsabihan pa tuloy `yong mga nasa likuran.
“Diskartehan lang `yan,” pagyayabang pa niya. “Teka magsisimula na. Takpan mo ang tainga mo. Mabibingi ka. Haha!”
Pagkalabas nga nila Alejandro at Lucy ay nagsigawan ang mga manonood! Napatakip talaga ako ng tainga dahil sa tinis ng pagsigaw ng mga fans. Nag-e-echo pa! Si Eljay nakikisigaw na rin.
“Abs lang Alejandro! Sapat na! Hooohhh!”
Ako naman ay nahihiyang nakikipalakpak lang. Nakakainis na nga itong marami ang nagpapantasya sa kanya, dumagdag pa ang holding-hands nila ni Lucy. May pa-sway-sway pa silang nalalaman. Pinunasan pa ni Lucy ang pawis ni Alejandro ko!
“Bagay na bagay sila, fren!”
“Grabe! Perfect siguro ang magiging anak nila.”
“Siguro masarap sa ano `yan si Ale!”
Hoy! Grabe ang mga bibig ng mga `to. Napa-sign of the cross ako sa mga naririnig kong may kalaswaan. Diyos ko! Maling desisyon yata na pumunta pa ako dito.
Gusto ko na ngang umuwi kaso naman hindi ako makasingit sa dami ng nanonood. Hindi ako marunong makipagbalyahan.
“Kiss! Kiss!”
“We lab yu AlCy!”
`Yan tawag sa loveteam nilang dalawa. AlCy. Parang `yong softdrinks lang pero bulol! May autograph signing pa daw. Kandahiyaw-hiyaw naman ang mga fans nila.
“Pila tayo. Sayang chance na makamayan ang mga artista!”
Hindi na talaga niya hinintay na mag-yes ako o tumanggi. Kinakaladkad na niya akong bigla! Eljay naman! Ayaw niyang paawat! Nakipila talaga siya.
“Dito na lang ang otograp sa resibo haha! Ipapa-laminate ko.” Inabot niya sa akin ang isa. “Oh, para may remembrance ka din. Kay Alejandro tayo hihingi ng otograp.”
“Ayaw mo kay Lucy?”
“Gagi! Ayoko ng merlat. Duh! Gusto ko microphone! Haha!”
“Ha?”
“Wala. Laking halleluiah ka nga pala. Huwag mo nang alamin. Pila ka na para sa abs ni Alejandro! Haha”
. Ano naman kaya ang magiging reaksyon niya kapag nakita niya ako? First time kong pumila sa fans day niya. Madalas kasi ay nanonood lang ako mula sa malayo. Secret pa `yon ah.
Naiirita ako sa panay akbayan sa picture. Hay, Madonna! Kumalma ka. Trabaho lang `yan. Hindi talaga gusto ni Alejandro ang ganyan.
--
Malapit na kami sa stage! Si Eljay nakailang singit na. Nasa bandang unahan na siya e. Mukhang nalimot nang kasama niya ako.
Pogi ng boyfriend ko talaga! Nagkatinginan kami ni Alejandro. Nginitian ko siya siyempre. Mukhang nagulat pa siya na nakapila ako. Pero ginantihan rin niya ako ng ngiti.
“Nginitian ako ni Alejandro, Mars!”
Kulang na lang ay tumili itong nasa likuran ko. Kilig na kilig pa talaga siya! Pasimple akong lumingon para masipat ko ang itsura niya.
Lamang lang siguro siya sa kinis ng mukha. Tsk! Sorry, Miss. Gandang Madonna ang hanap ng tinitilian mo.
Ako na ang next! Gusto kong lampasan sana itong si Lucy pero baka may nagbi-video tapos lumabas na bastos ako. Kaya nagpa-otograp na rin ako sa kanya.
“Thank you po, Miss Lucy!”
Isang malinis na piraso ng papel naman ang inabot ko kay Alejandro. “Hmm, pakilagay na lang po ‘To Madonna’.” Kunwari ay hindi kami magkakilala.
Dear Madonna ang isinulat naman niya. Tinakpan pa niya e! Sinisilip ko kasi. Tinupi niya saka niya inabot sa akin.
“Salamat sa pagpunta.”
“Salamat rin dito!” Nakipagkamay pa ako sa kanya. Siyempre pinisil kong konti ang kamay ng boyfriend ko `no! “Thank you ulit!”
Mamaya ko na babasahin `yong note. Sigurado namang maiksi lang ang isinulat niya e.
“Hoy! Iba ang ngiti ah. Akala ko magkukwentuhan na kayo maghapon ni Papa Ale.” May paghampas pa sa brasong salubong sa akin ni Eljay. “Angbango ng kamay ni Lucy kamo. Lambot pa. Sanaol hindi magaspang ang palad. Haha!”
“Siyempre alaga ang mga palad nila. Baka kamo naka-insurance pa `yan. Tara uwi na tayo?”
“Agad? Dito muna tayo. Pagmasdan ko muna ang kapogian ni Papa Ale. Haha!”
Hinigit ko na nga siya. Aabutan pa kami ng matinding trapik kung mamaya pa kami aalis e. Saka pagod na rin ako at naiinis sa maya’t-mayang pagholding hands nina Alejandro at Lucy.
Pinakita niya `yong note na sinulat ni Alejandro para sa kanya. “To Eljay. Ty for your support.”
“Mahihiya ang handwriting ko dito. Mas maganda pa nga kaysa kay Lucy. Haha! Anong message sa`yo ni Papa Ale?”
Hindi ako sigurado kung ano ang sinulat niya kaya ayokong ipakita.
“E malamang pareho lang. Alam mo naman ang mga artista. Pare-pareho naman ang nilalagay sa otograp.”
“Sa bagay. Pero nakakatuwa pa rin. Angbait ni Papa Ale. Kaya siguro marami ang nahuhumaling sa kanya. Parang gusto ko na rin pumila. Haha!”
---
“Dear Madonna, thank you! Ingat sa pag-uwi. Hope to see you soon. Love-Alejandro.”
Kaya pala tinupi maigi e! Kaylambing naman ng boyfriend ko. Sana magkaroon ulit kami ng pagkakataong magkasama. Nilagay ko ang note sa wallet ko. Alaala ng first time kong pagpila para lang makalapit sa kanya. Angdami kong naramdaman kanina pero mas namutawi iyong saya nang magkaharap kami. Gusto ko na ngang yakapin nang napakahigpit e.
Humiga na ako para makapagpahinga. Trabaho ulit bukas! Hay! Ayokong mainis kaya hindi muna ako magbubukas ng social media. Pagpantasyahan nilang lahat si Alejandro, pero sa huli ako pa rin ang girlfriend niya at magiging asawa niya.