CHAZZY Pinaghiwalay niya ang dalawang hita ko bago siya pumuwesto sa ibabaw ko. Nagsimula na akong maghabol ng aking hininga nang marahan niyang dinampian ng halik ang noo, talukap ng mata ko, bawat sulok ng pisngi ko, at tungki ng ilong ko habang naglalakbay naman ang isang kamay niya sa katawan ko. Maingat at walang halong pagmamadali ang bawat dantay ng labi niya sa balat ko. Parang gusto niyang namnamin ang bawat sandali kahit alam ko namang sabik na sabik na siyang angkinin ako. Huminto siya sandali at bahagyang nilayo ang kanyang mukha. Namumungay ang mata niya habang titig na titig sa akin. Patuloy pa rin na naglalakbay ang kamay niya sa katawan ko. Parang gusto niyang makita ang magiging reaksyon ko sa susunod niyang gagawin. “I've been fantasizing about this for six years, ba

