CHAZZY Abala ako mag-inventory sa stock room ng tumunog ang phone ko. Napangiti kaagad ako ng makita ang pangalan niya. “Hey, baby. Naistorbo ba kita?” Habang lumilipas ang mga araw, pinaparamdam niya kung gaano ako ka espesyal sa kanya. Sweet siya kahit nag-uusap lang kami sa phone. At kapag magkasama na kami, mas lalo siya nagiging sweet sa akin. Kulang na lang ay dumugin kami ng mga langgam sa sobrang ka-sweet-an niya, bagay na gusto ko rin na ginagawa niya. Nasasanay na ako sa mga gestures niya sa akin. At pakiramdam ko, kapag hindi niya ito ginawa ng isang araw lang, mag-iisip na ako ng kung ano-ano. “Hindi naman. Bakit napatawag ka? May gagawin ka ba tonight?” Simula ng gabi na nalaman ko na isa siyang mafia, lagi na niyang sinasabi sa akin kung ano ang ginagawa niya, o kung

