CHAZZY “T-Thomas…” The truth is, I don't know what to say. I was shocked by what he said. Is he serious? I mean, I never thought he would say that. Nang segundo na ang lumipas, wala pa rin akong sagot, umupo siya at hinawakan ang dalawang kamay ko, saka mataman akong tinitigan. “Let's get married, Chazzy.” Lumunok ako. Parang may kakaibang emosyon ang bumalot sa sistema ko. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. “H-hindi ba parang masyado pang maaga? Wala pang alam ang parents ko tungkol sa atin. Gusto ko munang pormal na ipakilala ka sa kanila, Thomas,” paliwanag ko. Kapatid ko lang at si Thea ang nakakaalam ng relasyon naming dalawa. Kung gusto niya ng pormal na pag-iisang dibdib, kailangan niyang hingin ang kamay ko at ang pahintulot ng magulang ko.

