CHAZZY “Chazzy.” Saka lang ako nakabalik mula sa malalim na pag-iisip nang marinig ko ang boses ni Kuya Clarkson. "So, what can you tell me about what you found out about him?” Kumibot ang labi ko. Gusto kong magsalita, pero nahihirapan akong gawin ito. Shocked pa rin ako sa nalaman ko. "I'm speechless, Kuya. I can't bring myself to believe what I just read.” Pumalatak ang kapatid ko. “You can ask him if you don't believe what you read. But I'm absolutely convinced that everything written there is true.” Pinaningkitan ko siya ng mata. “Naniwala ka ng gano'n kadali, Kuya? Pagkatapos niyang mag-malasakit sa kumpanya natin?” “Paanong hindi ako maniniwala, kung galing ang impormasyong iyan sa magaling na imbestigador?” Tumuwid siya ng upo at mataman akong tinitigan. “Teka nga, bakit mo

