Chapter 3

2139 Words
CHAZZY Binitiwan niya ang kamay ko at umalis sa ibabaw ko. Makalipas ang ilang segundo ay naramdaman ko na hinawi niya pataas ang laylayan ng lingerie ko at muli siyang pumuwesto sa ibabaw ko. Hinawakan niya ang isang hita ko at inipit sa kanyang braso. Nakagat ko ang labi ko ng naramdaman ko ang matigas na bagay na dumampi sa pagitan ng hita ko. In just a few moments, I let out a gasp as he inserted his member inside me. I found myself holding onto his firm arm as he started to move on top of me. Hanggang sa bumaon ang kuko ko sa balat niya ng naramdaman ko na tila may napunit sa loob ko. “f**k!” He stopped thrusting on top of me. “You're a virgin?” he asked, sounding disbelieving. “Sinabi ko na sa ‘yo, ‘di ba?” “Damn it! I thought you were just messing with me.” “What? Akala mo ay niloloko lang kita?” hindi makapaniwala na usal ko. Mukha na ba akong hindi virgin? Isa pa, sinabi niyang gigilitan niya ako sa leeg kapag nalaman niyang nagsisinungaling lang ako. Hindi ako tanga para ipahamak ang sarili ko. “Yes.” “Virgin pa ako!” asik ko rito. Kahit nanginginig na ang katawan ko dahil sa kaba ay nagawa ko pa siya taasan ng boses. Buong tapang kong pinagmamalaki na wala pang nangyari sa amin ng ex-fiancé ko kaya buo pa ang p********e ko. Ginawa pa akong sinungaling ng lalaking ito. “There's no need to shout at me.” He moved again, but I didn't expect his next move; he abruptly thrust his member inside me. As a result, when I let out a gasp, I suddenly lost consciousness. Nang nagkamalay ako, wala na akong piring sa mata, kaya alam ko rin na umaga na dahil sa nakabukas na balkonahe. Nilibot ko ang paningin sa loob ng silid at hinanap ng mata ko ang estranghero, ngunit mukhang nag-iisa lang ako sa kwarto. Bumangon ako sa kama, ngunit napangiwi ako nang maramdaman ko na kumirot ang nasa pagitan ng hita ko. Binalikan ko ang nangyari, pero ang tanging naalala ko lang ay binigla niya ako, at pagkatapos ay hindi ko na alam ang nangyari. Siguro sa sobrang kaba ko kaya nawalan ako ng malay. Pinilit kong kumilos. Tinungo ko ang banyo para kunin sana ang damit ko ngunit hindi ko na ito nakita sa loob. Lumabas ako at naglakad patungo sa pinasukan ni auntie, kung saan niya kinuha ang lingerie. Closet ito kaya naghanap ako ng damit na pwede ko isuot. Kinuha ko ang isang kulay itim na long sleeve at ito ang sinuot ko. Pagkatapos ay binuksan ko isa-isa ang drawer at nakita ko ang boxer. Walang pagdalawang isip na kumuha ako ng isa para isuot. Mabuti na lang ay mahaba ang damit niya kaya hindi pa rin makikita ang kaluluwa ko. Iyon nga lang ay wala akong bra kaya buhok ko na lang ang gagawin kong takip sa dibdib ko. Mabuti na rin pala na kulay itim ang napili ko dahil hindi masyadong halata ang dibdib ko. Nahagip ng mata ko ang isang paper bag sa kama pero hindi ko na ito pinansin. Dinampot ko ang bag ko na nakapatong sa bedside table at mabilis na lumabas ng kwarto. Dahan-dahan akong bumaba sa hagdan. Sa laki ng bahay na ito, wala man lang akong nakikitang tao kahit isa. Pero mabuti na rin iyon kung ang mataray na si auntie lang naman ang makikita ko. Baka mawala na ang pagiging magalang kong tao kapag nakaharap ko itong muli. Pagdating sa ibaba ay diretso ako sa pintuan. Binuksan ko ito. Kagat ang ibabang labi ay marahan ko itong sinara. Napangiti ako dahil hindi ito gumawa ng ingay. Ngunit nang pumihit ako paharap ay unti-unti naglaho ang ngiti ko sa labi ng makita ko na may mga lalaki, kabilang si Cooper, na sa akin lahat nakatingin. Ngayon ako binalot ng hiya. Si Cooper ang una kong hinamon, kaya parang nakakahiya na nasa harap ko siya. Alanganin akong ngumiti. “A-aalis na ako.” “Alam na ba—” “Hindi na. Ayoko na siyang istorbohin. At saka, hindi ko siya nakita sa kwarto.” Putol ko sa sasabihin saba ni Cooper. Tinalikuran ko ito. Kahit pinagtitinginan nila ako ay naglakad ako palapit sa gate. “She's leaving, boss.” Napahinto ako ng marinig ko ang sinabi ni Cooper. “Copy that.” Pumihit ako paharap. Naglalakad na palapit sa akin si Cooper. “Ihahatid na kita,” presenta nito. Hindi ako tumutol. Sa ayos kong ito ay tiyak na pagtitinginan ako, kaya mas mabuti pang magpahatid na lang. At mabuti na rin pala na hinatid ako dahil malayo ang main gate mula sa bahay ni Mr. Stranger. Parang sinadya na itayo ang bahay niya malayo sa ibang bahay. Sinabi ko na lang ang address ng condo unit ko dahil mukhang walang balak magtanong si Cooper. Ang sabi ko ay ibaba na lang niya ako sa main entrance ng gusali pero pumasok siya sa parking area at sinamahan ako, hanggang marating ang tapat ng unit ko. Pagkatapos ko magpasalamat ay tinalikuran na niya ako. Sinundan ko pa siya ng tingin. Mayamaya lang ay may kausap na siya sa phone niya. Pagpasok ko sa unit ay diretso ako sa silid ko. Kaagad ko ni-charge ang phone ko bago tinungo ang banyo para maligo. Ngunit natigilan ako habang tinatanggal ang butones ng long sleeve na suot ko. Mayamaya lang ay natagpuan ko ang sarili na inaamoy ito. Hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako habang inaamoy ang damit ni Mr. Stranger. “Itinuloy pa rin kaya niya?” Tanong na lumabas sa bibig ko. Awtomatikong dumapo ang isang kamay ko sa pagitan ng hita ko. Kumikirot ito, ibig sabihin ay may nangyari talaga sa amin. “Hindi na ako virgin,” mahinang sambit ko. Ewan ko ba, wala akong nararamdaman na pagsisisi sa ginawa ko. Dapat madismaya at malungkot ako dahil naisuko ko ang p********e ko sa hindi ko kilala. Maybe this is my payback to Kier. At kapag nalaman niya na ang bagay na hindi ko maibigay sa kanya ay nakuha ng isa lamang estranghero, tiyak akong malaking sampal ito sa p*********i niya. Paglabas ko ng banyo ay kaagad ako nagbihis para pumasok sa boutique. Nang tapos na ako mag-ayos ay tiningnan ko ang phone ko. Pagbukas ko ay sunod-sunod ang mga messages na natanggap ko. Hindi ko rin mabilang ang mga missed calls na halos karamihan ay mula kay Kier. Hindi ko pinagkakaabalahan buksan isa sa mga message ni Kier, sa halip ay binura ko itong lahat. Kaagad kong tinawagan si mommy dahil isa ito sa nakita kong tumawag sa akin. “Mabuti naman at tumawag ka na bata ka. Alam mo bang kagabi pa kami nag-aalala ng daddy mo sa ‘yo?” puno ng pag-aalala na sabi nito. “Saan ka ba nagpunta? Ang sabi ni Kier ay wala ka raw sa condo mo, kaya pumunta siya dito at hinahanap ka.” Hindi ko napigilang umismid nang binanggit nito ang ex-fiancé ko. Walanghiya na lalaking iyon, ang lakas pa ng loob magpakita ng pagmumukha niya sa magulang ko. “Mom, I have broken up with Kier. Hindi na matutuloy ang kasal,” walang paligoy-ligoy na sabi ko. “Why? What happened?” gulat na tanong nito. “Kung may hindi kayo pagkakaunawaan, pag-usapan ninyong dalawa.” Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga. “Tinapos ko na ang lahat sa amin, kaya wala nang dapat pag-usapan, Mom. Hindi ko na babalikan ang lalaking sumira ng tiwala ko.” “Ano ba ang ginawa ni Kier, anak?” “I caught Kier in the act, Mom. He cheated on me. He was with another woman in his office. I can prove what I said. I have proof against him. N-niloko ako ni Kier, Mommy.” Nabasag ang boses ko sa huli kong sinabi. Masakit isipin na niloko lang pala ako ng lalaking pinagkatiwalaan ko at una kong inalayan ng puso ko. I heard her deep sigh. “Kung iyan ang desisyon mo, igagalang ko, anak. Sasabihin ko ito sa daddy mo para aware siya sa ginawa ni Kier.” “Thanks, Mom.” Pagkatapos ko makipag-usap sa mommy ko ay lumabas na ako sa unit ko. Nasa elevator na ako ng maalala ko na iniwan ko pala ang kotse ko sa daan. Kailangan ko muna magpakita sa mga staff ko, bago ko puntahan ang kotse ko at ipahila para dalhin sa auto repair shop. Nang nasa lobby na ako ay dumaan ako sa information desk para kausapin ang naka-duty dito. “Carmen, kapag pumunta si Kier, sabihin mong hindi pa ako umuwi. At kahit nasa unit ako, sabihin mong umalis ako o wala ako. Pa-inform na rin ang papalit sa ‘yo mamaya ha,” bilin ko rito. Kilala kasi nito si Kier. “No problem, Miss Chazzy.” Nagpasalamat ako. Akma akong tatalikod ng may naalala akong sabihin. “Anyway, wala na talaga siyang karapatan na puntahan ako dahil tapos na kaming dalawa.” Halata ang pagkagulat sa mukha ni Carmen dahil sa sinabi ko. Parang noong isang araw lang kasi ay hinatid ako ni Kier sa unit ko, tapos malalaman nito na hiwalay na pala kaming dalawa. “Kapag nagpumilit na umakyat, ipadampot n'yo sa security. Kapag makulit, tumawag na kayo ng pulis,” dagdag ko pa. Wala na akong pakialam sa kanya. Ang bilis ko mawalan ng amor sa lalaking iyon. Nag-taxi ako patungo sa mall kung saan ang boutique ko. Pagdating ko ay kaagad akong binati ng mga staff ko. “Maam Chazzy, may tumawag po pala kanina. Hinahanap ka,” salubong na sabi sa akin ni Gellie, isa sa mga staff ko sa boutique. “Sino raw?” “Hindi sinabi, ma'am e. Tatawag na lang daw ulit s'ya mamaya.” Tumango-tango ako. “Naglinis na ba kayo ng mga shelves?” tanong ko sa mga staff ko. “Yes, ma'am.” “Good. Sa opisina lang ako. Kapag may maghanap sa akin, sabihin n'yong wala ako. Maliban lang kung customer ang maghahanap sa akin. Okay?” Bilin ko sa kanila. “Kahit po si Sir Kier?” “Yes. Even him.” Hindi pa ako handa makita ang pagmumukha ng lalaking iyon. Pagpasok ko sa opisina ay pasalampak akong umupo sa swivel chair. Nahahapo na sinandal ko ang likod at ulo sa sandalan ng upuan. Ilang segundo pa akong natulala bago tinuon ang atensyon sa sales ng shop ko. Makalipas ang ilang minuto ay may kumatok sa pintuan ng opisina ko kaya napagawi ang tingin ko rito. Bumukas ito at pumasok si Gellie. “Ma'am Chazzy, tumawag na po uli.” Tukoy nito sa naghahanap sa akin. Tumayo ako at lumabas ng opisina. Tinungo ko ang counter para kausapin kung sino man ang naghahanap sa akin. “Hello? Sino sila?” “Good morning, ma'am? Ito po ba si Miss Chazzy Sevilla?” Nagsalubong ang kilay ko ng binanggit ng lalaki ang buo kong pangalan. “Ako nga. Sino ‘to?” puno ng pagtataka na balik tanong ko. “Ah, ma'am, si William Apostol po ito, ang may-ari ng Wheel's Auto Repair Shop. Pwede n'yo na po kunin ang sasakyan n'yo dito.” Sinabi nito ang address. Nagtataka ako kung paano napunta ang kotse ko sa kanila, samantalang hindi ko pa ito dinadala sa shop. “Sigurado ho ba kayong kotse ko ang nasa shop n'yo? Sa pagkakatanda ko ho kasi ay iniwan ko sa daan ang kotse ko. Hindi ko pa ho dinadala sa shop,” paliwanag ko rito. Pero napanganga na lang ako ng binanggit nito ang plate number ng sasakyan ko. Wala akong nagawa kundi puntahan ang shop. At tama nga, nandito ang kotse ko. “Sino ho ang nagdala nito dito?” tanong ko kay Sir William. Ito rin kasi ang humarap sa akin ng dumating ako. “Hindi nagpakilala, ma'am. Pero ang sabi niya, kapag maayos na ang kotse mo ay tawagan ka kaagad.” Kahit puno ako ng pagtataka dahil maging numero sa shop ay alam ng kung sino man ang nagdala ng kotse ko dito ay tumango-tango na lamang ako. “Magkano ho pala ang—” “Bayad na po, ma'am.” Natigil ako sa pagkuha ng cash sa wallet ko ng marinig ko ang sinabi nito. Wala na rin akong babayaran? Bumalik ako sa shop ko, gamit ang kotse ko. At habang binabaybay ang daan ay puno ako ng katanungan. Wala namang nakakaalam na nasiraan ako sa gitna ng daan kundi ako lang. Kung sino man ang nag-abala na ipaayos ang sasakyan ko, kailangan ko siyang makaharap para makapagpa-salamat ako ng personal. Hindi rin ako papayag na hindi siya bayaran. Ayoko magkaroon ng utang na loob kahit kanino.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD