CHAZZY
Hindi ako nagdalawang-isip na tumugon sa mainit at maalab niyang halik, na parang uhaw na uhaw siya sa labi ko. Mabilis na kumalat ang init sa buong katawan ko, dahilan para makalimutan ko ang inis sa kanya. At parang may sariling isip ang mga kamay na pumulupot ito sa leeg niya.
Dumausdos ang kamay niya mula sa baywang ko, pababa sa magkabilang hita ko. Kaagad niyang pinasok ang kamay sa ilalim ng dress na suot ko at marahang hinaplos at pinisil-pisil ang hita ko.
Kahit natatangay na ako sa sitwasyon, nasa tamang pag-iisip pa naman ako. Kaya nang dumapo ang kamay niya sa suot kong lace panty at akma niya itong ililihis pababa ay mabilis kong hinawakan ang kamay niya para pigilan siya. Hindi porket hinahayaan ko siya ay malaya na niyang gawin ang gusto niya sa akin. Ginagawa ko ito para hindi siya magdalawang-isip na mag-invest sa kumpanya namin. Hindi pa naman ako nasisiraan ng bait para tuluyang bumigay sa kanya.
Kusa na akong huminto at lumayo sa kanya dahil parang ayaw pa niyang tumigil. “D-don't do it, please,” I pleaded as I gasped for air.
“I won't do it, basta pumayag ka na sa pabor na hinihingi ko sa ‘yo.”
Sumimangot ako. “Lagi ka na lang bang may hinihinging kapalit?”
Nilapit niya ang mukha sa akin. “Ayoko kasing pinaghihintay ako ng matagal, mine. Kaya ibigay mo na ang sagot sa akin ngayon,” sabi niya habang dinadampian ako ng halik sa labi.
“Ang usapan ay usapan. Two days,” matigas na sabi ko.
He released a deep sigh before nodding. “Fine.” May dinukot siya sa bulsa ng kanyang pantalon. Nagliwanag ang mukha ko nang makita ko na hawak niya ang phone ko. “Here.”
Kaagad ko itong kinuha sa kanya at nakangiti siyang sinulyapan. “Thank you.”
Natigilan ako dahil mataman siya na nakatitig sa akin. Mahirap basahin kung ano ang tumatakbo sa isipan niya. Blangko rin ang ekspresyon ng kanyang mukha.
Alanganin akong ngumiti sa harap niya. “B-bakit?”
Hinawi niya ang takas kong buhok, bago inipit sa likod ng tainga ko. “Nothing,” sabi niya habang titig na titig sa akin.
Ilang segundo namayani ang katahimikan at nanatili lang siyang nakatitig sa akin. Makalipas ang ilang segundo ay muli siyang nagpakawala ng buntong-hininga.
“Sige na. Pumasok ka na sa bahay n'yo,” pagtataboy niya sa akin.
Tumango-tango na lamang ako at mabilis na umalis sa kandungan niya. Hindi ko na rin siya nilingon nang lumabas ako sa kotse niya. Diretso ang naging lakad ko. Pagpasok ko sa gate, saka ko narinig ang papalayo niyang sasakyan..
Marahas akong nagbuga ng hangin, sabay sapo sa dibdib ko dahil ngayon ko lang napagtanto na mabilis pala ang t***k ng puso ko. Kinalma ko muna ang sarili bago pumasok sa bahay. Kaagad akong pumanhik sa silid ko.
Naligo muna ako dahil galing ako sa labas. Pagkatapos maligo at magbihis ay sumampa na ako sa kama. Hindi pa naman ako inaantok kaya hihintayin ko na lang na matuyo ang buhok ko.
Binuksan ko ang phone ko. Tiningnan ko kung totoo ang sinabi ni Thomas na nagpadala na siya ng mensahe sa kuya ko. Nakahinga ako ng maluwag dahil may text nga ako— I mean, sila na pinadala sa kapatid ko. Ngunit napansin ko na parang kaunti na lang ang messages sa inbox ko, at ang tanging natitira ay message ng mga magulang ko, kay Kuya Clarkson, at Thea. Nang tingnan ko ang contacts ko, iilan na lang ang natitirang numero sa phone ko— na halos babae lahat.
Nagduda agad ako. Walang ibang magbubura ng mga numero kundi ang lalaking iyon, dahil siya ang huling may hawak ng phone ko. Hindi nga nagbasa, binura naman nila ang mga mensahe at numero na naka-save dito!
Nanggigigil na kinuyom ko ang kamao ko. Iniinis talaga ako ng lalaking iyon. Hindi ako natutuwa sa pangingialam niya sa personal na gamit ko. Sino ba siya sa akala niya? Hindi niya ako pag-aari para pakialaman niya ako!
“Pahihirapan kita,” tiim bagang na usal ko.
Hindi ko kaagad ibibigay ang sagot ko. Bahala siyang maghintay.
Two days? Huh! Maghintay siya hanggang sa mamuti ang mata niya.
Inis na hinagis ko ang phone ko sa kama, kaya tumalbog ito. Makalipas ang ilang sandali ay tumunog ito. May tumatawag sa akin. Tinatamad na dinampot ko ang phone ko para tingnan kung sino ang tumatawag sa akin ng ganitong oras.
“Yours?” I muttered upon seeing the registered name on my phone. I don't remember saving a name like this.
Kahit puno ng pagtataka ay sinagot ko ito. “Sino ‘to?” kaagad na tanong ko.
“It's me. Thomas.”
Marahil, bago niya binigay ang phone sa akin ay nilagay na niya ang kanyang numero. Pero bakit ganito naman ang nakalagay? Ano'ng trip niya?
“Bakit yours ang nakalagay dito sa contacts ko?” nakasimangot na tanong ko.
Narinig ko ang palatak niya sa kabilang linya. “It's because I'm yours, and you are mine.”
My jaw dropped. Ang lakas din ng tama ng lalaking ito. Pero mabuti na rin na tumawag siya dahil may gusto akong linawin sa kanya.
“Bakit n'yo binura ang mga contacts ko?” inis na tanong ko.
“I didn't,” sabi niya na parang wala siyang ginawa.
“Maang-mangan ka pa e, nawala nga ang ibang contacts sa phone ko,” giit ko pa.
“Yeah. Pero may tinira pa rin ako. Even your friend's number is still on your phone.”
“Kahit na. Mga staff ko sa factory ang mga number na binura mo!” asik ko rito.
“Are you mad?”
Bwesit! Nagtanong pa talaga.
“Sinong hindi magagalit? You are completely invading my privacy, you—”
“What? Go on, continue.”
Parang gusto ko siyang tirisin. Kung nasa harap ko lang siya, baka nilamutak ko na sa gigil ang pisngi niya dahil sa inis ko. Iniisip ko lang kasi ang magiging ambag nito sa Sevilla Real Estate Company, kaya hindi ako makabwelo na magsalita ng hindi maganda tungkol sa kanya.
“Ewan ko sa’yo! Don’t disturb me again. Ever!” nanggigigil na sabi ko, sabay na pinatay ang phone ko.
Huwag na sana kaming magkita na dalawa. May dahilan ako para hindi ko na pag-isipan ang pinag-usapan naming dalawa. Lumagpas na siya sa limitasyon. Ngayon pa lang kami nagkakilala, pero kung pakialaman niya ako, ay daig pa ang magulang ko.
Kahit mabigat ang loob ay mabilis akong nakatulog. Paggising ko ay umaga na. Kaagad kong tinungo ang banyo para maligo. Makalipas ang ilang minuto ay lumabas na ako para magbihis. Bago ako bumaba ay binuhay ko ang phone ko. Matagumpay akong napangiti dahil wala akong natanggap na mensahe mula sa lalaking kinaiinisan ko.
“Good morning, Mom,” masiglang bungad na bati ko kay mommy na kasalukuyang nagkakape sa sala.
“Good morning, anak,” nakangiting tugon nito at tumayo. “May ginawa akong tuna sandwich. Bigyan mo rin ang mga staff mo.”
Pinatong ko ang handbag ko sa sofa bago umangkla sa braso ni mommy. Sabay namin na tinungo ang kusina. Nakalagay na sa food container ang sandwich na ginawa niya.
“Hindi ba pwedeng magpahinga ka muna ngayong araw, anak? Anong oras ka na ba umuwi kagabi?” tanong ni mommy habang nagtitimpla na ng kape ko.
“Kailangan kong pumasok, Mom. May gagawin ako sa store.”
“Bakit hindi ka kumuha ng partner sa store mo? Hindi lang kasi store ang inaalala mo, kundi maging factory ay iniisip mo. Mas magandang may papalit sa ‘yo kapag wala ka. Para nakakapagpahinga ka rin at nababawasan ang inaalala mo,” payo nito sa akin.
“Kailangan ko maging hands on sa store at factory, Mom. Okay lang naman na naka-focus ako kasi nag-iisa lang ang business ko.”
“Ikaw lang ang inaalala ko, anak. Baka magkasakit ka niyan sa sobrang hands on mo sa business mo,” nag-aalala na sabi nito.
Napangiti ako. “Don't worry, Mom; I will take care of myself. Hindi ko lang talaga pwedeng ipagkatiwala sa iba ang business ko.”
“O, s'ya, sige. Basta, ‘wag pabayaan ang sarili.”
“Copy that po,” malambing na tugon ko.
Pagkatapos ko mag kape ay gumayak na ako. Pero bago ako pumasok ay bumili muna ako ng bagong sim card. Magpapalit ako ng numero para hindi niya ako ma-contact. Akala siguro niya ay maiisahan niya ako. Mas mautak ako sa kanya!
Mabilis na lumipas ang dalawang araw na binigay niyang palugit sa akin. Napapangiti na lang ako dahil mukhang nagtagumpay akong itaboy siya. Siguro ay natauhan at nakapag-isip-isip na hindi ako ang tipo ng babae na magpapamanipula sa kanya.
“Ma'am Chazzy, mauna na po kaming umuwi sa inyo.” Paalam ni Gellie nang pumasok ito sa opisina ko.
“Sige. Ingat kayo.”
May gagawin pa kasi ako kaya hindi pa agad ako makakauwi. Humingi na rin ako ng permit sa admin ng mall, just in case na hindi ko kaagad matapos ang ginagawa ko.
Naiwan akong mag-isa sa store. Binuksan ko lang ang pinto ng opisina para alam ko kung may roving guard na pumasok para tingnan kung may permit ako.
Nakinig ako ng music sa phone ko para malibang ako kahit paano. Masyado kasing nakakabingi ang katahimikan. Makalipas ang ilang sandali, napatingin ako sa bungad ng pintuan ng opisina ko nang may kumatok dito. Huminto ako sa ginagawa ko at tinigil muna ang music bago nakangiting binalingan si Kuya Reggie na nakatayo sa bungad ng pintuan.
Kinuha ko ang permit na nakapatong sa ibabaw ng table bago tumayo at lumapit kay Kuya Reggie. Pinakita ko sa kanya ang permit.
“Hindi ito ang pinunta ko, Ma'am Chazzy.”
Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi nito. “Gano'n ba? Anong atin, Kuya Reggie?” nakangiti pang tanong ko.
“May gustong kumausap sa ‘yo.”
Kumunot ang noo ko. “Sino?”
Ang admin kaya ng mall? Ang alam ko ay binayaran ko na ang renta ng store ko.
Lumabas ako sa opisina at sumunod kay Kuya Reggie. Ngunit hindi ako nakahuma at unti-unting naglaho ang ngiti ko sa labi nang makita ko kung sino ang seryosong nakapamulsa na nakatayo sa loob ng store ko. Nang makita ako nito ay pinaningkitan niya ako ng mata. Bigla akong nabahala sa naging reaksyon nito sa harap ko.
Akala ko pa naman ay hindi na niya ako guguluhin. Pero heto siya, nag-iigtingan ang panga habang nakatingin sa akin.
“Pwede mo na kaming iwan, Reggie.”
“Sige po, sir.”
Nang lumabas si Kuya Reggie, hinintay lang niyang makalayo ito bago walang emosyon na naglakad palapit sa akin. Hinawakan niya ako sa braso at kaagad na hinila papasok sa opisina ko. Para lang akong papel na binitiwan niya.
Padabog niyang sinara ang pintuan bago ako hinarap. “Tapos na ang palugit mo, Chazzy Sevilla. Give me your answer now,” maawtoridad niyang sinabi.
Hindi ako nagpatinag sa harap niya. Ipapakita ko na kaya ko siyang tapatan, na hindi ako ang tipo ng babae na mapapasunod niya.
Tinaasan ko siya ng kilay. “Sinadya mo ako dito para lang sa sagot ko?” Pumalatak ako, bago pagak na tumawa. “After what you did, do you think you still have the right to command me?” Tukoy ko sa pakikialam niya sa mga contacts ko.
Malinaw kong nakita ang pag-igting ng panga niya. Mayamaya lang ay inisang hakbang niya ang kinatatayuan ko. Napangiwi ako nang mahigpit niyang hinawakan ang braso ko.
“Kaya ba nagpalit ka ng number?”
“Yes. Siguro naman ay may karapatan akong mag palit, ‘di ba?”
“You are really getting on my nerves, woman. Kapag nagmatigas ka pa, hindi mo magugustuhan na magalit ako.” His voice was full of threats.
“What? Gagamitin mo ang impluwensya mo para pabagsakin ang kumpanya na pinaghirapan ng ibang tao? Palalayasin mo rin ako dito sa mall n'yo, gano'n ba?” Pagak akong tunawa. “Lumaban ka ng patas, Mr. Vittori. Hindi ‘yong paglalaruan mo kami sa mga kamay mo dahil lang sa hindi nasunod ang gusto mo!” matapang kong sagot dito.
Kumunot ang noo ko nang ngumisi siya. Mayamaya lang ay biglang naging kalmado ang mukha niya, na labis kong ikinabahala. Hanggang sa unti-unting sumilay ang ngisi sa labi niya.
“Gusto ko ang pagiging matapang mo sa harap ko, mine.” Lumuwag ang hawak niya sa braso ko. Ngunit napasinghap ako nang bigla niya akong hapitin sa baywang. “Sige, pagbibigyan kita. Para sa ‘yo, lalaban ako ng patas,” mahinahon niyang sabi.
Dumapo ang isang kamay niya sa pisngi ko at marahan itong hinaplos. Hanggang pinasadahan ng daliri niya ang nakaawang kong labi.
“But for now, I will teach you a lesson that you won't forget,” nakangisi niyang saad.
Muli na naman akong nabahala. Parang may kung anong naglalaro sa utak niya.
“A-anong gagawin mo?”
“I will give you an idea of how I get mad. Don't worry, you won't get hurt. Baka nga hanap-hanapin mo pa ang galit na ipararanas ko sa 'yo ngayon.”
Nagtaasan ang balahibo ko sa buong katawan ng sumilay ang tila demonyong ngiti sa labi niya. Kaya ngayon ay labis na ang kabog ng dibdib ko sa posible niyang gawin.