CHAZZY Naalimpungatan ako at napabalikwas ng bangon nang pagmulat ko ng mata ay liwanag ang sumalubong sa akin. Kinapa ko ang katabi ko, pero wala siya sa tabi ko. Mayamaya lang ay namilog ang mata ko at napasinghap nang maalala ko si Travis. Kaagad akong umalis sa higaan para puntahan siya sa kanyang silid. Sa sobrang pagod ng katawan ko ay hindi na ako nagising para balikan si Travis sa kwarto nito. Ngunit kalaunan ay napahinto ako ng napagtanto ko na nakabalot lang ng kumot ang hubad na katawan ko. Ginala ko ang mata sa loob ng sahig para hanapin ang suot kong damit na hinubad ni Thomas, ngunit hindi ko ito mahagilap. Mayamaya lang ay bumukas ang pintuan. Namilog ang mata ko nang pumasok si Travis sa loob ng silid. Mabilis akong bumalik sa kama at binalot ng mabuti ang katawan ko

