THOMAS Nang magsara ang elevator, sakay si Chazzy, dumating kaagad si Malum, isa sa mga tapat kong tauhan, dala ang sasakyan ko. Hinayaan ko na rin na siya ang magmaneho para sa ‘kin. “Ano'ng balita?” tanong ko habang tinatahak namin ang daan pabalik sa bahay. “We've already traced him, boss.” Matagumpay akong ngumiti dahil sa magandang balita na sinabi nito. “Good. Who's the damn bastard trying to invade my privacy?” Kailan ko lang nalaman na may isang tao ang nangahas na imbestigahan ako. Kaya bago pa kumalat ang tungkol sa akin at sa organisasyon na iniingatan at pinapangalagaan namin, kumilos na ako. Pina-trace ko ang taong ito. At hindi ako binigo ng mga inutusan ko. Heto na at malalaman ko na kung sino ang nasa likod ng pagpapa-imbestiga sa akin. “Ang totoo niyan boss, he's

