THOMAS Tulala ako habang nakatingin sa kamay ko na may benda. Hindi ako makapaniwala na nagawa ko siyang pakawalan ng gano'n na lang. Hindi biro ang pagtitiis ko para humanap ng tamang pagkakataon na malapitan siya, tapos, hinayaan ko lang siyang umalis? It's hard for me to let her go, but if leaving her is what will bring her peace, I will give her that peace. Tumunog ang phone ko. Nang makita na si Prixx ang tumatawag, kaagad ko itong sinagot. “Nasa mall na si Miss Chazzy, boss.” “How is she?” I still can’t help but worry about her. “Tahimik lang siya kanina, boss. Pero parang ang lalim ng iniisip niya.” Mabigat akong bumuntong-hininga. Wala akong ideya sa posibleng tumatakbo sa isipan ni Chazzy, pero nang tumugon siya sa halik ko, nagkaroon ako ng pag-asa na huwag huminto sa

