Chapter 4

1983 Words
CHAZZY Nasa store na ako ay napapaisip pa rin ako kung sino ang nag magandang loob na dalhin ang kotse ko sa repair shop. Gusto ko pa naman sana magpasalamat sa kabutihan niya. Napatingin ako sa phone ko ng umilaw ito. Nilagay ko ito sa silent mode dahil ayoko muna tumanggap ng tawag ngayon. Even though I blocked Kier's number, I am sure he will find a way to call me. At kanina nga, pagdating ko dito sa store, nang sinilip ko ang phone ko ay may mga unregistered number ang tumawag sa akin. I answered Thea's call. She has been my trusted friend since college. “Mabuti naman at sumagot ka na, Cha. Alam mo bang kanina pa ako kinukulit ng fiancé mo? He has been asking since last night if I know where you are,” bungad na sabi nito sa akin. Umismid ako. Gumawa na nga ng kasalanan, nanggugulo pa sa mga taong malapit sa akin. Bakit? Para ipakita na nag-eeffort siya na magkaayos kaming dalawa? Hindi na niya ako madadala sa matatamis niyang salita. Sinira na niya ang buong tiwala ko! “Ex-fiancé.” Pagtatama ko sa kaibigan ko. “What? Bakit ex-fiancé na?” I let out a deep sigh. “It's over between us, Thea. I will not marry Kier anymore.” “Bakit nga?” Namayani ang ilang segundo na katahimikan. Nang makaipon ng lakas ng loob ay nagbuga ako ng hangin. “He cheated on me." I heard her gasp, clearly shocked by what I said. “That bastard. Sinasabi ko na nga ba e.” Nagsalubong ang kilay ko dahil sa narinig ko mula sa bibig nito. “What do you mean by that?” She cleared her throat, as if she had something important to tell me. “Huwag kang magalit sa ‘kin, friend. Ayoko kasing mag-isip ka, lalo na at malapit na kayong ikasal ni Kier.” Marahas siyang nagbuga ng hangin. “Actually, nakita ko siya no'ng isang araw, may kasama siyang babae. Hindi ko na sinabi sa ‘yo dahil baka kaibigan lang ni Kier.” Nakuyom ko ang kamao ko. Walanghiya na lalaking iyon, ang kapal ng mukha na humarap sa akin, kahit niloloko na pala ako. “It's okay, Thea. Mabuti na rin na ako ang nakahuli sa kanya. Kung hindi nangyari iyon ay baka makulong ako sa relasyon na pagsisisihan ko buong buhay ko.” Narinig ko ang buntong-hininga nito. “It's good to know na hiwalay na kayo. "Una pa lang, ayoko na kay Kier para sa ‘yo, Cha. Mukha lang kasi siyang matino tingnan. Magaling siyang magbalatkayo, kaya hindi mo nakita ang tunay na kulay niya.” Mahina akong natawa sa malalim na salita ng kaibigan ko. Masyadong seryoso magbitaw ng salita, na hindi naman nito gawain. Kapag magkasama kasi kaming dalawa ay bawal ang malungkot. Kailangan ay lagi lang kaming masaya. “Huwag mo akong tawanan, bruha ka,” sita niya sa akin. Tinikom ko na lang ang bibig ko para pigilan ang tawa ko. “Anyway, hindi ako tumawag para pag-usapan natin ang manloloko mong ex-fiancé. I called to remind you about the party.” Malalim akong nagpakawala ng buntong-hininga. Muntik ng mawala sa isip ko ang party. Invited kasi kami ng kuya ko sa birthday party ng kaibigan ng kapatid niya. “Hey, what was that for? Huwag mong sabihin sa akin na hindi ka pupunta?” “Pupunta ako. Hindi ako magmumukmok sa sulok dahil lang sa panloloko ni Kier. Ayoko ipakita sa kanya na apektado ako sa paghihiwalay naming dalawa.” “That's my girl. Hindi dapat iniiyakan ang katulad niyang manloloko. Kung madali lang sa kanya maghanap ng babae, aba, ‘wag ka magpapatalo. Malay mo, nasa party pala ang forever mo.” Puno ng excitement ang boses nito. Halatang nagdidiwang dahil hiniwalayan ko na ang lalaking ayaw nito para sa akin. “Save your virginity for the man who is faithful and patient enough to wait until you marry him.” Napaubo ako sa huling sinabi nito. Huli na para ilaan ko pa ang virginity ko dahil nakuha na ito ng isang estranghero. I need to inform her about what happened to me last night, but not at this moment. “Yeah, you're right,” sabi ko na lamang. “Anyway, have you heard about the Vittori Empire?” “No,” mabilis kong sagot. “Oh my God, Chazzy Sevilla. Nasa business industry ka pero hindi mo kilala ang Vittori Empire?” hindi makapaniwala na sabi nito. I rolled my eyeballs. Hindi naman porket may business ako ay kilala ko na ang mga kabilang sa business industry. Sa pagbebenta ako naka-focus, hindi sa kilalang pangalan sa mundo ng business. Maliban lang sa isang hinahangaan ko, kaya pinasok ko ang pagnenegosyo. Wala sa isip ko ang mag negosyo, pero ng may nabasa akong article sa isang magazine ay naengganyo ako magtayo ng sarili kong negosyo, na sinuportahan naman ng magulang ko at Kuya Clarkson. Naging inspirasyon ko ang sinabi ni TVV. At kapag nabigyan ako ng pagkakataon na makaharap siya, hindi ako magdadalawang isip na ipakita ang paghanga ko sa kanya. “So, anong meron?” “Vittori Empire is one of the largest companies in Asia. They own numerous establishments both inside and outside the country. At ito ha, ‘yong mall kung saan nakalagay ang boutique mo, Vittori Empire ang may-ari niyan. At ang balita ko, bumalik na sa Pilipinas ang isa sa mga anak ng Vittori para pamahalaan ang kompanya,” litanya nito. Tumango-tango ako. “But why did you mention the Vittori Empire?” “Dahil pupunta sa party ang pamilya Vittori, friend. Ang balita ko kasi, hot ang bunsong anak na galing sa Italy. I can't wait to see him!” kinikilig na sabi nito. Biglang sumagi sa isip ko ang estranghero na hinamon ko. Magaling siya magsalita ng Italian. Paano kung… Ipinilig ko ang ulo ko. Imposible ang iniisip ko. Hindi lang naman siya ang lalaki na nagsasalita ng Italian sa Pilipinas. “Ano ang gagawin mo kapag nakita mo siya?” nangingiti na tanong ko. “Of course, I will introduce myself. My family is also in the same field, so I can discuss business with him. You can also talk to him since you are in the same business.” “Hmm, I see. Pero ‘di ba, invited din si Kuya Clark sa party?” Biglang tumahimik ang kabilang linya. Hindi ko tuloy mapigilang tumawa. Malaki ang pagkagusto ng kaibigan ko kay Kuya Clarkson. Simula ng makita niya ang kapatid ko nang pumunta siya sa bahay para mag sleepover ay humanga na kaagad siya sa kuya ko. “Makipag-usap lang naman ako tungkol sa business. Kay Clarkson pa rin ang puso ko.” Napapailing na lang ako sa naging sagot nito. Hindi ko alam kung maaawa o maiinis ako sa kanya. Marami ang nagtangka na manligaw sa kanya, pero ni isa ay wala siyang sinagot dahil wala pa raw siya panahon sa pakikipagrelasyon. As if naman na hindi ko alam ang dahilan kung bakit ayaw niya magpaligaw. Sa kapatid ko lang siya naka-focus kahit alam niyang wala siyang pag-asa. Lagi ko na nga siya dini-descourage na kalimutan na ang kapatid ko dahil may girlfriend na ito. Sumasang-ayon siya, pero makalipas ang ilang araw ay magsusumbong ito sa akin na nasaktan daw siya nang makita na magkasama si Kuya Clark at ang girlfriend nito. Ang sarap iumpog sa pader ang ulo ng kaibigan ko para magising na ng tuluyan sa pagkahibang niya sa kuya ko. Maghapon akong nagbabad sa stockroom. Para mabilis matapos ay nagpatulong ako mag-inventory sa stockman ko. Inisa-isa namin ang mga wala ng stocks. My business is women's bags and sandals. Hindi naging madali noong unang pinasok ko ang business na ito dahil marami ako naging ka kompetensya sa mall. Pero habang tumatagal ay nakikilala ang paninda ko. May sarili akong taga-disenyo ng bags at sandals. I have my own factory, kaya bago ito gawin ay sa akin muna dadaan. Ako ang aapruba kung gusto ko ang disenyo o hindi, bago ilabas sa market. Napahinto ako sa aking ginagawa ng pumasok si Gellie sa loob ng stockroom. “Ma'am Chazzy, magco-close na po ba tayo?” Napasulyap ako sa pambisig kong relo. Pasado alas otso y medya na pala. Usually, kapag eight thirty ay pinapasara ko na ang pintuan dahil may mga gagawin pa kami bago isara ang boutique. Hindi ko na namalayan ang oras. “Yes, please, Gellie. Thank you.” Binalingan ko si Alex. “Alex, bukas na lang natin ituloy. Huwag mo na lang galawin ang mga na-inventory natin para hindi tayo malito,” bilin ko rito. “Sunday po bukas, ma'am,” paalala nito sa akin. Wala kasi ako tuwing Linggo dahil araw ng pahinga ko iyon. “Papasok ako bukas,” sagot ko. Binalingan ko si Gellie na hindi pa lumalabas. Alanganin ang ngiti na binigay nito sa akin. “May sasabihin ka?” “A-ano po kasi, ma'am. S-si Sir Kier, nasa labas po. H-hindi raw po s'ya aalis hangga't hindi mo s'ya kinakausap.” Marahas akong bumuntong-hininga. Tumango ako at minuwestrang lumabas na. Paglabas ko ay nasa store ko nga ang walanghiya kong ex. Napakunot ang noo ko ng makita ko ang pasa sa pisngi nito at putok sa labi nito. Sino kaya kina daddy at kuya ang may gawa nito sa kanya? “Babe.” Nilapitan niya ako. “Let's talk.” Tinaasan ko siya ng kilay. Wala akong panahon makinig sa paliwanag niya. Hindi ko siya pinansin, sa halip ay lumabas ako ng boutique at hinanap ng mata ko ang security na nag-iikot sa mall. Nang makita ako si Kuya Reggie ay kinawayan ko ito. “Chazzy, please.” Hinawakan niya ako sa braso pero marahas ko itong piniksi, kaya nabitawan niya ako. Hinarap ko siya. “Hindi mo na kailangan magpaliwanag, Kier. Malinaw ang nakita ko. You cheated, and that fact remains unchanged no matter how long you explain it to me,” kalmado kong sabi. Tinitigan lang niya ako. Makalipas ang ilang sandali, bago pa makalapit ang security ng mall ay nakaalis na si Kier. “May problema ba, Ma'am Chazzy?” tanong ni Kuya Reggie. “Okay na, Kuya Reggie. May customer kasi na nanggugulo sa store ko. Salamat.” Tumalikod na ako, ngunit may naalala akong sabihin. “Kuya Reggie, kapag hindi ka busy, pwede mo ba akong samahan sa parking?” Baka kasi abangan ako ni Kier sa parking. Sa magulang ko na lang din muna ako uuwi, para hindi niya ako guluhin. “Walang problema, ma'am. Sasabihan ko lang ang mga roving guard na kasama ko. Baka kasi hanapin nila ako.” Pagkatapos ko magpa-salamat muli ay pumasok na akong sa boutique. “Kumusta ang sales natin, Gellie?” Si Gellie ang pinagkakatiwalaan ko sa store kapag busy ako sa opisina o kaya kapag wala ako. Sa kanya rin ako laging nanghihingi ng report tungkol sa sales ng boutique. Malawak siyang ngumiti. “May bulk order po ulit tayo ngayon, ma'am.” “Really?” Ilang araw na rin na may maramihan kung bumili sa store, kaya kaagad din nauubos ang stocks namin. One year ago, every week ay may bulk buyer ako. Ngunit makalipas ang ilang buwan ay hindi na ito pumupunta sa store. Ngayon na nga lang ulit nasundan. Iyon nga sana ang gusto kong sabihin kay Kier, pero nahuli ko naman siya na nagloloko. “Opo. Siya rin po ang bumili sa atin kahapon.” Tumango-tango na lang ako sa sinabi ni Gellie. Nakakatuwa dahil parang bumalik ang nawala kong customer one year ago. Pagkatapos naming magligpit sa store ay sabay-sabay na kaming lumabas. Sinamahan naman ako ni Kuya Reggie hanggang parking. Pero may napansin ako na parang may lalaking sumusunod sa amin. At imposible si Kier iyon dahil medyo may katangkaran ang lalaki na nakita ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD