THOMAS Several months ago… “Kuya, ano na naman ang ginawa mo?” bungad na tanong ko kay Kuya Tanjie pagdating ko sa mansion house namin dito sa Italy. Prente siyang nakaupo sa couch, hawak ang baso na may lamang alak, na parang walang problemang kinakaharap. “What are you doing here, bro?” gulat na tanong niya. Tumayo siya at sinalubong ako ng yakap. “I'm here to solve your problems, for goodness sake!” yamot na sabi ko. “Si Daddy ba ang nagsabi sa ‘yo?” “Yes.” “I told him to keep it a secret from you,” palatak niyang sabi. “Maliit lang naman iyon, bro. Kaya kong lusutan.” “Bakit kailangan pa akong papuntahin dito ni Daddy kung kaya mo naman palang lusutan?” Duda ako sa sinabi niya. Ayaw lang niyang mag-alala ako. “Ano ba talaga ang nangyari?” Tumayo siya sa harap ng glas

