THOMAS Kinabukasan, maaga akong pumasok sa opisina. I have a busy schedule today, so I should finish early to meet Chazzy promptly. Gusto ko siya tawagan para i-remind sa pinag-usapan namin ng nagdaang gabi, pero pinili ko na ‘wag na itong abalahin. Alam ko naman na nakukulitan na ito sa akin, kaya bibigyan ko muna siya ngayon ng peace of mind kahit ngayong araw lang. Natagpuan ko ang sarili na napapailing habang mahinang tumatawa. Hindi yata agad ako makaka-recover nito dahil paulit-ulit na sumusulpot sa isipan ko ang tagpo sa patag. Hindi na ako makapaghintay na makita ang reaksyon niya kapag sinabi ko ang mga ginawa at sinabi niya. Pero ayoko maging obvious, kaya hahayaan ko na siya ang unang magtanong. Tinapunan ko ng tingin ang intercom sa ibabaw ng office table ko ng tumunog ito

