CHAZZY “Magpapakilala ako, pero kailangan n'yong sumama sa ‘kin. Hindi kasi ako ang magpapaliwanag ng buong pangyayari sa inyo. Biktima rin ako katulad ninyo.” Puno ako ng pagkalito. Hindi ko siya maintindihan. Pero para lang malinawan ay sasama kami sa kanya. “Hintayin mo ako dito,” walang emosyon na sabi ko. Binalikan ko si Thomas at Travis. Nagtatanong na tingin ang kaagad na sinalubong sa akin ng asawa ko. “Who's that woman?” “Hindi ko kilala, pero kilala niya tayo.” “What?” Nilingon ko ang babae. Naroon pa rin siya sa pwesto niya. Seryoso nga siya na hintayin kami. Muli kong binalik ang tingin kay Thomas. “Kailangan nating sumama sa kanya.” “But why? Hindi naman natin siya kilala, mine. At saka, mapagkakatiwalaan ba ang babaeng iyan?” Bumuntong-hininga ako. “Alam

