CHAZZY Awtomatikong tinaasan ko siya ng kilay nang makita ko kung paano niya ako titigan. Malaki ang damit niya, pero may kaiksian at halos kalahati lang ang haba nito sa hita ko. Kahit may suot akong boxer, hindi pa rin ito sapat para hindi malantad ang mahabang hita ko. Para lang nga akong nakasuot ng cycling sa suot kong boxer. Hindi ako komportable na ganito ang suot ko, lalo na at kasama ko siya sa isang kwarto. Walang problema kung ako lang at ganito ang suot ko. Kapag nasa kwarto naman ako, ganito rin ang suot ko kapag natutulog. Pero kabisado ko na kasi ang takbo ng utak ni Thomas. Katulad ngayon, para nang tumatagos sa katawan ko ang mga titig niya sa akin. Mabuti na lang ay nakatakip na sa dibdib ko ang isang kamay ko. Kahit medyo makapal ang tela ng damit niya, bumabakat p

