THOMAS Napapitlag ako ng may nararamdaman akong sumisipa sa likod ko. Dahan-dahan akong kumilos at unti-unting minulat ang mga mata ko. Medyo malabo pa ang mata ko, kaya kumurap-kurap ako. Ilang segundo lang ay luminaw na ang paningin ko. Nilibot ko ang paningin para alamin kung nasaan ako, ngunit biglang kumirot ang ulo ko kaya tumuon ang atensyon ko dito. Dinala ko ang kamay sa likod ng ulo ko. Napangiwi ako ng dumampi ang kamay ko dito. Nang tingnan ko ang palad ko ay may bahid ito ng dugo. “Mettiti in piedi!” matigas na utos ng lalaki sa likuran ko. It means, stand up. Sapo, ang ulo ay tumayo ako. Kumunot ang aking noo nang marinig ko ang hiyaw ng maraming tao. Nang muli kong nilibot ang paningin, saka ko lang napagtanto kung nasaan ako. I'm down in the underground boxing aren

