CHAZZY
“Are you harassing my date?" he asked Kier.
Tinaasan ni Kier ng kilay ang lalaking katabi ko. “I'm not harassing her. The woman you are holding is my fiancée,” buong pagmamalaki na sabi nito, dahilan para taasan ko rin ito ng kilay.
Magsasalita na sana ako ng marahang pinisil ng lalaki ang kamay ko, kaya napasulyap ako rito. His face had a blank expression as he gazed at Kier. After a few seconds, he shifted his gaze towards me.
“Is it true?”
Para akong nahipnotismo sa titig niya, kaya hindi kaagad ako nakasagot sa kanyang tanong. Pero nang makabawi, ay matalim na tingin ang pinukol ko kay Kier.
“FYI, ex-fianceé. Hiwalay na tayong dalawa, remember?” pagpapaalala ko, na nagpatiim ng bagang nito.
“Did you hear that? So you had better keep your distance from her," puno ng awtoridad na sabi ng lalaki, bago kami naglakad palayo kay Kier.
Mahaba ang biyas niya, pero hindi ako naghahabol ng lakad para lang makasabay sa kanya, dahil marahan lang ang bawat hakbang niya. Saka ko lang napagtanto, na kahit malayo na kami kay Kier, at hindi na nito kami nakikita, hindi pa rin binibitiwan ng lalaki ang kamay ko.
Tumigil ako, sabay bawi sa kamay ko na hawak niya. Napahinto siya sa paglalakad at nilingon ako. Halos magdikit ang dalawang kilay niya habang nakatingin sa akin.
“Thank you for saving me from him,” I said while staring at his handsome face.
Nagtaka ako nang dahan-dahan siyang lumapit sa akin. Napaatras ako, hanggang sa lumapat ang likod ko sa pader.
“Is that all I will receive from you? Do you think 'thank you' is enough?”
Ako naman ngayon ang nagsalubong ang kilay. “A-ano'ng ibig mong sabihin?”
Lumapit pa siya sa akin, at awtomatikong tinukod niya ang isang kamay sa pader. Pigil ang aking hininga ng nilapit niya ng bahagya ang mukha sa akin. Mabilis na tumaas ang balahibo ko ng dumampi sa mukha ko ang mainit at amoy mint niyang hininga. Saka ko lang napagtanto na pamilyar sa akin ang amoy ng pabango niya.
Siya ang lalaking nabangga ko kanina!
Hinawakan niya ang baba ko, dahilan para kumalat ang libo-libong boltahe ng kuryente sa buong katawan ko. “Hindi naman ako papayag na pagkatapos kitang tulungan sa ex-fiancé mo ay wala akong hihingin na kapalit,” nakangisi niyang sabi.
Nagpanting ang tainga ko sa sinabi nito. Akala ko pa naman ay bukal sa loob niya ang pagtulong sa akin, iyon pala ay may hihingin siyang kapalit. Humanga pa naman ako sa kanya dahil tinulungan niya ako, wala rin naman pala siyang pinagkaiba kay Kier. Pareho silang manloloko ngunit sa magkaibang paraan. Akala ba niya ay madadala niya ako sa gwapo niyang mukha? Pwes, nagkakamali siya!
Pilit akong ngumiti sa harap niya, at awtomatikong dumapo ang isang kamay ko sa pisngi niya. Mabilis na nawala ang ngisi niya sa labi, at napalitan ng blangkong ekspresyon ang mukha niya.
“Is that so?” Wala pa rin akong mabanaag na reaksyon sa mukha niya kahit marahan kong hinaplos ang makinis niyang pisngi. “We need to talk about that, I guess,” I added.
Halos magdikit na naman ang kilay niya habang titig na titig sa akin. “Are you playing tricks on me?” he asked with no emotion.
Natigilan ako. Paano niya nahulaan?
Napasinghap na lang ako ng hinapit niya ako sa baywang, kaya napakapit ako sa balikat niya, na wala akong makapa na kahit anong malambot. Lahat yata ng parte sa katawan niya ay matigas.
“Because if you are, messing with me can be risky.”
Namilog na lang ang mata ko nang walang pahintulot na sinunggaban niya ang labi ko. Nanigas ang katawan ko, at hindi ko magawang kumilos sa pwesto ko nang nagsimula nang gumalaw ang labi niya sa labi ko. Hindi dahil sa hinalikan niya ako kaya para akong tuod, kundi dahil parang pamilyar sa akin ang halik niya.
Ngunit nang makabawi, buong pwersa ko siyang tinulak. Pagkatapos, umigkas ang palad ko sa pisngi niya, dahilan para tumagilid ang mukha niya. Hindi ko man lang nakita na nasaktan o nagulat siya sa ginawa ko; sa halip, ngumisi pa siya habang hinihimas ang pisngi niya, kung saan dumapo ang palad ko.
“Marunong akong tumanaw ng utang na loob, pero kung sasamantalahin mo ang sitwasyon, pasensya na, pero hindi ako katulad ng iniisip mo!” nanggigigil na sabi ko bago ito tinalikuran.
Malalaki ang hakbang ko nang bumalik ako sa party. Naabutan ko si Kuya Clark at Thea na nag-uusap. Marahil ay sinamahan nito ang kaibigan ko dahil wala itong kasama sa table. Busy kasi ang kapatid nito sa pakikipag-usap sa mga kakilala sa party.
Pilit akong ngumiti bago lumapit sa kanila. Ayokong isipin nila na may nangyaring hindi maganda sa akin nang nawala ako ng ilang minuto. Hindi si Kier o ang lalaking iyon ang sisira sa gabi ko.
“Friend, nandito ka na pala.” Pasimpleng nilapit ni Thea ang bibig sa tainga ko. “Dapat hindi ka muna lumapit, bruha ka. Pagkakataon ko na ito para masolo ang kuya mo,” bulong niya sa akin.
Pasimple kong inirapan ang kaibigan ko. Umupo ako at seryosong binalingan ang kapatid ko. “Kuya, mamaya-maya, uuwi na ako.”
“Sige, sabihan mo lang ako para makapagpaalam ako sa mga kaibigan ko.”
“Huwag mo na akong alalahanin, Kuya. Okay lang kahit magpaiwan ka dito. Magbo-book na lang ako ng sasakyan pag-uwi.”
“Binilin ka sa ‘kin ng magulang natin, kaya hindi kita hahayaang umuwi mag-isa.”
“Kung uuwi na kayo, uuwi na rin ako. Busy ang kapatid ko sa mga kakilala niya, kaya hindi rin niya ako mapupuntahan,” singit ni Thea sa usapan namin ng kuya ko.
“Samahan mo na lang si Kuya Clarkson dito,” sabi ko at muling binalik ang atensyon sa kapatid ko. “Ikaw na ang bahala kay Thea, Kuya. Ihatid mo na lang ako mamaya sa labas ng hotel.”
“Are you sure?”
“Yes.”
Bumuntong-hininga ito. “Okay. Just text me when you get home.”
Nakangiting tumango ako.
“Sino itong gwapong kasama ni Kuya Tan-Tan?” nangingislap ang mata at malawak ang ngiti na sabi ni Thea habang nakatingin sa likuran ko.
Nakatatandang kapatid ni Thea si Tan-Tan. Sa madaling salita, pareho kaming may nakatatandang kapatid.
Napatingin na rin si Kuya Clarkson sa likuran ko. Dahil na-curious ako ay lumingon ako. Pero gano'n na lang ang pamimilog ng mata ko nang makita ko kung sino ang kasama ni Tan-Tan na naglalakad palapit sa amin. Huli na para umiwas ako ng tingin dahil kaagad na nagtagpo ang mga mata naming dalawa.
He was staring at me as if he didn't want me to leave his sight. He was literally looking only at me!
Nakagat ko na lang ang labi ko nang magkasalubong ang mata namin ni Kuya Clarkson nang pumihit ako paharap. Puno ng pagtataka ang mga tingin na ibinabato nito sa akin. Mayamaya lang ay naramdaman ko na ang malakas na presensya niya sa likuran ko.
“Guys, I would like to introduce you to the youngest son of the Vittori Empire, Mr. Thomas Vinscenzo Vittori.”
Oh, no! Siya ang tinutukoy ni Thea na galing sa Italy?
Tumayo si Kuya Clarkson. Sumunod ay si Thea na labis ang pagkamangha ng marinig ang sinabi ng kapatid nito, ngunit ako ay nanatiling nakaupo at nakatalikod. Mayamaya lang ay tinapunan ako ng tingin ng kapatid ko, inuutusan niya akong tumayo at humarap sa bagong dating. Wala akong nagawa kundi sundin ito.
Parang tumigil ang t***k ng puso ko ng magtagpo ang mata namin ni Mr. Vittori, na titig na titig pa rin sa akin. Simula nang dumating siya, ay sa akin lang ba siya nakatingin? Baka makahalata si Kuya Clarkson na nagkita na kaming dalawa.
“Mr. Vittori, this is Althea Ravalez, my youngest sister.” Pakilala ni Tan-Tan sa kapatid niya.
“It's a pleasure to finally meet you in person, Mr. Vittori,” pormal na sabi ni Thea. Mukhang sinapian ng mabuting espiritu ang kaibigan ko dahil parang ang bait nito ngayon sa harap ng bagong dating. O baka dahil kasama namin si Kuya Clarkson, kaya parang Maria Clara muna ang dating niya ngayon?
Nakipagkamay siya sa kaibigan ko. “Same here, Althea,” sagot niya
Kumunot ang noo ko. Alam kong narinig ko na ang boses niya dahil nagkausap na kami kanina, pero bakit parang pamilyar sa pandinig ko kung paano siya magsalita?
“This is Engineer Clarkson Sevilla; he is currently managing his father's company.”
Nilahad ni Kuya Clarkson ang kanyang kamay. “I've heard so much about your success in business, Mr. Vittori. Your family is truly inspiring, and I am delighted to finally meet you.”
Kapag nasa parehong field talaga, hindi maiiwasan na may paghanga. Base sa binitawang salita ng kapatid ko, humahanga siya kay Mr. Vittori pagdating sa negosyo. Hindi lang dito, kundi sa buong pamilya ng Vittori. Hindi naman kasi talaga biro ang kumpanya nila na kahit sa labas ng bansa ay mayroon sila.
"If I'm not mistaken, it's the Sevilla Real Estate Company, isn't it?”
Hindi na ako magugulat kung alam nito ang kumpanya namin. Kahit hindi ganoon ka-popular, may ilan na nasa parehong field na kilala ang kumpanya ng pamilya ko. Marahil ay nakarating sa kanya na pagmamay-ari namin ang Sevilla Real Estate Company.
“Yes,” tipid na tugon ng kapatid ko.
“Perhaps we can discuss your business at another time. I am interested in investing in your company.”
Hindi napigilan ni Thea na suminghap, habang ang kapatid ko ay tipid na ngumiti. Kahit hindi nito ipahalata ay alam kong natuwa ito sa sinabi ni Mr. Vittori.
Sino ang mag-aakala na um-attend lang kami sa party, pag-uwi namin ay may maganda na kaming balita para sa aming mga magulang?
Maging ako ay nagulat din pero hindi ko ipinahalata sa kanya, kahit parang gusto ko nang tawagan si daddy para balitaan ito. Iniiwasan ko lang kasi na mapunta ang atensyon niya sa akin.
“I don't know what to say, Mr. Vittori, but I am looking forward to working with you,” sabi ng kuya ko.
“I will contact you as soon as possible, kapag hindi na ako busy. May mga aayusin pa kasi ako sa kumpanya, since kakabalik ko lang sa Pilipinas.”
“Sure, sure. I am willing to wait, Mr. Vittori.”
Napakapit ako ng mahigpit sa suot kong dress nang gumawi ang tingin niya sa akin. Parang kinakabahan na ako sa mga tingin niya.
“By the way, this is my youngest sister, Chazzy,” my brother introduced me to him.
Tumigil yata ang t***k ng puso ko nang magtagpo ang mga mata naming dalawa. Bigla akong nabahala dahil baka magdalawang-isip siya na mag-invest sa kumpanya dahil sa ginawa ko. Nakabingwit na nga kami ng malaking isda, makakawala pa dahil sa pananampal ko sa kanya.
Kinalma ko ang sarili at pasimpleng huminga ng malalim. Kahit hindi maganda ang una naming pagkikita, kailangan ko pa ring maging propesyonal sa harap nito. Alang-alang sa kumpanya, kakalimutan ko muna ang nangyari sa pagitan naming dalawa. Ngumiti ako na parang wala akong ginawa sa kanya. Nilahad ko ang kamay sa harap niya.
“It's a pleasure to meet you, Mr. Vittori,” I said formally.
Inabot niya ang kamay ko, pero parang gusto ko na agad bawiin, lalo na nang maramdaman ko na pinisil niya ito.
Hindi ko siya narinig na nagsalita dahil seryoso lang siyang nakatingin sa akin. Sana naman ay hindi magbago ang isip niya. Kalaunan, ay binitawan na rin niya ang kamay ko.
“May store si Chazzy sa Empire Mall, Mr. Vittori.”
Parang gusto kong batukan si Tan-Tan nang binanggit pa niya ang store ko. Baka mapalayas ako ng wala sa oras.
“Two years na ang boutique niya roon,” segunda naman ng magaling kong kaibigan. Magkapatid nga silang dalawa ni Tan-Tan, pareho nila akong pinangunahan.
Tumango-tango si Mr. Vittori. “I see,” sabi nito. Hindi pa rin nito inaalis ang tingin sa akin.
Nakahinga ako ng maluwag nang umalis na ito sa harap namin. Kaagad ko ring hinarap si Kuya Clarkson.
“Kuya, uuwi na ako,” kaagad na sabi ko.
Nagsalubong ang kilay nito. Nagtataka siguro ito dahil uuwi agad ako, samantalang ilang minuto pa lang ang nakalipas ng sinabi ko na mamaya pa ako uuwi.
“Sige.” Binalingan niya si Thea. “Ihahatid ko lang si Chazzy sa labas.”
“No problem. Hihintayin na lang kita dito.” Makahulugang tumingin sa akin ang kaibigan ko. “Ingat ka, friend.”
Ang plastik ng bruha. Sigurado akong tuwang-tuwa siya dahil masosolo niya ang kapatid ko.
Sinamahan ako ni Kuya Clarkson sa labas ng hotel. Naghintay kami ng pina-book naming sasakyan. Mayamaya lang ay may itim na sasakyan ang huminto sa tapat namin.
“I-text mo ako kapag nakauwi ka na. Ako na rin ang bahala magsabi kay Daddy tungkol sa sinabi ni Mr. Vittori.”
“Sige, Kuya.” Yumakap muna ako rito bago pumasok sa loob ng sasakyan.
Sinabi ko sa driver ang address ng bahay. Pagkatapos ay nahahapo na sinandal ko ang ulo at likod sa headrest ng upuan, bago tumingin sa labas. Pumikit ako sandali, ngunit kaagad din akong nagmulat ng mata nang biglang sumulpot ang imahe ni Mr. Vittori.
“Pati ba naman ikaw ay guguluhin ako?” usal ko.
Makalipas ang ilang minuto, napansin ko na ibang daan ang tinatahak ng driver.
“Kuya, hindi ito ang daan papunta sa bahay,” sabi ko.
“Alam ko,” sagot nito.
Bigla akong nabahala sa narinig ko. Kaya ayaw kong sumakay sa mga ganito, at mas gusto kong magmaneho ng kotse ko dahil hindi lahat ng driver ay mapagkakatiwalaan.
“Saan mo ako dadalhin? Ibaba mo ako!” sigaw na utos ko rito.
“Hindi pwede.”
Dahil sa sagot nito, binalot ako ng takot. Kaagad kong kinuha ang phone sa pouch na hawak ko para tumawag ng pulis, pero kaagad niya itong hinablot sa akin.
“Kakausapin ka lang ng boss ko, Miss Chazzy.”
Natigilan ako ng binanggit nito ang pangalan ko. “K-kilala mo ako?” gulat na tanong ko.
Hindi ito sumagot. Bigla akong napaisip sa sinabi nito. Sinong boss nito ang gustong kumausap sa akin?
Mayamaya lang ay huminto ang sasakyan sa gilig ng daan. Nang bumaba ang lalaki, nakahanap ako ng pagkakataon para takasan ito. Ngunit nang bubuksan ko na sana ang pintuan sa tabi ko, naka-lock naman ito. Siniguro ng lalaki na hindi ko siya matatakasan.
“Tulong! Tulungan n'yo ‘ko!” sigaw ko habang sinusubukang buksan isa-isa ang pintuan ng sasakyan. Pero kahit yata mamaos ako ay mukhang walang makakarinig sa akin dahil parang nasa liblib kaming lugar na walang masyadong dumadaan na sasakyan.
Bumukas ang pintuan sa tabi ko, kaya napahinto ako sa ginagawa ko. Ngunit hindi ako nakahuma nang makita ko kung sino ang nasa harap ko.
“Ikaw?” gulat na tanong ko.
Unti-unting sumilay ang ngisi sa labi niya.“Yes. At kahit sumigaw ka nang malakas, walang makakarinig sa ‘yo rito,” puno ng kumpiyansa niyang sabi.
Dinala niya ang isang kamay sa taas ng ulo ko, bago ako hinawakan sa braso at hinila palabas ng sasakyan. Napangiwi ako dahil medyo mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin. Nagpumiglas ako ngunit lalo lang humigpit ang hawak niya sa braso ko.
“Saan mo ako dadalhin? Bitiwan mo ako!” sabi ko habang sinisikap na kumawala sa pagkakahawak niya.
Naubusan na siguro siya ng pasensya sa akin, kaya napahinto siya at hinarap ako. Nagbabanta na tingin ang ipinukol niya sa akin.
“Kapag hindi ka nagpakabait sa akin, isang pitik lang ng daliri ko, mawawala ang lahat ng pinaghirapan ng pamilya mo," nag-iigtingan ang panga na babala niya sa akin.
Hindi ko nagustuhan ang narinig ko, kaya hindi ko napigilan ang sarili ko; umigkas ang isang kamay ko sa pisngi niya.
Hindi niya ako binitawan; sa halip, minuwestra niya ang kamay para pahintuin ang mga lalaking kasama niya na akmang lalapit sa kinatatayuan namin.
“Marami pa naman ang humahanga sa ‘yo, pero ganyan ka pala karumi magtrabaho!” sabi ko rito.
Pero parang hindi man lang siya naapektuhan sa sinabi ko dahil ngumisi lang siya. Mayamaya lang ay namilog ang mata ko nang hindi ko inaasahan ang sumunod na ginawa niya; yumukod siya at walang kahirap-hirap na binuhat ako at parang sako lang na sinampay sa balikat niya.
“Bwesit ka, ibaba mo ako!” Hinampas ko ng paulit-ulit ang likod niya. Wala na akong pakialam kung sino siya, ang mahalaga ay makawala ako sa kanya.
“No, Chazzy Sevilla. May kailangan tayong pag-usapan.”
“Ayoko makipag-usap sa ‘yo!”
“Makikipag-usap ka sa akin sa ayaw at sa gusto mo.”
Kahit nagpupumiglas, maingat niya akong pinasok sa loob ng sasakyan at kaagad na kinabit ang seatbelt sa katawan ko, kahit hinahampas ko na siya sa dibdib at balikat.
“Magsusumbong ako sa pulis. This is kidnapping!”
“Go on. Hindi kita pipigilan,” panghahamon niya sa akin.
“Magsusumbong talaga ako, at tinitiyak kong masisira ang pangalan na pinangalagaan mo. Hindi lang sa ‘yo, kundi pati na rin ng buong angkan mo!” matapang kong saad.
Madilim ang mukha na hinarap niya ako. Hinawakan niya ang isang kamay ko at dinala sa sandalan ng upuan, saka mabilis na dumapo ang isang kamay niya sa batok ko. Namilog na lang ang mata ko nang kinabig niya ako at muling sinunggaban ang labi ko. Makalipas ang ilang segundo, bahagya siyang lumayo sa akin.
“Kapag hindi tumigil iyang bunganga mo, pamamagain ko ‘yang nguso mo gamit ang labi ko. At kapag naubusan ako ng pasensya sa ‘yo, sisiguraduhin kong hindi lang nguso mo ang pamamagain ko,” puno ng pagbabanta niyang sabi.
Para akong bata na pinagalitan dahil kaagad kong pinaglapat ang labi ko at hindi na ako sumagot. Mukhang ang tipo niya ay hindi marunong magbiro.
“Good.” Bumaba ang mata niya sa labi ko. Ilang segundo niya itong tinitigan bago binalik ang tingin sa akin. “But I have a habit of changing my mind quickly."
Bago pa man ako makapag-react, ay magkalapat na ang labi naming dalawa. Pakiramdam ko, magiging mahaba ang gabing ito—kasama siya.