CHAZZY Ilang minuto kami sa himpapawid. Nililibang ko na lang din si Thea dahil kahit ako, masakit sa mata ang nakikita ko. Sa harap ba naman namin nag-holding hands ang dalawa. Ang sarap lang batukan ni Kuya Clarkson, pero ano nga ba ang alam nito sa nararamdaman ng kaibigan ko? In-enjoy namin ang nakikita mula sa taas. Maging si Reece ay tuwang-tuwa sa mga nakikita niya sa ibaba. Maya't maya nga ang kalabit niya kay Serge na nakapikit at parang natulog lang sa loob ng chopper. Makalipas ang ilang minuto, nakalapag na amg chopper sa lupa. Pinatay muna ni Thomas ang makina nito bago siya bumaba. Sumunod si Serge na kaagad inalalayan ang pagbaba ni Reece. Una akong pinababa ni Thea. Nakangiting inalalayan ako ni Thomas. Sumunod sa akin ay sina Kuya Clarkson at Rosie. Uutusan ko sana s

