Chapter 7

2283 Words
CHAZZY Pasimple kong nilibot ang tingin sa maliit na silid na pinagdalhan niya sa akin, habang siya ay parang hari na prenteng nakaupo sa pang-isahang sofa—sa tapat ko at nakamasid lang sa akin. Ang sabi niya ay mag-uusap kami, pero hanggang ngayon ay nakabibinging katahimikan pa rin ang namamayani sa apat na sulok ng silid. Tinaasan ko siya ng kilay nang tila parang wala siyang balak magsalita. Hindi ako puwedeng magtagal dito. Baka mag-alala si Kuya Clarkson dahil hanggang ngayon ay wala pa rin akong text na pinapadala sa kanya. “Nasaan na ang phone ko? Kailangan kong i-text ang kuya ko. Baka mag-alala siya sa akin kapag nalaman niyang wala pa ako sa bahay,” basag ko na sa katahimikan. “Don't bother. He already knows that you have arrived home safely.” Nagsalubong ang kilay ko. Paano malalaman kung hindi pa ako nagpapadala ng mensahe sa kapatid ko? “Hindi pa ako nag—” “My men have already messaged him.” Putol niya sa sasabihin ko. Nanlaki ang mata ko. Pinakialaman nila ang phone ko? Pero paano? May password ang phone ko. “Huwag mo akong niloloko, Mr. Vittori. May password ang phone ko, kaya—” “Nothing is impossible for me, Chazzy Sevilla. Don't worry, hindi ugali ng tauhan ko na magbasa ng hindi sa kanila. Safe pa rin ang mga messages sa phone mo.” I gave him an evil look. "But you are already invading my privacy!" I couldn't help but raise my voice. He let out a deep sigh. He crossed his legs, with his arms crossed over his chest, and looked at me intently. “Tell me, bakit ang sungit mo sa ‘kin?” Muli ko siyang tinaasan ng kilay. Ang lakas ng loob magtanong, na para bang hindi niya alam kung bakit ganito ang pakikitungo ko sa kanya. “Paanong hindi kita susungitan, kung sa unang pagkikita pa lang nating dalawa, sinamantala mo ang sitwasyon ko?” mataray na sabi ko. A smirk appears on his lips. “Is that what you're thinking? Because that's not what I remember.” Inirapan ko siya. Bahala siya kung ano ang natatandaan niya. Basta mainit ang dugo ko sa kanya. Pero biglang sumagi sa utak ko ang sinabi niya sa kuya ko. Paano kung magbago nga ang isip niya dahil sa pagiging masungit ko sa kanya? Mahina akong tumikhim, bago muling binalik ang tingin sa kanya. Para akong biglang naging maamong tupa. “You are probably a professional, especially when it comes to business. Am I correct?” Tinaasan niya ako ng kilay, ngunit blangko ang ekspresyon ng kanyang mukha. “Hindi naman siguro magbabago ang isip mo na mag-invest sa company namin nang dahil lang sa pagsusungit ko sa ‘yo, ‘di ba?” Pinaalala ko ang naging pag-uusap nila ng kapatid ko. “Don't worry, I have my word.” Napangiti ako at nakahinga ng maluwag sa narinig ko. Kahit paano ay nabawasan ang inaalala ko. “Unless you agree to my condition.” Unti-unting naglaho ang ngiti ko sa labi dahil sa sinabi nito. Isa sa dahilan, kaya ako masungit sa kanya ay dahil humingi siya ng kapalit sa pagtulong niya sa akin kanina mula kay Kier. At heto, may kondisyon naman siyang hinihingi. Negosyante nga talaga siya, tumutulong sa maliit na negosyo, pero kailangan ay may balik pa rin sa kanya. “Ano ba talaga ang gusto mong pag-usapan natin?” Hindi ko na naman mapigilang mainis sa kanya. “Do me a favor. Kapag ginawa mo ang kondisyon ko, makakabawi ka na sa pagtulong ko sa ‘yo mula sa ex-fiancé mo at sa pag-invest ko sa kumpanya ng pamilya mo.” Marahas akong nagbuga ng hangin. Ano pa nga ba ang magagawa ko? Siya ang dahilan kung bakit hindi na ako kinulit ni Kier sa party. At higit sa lahat, malaki ang maitutulong niya sa kumpanya namin kapag natuloy ang plano niya. “Ano ba ‘yon?” iritableng tanong ko. “Pretend to be my girlfriend,” he quickly replied. My lips parted. Nahihibang na ba siya? “I just broke up with my ex-fiancé, and now I will pretend to be your girlfriend?” Napapailing na humalukipkip ako. “I'm sorry, but I can't do what you're asking.” Sumilay na naman ang ngisi sa labi niya. “Madali naman akong kausap, Chazzy Sevilla. “I will just cancel my plan to invest in your company, or perhaps, I will just bring down the Sevilla Real Estate Company.” No! Bigla akong nabahala. Hindi kaya ng konsensya ko kung dahil sa akin ay mawawala ang pinaghirapan ng daddy at kuya ko. “Huwag, please,” pakiusap ko. Bigla naging mahinahon ang boses ko. “I told you, madali akong kausap,” walang emosyon niyang saad. Mabigat akong nagpakawala ng buntong-hininga. “Pwede ko ba munang pag-isipan?” He smiled confidently. “Sure. I will give you one day to think about it.” Namilog ang mata ko sa palugit na binigay niya. “Masyado namang maiksi. One week.” Kulang ang isang araw. Hindi lang ang kondisyon niya ang iisipin ko. Hindi ko ito pwedeng i-priority. Mas may importanteng bagay akong kailangan na isipin. “Masyadong matagal. Two days.” Ano ba namang klaseng palugit ang binibigay niya sa akin? Nakaka-pressure. Masyado niya akong ginigipit. Nagmamadali ba siya? Sumimangot ako. “Kailangan ko itong pag-isipan ng mabuti. At saka, ano na lang ang iisipin ng mga magulang ko at ng mga nakakakilala sa akin? Na mabilis akong nakahanap ng bago, samantalang ilang linggo pa lang kaming hiwalay ng ex ko? Hindi iyon ang pagkakakilala nila sa akin. At saka, baka isipin nila na ako ang unang nagloko. Isa pa, may three-month rule ang paghihiwalay bago pumasok ulit sa panibagong relasyon,” mahaba kong paliwanag rito. Sana naman ay naintindihan niya ang sinabi ko. “Ang sabi ko ay magpapanggap ka lang, hindi ko sinabing papasok ka sa isang relasyon,” pagtatama nito, dahilan para matigilan ako. “And I don't have any idea about those rules, Chazzy Sevilla. One week is too much. I can only give you two days. End of discussion," he stated. Nagbuga ako ng hangin. “Bakit ako? Ang dami namang iba riyan na puwedeng magpanggap, bakit ako pa na galing lang sa break-up?” nagtatakang tanong ko. “Wala akong dapat na ibigay na paliwanag sa ‘yo, Chazzy Sevilla. Basta ikaw ang gusto kong magpanggap na girlfriend ko,” seryoso niyang sinabi. Muli akong sumimangot dahil lagi niya akong tinatawag sa buo kong pangalan. “Pwede bang itigil mo na ang pagtawag sa buong pangalan ko? Naiirita ako.” Hindi ko naitago ang iritasyon sa boses ko. Muli niya akong tinaasan ng kilay. “What do you want me to call you... mine?” My lips parted. Hindi iyon ang ibig kong sabihin! “I mean, huwag namang buong pangalan ang itawag mo sa ‘kin,” paglilinaw ko. “Fine.” Sinundan ko siya ng tingin nang tumayo siya. “From now on, I will call you ‘Mine’.” “No!” bulalas ko. “Yes… mine.” Naglakad siya palapit sa akin. Nang nasa harap ko na siya ay unti-unti siyang yumukod sa harap ko. Kahit gustuhin ko mang umatras ay hindi ko magawa dahil nakalapat na ang likod ko sa backrest ng sofa. Mayamaya lang ay tinukod niya ang isang kamay sa sandalan ng sofa at nilapit ang mukha sa akin.“You are officially mine, Chazzy Sevilla. Only mine.” Puno ng kumpiyansa ang boses niya, na parang pinaparating niya na pagmamay-ari na nga niya ako. Walang sino man ang pwede magmay-ari sa akin. Katawan ko ito at ako lang ang dapat na masunod sa katawan ko! Pero paano ko gagawin kung katulad niya na parang magaling magmanipula ng tao ang bigla na lang umeksena sa buhay ko? At simula nang magkaharap kaming dalawa, laging pabor sa kanya ang sitwasyon. Kaya paano ako makakawala sa katulad niyang minanipula kaagad ang sitwasyon? Hindi ko na nagawang kumilos ng nilapat na naman niya ang labi sa akin. Kanina sa sasakyan, nang halikan niya ako, kung hindi lang ako kinapusan ng hininga ay hindi siya titigil na halikan ako. Pero ngayon, lalo na at mahaba itong sofa kung saan ako nakaupo, pakiramdam ko ay hindi na lang halik ang gagawin niya sa akin. Kinakabahan ako. Huwag naman sana niyang ituloy kung ano man ang naglalaro sa isip niya. Ayokong ituloy niya, pero heto ako, natagpuan ang sarili na tinutugon ang halik niya. Hinawakan niya ang kamay ko at dinala sa parte ng puson niya. Matigas na naman ang nakapa ko. Wala yata siyang kahit anong baby fats sa katawan niya. Na-curious ako kung gaano kaganda ang tanawin na makikita ko sa ilalim ng suot niyang long sleeve. Pero ano ang ibig sabihin ng ginawa niya? Hahawakan ko ang nasa pagitan ng hita niya? May pagka-pervert naman pala itong business magnate na ito. Akala mo ay hindi nakakatikim ng babae kung umasta sa harap ko. Sa gwapo niyang ito, imposibleng walang babae ang luluhod sa kanya para paligayahin siya. Parang nakuryente na mabilis siyang lumayo sa akin, ngunit nanatili pa rin sa harap ko. Salubong ang kilay na tinitigan niya ako. “What the hell are you doing?” Ako naman ang nagsalubong ang kilay. “H-ha? Bakit?” maang na tanong ko. Bumaba ang mata niya. Sinundan ko kung saan siya nakatingin. Nakagat ko na lang ang labi ko ng napagtanto ko kung ano ang tinutukoy niya. Nang binalik niya ang tingin sa akin ay alanganing ngiti ang binigay ko sa kanya. “Sorry,” sabi ko na lamang, sabay alis ng pagkakakurot ko sa balat niya. Nanggigil siguro ako sa kanya kaya hindi sinasadyang nakurot ko siya. Pero at least, parang nakabawi na ako pagmamanipula niya sa akin. Blangko ang tingin na ipinukol niya sa akin. Mayamaya lang ay bumaba ang mata niya sa labi ko. Pinigilan kong ‘wag itong pagalawin dahil baka bigla na naman niyang sunggaban. Awtomatikong pinasadahan ng daliri niya ang labi ko. At habang ginagawa niya ito ay titig na titig siya sa labi ko. Napalunok ako. Ano ba ang tumatakbo sa utak niya? Tumigil siya sa kanyang ginagawa. Makalipas ang ilang segundo, muli niyang binalik ang tingin sa akin. “How could that jerk cheat on you? Hindi ka dapat niloloko, Chazzy,” tiim ang bagang niyang sabi. Nangatal ang labi ko at mabilis na umulap ang mata ko. Bigla akong naging emosyonal. Pinaparating niya na hindi dapat niloloko ang isang katulad ko. Mabuti pa ito, kahit ngayon lang kami nagkakilala, alam ang worth ko. “B-baka may hinahanap siya sa iba na wala sa akin,” garalgal ang boses na sabi ko. Lumamlam ang mata niya. Sa unang pagkakataon ay nakita ko kung paano lumambot ang ekspresyon ng mukha niya. “But you're almost perfect, mine.” Natigilan ako ng binanggit niyang muli ang tawag sa akin. Parang biglang may nagliparan na paruparo sa tiyan ko. Parang gusto ko na kung paano niya ako tawagin sa endearment na binigay niya sa akin. “M-Mr—” “Thomas, mine. Call me, Thomas.” Tipid akong ngumiti bago tumango. Tinitigan pa niya ako ng ilang segundo bago nagpakawala ng mabigat na buntong-hininga. Mabilis niya akong dinampian ng halik sa labi bago tumuwid ng tayo at naglakad patungo sa pintuan. “Ihahatid na kita,” malamig ang boses na sabi niya. Para akong nabunutan ng tinik sa narinig ko. Mabuti naman at naisipan na niya akong ihatid. Sabay kaming lumabas ng silid. Naabutan namin na naghihintay ang ilang lalaki sa labas. Kanina pa ako nagtataka, siya lang yata ang namumukod tangi na negosyante ang napansin ko na maraming bodyguard. Pinagbuksan niya ako ng pintuan sa front seat. Natigilan ako ng muli niyang pinatong ang kamay sa taas ng ulo ko. Ilang segundo naglapat ang mga mata naming dalawa bago ako pumasok sa loob ng sasakyan. Hindi ko napigilang ngumiti ng sinara na niya ang pintuan. Kaya pala niya iyon ginawa ay para kung sakaling mauntog ako ay kamay niya ang tatama. May tinatago rin palang gentleness ang lalaking ito. Hindi muna siya pumasok sa kotse. Tiningnan ko siya mula sa side view mirror. Nakikipag-usap siya sa isang lalaki. Makalipas ang ilang segundo ay nakaupo na siya sa driver's seat. Nakakabinging katahimikan ang namayani sa loob ng sasakyan niya habang tinatahak namin ang daan patungo sa bahay. Wala rin naman akong balak na magsalita dahil baka kung saan na naman mapunta ang usapan naming dalawa. Makalipas ang ilang minuto ay nasa tapat na kami ng bahay ng magulang ko. “Salamat sa paghatid,” sabi ko. Hinintay ko siyang magsalita ngunit nanatili lang siyang tahimik. Binuksan ko na ang pintuan. Ngunit nang tumalikod ako ay saka naman niya ako hinawakan sa braso at pinihit paharap sa kanya, kaya naisara kong muli ang pinto ng sasakyan. Hindi na ako nakahuma nang halikan na naman niya ako sa labi. Napapansin ko, parang nawiwili na siyang humalik sa akin. Namimihasa na siya. Handa na sana akong tumugon sa halik niya nang tumigil naman siya. Dahan-dahan siyang lumayo sa akin. Muli niyang pinasadahan ng daliri ang labi ko. “Hindi ako natutuwa na niloko ka ng ex-fiancé mo, but I'm thankful that it happened?” Mula sa labi ko ay nag-angat siya ng tingin sa akin, kaya nagtagpo ang mata naming dalawa. “And I believe everything happens for a reason.” Kasabay nito ay muli niyang sinunggaban ang labi ko, hanggang sa naramdaman ko ang pag-angat ng pang-upo ko. Natagpuan ko na lang ang sarili na nakaupo sa kandungan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD