CHAZZY Unti-unting lumuwag ang hawak niya sa kamay ko. Ngunit nagtaka ako nang muli niya itong hinawakan, kaya puno ng pagtataka ang tingin na pinukol ko sa kanya. Pinaningkitan niya ako ng mata. “Paano ako makasisiguro na wala kang gagawin na hindi ko magugustuhan?” Tinaasan ko siya ng kilay. “Gusto na nga kitang sampalin, tadyakan, at suntukin dahil sa gigil ko sa ‘yo, alam mo ba ‘yon?” Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga. “Pero baka maubusan ka na ng pasensya sa ‘kin. Kaya sige, go with the flow na lang ako,” dagdag ko pa. “Actually, kanina pa naubos ang pasensya ko. Pero mas mabuti na nagkakalinawan tayo. Hindi tayo lalabas dito hangga't hindi ko nagagawa ang gusto ko sa ‘yo. Pagod na ako, kaya sana ay makisama ka na sa akin ngayon, Chazzy.” Bigla akong na-guilty. Ha

