CHAZZY
Sa bahay ng magulang ko ako umuwi. Nagulat pa nga ako ng makita ko si Kuya Clarkson na prenteng nakaupo at parang hinihintay talaga niya ang pagdating ko.
“Hi, guys!” Masiglang bati ko sa kanila.
Hangga't maaari ay ayokong haluan ng lungkot ang boses ko. Minsan lang kami makompleto, kaya hindi ko hahayaang masira ang gabing ito.
Tumayo si mommy at kaagad akong niyakap. Nang tingnan ko si daddy ay puno ng pakikisimpatya ang mga mata nito. Mayamaya lang ay tumayo na rin ito. Hindi ko pala kaya, dahil nangatal ang labi ko ng yakapin din ako ni daddy.
“D-Daddy…” garalgal ang boses na sabi ko.
“Mabuti na lang ay hindi pa kayo kasal.” Mahinahon ang boses nito, pero alam ko na nagpipigil lang ito na makapagbigay ng masakit na salita kay Kier.
“Oras na malaman ko na lumalapit pa siya sa ‘yo, babasagin ko na ang bungo ng kumag na ‘yon,” matigas na sabi ni Kuya Clark. Mukhang alam ko na kung sino ang may gawa ng bangas sa mukha ni Kier.
“Don't worry, Kuya, kahit lumuhod pa siya sa harap ko, hindi na ako makikipagbalikan sa kanya.”
“Mabuti naman kung gano'n. Hindi na dapat binabalikan ang lalaking iyon.”
“Kami na ang bahala sa lahat, anak. Saka mo na lang kausapin ang magulang ni Kier kapag handa ka na. Ipapaliwanag na lang namin sa kanila ang ginawa ng anak nila,” sabi ni mommy.
“Sige po.”
Naging mabuti sa akin ang magulang ni Kier. Sila na ang naging pangalawang magulang ko. Mahirap sa akin na pati sila ay masasaktan sa paghihiwalay namin ng anak nila.
“Magpapahinga na po ako.”
“Kumain ka na ba? Ipaghahain kita, anak.”
“Hindi na po, ‘My.”
“Hey, pupunta ka pa rin ba sa party?” tanong ni Kuya Clark ng nasa hagdan na ako.
“Yes. Baka sabunutan ako ni Thea kapag hindi ako pumunta.”
“Sumabay ka na lang sa akin.”
“Kasama mo si Rosie?” Tukoy ko sa girlfriend nito.
“She can't be with me. She has a photoshoot in the evening.”
Rosie is a model, so she's also a busy person.
“Sige. Dito mo na lang ako puntahan.” Binalingan ko ang magulang ko na nakatingin sa akin. “Dito po muna ako ng ilang araw, ha. Baka kasi guluhin ako ni Kier sa condo kapag doon ako umuwi.”
“Walang problema, anak. Lagi namin hinihintay ang pag-uwi ninyong dalawa sa bahay,” sabi ni mommy.
Pareho na kasi kaming busy ni kuya sa kanya-kanya naming buhay, kaya bihira na rin kami umuwi ng bahay.
“Binalaan ko na rin ang lalaking iyon na ‘wag ka nang lalapitan. Manghihiram talaga siya ng mukha sa aso kapag nilapitan ka pa niya.”
“Clarkson!” sita ni mommy sa kuya ko.
“I'm just concerned about my ‘lil sister, Mom, so my reaction was just natural. Hindi ako natutuwa sa panloloko niya sa kapatid ko.”
Napangiti ako. Kahit bihira na lang kami magkita ng kapatid ko, pakiramdam ko ay ako pa rin ang nag-iisang prinsesa niya. Parang baby pa rin niya ako ituring.
“Thank you, Kuya, sa pag-aalala mo sa akin. Pero ang yabang mo sa parte ng sinabi mo na manghihiram si Kier ng mukha ng aso,” natatawang sabi ko.
Natawa na rin si mommy sa sinabi ko.
“Kaya kong gawin ‘yon, Sis. Kahit manood ka pa!” pahabol na sabi pa nito.
Napapailing na lang ako habang pumapanhik sa hagdan. Pagdating sa silid ko ay pasalampak akong humiga sa kama ko. Nahahapo na pinikit ko ang mata ko. Kulang pa ako sa tulog kaya mabilis akong ginupo ng antok. Nakatulong na rin siguro na nandito ako ngayon nakahiga sa dati kong kama.
Nagising ako na mainit ang pakiramdam ko. Naghahabol din ako ng paghinga. Nakagat ko na lamang ang ibabang labi ko ng napagtanto ko kung ano ang nangyari sa akin.
Hindi ako binangungot, kundi dahil napanaginipan ko ang mainit na tagpo sa pagitan namin ng estranghero. Mayamaya lang ay kumunot ang aking noo ng napansin ko na parang basa ang underwear ko.
“s**t!” sambit ko nang kinapa ko ang nasa pagitan ng hita ko. Parang totoo dahil namamasa pati ang p********e ko!
Simula ng nang nanaginip ako, halos gabi-gabi na ako dinadalaw sa panaginip ng eksena na iyon, kaya nagigising ako na laging basa ang underwear ko. Naiinis ako dahil bakit kailangan ko pa mapanaginipan ang isang beses na nakipaglaro ako ng apoy sa isang estranghero? Parang gusto ko ng pumunta sa albularyo dahil baka minamaligno na ako. Pero nasa tamang pag-iisip pa naman ako. Baka pagtawanan lang din ako kapag sinabi ko ang dahilan ng pagpunta ko. Isipin pa nito na ka babae kong tao ay pervert ako.
Lagi ko rin iniisip na baka isa sa mga nakasalubong ko na lalaki at nakatingin sa akin ay ang estranghero. Katulad na lamang ngayon, may isang lalaki ang maya't maya na nakatingin sa pwesto namin ni Thea.
“Are you alright?” tanong ng kaibigan ko.
Kasalukuyan kaming nasa isang restaurant. Pinuntahan niya ako sa store ko para lang ipaalala ang party na pupuntahan namin bukas.
“Huwag kang magpapahalata,” sabi ko habang pasimpleng tumingin sa likuran nito. Pero ang magaling kong kaibigan, lumingon!
“What's with him?” takang tanong nito ng muling binalik ang tingin sa akin.
“I don't know. Kanina pa kasi siya tumitingin sa pwesto natin,” sagot ko at muling tinuon ang atensyon sa dessert na in-order namin. “Saan ka pupunta?” nakakunot ang noo na tanong ko nang tumayo ito.
“I will ask him.”
Namilog ang mata ko sa sinabi nito. “What? T-teka—” Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng talikuran na ako nito.
Puno ng poise na naglakad ito palapit sa lalaki na ilang table lang ang layo sa pwesto namin. Kinausap niya ito. Bakas ang pagkagulat sa mukha ng lalaki ng may sinabi ang kaibigan ko. Pero nagtaka ako na tila natatawa ito habang may sinasabi kay Thea.
Tiningnan ako ng kaibigan ko at pasimpleng pinaningkitan niya ako ng mata. Mayamaya lang ay muli niyang kinausap ang lalaki bago naglakad pabalik sa table namin. Nang nasa harap ko na siya ay pinamaywangan niya ako at muling pinaningkitan ng mata.
Binigyan niya ako ng pekeng ngiti bago umupo. “Ngayon lang ako napahiya ng ganito, gaga ka!” halos magdikit ang ngipin na sabi niya dahil sa gigil.
Nagsalubong ang kilay ko. “Bakit? Ano ba ang sabi niya?”
“Hindi siya sa atin nakatingin, bruha ka. Sa taong nakaupo sa likuran mo,” nanlalaki ang mata na sabi niya.
Natatawa na lang ako habang kumakain. Hindi na rin ako nag-abala na lumingon. Tama na ang sinabi ng kaibigan ko na hindi pala sa amin nakatingin ang lalaki. Nang tapunan ko ang lalaki ay wala na ito sa pwesto nito. Nakita ko na lang ito na palabas na ng restaurant.
“Alam mo ikaw, napapansin ko lately, parang ang weird mo. Kapag may napadaan sa atin, titig na titig ka. At saka, wala ka namang pakialam kung may nakatingin sa ‘yo, ‘di ba? Pero bakit ngayon, napapalingon ka pa kapag dumaan sa ‘yo?” Nakahalukipkip na muli niya akong pinaningkitan ng mata. “May hindi ka sinasabi sa akin, bruha ka.”
Malalim ang buntong-hininga na pinakawalan ko. Inubos ko muna ang laman sa bibig ko bago uminom ng tubig. Nahalata na niya ang pagiging aligaga ko nitong mga nakaraang araw, and it's time to tell her what is bothering me these past few days.
“Hindi na ako virgin,” walang paligoy-ligoy na sabi ko.
Namilog ang mata nito at natutop ang bibig. Tila hindi ito makapaniwala sa narinig nito mula sa akin.
“Seriously?”
Tumango ako bilang tugon.
“No, no, no, Chazzy Sevilla. Don't tell me, bago ka nakipaghiwalay sa cheater mong ex-fiancé, nakipag-s*x ka muna sa kanya?” exaggerated na sabi nito.
Inikutan ko siya ng mata. “Of course not! Hindi pa ako nasisiraan ng ulo para isuko ang p********e ko sa manlolokong katulad niya.”
“E, sino ang nakakuha ng virginity mo, gaga ka?”
“Hindi ko kilala,” mabilis na sagot.
Muling nanlaki ang mata niya. “Putangina, girl. Nakipag-s*x ka sa stranger?”
Muli akong nagpakawala ng buntong-hininga bago tumango. “Nang gabi na nahuli ko si Kier, nangharang ako ng sasakyan sa daan, tapos… hinamon ko ng s*x ang sakay ng kotse.”
“Are you f*****g serious, Cha? Ginawa mo talaga ‘yon?” hindi niya makapaniwalang saad.
Hindi ko masisisi ang kaibigan ko. Alam niyang masyado akong maingat sa katawan ko. Kaya nga maging si Kier ay may limitasyon kung hanggang saan lang siya. Magugulat talaga ito dahil sa isang iglap lang ay naisuko ko ang virginity ko sa hindi ko kilala.
“Oo. Kahit ako ay hindi makapaniwala na nagawa ko iyon. Pero maniniwala ka ba na hindi ko na alam kung ano ang nangyari ng gabing iyon?”
“What do you mean na hindi mo alam? Ibig sabihin ay hindi mo man lang naramdaman na may pinasok sa kiffy mo?”
Muntik ko na siyang mahampas dahil walang preno ang bibig niya. Mabuti na lang ay wala ng tao sa katabi naming mesa.
“May naramdaman naman ako. Pero kasi, binigla niya ako, tapos…” Tumigil ako sa pagsasalita. Tiyak na pagtatawanan niya ako kapag nalaman niya ang nangyari sa akin.
“Tapos…” She was waiting for me to continue.
“Hinimatay ako,” sabi ko at binigyan siya ng alanganin na ngiti.
Her lips parted. Mayamaya lang ay mariin niyang pinaglapat ang kanyang labi, na parang nagpipigil tumawa. Makalipas ang ilang segundo, maririnig na sa loob ng resturant ang tawa nito. Pinagtitinginan na nga kami ng ibang customer dahil sa malakas na tawa nito.
“What the hell, Cha? Hindi mo man lang na-feel ang pagkawala ng virginity mo.”
Sumimangot ako. “Sobrang nerbyos ko kasi ng oras na ‘yon. At saka, sino ang hindi hihimatayin kung binigla ka?”
“Alangan namang magpaalam pa s'ya sa ‘yo?” Tumikhim siya at tumuwid ng upo. “Hey, huwag kang mabibigla, pero bibiglain kita,” sabi niya na pinalaki ang boses na parang lalaki. “Gano'n ba dapat, Cha?”
Inirapan ko siya, pero tinawanan lang niya ako.
“Gwapo ba?” usisa nito.
“Hindi ko alam.”
Nagsalubong ang kilay nito. Napuno ng pagtataka ang mukha nito. “Bakit hindi mo alam?”
“May blindfold ang mata ko.”
Napuno ng excitement ang mukha niya ng marinig ang sinabi ko. “Really? Parang mahilig sa thrill ang lalaking naka-s*x mo, friend. Pero kung ako ang nasa sitwasyon mo, lalasapin ko talaga ang bawat sandali, tutal, hindi ko naman nakikita ang mukha niya, ‘di ba?”
Tinaasan ko siya ng kilay. “Bakit, may balak ka na rin ba?”
Unti-unting sumilay ang pilyang ngiti sa labi niya. “Yes. Gusto ko rin mabigla. Basta ba kuya mo ang bibigla sa akin.”
Natawa na lang ako sa sinabi nito. Masyado na talaga siyang obsessed sa kapatid ko. Pero ang kapatid ko, pwede na tayuan ng rebulto dahil sa sobrang manhid.
Sumapit ang araw ng party. Nasa sala na si Kuya Clarkson at hinihintay ako. Muli kong sinipat ang sarili sa salamin. Nang masiguro na maayos naman ang itsura ko ay lumabas na ako ng silid ko. Pagbaba ko ay puno ng pagkamangha ang tingin na pinukol sa akin ng magulang ko.
“Ang ganda talaga ng anak ko,” puri sa akin ni mommy.
“Clarkson, anak,’wag mong aalisin ang mata mo sa kapatid mo. Bantayan mo ang prinsesa natin,” bilin naman ni daddy sa kuya ko.
“Daddy naman, hindi na ako bata para bantayan.”
“Kahit hindi sabihin ni Daddy, my eyes will always focus on you, Sis,” segunda naman na sabi ni Kuya Clarkson.
Hindi na ako umimik. Nami-miss ko na rin ang pagiging protective ng kuya ko sa akin.
Umalis na kami sa bahay. Ilang minuto lang ay narating na namin ang hotel na pagdarausan ng party. Ayon kay Thea ay nasa venew na raw siya at excited na raw siyang makita ako. As if na hindi ko alam kung sino ang gusto talaga niyang makita.
Pagpasok sa function room ay marami ng bisita. Nilibot ko ang mata ko sa loob para hanapin ang kaibigan ko. Kaagad ko naman itong nakita na nakatayo habang hawak ang phone nito.
“Kuya, pupuntahan ko si Thea.” Agaw ko sa atensyon ng kapatid ko.
“Where is she?”
Nginuso ko si Thea, na kaagad naman nitong nakita. Ilang segundo niya tinitigan ang kaibigan ko bago tumango.
“Sige. Kapag gusto mo ng umuwi, lapitan mo lang ako.”
“Copy that, Kuya,” nakangiting sabi ko bago siya tinalikuran.
Naglakad ako palapit sa kaibigan ko na nakatuon pa rin ang atensyon sa phone nito. Malapit na ako sa kanya ng may nabangga akong malaking tao. Muntik na akong mawala sa balanse dahil sa taas ng heels ko, kung hindi lang kaagad pumulupot ang kamay ng nabangga ko sa baywang ko para alalayan ako. Kaagad akong napakapit sa braso niya, na kahit balot ng tela dahil sa suot niyang long sleeve ay dama ko ang tigas nito.
“I'm sorry, sir,” sabi ko at bahagyang lumayo rito.
“It's fine. Be careful next time.”
Parang tumigil sandali ang oras ko ng marinig ko ang buo nitong boses, maging ang amoy nito na parang pamilyar sa akin. Nag-angat ako ng mukha para sulyapan sana ito, pero hindi ko na nakita ang mukha nito dahil tumalikod na ito sa akin. Nang sinundan ko ito ng tingin ay ang malapad na likod lang nito ang nakita ko.
Napapailing na naglakad na lang ako patungo sa kaibigan ko na palinga-linga na sa paligid habang nakatapat ang phone sa tainga nito. Nang makita niya ako ay napangiti siya at tinanggal na ang phone sa tainga niya.
“Nasaan si Clark?” salubong na tanong nito sa akin.
Sumimangot ako. Ako ang nasa harap niya pero kapatid ko ang hinahanap niya.
“Pwede ba, Althea Ravalez, kahit hindi kasama ni Kuya si Rosie, hindi kita kukonsentihin na landiin ang kapatid ko,” prangkang sabi ko rito.
Hinawakan niya ang dibdib at umarte na parang nasaktan sa sinabi ko. “Aray naman. Ang harsh mo naman sa akin, Chazzy Sevilla.”
“Mabuti na ‘yong prinangka kita,” nakataas ang kilay na sabi ko.
Peke siyang ngumiti. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at pinihit paharap— patalikod sa kanya.
“What if sabihin ko sa ex-fiancé mo na hindi ka na virgin?”
Hindi ako nakahuma sa kinatatayuan ko, hindi dahil sa sinabi ni Thea, kundi dahil nakita ko si Kier, may kausap ito na hindi ko kilala.
“What is he doing here?”
Ang huli naming pagkikita ay sa mall, nang pinuntahan niya ako roon. Pagkatapos ay hindi na siya nagparamdam sa akin. Kaya inisip ko na wala talaga siyang kwentang lalaki, dahil hindi na siya gumagawa ng paraan para magkaayos kaming dalawa.
“Malamang, invited ang cheater mong ex-fiancé.”
Marahas kong hinarap ang kaibigan ko. “Gusto mong sabihin sa kanya na hindi na ako virgin?” sa halip ay sabi ko.
Nagsalubong ang kilay niya. “Gusto mo ba?”
“Go on, tell him. Gusto ko makita ang reaksyon niya,” matapang na saad ko.
Pilyang ngumiti si Thea sa harap ko. “Aba, ang tapang ng kaibigan ko, ha. Don't worry, ayokong pangunahan ka. Gusto ko na sa ‘yo mismo manggaling. Ako ang hindi makapaghintay na makita ang reaksyon ng kumag na ‘yan.”
Nagsimula na ang party. Nakita na rin ako ni Kier. Pero hindi ko ito tinapunan man lang ng tingin. Nalalaman ko lang na maya't maya ang tingin sa akin nito dahil sa kaibigan ko.
“Saan ka pupunta?” tanong ni Thea ng tumayo ako.
“Magbabanyo lang.”
“Bilisan mo. Ha-hunting-in natin ang bunsong anak ng Vittori Empire.”
Tumango lang ako kahit hindi ako interesado. Nagpadala ako ng message kay Kuya Clarkson kung saan ako pupunta. Baka kasi hanapin ako nito. Nasa kabilang mesa lang ito, kasama ang mga kaibigan niya.
Nagtanong ako sa staff na nakasalubong ko. Nang tinuro nito ang daan ay malalaki na ang naging hakbang ko dahil ihing-ihi na ako. Kaagad akong dumiretso sa cubicle. Pagkatapos ay sinipat ko muna ang sarili sa salamin bago lumabas. Ngunit natigilan ako dahil nakatayo sa labas si Kier at parang hinihintay talaga ang paglabas ko.
Hindi ko siya pinansin. Naglakad ako na parang hindi ko siya nakita. Pero napahinto ako ng hawakan niya ang braso ko. Kaagad kong piniksi ang kamay ko at marahas siyang hinarap.
“Ito na ang huling beses na hahawakan mo ako, Kier. Baka nakakalimutan mo, kasama ko si Kuya Clarkson. Isang sabi ko lang sa kanya, tiyak na susugurin ka na niya,” puno ng pagbabanta na sabi ko.
“I just want to talk to you, Chazzy. Please, let me explain,” pakiusap niya.
Pagak akong tumawa. “Ano'ng ipapaliwanag mo e, kitang-kita ng dalawang mata ko ang kababuyan n'yo ng babae mo? Ano ‘yon, nagpa-practice kung paano sumipsip ng lollipop? Huwag ako, Kier. Hindi ako tanga para hindi malaman kung ano ang ginagawa n'yo ng babae mo!” gigil na sabi ko.
Pilit ko kinakalma ang sarili ko dahil nasa party ako. Ayokong masira ang gabing ito ng dahil sa kanya.
Masama ang tingin na ipinukol niya sa akin. “Bakit ayaw mo muna ako pakinggan? Dahil ba may pinalit ka na kaagad sa akin? Kasama mo ba siya ngayon, ha?”
Nakuyom ko ang kamao ko. Ang lakas ng loob na ipasa sa akin ang gawain niya.
“Hindi ako katulad mo na kahit malapit ng ikasal, nagawa pa magloko. At wala ka rin pakialam kung may bago na ako dahil hiwalay na tayong dalawa!”
Ngumisi siya na ikinainis ko. “Iharap mo sa akin ang bago mo, kung meron nga. You love me, Chazzy, kaya alam kong hindi mo ako kaagad mapapalitan,” buong pagmamayabang na sabi niya.
Ang kapal talaga ng mukha. Akala mo ay sa kanya lang umikot ang mundo ko. Parang pinaparating niya na hindi ko siya kayang palitan.
Ang yabang!
Pasimple kong kinagat ang ibabang labi ko. Bigla akong nabahala. Saan naman ako hahanap ng ihaharap ko sa kanya?
Inirapan ko siya at tinalikuran. Pero napadaing ako ng bumangga ang mukha ko sa matigas na bagay.
“I've been looking for you. Nandito ka lang pala.”
Hindi ako nakahuma sa sinabi nito. Unti-unti akong nag-angat ng mukha. Ngayon ko lang napagtanto na ang tangkad pala niya dahil halos nakatingala na ako sa kanya. Pero para akong nanigas ng makita ko ang mukha niya.
He is so incredibly hot and handsome, for heaven's sake! Mas gwapo pa siya sa cheater kong ex-fiancé. I mean, gwapo talaga siya!
Pigil ang aking hininga ng yumukod siya at nilapit ang mukha sa akin. Halos kaunting espasyo na lang ang pagitan ng mukha naming dalawa dahil sa lapit niya sa akin.
“Avoid him. I don't want any interruptions during our date,” may awtoridad niyang sabi.
My lips parted. Parang biglang nablangko ang utak ko. Bumaba ang mata niya. Mayamaya lang ay hinawakan niya ang kamay ko, bago pinagsalikop sa kamay niya. Marahan niya akong pinihit paharap kay Kier, na ngayon ay madilim ang mukha habang nakatingin sa magkasalikop naming kamay ng lalaki.
Um-attend lang namam ako ng party, pero hindi ko inaasahan na magkakaroon pa ako ng date!