CHAZZY Mahirap matulog kapag laging may sumusulpot sa isipan sa pagpikit pa lamang ng mata. Katulad ngayon, hirap na hirap ako na kunin ang tulog ko. Ilang araw nang gumagambala sa isipan ko ang naganap sa pagitan namin ni Thomas sa opisina ko. Naiiyak na ako dahil alas dos na nang madaling araw ay gising pa rin ang diwa ko. “Kasalanan ito ng pervert na psychopath na iyon,” nanggigigil na sabi ko. Ilang araw na rin simula ng huli kaming nagkita. Mabuti na rin iyon para tahimik ang buhay ko. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang dahilan niya kung bakit kailangan ko magpanggap na girlfriend niya, kaya palaisipan para kanino ako magpapanggap. Baka may ex-girlfriend siya na pagseselosin naming dalawa? Malalim ang pinakawalan kong buntong-hininga saka nagbuga ng hangin, bago kinuha

